Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

excited na q s next chapter,
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (24/4/2013)

Na miss ko ang pagkuwento nito :excited: salamat sa mga patuloy na nag-aabang ng story na 'to sa kabila ng nangyari sa site natin. :thumbsup: heto iyong katuglong, medyo pahabain natin at paikutin ng bahagya iyong kuwento :thumbsup: enjoy mga mam/sir :praise:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

Part 10: "Meet The Reliyebo's"

Maghahapunan na nang magising ako. Pakiramdam ko, hindi parin nakakabawi ang aking katawan sa nakolekta nitong stress buhat sa kahapon. Kahit halos kalahating araw lang lahat nangyari iyon, feeling ko parin parang isang linggo akong nagtrecking sa pagod. Dinapuan ko ng tingin ang orasan na nakasabit sa ding-ding, 6:25 na. Limang minuto nalang at ipapalabas na sa telebisyon ang paborito kong telenobela. Bahagya pa ako nakipagtalo sa isip ko kung ano mas mahalaga, ang kama o ang T.V.? Kaso wala pang limang segundo nang makapagdesisyon ako. Who the hell cares about soup operas? Kapag ganito kalobat ang katawan, ang sarap nitong iunat-unat habang nakahiga sa kama. Sumiksik sa malambot na unan at amoy-amoyin ang bango ng kumot. Lalo na ang lakas pa ng ulan sa labas, pumapasok lalo sa kalamnan ang hypnotismo ng antok. Pikit lang Lyka. Maya't-maya ay nasa bundok ka na ng mga bulaklak. Kapiling si Mr. Taiwanese. Nakangiti siya sayo. Hahawakan ka niya at aayusin ang bangs mo na tumatakip sa iyong mga mata. Tapos unti-unti niyang ilalapit ang mukha niya sayo. Aasintain ang labi mo. Isang pulgada na lang ang agwat niyo sa isa't-isa. Dahit dito, nalalanghap mo na ang hininga niya, na amoy.....Bagoong?!

"Kakain na daw Ate."

Tila nakarinig ako ng mahabang pagpunit sa background music na iniimagine ko, nang maimulat ko ang aking mga mata at makita ang kapatid ko na halos magkapalit na kami ng mukha sa lapit. Nakanguso pa ito na parang naghihintay mahalikan.

"The fuck?! Gelo?!" napa-atras at napa-upo ako mula sa pagkakahilata. "Anong ginagawa mo?!"

"Naka-pout ka kasi, kaya ginaya kita. Gusto ko kasi malaman kung ano at sino ang pinagnanasahan mo sa panaginip." umupo siya sa may gilid ng kama. "Anong posisyon ang ginagawa niyo sa panaginip mo Ate?"

"Po-po-position?! Ano?! Anong pinagsasabi mo?!" bumulaga ang mga mata ko sa pagkadilat. Gulat na gulat. "Napakabata mo pa para mag-isip ng mga ganyang bagay! Anong pinagsasabi mong mga sex position?! Isusumbong kita kay Tatay!"

"Sex position?" tumagilid ang ulo nito, sinibat niya ako ng tingin, iyong tipong nagtataka at wari'y napaka-inosente ng titig. Napataas tuloy ako ng kilay. "Ang ibig kong sabihin kung ano ang posisyon niyo habang naghahalikan kayo nung nasa panaginip mo. Nakahiga ba o nakatayo? Naka-upo o nakaside?"

Natameme ako. Gusto kong dumepensa pero nanatili lang nakabagsak ang aking panga. Tiyak alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Tay! Si Ate oh may naka sex na! May naka se---" mabilis pa sa alas-kuwatro nang hablutin at takpan ko ang bibig niya, sabay sulyap ng tingin sa pinto ng kuwarto kung papasok si Tatay.

"Okay! Okay! Just shut the hell up! Panalo ka na! Anong gusto mo para tumahimik ka lang?" panggigigil ko sa kaniya. Sa totoo lang, kung hindi ko siya kapatid, matagal nang naibalita sa mga news channel na may natagpuang batang lalake na pugot ang ulo at palutang-lutang sa ilog.

"Bagong game console, puwede na iyong PS3." pagtanggal niya sa palad ko na nakabalahandra sa kaniyang bibig.

"What?! Wala akong pera! Lower!"

"Bagong bala nalang ng NDS."

