Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

la pa rin man update?
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (20/07/2013)

di ko na maantay ung update -_-
goodnite guys.
bukas ko na lang basahin :)

salamat ts! :clap::clap::clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

guys, heto ang next update! Pasensiya na nalate, ngayon ko lang kasi natapos i-edit, kung bakit kasi nalibang ako sa pakikipagkuwentuhan kanina :upset: medyo hinabaan ko na, (originaly kasi pang two chapter dapat 'to) para makabawi sa matagal na update :thumbsup: naghahabol na rin ako ng araw (gusto kasi basahin ni "Mam Work" iyong story, kaso hindi pa kumpleto kaya ayaw niya basahin :rofl: wala lang, nai-share ko lang :rofl:), although may ilang chapter pang natitira, kaya sureball na ang ending nito sa loob ng susunod na isang linggo (kung hindi man, mga 2 or 3 days ang delay). Kaya enjoy reading guys! :thumbsup:
-
P.S. Sorry bitterintime kung hindi ako umabot ah? Sorry talaga! Suwet drems ehehe :rofl:
-
webstone, thank you sir sa PDF, at sa cute image noong story! I lilly lilly lilly like it! :thumbsup: ipost ko sa first page :praise:
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

Part 25: "Microphone"

Nanginginig ang mga daliri ko dahil sa samu't-saring emotion na yumayakap sa mga 'to. Nandiyan ang kaba, na wari'y nilulunod ang tenga ko sa tunog na pag-untog ng puso ko sa aking dibdib. May sabik na nagpapa-ikot sa bituka ko, maya't-maya tuloy ang maliliit na pagduwal ko. At nerbiyos na nagpapamanhid sa aking utak at mukha, feeling ko tuloy ang kapal ng hangin na nagpapablangko sa isip ko, dahilan para hindi ako makapag-digest ng ideya ng diretso. Tulala at lumilipad ang diwa ko, habang ang aking mga mata'y sinasayawan ang kapiraso ng papel na tangan ko, buhat sa nagkalasog-lasog na figurine.

"Dear Kuya..." Panimula kong basa sa pangbungad na pangungusap ng liham. Napalunok pa ako, at hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko sa bawat letrang nahahagip ng aking paningin.

"Marami akong gustong sabihin sayo. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung magkakasya 'to sa kapiranggot na papel na ito. Anyway, ita-try kong i-summarize hangga't maaari. Tsaka, tamad akong magsulat, wala akong tiyaga na idahan sa sulat ang gusto kong sabihin. Alam ko rin na nasa panahon na tayo ng internet at magagarang telepono, so why write 'di ba? Kaya huwag ka nang tumawa, baduy na kung baduy. Sabi kasi ng lola ko noon, kung gusto ko raw maramdaman ng ibang tao ang pagkasinseridad ko, dahanin ko sa sulat. Afterall, effort counts. Kaya imbes na laitin mo 'tong sulat ko at pumalatak ng corny, pasalamat ka na lang at may guwapong lalakeng katulad ko, na nagti-tiyagang sulatan ang mukhang lalakeng katulad mo."

Napangiti ako sa huling nabasa ko. "Sincere ka na niyan?" ang naibulong ko. Hanggang sa sulat, lutang parin ang ugali niyang may halong barumbado at walang paki-alam. Naalala ko tuloy iyong mga panahong inaasar niya akong bakla. Ewan ko lang kung bakit, pero imbes na magalit at mapikon ako, mas nangingibabaw ang pagkamiss ko dito.

"Gusto ko rin sanang sabihin sa iyo 'to ng personal, kaso, hindi ka dumating sa usapan natin." nahinto saglit sa pag-scroll down ang mga mata ko, naalala ko ang binabanggit niya, iyong panahon na dapat ay magkikita kami at bibigyan ko siya ng bug na sim, kapalit sa paghatid niya sa akin sa pag-uwi. Ang problema, natunaw ang oras ko kay Mister Taiwanese. Kaya't nakalimutan ko ang pagkikita namin dapat.

"May utang ka sa akin ng isang araw, kaya paghandaan mo ang paniningil ko." kumubi ang isa kong kilay. "Pero hindi iyon ang gusto kong sabihin sayo. Hindi naman kasi ako iyong tipo ng tao na nagtatanim ng sama ng loob, kahit sobrang yapak iyon sa pride ko, kakalimutan ko na inindian mo ako. Kaya huwag kang mag-alala, hindi iyon naka-apekto sa damdamin ko, Bakla ka."

