Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (19/4/2013)

Hahaha... Bitin again... Salamat ts... Relate kasi ako sa story mo... Keep updating...
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (19/4/2013)

halos ayaw ko i scroll down pag binabasa ko to kasi alam kong mabibitin nanaman ako haha update na ts.:clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (19/4/2013)

waaaaaaaaaaaahh... bitin ts!! :D


hahahaha....
galing !
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (19/4/2013)

Up date na.. Ang tagal ng up d8. Gu2m na ako..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (19/4/2013)

waaah... wala pa ring update :(
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (19/4/2013)

sir update po... :noidea:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (19/4/2013)

pa bookmark ts kilig much ung story mo :clap: sana maupdate na :ranting:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (19/4/2013)

mga idol wag natin madaliin c TS minsan kc mahirap din gmwa ng kwento
ska minsan kelangan nsa mood din pra maganda ang klabasan
kya patience lng guys prang naruto lng yan once a week lng hehe..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (19/4/2013)

mga mam/sir, sorry ngaun lang ulit ako nakapag-update :upset: heto na po yung kasunod. Sasabayan ko pa ulit ng isa pa mamaya kapag kinaya ng araw ko, kung hindi naman, sigurado bukas. Nakagawa na kasi yun e, konting edit at linis lang :thumbsup: enjoy po! At big na maraming :thanks: sa inyong mga masusugid na sumusubaybay sa kuwento. :thumbsup: hindi ko alam kung tatapusin ko na kaagad yung kuwento, naglalaro na kasi sa akin yung ending. Pero siguro konting usad pa sa buhay ni kuya Lyka. :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

Part 9: "Story of a Girl"

"Bata palang ako nang matuto akong dumepende sa aking sarili." pag-umpisa ko sa kuwento na sa tagal na ng panahon, ngayon lang ulit nakalkal at napag-usapan. Pero sa totoo lang, ako lang naman ang nakaka-alam sa bawat pahina nito na matagal ko nang sinunog at itinakwil sa aking kaluluwa. Kaya kung tutuusin, ito ang ka-una-unahang pagkakataon na babasahin ko ang mga kabanata nito sa ibang tao. Hirap ko tuloy ipaliwanag kung paano uumpisahan ng mahige. "Elementary palang ako 'non. Nakalimutan ko na kung anong edad ako eksakto 'non e, mga nasa grade four o five ako siguro."

"Ilang taon ka na ba ngayon?" sabat ni Bakulaw, habang nakatuon ang pansin sa kalsadang nilalakaran namin.

"Twenty three."

"Hmnn?" namilog at napadako ang mga mata niya sa akin, bahagya pang kumubi ang labi nito.

"Ano nanaman ba ang ibig sabihin ng ngising yan?"

"Mukha kang trenta pataas." usal niya, na tila pinipigilan ang tawa.

"Gusto mong iluwa ng buo yung burger na kinain mo kanina?!" winasiwas ko sa kaniya ang nangangalit kong kamao. Inalis naman niya kaagad ang tingin sa akin at idinako nalang sa daan, sa palagay ko ay mabilis niyang nagets ang nais kong iparating. "Pinaka-ayaw ko sa lahat iyong mga taong sabat ng sabat habang nagku-kuwento ako! Bakod ka ba?!"

"Pick-up line ba yan? Kailangan ko bang sumagot ng ba---" naudlot niyang sambit, nang ibaon ko sa tagiliran niya ang mga daliri ko sa'king kanang kamay.

Napasinghap siya, na animo'y pinipigilan ang suka na nagbabadyang kumawala sa kaniyang bibig. Pakiramdam ko'y nagliliyab ang mga mata ko habang nakatitig ako sa kaniya. Iritable talaga ako sa bawat patutsyadang binubulalas niya. Feeling ko, marinig ko lang ang boses niya ay natutuyo na ang utak ko. Ilang minuto ko siyang tinarayan ng tingin, pero nanatili itong walang imik. Panay lang ang himas sa tagiliran, at pagpapawis kahit malamig ang dampi ng hangin sa balat.

