Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem "Indak"

"Indak"


Sa ugoy at indayog ng musika , sa tunog na likha ng mga humahakbang na mga paa
Sa Bawat mahinhin na usad ng kanta , idinuduyan nito ang aking pag sinta
Sa sandaling pag dadampi ng mga kamay , hawak ko ito at tuluyang nagpatangay
Sa agos na gawa ng katawan mo na tunay , dahan dahang nagpaanod at sumabay

Di alintana ang pawis na pumapatak, na dahilan ng mga kilos na talagang tumatatak
Sa isipan ko ng unang beses kang masaksihang umiindak, sa saliw ng mga kamay napumapalakpak
Ipinagpatuloy natin ang ating pag galaw, hanggang sa tuluyan tayong makaramdam na ng uhaw
Daglian kang sa akin ay bumitaw, Panandaliang ang alab ng apoy ay pumanaw

At ng ika'y nag balik agad kang sumampa, sa entablado at nag yayang mag umpisa
Nag simula kang bumilang ng mag isa , habang ako,y tulala sa iyong angking ganda
Walang katulad ang tuwa at di matutumbasan , ang pagkakataon tuwing ika'y nasisilayan
Kahit pagod sa ensayong walang katapusan , sulit naman ang galak na sayo lang natagpuan

Kaunti nalang ang nalalabing oras, bago paman tuluyang malanta ang talulot ng dalang rosas
Agad kong ititigil ang iyong pagkumpas, iaabot ito di man ganun kamahal na tulad ng hiyas
Ngumiti kang bigla at bahagyang nagsalita , "Para san ito" ang narinig na iyong iwinika
Agad akong gumanti ng ngiti sa aking mukha, sambay sambit "Para sa babaeng matagal ko ng sinisinta"​
 
Back
Top Bottom