Tuluyan ng nagpakawala ng mahinang tawa ang aking bibig, kasabay ang pagbulagta ko sa kama. "Meron akong ipagtatapat sayo. Actually noong una palang kita makita, gusto ko na kaagad sabihin sayo. Nauunahan lang kasi ako ng hiya tuwing susubok akong magsalita tungkol dito. Hindi dahil sa mukha kang lalake o maton, hindi rin sa natatakot akong jombagin mo ako, kundi dahil baka mamis-understand mo at mauwi sa pag-aaway. Kaya sana, unawain mo muna bago mo ito i-judge."

Tungkol kay Erika? Ang muling naisambit ko sa harapan ng papel, pagkatapos ipitin ang unan sa aking mga hita.

"Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan, pero..."

"Lyka, may bisita ka." tumilapon ang tuon ko sa pinto ng aking silid, nang may biglang kumatok mula dito. "Puntahan mo muna saglit."

Otomatikong umangat ang likuran ko sa kama, at dali-daling lumabas ng kuwarto, habang 'di magkamayaw ang utak ko sa panghuhula kung sino ang bibisita sa akin sa ganitong oras ng gabi. "Sino daw Tay?" pagbati ko sa aking magulang pagkabukas ng pinto.

"Iyong hapon." sagot niya, abala pa ang isang kamay nito sa pagkamot sa kaniyang ulo. "Kanina pang tanghali pabalik-balik iyan, na-uubusan na nga ako ng ingles eh, pero marunong naman magtagalog ang damuho!"

"Si Mister Taiwanese." ang mabilisang pukol ng dila ko.

"Hapon nga." palatak ni Tatay. Napa-iling na lang ako, kasabay ang pagtulak ko papalayo, patungo sa labas ng bahay.

+++
"Hey." nakangiting beso sa akin ni Mister Taiwanese. "How are you?"

"Hi." ganti ko sa bati niya, kasunod ang pag-upo ko sa maliit na bangkito ng garden namin, kaharap siya. "I'm good. Kanina ka pa daw tanghali?"

"Ah, yeah. Nahihiya na nga ako sa father mo e." umukit ang dimple nito sa pisngi, gaya ng dati, halos pumikit na ang mga mata nito kapag ngumingiti siya. "Okay lang ba sa father mo na nandito ako?"

"Oo naman. Huwag mong isipin iyon." Tumayo ako mula sa pagkaka-upo, upang pumunta sa kusina. "Teka lang ah, kuha lang ako ng maiinom at makakain."

"No." pag-awat niya sa akin, sa paraang pagkapit nito sa kamay ko. "I'm fine. Naparito lang ako to say hi. And besides, i feel full already, just looking at your eyes."

"Bolero ka talaga." tipid kong usal, pagbalik ko sa pagkaka-upo. Gustohin ko mang isagad ang aking ngiti, ay 'di ko magawa, masyadong matamlay ang katawan ko para sa isang big time smile. "Nakakahiya naman sayo, kanina mo pa ako hinihintay."

"It's okay." nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "I can wait forever."

"Huwag ka ngang ganiyan, ma-iinlove na ako sayo niyan sige ka." bumitaw ako sa pagkakahawak niya, at pabiro kong tinapik ang kamay nitong dumikit sa aking palad. Pero sa totoo lang, ginawa ko iyon para makawala sa yapos niya. Hindi ko lang alam kung bakit, siguro dahil naghalo ang hiya at tamlay ng pakiramdam ko. Sa oras kasing ito, mas nanaisin ko pang matulog at magpahinga na lang.

"That's what i want." hinabol niya muli ang kamay kong iniwas ko sa kaniya, kasunod ang pagtitig niya ng diretso sa mga balintataw ko. "I want you to love me."

Tingin ko, bumagal ang takbo ng oras. Pero hindi iyong katulad dati na may kasamang panggigigil at kilig ang nadadama sa tuwing magtatama ang aming mga mata, kundi dahil sa paglalakwatsa ng diwa ko sa kung saan. Pilitin ko mang paikutin sa saya ang aking balakang, o pakabugin ng malakas ang puso ko sa mga tinuran niya, ay hindi ko maigawad sa aking sarili. Hindi ko kasi maramdaman ang sabik na may halong kilig, na nagbubuhat sa matamis niyang dila at guwapo ng mukha. Hindi katulad dati na makalaglag panty ang bawat dikit ng balat ko sa balat niya. Siguro pagod lang ang aking katawan, idagdag pa ang pagkabugbog ng emosyon ko.

"Masaya ako." buntong-hininga ko, kasabay ang pagyuko sa aking ulo, habang dahan-dahan akong bumibitaw muli sa pagkakahawak niya sa kamay ko. "Dahil nagkagusto ka sa akin."

