Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Hu u?

"Daaamnnn!!!!" Sigaw ng babae sa isang mall. Halos natawag ang atensyon ng lahat ng nasa paligid. Kung ano ang dahilan, walang nakakaalam.

Natawa ako sa di ko maipaliwanag na rason. Pumasok siya sa bookstore at may kung anong espiritu ang nagdikta sa akin para sundan siya. Nakapagtataka, mahinahon na ang babae sa loob para bang wala siyang pakialam sa ginawa niyang eksena. Nag-ikot-ikot ako kahit wala naman akong bibilihin sa loob. Pero nakapako pa din ang isang mata ko sa babae. Naging instant stalker yata ang dating ko.

Napakunot noo ako. Kahit ang pinakasikat ng skin clinic di kayang alisin ang linyang nabuo dito. May dumaan lang na dambuhalang ale, nawala na sa paningin ko ang weird na babae. Dinaig pa ang teleportation ni Son Goku.

Inikot ko ang mga shelves pero di ko siya natagpuan. "Napakaweird niya." wika ko sa sarili. "Sumigaw na lang basta tapos ngayon naging invisible."

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ng weird na babaeng nakaupo sa sahig ng bookstore habang nagbabasa.

Naloko na. Nabuking pa yata ako. "Hindi ah." Tanggi ko naman agad. Parang akong politikong expert sa pagdedeny kapag may kasong kinasangkutan.

"Ok," sagot niya at muling nagbabalik sa pagbabasa.

Humagilap ako ng libro para makakuha ng tyempo at kausapin siya. Gusto kong malaman ang dahilan ng pagsigaw niya. Pinalipas ko muna ang ilang saglit bago muli akong lumapit. "Try mo 'tong tutubi-tutubi ni Jun Cruz Reyes."

"Maganda ba 'yan?" Hindi siya tumingin sa hawak kong libro pero at least hindi nya ako dinedma.

"Magandang-maganda. Favorite author ko ang sumulat nito kaya hindi ka lugi kapag binili mo 'to."

"Bookworm ka ba o salesman?" Sa wakas tumingin siya sa akin.

"Hindi naman. Naadik lang siguro ako sa mga sinulat niya."

"Ok." Naging mailap muli ang babae matapos ang maikling mausapan. Namayani muli ang katahimikan sa aming dalawa.

Sayang naman ang effort ko kung palalamsin ko lang ang pagkakataon. "Nga pala, bakit ka sumigaw kanina? May nangyari ba?" Tahimik lang siya. Wala akong narinig na sagot. "Sorry kung nangengelam na ako ng sobra." Lumakad na ako palayo hindi nga naman tama kung manghimasok pa ako sa mga bagay na hindi ko dapat pinakikialaman.

"Masarap sigurong basahin ang librong ito habang nagkakape," pahabol niya. Huminto ako sa paglalakad. Inirewind ko sa aking tenga ang mga sinabi niya. Sa naging sagot niya alam kong may patutunguhan ang aming usapan. Malamang may problema siya kaya siya sumigaw at iyon ang way niya para magrelease ng tension.

"Mas masarap uminom ng kape kapag nagkukwentuhan," suwestiyon ko. "Lalo kapag may gusto kang ilabas na hindi mo masabi sa iba."

"Hindi ka lang pala bookworm or salesman... may pagkamanghuhula ka pala."

"Chamba lang siguro." Pagkabayad niya sa counter ay automatic na naglakad ang aming mga paa papunta sa coffee shop.

Habang naglalakad, nagsimula na siyang magkwento. Hindi niya matanggap na nagawa agad siyang palitan ng kanyang ex-boyfriend after ng isang buwan ng break-up.

"Mas ok na siguro sa iyo ako mag-open tutal hindi mo kilala ang mga taong involve. Yes, I'm bitter kaya noong nakita ko ang ex ko dito sa mall with his new girl ay napasigaw na lang ako.."

