Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Huling Dasal

"San ka na? Akala ko ba malapit ka na?" tanong ni Misis na hindi naman humingi ng sagot. Pagkatapos niyang magsalita ay pinatay agad phone. Hindi ko siya masisisi kasi 20 minutes na siyang naghihintay sa District Mall. Sinisi ko ang trapik. Pero late na talaga ako nakaalis.

Malagkit ang hanging tumatama sa aking mukha kahit maggagabi na. Mabagal ang takbo ng sasakyan kaya ramdam ko ang init. Rumoronda ng init ng ulo mula sa driver hanggang sa batang pinangakuan ng paglalaro sa timezone.

"San ang bente?" tanong ng driver. Walang sumagot. Nagtinginan lang ang pasahero.

Bumaba ang isang lalaki at sumakay naman ang isang nakaunipormeng production operator. Amoy ang shampoo na kanyang ginamit. Halatang bagong ligo. At obyus din na bagong gising. Walang mintis ang kanyang hikab sa upuan.

"San ang bente?" tanong ng driver. Umiling. Walang tugon. Humampas sa manebela saka bumusina ng malakas.

Tumunog ang cellphone ko. Si misis. May part 2 na ang "how to train your dragon" pero hindi ko pa din siya mapaamo. Nangako ako sa kanya na babawi ng oras ngayon. Ilang araw niya akong hindi pinapansin dahil sa kumakalat na tsimis na mdalas daw ako sa aming kapitbahay na walang ginagawa kundi magbilad ng hita sa kalalakihan sa subdvision. Buti na lamang napatunayan ko sa kanyang wala akong interes o balak pumatol kay Abegail. Ni hindi ko nga siya pinag-aaksayahan kahit konting minuto o napansin ang bilugan niyang figure, sout niyang maikli, makulay na mata, manipis na damit, light ang make-up, wowanly scent at ang leggings na bakat ang gateway to heaven. Umiiwas kasi ako sa tukso. Wew!

May sumakay na mag-ina. Kumilos ng konte ang mga pasahero. Kinalog lamang babae ang sarili sa upuan pero hindi man lang gumalaw sa pwesto. Walang pakelam ang nasa dulo.

"Ale, makikiaayos na po ng upo. Mahuhulog na po ang bagong sakay," puna ng driver. Kumilos ang kaninang kumalog na Ale. Nagsalita mag-isa saka tiningnan ang nasa paligid. Sumimangot at pinaikot ang mata. Umirap na parang nasikil ang karapatang pantao. Bumulong.

Tumunog ulit ang aking cellphone. "Galing ka na naman sa kerida mo?" sigaw ni Misis. "Kahit kelan hindi ka tumutupad sa pangako!"

"Malapit na mabilis na ang takbo ng jeep," pabulong na sagot ko. Kung hindi maingay ang makina malamang ay pagtitinginan ako ng mga pasahero. "Napag-usapan na natin 'to di ba? Tsimis lang iyon." tanggol ko sa sarili ko. Tensyinado ang jeep. Mainit na ang panahon at mainit pa ang ulo ng lahat. Hindi nakapagtatakang lahat ng pasahero ay atakihin ng heat stroke.

Tinupad na ni Lord ang dasal ko na magkaayos kami pero heto sinayang ko na naman ang pagkakataon. Lalo lamang siyang hindi maniniwala na malinis ang konsenya ko. At mas maniniwala siya sa tsimis tungkol sa amin ni Abegail.

"San ang bente? Napakahirap po bang salita?" Malakas na tanong ng driver.

"Akin ho isa," sagot ng babaeng kumalog kanina.

"Susmarya. San ho?" lumingon ang driver sa babaeng halatang kinaiinisan niya.

"Dyan lang.." Ituro ang kawalan gamit ang nguso.

Lumingon ang driver sa pasahero. Hindi niya napansin ang mabilis na pag-overtake sa tricyle na trailer truck.

Karambola.

Nahagip ang tricycle.

Hindi na nagawang iwasan ng driver ng sinasakyan kong jeep ang sakuna. Lahat ay napasigaw bago pa mang tumama at magpagulong-gulong ang sinasakyan namin. Apat o limang beses umikot. Hindi ko alam dahil wala naman sigurong magbibilang habang nasa isang aksidente. Unti-unting namumuti ang paningin ko. Umiikot ang paligid. Dumagan sa akin babaeng kumalog.

Tumunog ang aking cellphone. Habol ko ang aking hininga.

Namuti ang paligid.

Bumilang ng sandali. Nakaramdam ko ng paggalaw. May parating na tulong. Mga nagsisigawang mga saksi sa pangyayari. May humila sa kamay ko.

Ligtas na ako.

Hindi.

Kinuha ang cellphone ko. Magnanakaw.

Pumikit ako at sinambit ang huli kong dasal kung ako ay papanaw. "Juice colored. Wag sanang kumalat ang video namin ni Abegail. Baka gawin akong sisig ni Misis."

Dumilim.

-wakas-



http://www.tuyongtintangbolpen.com/
 
:rofl:
hindi ko napigilan ang pagtawa kahit nag iisa ako sa office :rofl:

hindi daw pinapansin pero detalyadong na describe si Abegail :no:

yan ang hirap sa mga nangangaliwa, imbes na ipanalangin sa oras ng sakuna ang kaligtasan
mas uunahin pang ipagdasal ang kaligtasan sa kamay ng mga MISIS :whistle:
 
Bussssseeeet! natawa na ako sa Juice Colored!


dumiretso sa hagalpak na matapos ko ang huling dasal.... hahahaha!

Linsyak na selpon yan puno ng private scandal hahaha!.. :rofl:
 
walang kakupas kupas! sa maikling sandali, nakakapawi ng lungkot :) :salute:
 
ahahaha,iyon pala ang huling dasal ahahaha.
 
Last edited by a moderator:
Back
Top Bottom