"Gaya nga ng sabi ko, elementary palang ako ng matuto akong yumakap sa sarili kong kakayahan." panimula ko ulit sa pagpapaliwanag. Huminto ako saglit upang alamin kung muli siyang sasabat, ngunit busy parin siyang humihimas sa kaniyang tagiliran. "Noon, ang hilig kong makipagkaibigan. Kahit na alam kong ayaw lahat sa akin ng mga bata sa school. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit wala naman akong ginagawa, ang tingin parin nila sa akin ay isang nerd na tinubuan ng mukha at katawan. Kung hindi naman, isang walking-weird na nagsasalita. Pero okay lang iyon, ang importante, may iilan akong mabibilang na so called friends kahit papaano."

Natigilan ako sa pagkukuwento nang bigla siyang sumenyas ng kung ano-ano. Una, pinalad niya ang kaniyang kaliwang kamay, na agad ko namang nakuha kung anong nais niyang iparating. Pinapatigil niya ako sa paglalahad. Pagkatapos, itinuro niya ang kaniyang lalamunan. Sunod ang pagguhit niya ng hugis kuwadrado sa hangin, tapos ay umiinom siya kunwari, kasabay ang pagturo sa convenient store na malapit sa amin.

"Ano nanaman bang kalokohan iyan?" intriga ko sa kaniya, kasama ang unti-unting pagtaas sa aking presiyon. "Gusto mong bumili ng softdrinks?"

Tumango siya ng sunod-sunod habang tinuturo ang lalamunan.

"Bakit hindi mo nalang sabihin? Nagmumukha kang timang sa ginagawa mo." medyo nabubura na ang letra ng pasensiya sa kaluluwa ko, konti nalang at masisindihan na ang apoy sa aking dugo.

"Ang sabi mo, pinaka-ayaw mo sa lahat ang may ume-epal kapag nagkukuwento ka, hindi ba? Kaya ayaw ko rin sa lahat ang gawin ang mga bagay na ayaw mo." pagtalikod niya sa akin at nagsimulang umusad patulak sa loob ng convenient store. "Sandali lang, bibili lang ako ng maiinom. Saka band-aid narin. Pakiramdam ko nabutas ang tagiliran ko. Sigurado na ako na lalake ka nga talaga, ang bigat ng mga kamay mo."

Handa ko na sana pakawalan ulit ang kamao ko sa katawan niya, at magpasabog muli ng ngitngit, nang sa hindi ko inaasahang pagkakataon, bigla nalang akong napangiti. "Weirdo, hindi pa ba pagsabat ang ginawa mo?" ang naibulong ko habang pinapanood siyang naglalakad palayo.

+++
"Orange juice o ice tea?" bungad niya sa akin paglabas niya sa convenient store. Tinuro ko ang plastic bottle sa kaniyang kanang kamay, na agad naman abot nito sa orange juice. Sumimangot ako. Nagtanong pa siya kung hindi rin naman niya ibibigay ang gusto ko. Gusto kong ipukpok sa ulo niya ang boteng tangan ko at isalin ang lahat ng laman nito sa butas ng kaniyang ilong, pero pinalampas ko na lang. Pasalamat siya dahil pakiramdam ko konting-konti nalang at malolobat na ako.

"11:30 na." wika ko ng muli kaming sumibat pauwi. "Bilisan na natin, nag-aalala na ako. Baka maabutan ko na sa harap ng gate namin ang mga damit ko."

"So anong nangyari pagkatapos?" napatingin ako sa kaniya. Isang tungga sa iniinom ang ginawa niya bago nagpatuloy. "Doon sa kuwento mo noong bata ka."