Pakiramdam ko anumang oras ay babagsak ang luha sa kanyang mata at maaring magdulot ng baha sa edsa dahil sa tindi ng namumuong sama ng panahon sa kanyang mga mata. Pinaupo ko muna siya sa may labas ng coffee shop. Hinintay kong kumalma ang kanyang loob. Hanep ang pakiramdam para akong nasa pelikula. Ngayon lang ako naexperience maging crying shoulder.

"May panyo ka? Tutulo na kasi ang sipon mo. Madudumihan ang T-shirt ko, lagot ako kay ermat." Pinatawa ko siya kahit corny ang joke pero effective naman.

"Nag-eemote na nga ako bigla mo naman akong papatawanin." Umakto siya na parang bata at itinaas ang isang paa sa katapat na upuan.

"Ayoko ko kasi makakita ng babae umiiyak. Pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kahit wala naman akong ginawang kasalanan."

"Pangit ba ako?"

"Hindi ah. Mas maganda ka pa nga sa mga bumasted sa akin. Alam mo hindi ka dapat umiyak at least naranasan mo mahalin. Nakakahiya man aminin hindi pa ako nagkakagirlfriend."

"Seryoso ka?Age mo?"

"23. Daig pa nga ako ng mga helper namin sa tindahan, minimum nila ang dalawang girlfriend."

"Pinapatawa mo naman ako."

"It's not a joke. Its my way para palakasin ang loob mo. Siguro hindi talaga siya para sayo, magpasalamat ka na lang na naging part siya ng buhay mo."

"Dami mo alam tapos hindi ka pa nagkakagirlfriend niyan ha."

"Well, base lang naman iyon sa view ko."

"So. Gusto mo magkagf?"

"Oo naman. Pero sino ba naman ang papayag ng instant gf? Kung magkakagirlfriend ako mapapahiya ang lahat ng kumakantyaw sa akin!" wika ko sa kanya habang inilalarawan ang itsura ng mga taong tumatawa sa aking sa tuwing ilalampaso ako ng mga babaeng niligawan ko.

"Ako papayag ako na maging instant girlfriend mo. Pero magpapanggap lang."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pathetic na kong pathetic ang move na 'to. Pero gusto kong ipamukha kay Dexter na kaya ko din siya palitan agad. Kung papayag kang magpanggap na bf ko magagawa ko iyon at on your part mapapahiya na ang mga kumakantiyaw sa'yo."

"Hindi ka natatakot?"

"Military man ang Papa ko at black belt ako ng taekwondo."

Napaatras ako. "Ako pala ang dapat matakot."

"Dapat lang," pagmamalaki niya. "At alam ko namang good boy ka. Itsura mo pa lang." Tinanggal niya ang suot kong salamin. "Cute ka pala kapag walang glasses."

"Sige pumapayag na ako dahil sinabi mong cute ako." Hindi naman ako uto-uto, naisip ko lang na wala namang mawawala sa akin. Una, lalaki ako at pangalawa gusto ko din makaexperience ng excitement.

itutuloy...
-----
palimos ng comments... :lmao:

palike naman sa fb : http://www.facebook.com/tuyongtinta



2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
 
Last edited by a moderator:
Re: Hu u? (6)

Namuo ang laway sa aking lalamunan. Hindi agad ako nakapagsalita. Binalot ako ng takot parang gusto kong umuwi at manood na lang ng doraemon. Kung mabubuking kami sa kalokohan namin, malamang isang suntok lang niya burado agad ang mukha ko.

"O-opo." Alerto akong tumayo ng tuwid kahit halatang may mga dagang nagdadaos ng intramurals sa aking dibdib.

"Matatagalan pa siguro si Jane. Alam mo naman ang mga babae, mabagal kumilos at inuubos ang oras sa harap ng salamin."

