- Messages
- 120
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
kung gusto nyong umunlad ang pilipinas? bat kailangan nyo pang mag-away away? sa tingin nyo ba natutuwa ang ating inang bayan sa pinaggagawa nyo? tignan nyo ang south korea, kasing ganyan ang pilipinas nung 1950, pero ngaun tayo naman ang nasa kagalayan ng south korea noong 1950. marahil hindi nga ang bansa natin pinakamahirap na bansa sa buong mundo pero maghihhintay pa ba tayo na bumagsak ulit ang ating bansa. may mga taong gustong baguhin ang pangalan ng ating bansa para sa pagbabago, may mga moro naman na nag-aaklas para sa pagbabago, patayan at digmaan ba ang solusyon para sa pagbabago o ang pagtutulungan ng bawat tao na nasa pilipinas? tapos lahat ng kahirapan sa pilipinas sinisisi natin sa gobyerno. di ba natin naisip na tayo ring mga mamamayan ang solusyon? kung magiging disiplinado lang tayo at lunukin natin ang ating mga pride, at magtulungan sigurado may bagong pilipinas na maaninag ang susunod na henerasyon, isang mapayapang pilipinas, isang magandang pilipinas, isang maunlad na pilipinas at isang tunay na bansa. kailan pa tayo kikilos, kung wala na ang pilipinas? ibalik natin ang dating perlas ng silanganan ng mundo. ang pilipinas na naging inspirasyon ng ibang bansa. ang pilipinas na walang mga mayayaman na nagpapahirap at ang pilipinas na pinaghirapan ng ating mga bayani.