"Lyka, I want you to be my girl. I promise! Magiging masaya ka sa akin."

"Alam mo." tumingala ako, at diretso ko siyang sinapol ng tingin. "To be honest, super crush na crush kita."

"Wow." nagningning ang kaniyang ngiti, kasunod ang muli nitong paghawak sa kamay ko sa isa pang pagkakataon. "Is that a yes?"

"Totoo." kumurba ang ayos ng aking labi, kasabay ang pagdama ko sa luhang dumadausdos sa pisngi ko. "Gustong-gusto kita."

Nawala ang ngiti niya, at naging serioso ang kaniyang hitsura, animo'y abalang nanonood ng telibisyon.

"Pero dati iyon." pagpapatuloy ko. "Ngayon, manhid na'to." tinuro ko ang aking puso, gamit ang malaya kong kamay. "Wala na akong nararamdaman."

"But why?" unti-unti niyang binitawan ang aking kamay. "Let me guess, dahil ba kay Charlie?"

"No. Tinapos ko na ang ugnayan ko sa kaniya kanina." yumuko ako ulit, upang pawiin ang luhang nagkukumpulan sa aking mga mata. "Ayaw ko na siyang makita."

"So, anong problema? Ayaw mo ba sa akin."

"No." hikbi ang sumisingit sa bawat pagpantig ko ng salitang binabato ko sa kaniya. "Napaka-perfect mo para sa akin."

"Pero emosyonal akong tao, Willy." tumingala ako upang pagdikitin muli ang aming mga titig. Kung hindi ako nagkakamali, at kung tama ang pagkaka-alala ko, ito ang unang pagkakataong tinawag ko siya sa una nitong pangalan. Madalas, puro Mister Taiwanese ang banggit ko sa kaniya, nakatalikod man, o nakaharap 'to. "Sa oras na nasaktan ako, lulukob ang sarili ko at lalayo ito sa bagay na nakapanakit sa kaniya. Parang pagong. Ganon ang pagkatao ko."

"What do you mean?"

"Lalayo muna ako sa mga lalakeng nagugustuhan ko, magsimula ngayon."

Hinintay ko siyang sumagot, o mag-react man lang, subalit nanatili siyang nakatitig sa akin. Tikom ang bibig, at nangungusap ang mga mata.

"1 week from now, lilipad ako patungong Japan." pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa. "Maybe for good na iyon. Baka doon na ako tumira permanently, at tumanda."

"So you like him?" ika niya, sa mahinang tinig, sakto lang para marinig ko sa layo naming mga isa at kalahating talampakan sa isa't-isa. "You said na lalayo ka sa mga lalakeng nagugustuhan mo."

Muling dumikit ang tingin ko sa sahig.

"Do you like him?" pag-ulit nito sa kaniyang tanong.

Hikbi ang puma-imbabaw sa atmosphere naming dalawa. Pakiramdam ko'y parang pinipiga ang aking puso. Nanginginig ang buo kong katawan, dahil sa matinding sama ng loob nito.

"Okay. Hindi na muna kita tatanungin." dinig kong sambit niya. "But i will not let you go. Sabi mo, sa mga lalakeng nagugustuhan mo. That means, kasama ako 'dun, right?"

Sa pagkakataong 'to, sinagot ko siya ng tango.

"Sasama ako sayo sa Japan."

Napatingala akong bigla dahil sa tinuran niya! Gusto kong sumagot, pero hindi ko alam ang una kong sasambitin!

"Gaya ng sabi ko, hindi kita papakawalan." tinalunton niya ang kamay ko at muli niya itong hinawakan. "Bibigyan kita ng time para mag-adjust sa hinihingi kong pagmamahal sayo. Pero mananatili ako sa tabi mo, dahil ayaw kong maagaw ka sa akin ng iba."

"Pero....."

"Ssshhhh..." pagputol niya sa dapat na sasabihin ko, kasunod ang akma nitong paghalik sa akin. Ngunit ibinaling ko sa ibang direksiyon ang labi ko, dahilan upang maudlot ang gagawin niya.

Ilang segundo din ang lumipas bago niya nilayo ang sarili nito sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa sahig, walang kibo at pinakikiramdaman lamang siya.

"I'm sorry." tumayo siya pagka-urong nito sa silya, at isinuot ang tangan na helmet. "I guess, alis na ako."

Hinatid ko siya sa labas ng gate, nang hindi parin ito kinikibo. Nanatili lang akong tahimik, habang pinagmamasdan siyang sumampa sa kaniyang motor.

"Hey, may show bukas ang banda sa activity center ng mall." pag-start niya sa motorsiklo. "It will be great, kung pupunta ka."