Hindi ko alam ang isasagot. Sa totoo lang, first time kong dumalaw sa bahay ng babae kaya hindi ko alam ang katanggap-tanggap na kilos. "Oo nga po. Dami kasi nilang rituals bago lumabas ng bahay."

"Naglalaro ka ba ng chess?" Ituro niya ang mesang yari sa marmol sa may garden. Nakaset-up na ang chess pieces sa ibabaw ng mesa. "Chess muna tayo habang di pa bumababa ang hinihintay mo."

Ngumiti ako ng bahagya kahit medyo pilit. Pakiramdam ko inilaglag ako ni Jane. Malamang pinagtatawanan niya ang itsura ko ngayon. Daig ko pa ang manok na di makaitlog sa kaba. "Naglalaro po hindi nga lang magaling," sagot ko.

Ipinatong niya ang kanyang kanan kamay sa aking balikat at inalalayan ako patungo sa garden. Wala akong balak maging sundalo dahil mabigat ang baril pero parang mas mabigat pa ang kanyang braso. Feeling close na agad siya sa akin. Kung hindi lang siya daddy ni Jane malamang binigwasan ko na.

"Paborito kong laro ang chess sa katunayan kahit nag-iisa ako naglalaro ako nito." Siya ang unang tumira gamit ang English opening. Iniangat ko naman ang isang pawn para pigilan ang balak niya.

"Pansin ko nga din po sa mga sundalo mahilig talaga sa board games. Bukod po sa nakakatanggal ng stress parang sinasalamin ng larong ito ang profession n'yo."

"Tama ka Hijo. Pero serbisyo ang ginagawa namin hindi propesyon," pagtutuwid niya sa sinabi ko. "Bukod dun, inihahambing ko sa larong ito ang isang pamilya."

Naunawaan ko naman ang gusto niyang sabihin. Itinuturing niyang siya ang mga pawns sa larong chess, ang queen ang mahal niya sa buhay at ang king ang kanilang tahanan. Bilang isang pawn, kailangan protektahan ang lahat at maiwasan ang pagkasira ng tahanan. Seryoso ang aming pag-uusap. Ramdam ko kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang pamilya.

"Nauunawaan ko po," sagot ko sa kanya kahit hindi naman ako masyadong interesado sa kwento at drama ng buhay n'ya.

"Loi?"

"Po?"

"Gaano mo kamahal ang anak ko?"

Natigilan ako. Inaamin ko maganda si Jane pero wala akong pagtingin sa kanya. Si Sofia pa rin ang laman ng puso ko. "Kung sa chess po, ako ang knight." Binuhat ko ang pyesang hugis kabayo at inalis ang kanyang rook. "Handa ako pasukin ang buong kaharian ng kalaban para maiwasan ang pagkasira ng sarili kong kaharian. Handa din po akong magsakripisyo para hindi mapahamak ang aking reyna."

Napalitan ng ngiti ang seryoso niyang mukha. "I like you, Hijo. Sana maging madalas ka dito. Huwag mong sasaktan ang anak ko." Siguro dapat anak niya ang sinasabihan niya dahil lagi akong gustong balian ng buto.

"Makakaasa po kayo." Ayos nakuha ko ang loob niya. Kung kakampi ni Jane ang Mommy ko, ang Daddy naman niya ang alas ko. Ang pagkakataon nga naman hindi mo alam kung kailan naglalaro.

"Sa itsura mo naman alam kong hindi ka gagawa ng masama." Hindi ba katanggap-tanggap ang itsura ko? Siguro mukha lang talaga akong anghel kaya niya nasasabi yon. Kinamayan niya ako biglang pagtanggap sa kanyang pagkatalo. "Salamat sa laro, rematch tayo sa muli nating pagkikita." Daldal kasi ng daldal kaya natalo.

