Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story iPhone Eks





"Ang mahal ng iPhone X, 'tang ina!"

Naputol ang paghihilik ko (yung may sipol sa dulo) dahil sa lakas ng bulyaw ng katabi kong binatang jejemon sa jeep.

"Mismo, tids!" sabat naman ng isa pang jejemon na katropa ata nung sumigaw. Naka suot ang dalawa ng baggy shorts na kasya ang limang tao at abot tuhod naman ang mga suot nilang puting medyas.

"'Di na 'ko bibili niyan uy!" bulyaw ulit nung nauna. Sumulyap ako sa hawak na selpon nung isa. Cherrymobile na basag basag ang screen at animo'y iniputan ng mga sapot ni Spiderman sa dami ng crack. Napailing ako. Malabo naman talaga, isip isip ko. Mas malabo pa sa malabong mata ni Boy Labo..

Pumikit ulit ako, nagbabakasakaling madudugtungan ang maganda na sanang eksena sa panaginip ko na naputol dahil sa ingay ng dalawang kumag. Umiindayog na kasi noon sa ibabaw ng kama si Kat (Careless Whisper ang tugtog) habang nakatitig ng malagkit sa akin.

At heto na nga, papalapit na siya ng papalapit. Namimilog na ang dalawang mata ko habang sinusundan ko ang pagtalon talon ng dalawang bilugang bola niya sa dibdib. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig dahil dalawang dangkal na lang halos ang layo ng mga bola sa mukha ko.

Isang dangkal...

Kalahating dangkal…


Oh, syet. Susubsob na ang muk---

"Sabagay hindi naman na dapat pinagnanasaan makamtam ang X."

Anak ng put---

"Ha, bakit 'tids?"

"Dahil maaalala mo lang kung gano mo siya kamahal dati ngunit sa huli sinaktan ka lang pala."

"Mismooo! Nadale mo, tids! Post na sa GC yan!"


Nag apir pa ang dalawang kolokoy sabay hagalpak ng tawa.

"Mama, para po!" sigaw ko sa tsuper. Nagpasya na akong bumaba agad bago pa ako makasapak.

~~~

WAKAS
 
Hahaha
Badtrip yung dalawa istorbo :rofl:
 
Hahaha
Badtrip yung dalawa istorbo :rofl:
Mismooo lang par! :lmao: But this really happened nung minsan sumakay ako sa jeep, naalimpungatan ako sa ingay ng mga istupidyante. :lol:

Thanks for reading.
 
Mismooo lang par! :lmao: But this really happened nung minsan sumakay ako sa jeep, naalimpungatan ako sa ingay ng mga istupidyante. :lol:

Thanks for reading.

hahaha ganun ba :rofl: wag na lang matulog sa jeep hahaha
 
sinuntok muna dapat bago bumaba :lmao:
 
matagal tagal na din mula ng huli kang magsulat, inaabangan ko mga obra mo.
Buti na lang, di mo inabot ang kamay mo para sa nagbabayad, naranasan ko na yan ganun, hahahah
 
Last edited:
Back
Top Bottom