"Well." paglinis ko sa aking lalamunan. "Nagkaroon ako ng mga kaibigan kahit papaano. Kahit na malamig ang pakikitungo nila sa akin, tiniis ko. Huwag lang masabi na outsider ako. Pero nagbago ang lahat ng iyon sa isang pangyayari."

Humalik sa labi ko ang bibig ng bote. Halos mapangalahati ko ang laman nito dahil sa panunuyo ng aking lalamunan. "Nagkaroon ng alagang hamster ang bawat section sa school namin. Palalakiin at aasikasuhin ng bawat klase ang mga natokang hamster sa kanila. Then, pagkatapos ng ilang buwan, kung kaninong section ang may hamster na pinakamalusog at pinakamaganda, ay magkakaroon ng premyo. Naging super excited naming magkakaklase. Sobrang pinagtuunan namin ng pansin yung hamster na napunta sa amin, to the point na kaklase na ang turing namin sa kaniya. Pero isang araw, kasama ang mga kaibigan ko, pinaglaruan namin iyong hamster sa section namin. Pinakain nila ng kung ano-anong klase ng pellets at damo. Pinigilan ko sila pero ayaw nila paawat. Nasabihan pa akong killjoy."

Isa pang lagok sa orange juice ang ginawad ko sa aking lalamunan bago nagpatuloy. Pagkatapos sayarin ang laman, hinitsa ko sa malapit na basurahan ang wala ng lamang plastic bottle, pero tumama lang ito sa labi ng drum na ginawang trashcan, tumalbog at hindi pumasok sa loob. "Kinabukasan, natagpuang patay yung hamster. May nakakita sa amin noong umagang pinaglaruan namin yung hamster. Kaya mabilis pa sa alas-kuwatro nang maging suspek kami. Ayon sa teacher namin, namatay yung hamster dahil may mali itong nakain na hindi ikinatunaw ng kaniyang tiyan."

"Alam mo ba kung sino ang napagbintangang nagpakain 'dun sa hamster?" lumapit ako sa basurahan at itinapon sa loob ang plastic bottle pagkatapos ko 'tong damputin sa lapag. "Siyempre todo deny ako, dahil hindi naman talaga ako ang nagpamerienda 'dun sa alaga namin. Naghanap pa nga ako ng kakampi sa mga kaibigan ko, na sila naman talaga ang may sala. Ang kaso, binitawan nila ako sa ere. Niligtas nila ang kanilang sarili, habang ako naman ay nilaglag ng bawat isa sa kanila. Ang mas nakakatawa, ay sila pa mismo kuno ang uma-awat sa akin na huwag pakainin iyong hamster."

Huminga ako ng malalim. Tumingala ako sa ulap, sa mga bituin. Kasunod ang pagbuga ko sa hanging naipon sa aking ilong. "Simula noon, tinamad na akong makipagsocialize. Tingin ko kasi sa mga ibang tao ay hindi mapagkakatiwalaan. Hindi ko naman nilalahat, pero talagang hirap na ako magtiwala sa iba pagkatapos 'non. Siguro dahil nasaktan ako ng husto o natroma ako sa pagtataksil sa akin ng mga kasamahan ko noon. Kaya ipinangako ko sa aking sarili, na mabubuhay ako ng mag-isa. Magiging matapang at matibay."

Napatingin ako kay Bakulaw. Namula ako at napasinghap bigla nang magtama ang aming mga mata. Bakas sa kaniyang mukha ang pagiging seryoso. Animo'y statwa siya, na nandon lang para makinig sa mga dinadatdat ko. Nakadama ako ng ibang yapos sa aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero siguro weakness ko talaga sa mga lalake ang pagiging good listener nila.

"Hmnn...Puwede ka nang tumawa kung gusto mo." sundot ko sabay baling ng tingin sa harapan.

"Mayroon bang nakakatawa 'dun sa sinabi mo?"