Tumayo kami at bumalik sa sala. Bumaba si Jane ng hagdanan tulad ng napapanood ko sa pelikula na may kabagal ang paglakad. Parang gusto kong batukan sa bagal ng kanyang kilos. Humarap siya sa amin. Lumaki ang mata ko sa nagsusumigaw niyang dibdib pero inalis ko din agad. She's extremely gorgeous. Hindi ako makapaniwala na makakadate ko ang ganitong nilalang.

Kinurot ko si Jane para alam kong hindi ako nanaginip. "Aray!" sigaw niya. Hindi nga panaginip kasi nasaktan siya, akala ko kailangan pang tadyakan. "Para san yon?"

"Wala lang. Trip ko lang."

"Sus. Lalo ka lang nainlove sa akin." Kayumanggi ang kulay ko pero namula ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi ko namamalayan na matagal na akong nakatitig sa mukha niya. She looked innocently beautiful. Nangungusap ang mata niya sa bawat buka ng bibig niya.

"Ehem. Hindi pa ba kayo aalis baka kayo na lang ang hinihintay sa party."

"Si Loi po kasi. Sobrang aga dumating."

"May kabagalan ka lang talaga kumilos Jane. Hindi ka na nahiya sa bisita mo." Yehey! May kakampi na ako. Akala ko, ako lang ang laging talo.

Hinawakan ni Jane ang aking braso at naglakad kami palabas ng bahay. May kakaibang pakiramdam ang gumuhit sa aking pagkatao. Ganito pala ang pakiramdam ng may girlfriend. Hindi ko maiwasang kiligin ako lalo na kapag dumidikit sa akin ang kanyang balahibo. "Aalis na po kami. Salamat din po sa laro." Sasabihin ko pa sana na magpraktis sya.


Nag-uumpisa na ang party noong dumating kami. May mga nagsasayaw na. Naalala ko tuloy noong JS Prom, hindi ako nagsayaw buong gabi dahil gusto kong first at last dance ko ang crush ko. Tumayo agad ako noong nadinig ko ang akmang kanta para sa aming dalawa. Perpekto na ang timing ko. Hindi nga ako kinakabahan kaso bigla akong sinabotahe ng Meralco.


Unang hinanap ni Jane si Dexter at girlfriend nito. Noong makasigurado na nandoon ang dalawa, hinila niya ako para imbandera sa mga kaibigan niya. Ipinakilala sa mga babaeng kita na ang kaluluwa at mukhang kagalang-galang na nilalang. Gusto niyang ipamukha sa lahat ng may boyfriend na siya. Para tuloy showtype pitbull na ilalaban sa dogshow.
Pero sa kabila ng effort niya tila walang epekto kay Dexter. Hindi nga naman ako ang tipo ng lalaki na dapat pagselosan. Wala akong panama.

Nagpaalam sa akin si Jane para pumunta ng ladies room. Palagay ko naman hindi siya nagbabawas pero mahigit kalahating oras na hindi pa siya bumabalik. Nag-ikot-ikot ako sa venue para mawala ang aking pagkainip. Alam ko kailangan ng space ni Jane at ang ladies room ang napili nyang venue. Dahil sa sakit ng nararamdaman niya.

Binusog ko ang tiyan pati ang aking mata. Hinanap ko naman agad si Jane noong nagsawa na ako. Nakita ko siyang nakaupo sa may damuhan malapit sa kalsada. Bahagya niyang niyakap ang sarili para bawasan ang lamig na dala ng hangin. Lumabas ako para samahan siya at sa takot din na iwan ako.

Nagulat siya nang maramdamang may humawi sa kanyang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. "Umiiyak ka?" tanong ko kahit obvious naman.

"Hindi!" tanggi nya kahit panay ang kanyang hikbi. "Napuwing lang."

"Okay ka lang? Hindi ka na kasi bumalik sa loob."

"Masyadong masikip para sa akin ang lugar."

"Alam ko nasasaktan ka. Kaya mo pa ba? Uwi na kaya tayo?"

"Mamaya na lang. Dito na lang muna tayo."