"Lower! 100 pesos below!"

"Tay si Ate oh! Nakipag Dog sty---" hinigpitan ko lalo ang pagtakip sa kaniyang bunganga at nangangambang tinapunan ulit ng tingin ang pinto ng kuwarto.

"Okay! Deal na!" dahan-dahan kong tinanggal ang kamay kong nakapulupot na sa mukha niya. "Nagtataka na ako ah, saan mo ba natututunan ang mga salitang iyan?"

"Sa saturday magmo-mall tayo, okay? Ate?" malapad na ngiti ang bumabalot sa pisngi niya. Bumaba siya sa kama at aktong lalabas na ng kuwarto. "Saka pala bagong poster ng mga anime character ah, Ate?"

"Huh? Hindi! Kung ano ang pinag-usapan natin, iyon lang! Tapos!" pagbalik ko sa pagkakahilata kasabay sa pagyakap sa unan.

"The fuck?!"

Napa-angat ako ng ulo at Napatingin sa direksiyon ng pinto, hindi ko lang matukoy kung sino ang nagsalita, pero parang familiar ang boses.

"Okay! Okay! Just shut the hell up!"

Napamulagat ulit ako. Bagsak ang panga.

"Ano Ate, papayag ka o ipaparinig ko 'to kay Tatay?" unti-unting umuukit ang malapad na ngiti sa kaniyang labi, habang tangan ang cellphone nito na may record ng boses ko. "Ano kaya ang parusa sayo ni Tatay kapag nalaman niyang bumibigkas ka ng mga ganitong foul words?"

Yari na. Naisahan na naman niya ako.

+++
"Wow bagoong plus suka plus tinapa plus piritong talong! My favorite!" napatili ako ng makita ko ang mga naka-ahin sa lamesa. Agad akong sumalakay sa hapag-kainan at sumakmal ng gapalad na kanin.

"Yak! Kadiri ka Ate!" bulyaw ni Gelo sa akin. Sinimangutan ko siya at nagpatuloy lang sa pagkain, hindi ko pa nakakalimutan ang atraso niya sa akin. "Ang weird mo talaga! Kababae mong tao pero nagkakamay ka kapag bagoong ang ulam. Hindi ka pa nakukuntento at iniinom mo pa iyong sawsawan! Kadiri!"

Iyan si Gelo. Labin-dalawang taon gulang palang pero eksperto na sa pag ba-black-mail. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya ako nabiktima. Naaalala ko pa nung minsang sumikat ang PSP sa eskuwela nila, ilang linggo niya akong kinulit na bilhan siya 'non. Isang araw paggising ko, may pinakita siya sa akin na bidyo ng isang babae na naliligo sa banyo habang todo giling at indak. Huli na nang malaman kong ako pala ang bida sa hubad na bidyo na iyon. Binalahan niya ako na ikakalat niya iyon kung hindi ko siya bibilhan ng PSP. Halos ilang buwan din akong tuliro at hindi makatulog dahil 'dun. Naparanoid ako sa kakagalugad ng mga p**n site, umaasa na wala 'dun ang bidyo na kinasasangkutan ko. Iyong mga panahong iyon ay nasa pitong taong gulang palang siya.

"Paki mo! Hindi kita bilhan ng games eh!" pasuplada kong titig sa kaniya.

"Bakit kaya wala pang nagtetext sa akin?" sumubo siya ng kanin, kasunod ang pagwasiwas sa kaniyang cellphone, na alam ko na kung ano ang nais niyang iparating. "Tay, gusto mong pakinggan ang laman ng mp3 album ko?"

"Sumusobra kana Gelo!" paghampas ko sa lamesa.

"Tama na yan, nasa harap tayo ng pagkain." pagbawal sa amin ni Tatay, na abalang umihigop ng kape. "Magjo-joke nalang ako para naman tumawa kayong dalawa."

"Ah! Hindi ko napansin! Tapos na pala ako! Matutulog na ako!" agaran kong pagtayo sa aking upuan.

"Ako din! May assignment pa pala akong gagawin, pasok muna ako sa kuwarto ko Tay." pag-angat din ng puwetan ni Gelo sa silya.

"Upo!" sigaw ni Tatay sa amin, na dali-dali naming sinunod. Patay. Alam ko na ang mangyayari. Torture na'to. Disaster pa.