Ngumiti ako. "I will."

"Nice! 5 p.m.! Don't be late, or else, mawawalan ako ng inspirasyon!" bumarurot 'to palayo sa kanto namin. Naiwan akong nakatangang nakatitig sa kaniyang likuran, habang lumilipad ang aking isip sa ka-ulapan.

+++
Malapit ng magdilim sa labas, pero dito sa loob ng mall, ay parang ayaw pang magsi-uwian ng mga tao. Halos hindi mahulugan ng karayom ang dami ng tambay, makabasag-eardrum pa ang mga hiyawan nila! totally Jampack at siksikan sa activity center! Kung kikilatising mabuti, karamihan sa mga madla ay kababaihan na tumatapak ang edad sa pagka-teenager. Bihira lang ako makakita ng mga kasing-age ko, madalas puro estudyante. Hindi ko alam na ganito pala kasikat ang grupo nila Mister Taiwanese!

Muntikan nang magka-stampede nang biglang nagpakawala ng musika ang mga malalaking speaker sa stage, kasabay ang paglabas at pagsayaw nila Mister Taiwanese! Lahat sila'y nakasuot ng itim at parang pang-cosplay na damit, terno silang lima! Pulido at sabay-sabay sila sa pag-indak, ang astig pa nilang tignan sa ayos ng kanilang buhok, na kinulayan ng pula! Ngunit sa kabila ng dagundong na instrumental, hindi papatalo ang sigawan ng mga kababaihan! Balyahan pa ang iba, at nais makapunta sa unahan ng stage! Mabuti na lang at nakakapit ako sa poste malapit sa akin, kung hindi, nasama ako sa lipon na nag-uunahan at nagtutulakan makapunta sa harapan!

"Hitori de wa, tooi ashita wo yoake no mama de koesou de butsukatteikya kokeru omoi yu!"

Nagsimulang kumanta ang isa sa kasamahan ni Mister Taiwanese, ngunit hindi ko na maalala ang kaniyang ngalan. Pero ang mas malala, hindi ko alam kung anong lengguwahe ang inaawit niya! Ni hindi ko masundan ang pagpantig nito sa bawat salita. Ngunit ang mga kababaihang kasama kong nanonood, ay tila hindi pilipina kung makasabay sa banda! Tugmang-tugma ang bawat lyrics na sinisigaw nila! Napaghahalata tuloy na hindi ako fan.

"Yume mo mata sure chigai
kampeki to chau jinsei no
shuushi
puramai zero da nanteba
honto ka na?
shinu made ni tsukaikiru un no kazu."

Subalit sa kabila ng kaka-ibang hilig ni Mister Taiwanese, masaya akong pagmasdan siyang aliw na aliw sa kaniyang ginagawa. Todo bigay 'to sa pagsayaw at halos mapatiran na ng ugat sa leeg sa pagbirit. Ang sarap niyang pagmasdan na nag-eenjoy sa bawat paggiling nito, o pagliyad niya kapag mataas ang tono. Nangingibabaw siya sa apat nitong kasama. Lutang na lutang ang talento niya, para bagang hinubog siya para sa ganitong larangan. Nakakabilib.

+++
"Hey!" bungad sa akin ni Mister Taiwanese nang magkita kami sa backstage, na tila hinahabol ang hininga dahil sa hingal. "Anong hitsura ko sa stage?"

"Ang galing mo!" pagpalakpak ko sa kaniya, na sinagot naman niya ng kibit balikat, sa paraang nagyayabang. "Pero hindi ko alam iyong kinanta niyo nung opening. Intsik kasi."

"Ah! Iyon ang version namin ng Heart of Sword." linagok nito ang tangan niyang botelya ng tubig.

"Heart of Sword?"

"Yep! Ginamit na song sa anime na Rurouni Kenshin, o Samurai X sa atin."

"Anime? Samurai?" pagtaas ng kaliwang kilay ko.

"What? Hindi mo alam o napanood iyon?" pagtataka niya, na iling lang ang naisagot ko sa kaniya.

"Willy, 1 minute."

Pagsabat sa amin ng isang staff ng show, hudyat para muli silang sumalang sa stage.

"Dinner tayo after this!" agaran siyang tumindig at patakbong lumayo, ngunit bago ito, lumanding muna sa pisngi ko ang mabilis niyang halik! Na siyang lubhang ikinagulat ko!

Linisan ko ang backstage na may kaba sa dibdib, habang sapo-sapo ko ang pisnging binaunan niya ng halik!

"Ehem! Naka-on ba 'to?"