"Sayang naman ang suot mo kung ako lang ang audience mo." Nakuha niya ang ibig kong sabihin.

Ngumiti siya. "Pinangiti mo na naman ako. Dami ko na tuloy utang sayo."

"Kailan mo balak magbayad?" biro ko. Tumitig siya sa akin. Matagal nagtama ang aming mga mata. Napalunok ako dahil wala yata siyang balak alisin ang tingin sa akin. Naobvious pa siguro na nagblush ako.

"Loi, kiss me. Now!" Biglang bumilis ang drum roll sa dibdib ko. "Please." Kusa siyang pumikit. We shared a kiss which was not intent to be more intimate. Smack lang pero nakapikit pa din siya kaya humirit pa ako ng isa. Nagdulot iyon ng nakakapanghinang pakiramdam. Hindi ko maexplain ang aking nararamdam. Kinikilig yata ako.

itutuloy....


http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com/

:whistle:minamadali ako, di naman nagcocomment :whistle:
 
Last edited:
Re: Hu u? (6)

:wow: may kilig moment na.. :wub: :lol:
at infairness.. ang ganda ng analogy between chess and life.. :thumbsup:
iba ka talaga panjo.. :salute:
ang galing.. :praise:
 
Re: Hu u? (6)

whooo!!! :wow: ganda po talaga... hanep mga linyo mo panjo.. haha :thanks:
 
Re: Hu u? (6)

paksyet....ang lupet ng kwento...at ang bilis pa,kaka-inlove naman si Jane, kilig 2 d bones na naman mga lalaking followers ni boss panjo haha.
 
Re: Hu u? (6)

waaaaah...part 6 na pala....ang galing po talaga ninyo manong panjo.hehehe
nakakakilig po iyong kwentong ito...sana lahat ng mga babae sa pd eh sa sb po pala eh mainlove sa inyo....
 
Re: Hu u? (6)

panjo.. may nagPM na ba sayo?.. :rofl:
im sure this time marami ng magpPM.. :lmao:
 
Re: Hu u? (6)

di ako mahilig magbasa pero napatigil ako sa kwento mo..hehe..
sige ha basa muna uli..nasa part 2 na ko..hehe..:thumbsup:
 
Re: Hu u? (6)

mukhang mawiwili ako dito ah..hehe
 
Re: Hu u? (6)

Ambilis ng phasing ah..Hahaha kinilig nanaman ako..
 
Re: Hu u? (6)

wala pang kasunod papa P :pacute:
 
Re: Hu u? (6)

Aw nabitin ako, wala na bang kasunod? Hehehe :thanks: u !
 
Re: Hu u? (6)

wew.. daming kong namiss.. ngayon lang uli ako nakalog in :weep:...

excited na ako sa nest kabanata:yipee:
 
Re: Hu u? (6)

lng hiya n padaan lng sana aq di2 ..npabasa 2loy ng isang oras mahigit..hahahah ayus to ah aabangan q ksunod nito...hahaha galing mu otor:excited::excited::excited:
 
Re: Hu u? (6)

panjo panjo..sulat na..hehe
dami ng adik..:lol:
 
Re: Hu u? (7)

Ilang beses kong kinagat ang labi ko para namnamin ang sarap ng halik ni Jane. Masarap pala talaga ang kiss daig pa ang lasa ng paborito kong pampanga's best tocino. First kiss kaya nasabik ako. Kung dati, poster lang ni Basha ang hinalikan ko ngayon tao na talaga.

"Jane? Bakit wala kayo sa loob?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa aking likuran. Palagay ko nakita niya ang aming ginawa. Nasira ang pagmomoment ko. Ibinaling ko ang aking paningin sa nagsalita. Si Dexter.

"Having our quality time. I think?" Nagtaas pa ng kilay si Jane. Buti na lang ibinaba nya ulit mukha kasi siyang character sa sesame street. Ngayon malinaw na sa akin kung bakit humiling ng kiss sa akin si Jane. Akala ko pa naman bukal sa loob niya parte pa din pala ng palabas. Pero okay lang naenjoy ko naman.