"Unang joke!" panimula ni Tatay. "Anong sabi ng pusa sa aso nang magkasalubong sila?"

"Si-sirit po..." halos nagkasabay pa kami ng kapatid ko.

"Edi, meow!" humalakhak siya ng malakas. Nagkatinginan nalang kami ni Gelo. "As if naman magkakamustahan sila? Hello, hayop sila at hindi marunong magsalita!"

"Ikalawang joke." usal niya muli, habang pinipigilan ang tawa kasabay sa pagpunas sa tears of joy na kumawala sa kaniyang mata. "Bakit nadapa iyong magtataho?"

"Si-sirit po..."

"Dahil hindi niya napansin na may humps sa daan!" muli siyang humalakhak. "Imaginin mo iyon, nadapa siya tapos tumilapon iyong taho sa mukha niya!"

"Ehe..Ehe..Ehe..Oo nga po..Nakakatawa..Ehe..Ehe..Ehe.." pagpeke ko ng tawa, kasunod ang dahan-dahan kong paglayo sa mesa, subalit sumimangot si Tatay at pinandilatan niya ako ng tingin. Napilitan tuloy ako maupo ulit at makinig sa kaniya. Sinulyapan ko si Gelo, bigla akong nahabag sa kalagayan niya. Animo'y hindi niya nakayanan ang matinding pressure, lumipad palayo sa kaniya ang kululuwa nito habang tumutulo ang laway sa bibig.

Iyan ang pamilya ko. Ang Reliyebo Family. Madedescribe ko 'to sa dalawang salita, SIMPLY WEIRD. Hindi man kami ganon kabongga sa salapi, bilyonaryo naman kami sa kalokohan. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ipagmalaki iyon. Si mama lang yata ang matino sa aming apat, ang kaso kabilang karagatan naman ang layo niya sa amin. Pero may pagka-o.a. din minsan si Mama. Malaman niya lang na wala pa ako sa bahay ng alas-siyete ng gabi, tiyak unang papasok sa isip niya ay nara-rape na ako sa kung saan. O nachop-chop na ang katawan ko at tinapon ang bawat bahagi nito sa magkakahiwalay na lugar. Adik kasi siya sa mga crime film at isa siyang frustrated detective, kaya kung ano-ano ang naiimagine niya. May pagkakataon nga akong naaalala sa kaniya noong bata pa ako, nasa baranggay daw namin si Jack The Reaper. Kaya alas-sais palang ng gabi, nakalock na ang mga pintuan namin.

"The fuck?! Okay! Okay! Just shut the hell up!"

Natigilan si Tatay sa pagjo-joke. Nagkatinginan kami. Pagkatapos, sabay lumanding ang mga mata namin kay Gelo.

"Nakup! Pasensiya na Ate, naiset ko palang ringingtone iyong narecord kong boses mo."

"THE FUCK?!" napatayo ako, kasabay sa biglaan kong pagtakip sa aking bibig.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

thanks sa update hehe tagal ko hinintay to
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

n.n,ayos!hehe,salamat Update t.s'n.n
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

Tgal q nghintay salamat idol
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

salamat ts...
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

haha nice ts..more pls..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

thank you po sa mga bumasa :praise: habangan yung update SOON :excited:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

` Hahaha Lufeeeetzz mu Ts Supladoako!!!

Hahaha kaya ko pmunta d2 sa thread na to kase kala ko may pagka L hahaha!!
hndi pala , pero seryoso ang ganda ah, lufetz pa, kanina ko lang to nakita pero tpus ku na lahat hahaha, Update update update po ts!!!
Ganda, napapangiti mko haha , may nappuntahan din palang maganda ang kalibugan :rofl:

excited nko sa nxt update :excited::clap::dance:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

:nice::nice::nice:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

ang kulit ni Gelo! hahahaha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

hahaha :rofl: kulit masado nung gelo. :rofl:


excited nanaman sa next chapter ts:excited:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

nxt na ts :)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

ganda naman ng storya m0 sir. Sana update niu na po..:thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

:thanks: po sa pagtangkilik at pagbasa sa bawat pahina ng kwento, thank you po talaga :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

wala pa palang update :(
maghihintay ako :)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

waiting sa update.... :clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

kailan labas ng bago? :excited:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

Please Continue the Story . . .
 
Back
Top Bottom