Ganon na lang kung tumalbog ang puso ko nang marinig ko ang boses na iyon, na nanggagaling sa stage.

"Ehem!" pagtudlong nito, kasunod ang tunog na tila pagpukpok sa microphone.

"Nandiyan ka ba Kuya?"

Sabi ko na nga ba! Kaya pala parang pamilyar ang boses!

"Teka! Sandali lang!" dinig ko na tila may kaaway 'to, kaya dali-dali akong tumakbo sa harapan ng stage.

"Ilang minuto lang! Please! May sasabihin lang ako!" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nakatayo sa sentro ng stage, walang iba kundi si Bakulaw! Nakikipag-agawan ng mikropono sa ibang staff ng palabas! "Lyka Reliyebo, alam kong nandiyan ka!"

Halos lamunin ako ng lupa sa hiya! Mabuti na lamang at natatakpan ako ng maraming tao!

"Gusto kong malaman mo, na mahal kita!" tawanan ng madla ang nagsisilbing background music niya, habang hindi 'to magka-undagaga sa pag-iwas sa mga umaawat sa kaniya. "Hindi lang dahil kamukha mo si Erika!"

Tumalikod ako, at ginawi ang daan palabas ng mall.

"Malinaw na nakasulat iyon sa letter." dumagundong ang kalabog, dahilan para muli akong lumingon sa direksiyon niya. Natanglawan kong hirap 'tong niyayakap ng tatlong lalaki, pilit pinapababa ng stage. "Nakatago iyon sa stuffed toy na binigay ko sayo nung graduation day mo."

"Stuffed toy? Figurine iyon e." napabuntong-hininga ako ng 'di sadya. Bahagyang nalihis ang attensiyon ko, napunta sa sulat na natagpuan kong nakatali sa isang parte ng figurine. Naalala ko, hindi ko pa pala tapos basahin iyon.

"'wag kang maniwala diyan, hindi ka niya mahal talaga." halakhakan muli ang sumabog sa paligid, nang mag-umpisang kumanta ng pilit si Bakulaw! Naiipit ang boses nito, sapagkat nakikipagbuno sa kaniya ang ilang kalalakihan sa itaas ng stage! "Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka sa kaniya."

Napatakip ako sa aking bibig. Nagrambulan sa gilid ng aking mga mata, ang luhang nagbabadyang umagos.

"Iiwanan ka lang niyan, mag-ingat ka." sa kabila ng tawanan, may palakpakan akong nau-ulingan. "Dagdag ka lamang, sa milyun-milyong babae niya."

Walang pasintabi ng kumawala ang tubig sa aking mga balintataw.

"Akin ka na lang. Iingatan ko ang puso mo. Akin ka na lang. Wala nang hihigit pa sayo."

Tuluyan na siyang nasukol ng mga guwardyang mabilis na umakyat ng stage, ngunit bago nila ito naposasan, dinig na dinig ko ang mga katagang isinigaw niya.

"I love you Lyka!"
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

thanks sa pdf file. basa basa din later.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

hayon tyming!!! aheeh thank u TS!!! ahheheh:dance::dance:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

exciting!!!!
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

haha galing talaga! at di masyadong bitin! thanks ulit!
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

Lupet!!!thankz sa update TS. . .
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

,ay0s galing!
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

yehey.. pede na.. d nmn bitin maxado.. :salute:

abang na ulit kay KUYA... :lmao:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

webstone, thank you sir sa PDF, at sa cute image noong story! I lilly lilly lilly like it! :thumbsup: ipost ko sa first page :praise:

No probs sir...ginawa ko to para atleast may mabasa naman pag walang time at thank you kasi nagustuhan mo...


Updated PDF file below, PART 25 added.
 

Attachments

  • Kuya_Pa_Bug_Naman_Po_Please.pdf
    652.1 KB · Views: 18
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

iyon oohhhhh! :rofl: salamat guys sa comment at syempre sa reads! :thumbsup: pakihintay iyong next chapter soon :salute:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

:thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

Salamat ts,looking forward for the next update
:thanks: sana hindi k mapagod hehe
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

Thanks bro :thumbsup:
lapit na rin matapos :(
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

nice nice!! :salute::thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

Grabe nakaya niya yun? :)
Mahirap ang sitwasyon ni Lyka.
2 lalake ang naghahabol, sinu kaya ang mananalo? or mag-iibang bansa nalang siya? hmm?
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

thank you thank you talaga! :thumbsup: at oo, malapit na'tong matapos! :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (25/07/2013)

sana lang hindi shakespeare type tong si supladoako haha napakatagal ko nitong sinubaybayan! hahaha
 
Back
Top Bottom