"Dito sa labas?" Natatawang wika ni Dexter na tila nangungutya.

"Romantic nga dito tsaka ano bang pakialam mo?"

"Bakit parang galit ka? Naipakilala ko na sa lahat ang girlfriend ko. Sayo na lang hindi kaya pinuntahan kita dito." Tumalikod si Dexter at humakbang palayo. "Take your time, pasensya na sa abala."


Hindi na ako sumingit sa usapan ng dalawa. Alam kong may plano si Jane. Alam ko parte lang ako ng mga gimik nya para ipamukha kay Dexter na nakamove-on na siya. Hindi ko alam kung dapat pa akong sumunod sa kanya pero kung palagi naman niya akong hahalikan hindi na siguro ako lugi. Natakot ako sa paghaharap nila. Akala ko magkakagulo pa. Mataas na kasi ang boses ng dalawa. Buti na lang kontrolado ni Dexter ang sarili nya, takot siguro mataekwondo. Halos pagpawisan ang kili-kili ko sa sobrang kaba.

Matapang na hinarap ni Jane si Dexter pero ngayon muli siyang lumuluha. Nasasaktan. Gusot na gusot ang kanyang mukha.

"Ano pa bang kulang sa akin?"

"Wala Jane. Wala."

"Bakit mabilis siyang nakamove-on? Tapos napalitan na agad ako."

"Jane. Hindi naman karera ni pagong at kuneho pagmomove-on. Ano ba ang dapat? Sabay ba o mauuna dapat ang babae?"

"Hindi ko alam. Hindi naman ako pagong e." Hay naku. Pilosopo. Humikbi siya. "Siguro dapat ko na talaga siyang kalimutan." Pinahid ko ang luhang unti-unti bumubura sa make-up niyan ilang oras ding pinagpaguran. Kung alam ko lang na iiyak siya dito hindi na sana kami umattend. Nag-stay na lang sana kami sa bahay at nanood ng bala sa bala.

"You don't need to forget him. Just accept na wala na kayo. Na hindi na siya parte ng buhay mo."

"Zoilo, dati bookworm ka tapos salesman ngayon love doctor ka na."

"Tama na ang iyak! Zoilo na tawag mo sa akin e. Sige ka baka mainlab ka pa sa akin."

"Yuck!"

"Uwi na tayo! Bago pa lumalim ang gabi at magnasa ka pa!" Tumayo ako at hinila ang kamay ni Jane.

Pumunta siya sa likuran ko. Iniikot ang dalawang kamay sa leeg ko. "Loi, kargahin mo 'ko."

"Bigat mo kaya!" sumbat ko pero ngiti lang ang iginanti niya sakin. Lumaki ang mata nya at halatang nagpapacute.Nagpakipot muna ako pero pumayag din naman akong kargahin siya bago pa lumuwa ang mata nya. "Sagwa natin, nakapormal tayo tapos ganito ang itsura natin."

"Hanggang bahay tayong ganito huwag kang mag-alala." Sumimangot ako. Tumawa si Jane. Parang nagiging hobby nya ang asarin ako. May pagkakataong bumibitaw pa siya sa pagkakayap sa leeg ko kaya ramdam ko ang bigat.

"Bumaba ka na bago pa kita ihulog sa estero."

"Kapag may dumaang taxi pauwi bababa na ako."

"Niloloko mo ba ako?"

"Hindi ah. Kapag may dumaang taxi bababa na talaga ako!"

"One way to e!"

"So? Maglakad ka pa hanggang hindi na one way."

Pinagbigyan ko na lang gusto ni Jane kahit pagod na ako kesa naman manatili kaming doon sa party at nasasaktan siya. Tsaka pangit naman kasi ang may kasamang umiiyak lalo pa't wala naman akong kasalanan. At least ngayon nakangiti na si Jane. Narealize ko, mas nakakaliw siyang kasama kapag nagtataray siya. Pero bakit ba ako concern sa kanya? Ewan.