"W-wala." pakiramdam ko'y namamanhid na ang pisngi ko buhat sa tila pagkamakopa nito. Nasasabay pa ang pagtaranta ko na hindi ko alam ang dahilan kung bakit.

"Para sa akin, hindi nakakatawa ang talambuhay ng isang tao. Dahil parang pagyurak na ito sa buhay niya."

"Huh?...Eh...Hmnnn...May punto ka." gusto ko siyang tignan, pero hindi ko magawa. Shit! Bakit ba nakakaramdam ako ng hiya sa kaniya?

"Kapag ba kinuwento ko sayo, na natae ako sa shorts ko sa kalagitnaan ng klase namin noong grade 2 ako, matatawa ka?"

"Huh?!" pagkagulantang ko, tuluyan nang dumapo ang tingin ko sa mukha niya. Seryoso parin ang ayos nito. "Hindi nga?!"

"Joke lang. Grade 1 ako nang mangyari 'yon."

"Hay...Puro ka naman kalokohan e." huminto ako sa paglalakad. "Anyway, heto na ang bahay namin."

Tumigil siya sa paghakbang. Iginala ang tingin sa payak na tahanan namin. "Well, i guess this is goodbye."

Ngumiti ako, tumalikod at binuksan ang lock ng gate namin. "Hey! What if kung bigyan kita ng bug sim?

"Talaga?" bumilog ang mga mata niya.

"Yeah. Isipin mo na lang na thank you gift ko iyon sa paghatid mo sa akin, at pakikinig narin sa kuwento ko."

"Why not. Akin na?" pinalad niya ang kamay niya sa harapan ko.

"Teka, hindi 'tong bug sim ko. Pagagawa kita ng bago, iyong fresh na bug sim." binuksan ko ang gate at pumasok na sa perimeter ng bahay namin. "Let's meet again. Kailan ka ba puwede?"

"Let's see." pag-ekis niya sa kaniyang mga kamay at pagtabingi sa ulo. "Today is tuesday at may meeting ako bukas. Ganon din sa thursday and friday. How about sa saturday? 5pm sa office ko?"

"Sure. No problem." muling ukit na ngiti sa aking pisngi. "So, goodnight na muna? Mr. Charlie?"

"Wait, may nakalimutan akong itanong."

Kumubi nang bahagya ang kaliwang kilay ko, nagtataka at pilit inuhulaan kung ano ang nais niyang usisain.

"Iyong manok."

"Ma-manok?" intriga ko.

"'yung manok na kinuwento mo, bakit nahimatay?"

Pumitik ang ugat sa aking sentido. Nagbungguhan ang mga kilay ko. Bago ko pa malaman ang sumunod na nangyari, nadampot ko na ang maliit na paso sa taas ng gate namin. Kumuwa ng puwersa at ibinato sa direksiyon niya. Kasunod ang pagsirit ng dugo sa kung saan.

"HAMSTER IYON HINDI MANOK! AT HINDI SIYA HINIMATAY, NAMATAY SIYA! HINDI KA NAMAN PALA NAKIKINIG BAKULAW KA!"

Nagtahulan ang mga aso sa bawat bahay na nakatirik malapit sa amin. Nagliwanag bigla ang madilim na paligid dahil sa sunod-sunod na pagsindi ng mga ilaw sa loob at labas ng kanilang pamamahay.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

Galing talaga,, kailan ang sunod na update :D nakakabitin,,
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

ayt!! kakabitin naman ts :)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

nice ts.. next chapter please :)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

nice update salamat ulit :)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

aus to ha, thanks,
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

wala pa pong update, ? nkakabitin,
pwde po ito cgurong gwing movie, ang ganda,
ang galing nyo po,
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

sobra talagang nakakabitin ts :upset:


tawa ako sa manok na un. hahaha :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

ts update na! up na symb oh haha:clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

UPdate UPdate please
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

ts asan kna huhuhu T.T
 
Back
Top Bottom