Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Hindi ikaw ang mundo.

nung umalis ka,
hindi naman nawasak ang mundo ko,
nanatili pa rin itong buo,
patuloy sa pag ikot,
patuloy sa pag lalakbay.

hindi naman kasi ikaw ang anyong lupa at tubig nito,
hindi ka isa sa kontinente, o bansa.
hindi rin isa sa probinsya, o siyudad,
hindi rin barangay,

kundi isang munting bahay
sa tabi nang dalampasigan,
ramdam ang pagaspas ng hangin sa mga puno,
kita ang pag sikat at paglubog ng araw sa hangganan,
malinaw na naaanig ang sinag ng buwan,
na sabay nating tinitignan ang kalawakan,
sa pag hihintay ng mga daraan na bulalakaw sa kalangitan.

ikaw ang bahay na tinawag kong tahanan.
binuo sa pangarap ko na ang tahanan na ito,
ito lang ang tanging uuwian ko,
ang tanging tahanan na nakikita ko sa bawat pagsisikap ko,
ang makita sa tahanang ito ang ikaw at ako.

ngunit hindi laging mataas ang sinag ng araw na nakatago sa mga ulap,
dumating ang bagyo,
na ang tahanang nabuo ko,
binayo ng galit na hangin,
winasak ng mga alon ,
na ang tahanang nabuo sa pangarap ko,,
nawalang isang iglap,
naglaho ang bawat haligi at pundasyon,
walang ng bakas,
tanging bakas ng pag kawasak

kaya noong umalis ka,
hindi nawasak ang mundo ko,
kundi nawala ang tahanan na balang araw ay uuwian ko.
 
Back
Top Bottom