Tulag ng dati, nakaupo ulit kami sa bangketa habang naghihintay ng taxi. Kahit pinagtitinginan kami ng mga tao hindi na namin pinapansin. Dumampot ako ng bato at gumuhit ng kung anu-ano sa kalsada para maalis ang pagkainip. Kumuha din ng bato si Jane, naiinggit siguro. Ayaw talaga padaig kahit mukhang baboy ang drawing niyang pusa, nakipagtalo pa na mas magaling siya magdrawing.

Kinuskos ni Jane ang magkabilang palad para maibsan ang lamig na nararamdaman. Hinubad ko ang aking coat at ibinalabal sa mga balikat niya. Ngumiti siya matapos kong gawin iyon.

Sa taxi, hindi ko na masyadong kinausap si Jane dahil ramdam ko ang pagod niya. Nakatulog na siya sa aking balikat. May ilang beses kong siyang sinulyapan. Hinawi ko ang hibla ng buhok na humaharang sa kanyang mukha. Ilang buwan na din pala kaming magkasama ngayon ko lang napansin na maamo ang kanyang mukha. Sana lagi na lang siyang tulog.

"Jane, bukas huwag ka munang pumunta sa bahay," bilin ko Jane matapos naming bumaba ng taxi. "Magkikita kasi kami ni Sofia."

"Wow! Goodluck lover boy. So paano dito na lang ako. Ingat pauwi."

"Sige!" Hinintay ko siyang makapasok ng gate. Tumalikod ako matapos namaalam.

"Loi!"

"Bakit?" Lumakad ako palapit kay Jane.

"Salamat. Sige alis ka na."

"Ah wala iyon. Good night."

"Loi!"

"Bakit na naman!" Hinalikan ako ni Jane sa pisngi at pumasok na siya ng bahay. Hindi agad ako nakagalaw. Nanginig ang tuhod ko. Tumingin ako sa paligid kung nandoon si Dexter. Wala naman. Alam kong halik ng pasasalamat lang iyon pero may kakaibang pakiramdam na naidulot sa akin.


Derecho agad ako ng kwarto pagkauwi. Hindi ko na pinansin ang mga magulang kong gusto pang makichika. Napapangiti ako sa tuwing naalala ko ang buong gabi. Hindi ko maintindihan. Madaming gumugulo sa aking isip. Makatulog na nga excited na ako sa pagkikita namin ni Sofia. Sa wakas lovelife ko naman ang mabibigyan ko ng kulay. Pero hanggang pagtulog ko hawak ko pa ang labi at pisngi ko.

itutuloy....
 
Re: Hu u? (6)

Ambilis ng phasing ah..Hahaha kinilig nanaman ako..
haha bakit kaya mga lalaki ang kinikilig :rofl:

wala pang kasunod papa P :pacute:

yan meron na.. sumpungin ako mag-update e. :lmao:

Aw nabitin ako, wala na bang kasunod? Hehehe :thanks: u !

eto na... pasensya natagalan..

wew.. daming kong namiss.. ngayon lang uli ako nakalog in :weep:...

excited na ako sa nest kabanata:yipee:

makakahabol ka naman.. mabagal ako e :rofl:

lng hiya n padaan lng sana aq di2 ..npabasa 2loy ng isang oras mahigit..hahahah ayus to ah aabangan q ksunod nito...hahaha galing mu otor:excited::excited::excited:

thanks for reading... kung may mga corny pasensya na :lol:

panjo panjo..sulat na..hehe
dami ng adik..:lol:

yan nandyan na.. wow dalawang bagong reader.. salamat :salute:
 
Re: Hu u? (7)

wow galeng galeng talaga :clap:
 
Back
Top Bottom