Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

wala pa rin :(
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

update po plsss
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

koya ang ganda poh, sana may sunod pa ito.. up! up! :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

pasensiya na po kung hindi ko pa ito nauupdate, bukas po maguupload ako ng bagong chapter..thank you po sa mga nag-aabang! :excited:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

^cge aabangan ko yan TS :) XD
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

tagal ng update'' excited n q'' keep sharing po
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (13/5/2013)

naalala ko sabi ni ts dati gagawin nyan 2chapters kada update haha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

mga mam/sir, heto na po yung kasunod na episode! Pasensiya na medyo natagalan ang pag-update sa kuwento, walang katapusang busy kasi :rofl:. Medyo napahaba yung chapter, pagpasensiyahan niyo na yung karugtong guys ah...enjoy mga kasym! :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

Part: 11 "Date?!"

Wala ng tatalo sa ginhawang hatid ng dilim at lamig sa loob ng sinehan. Samahan mo pa ng hotdog sandwich at ng family size softdrinks. The best. Stress free at iwas konsumisyon na, ang sarap pang matulog! Kung pwede lang, dito na lang ako habang-buhay. Sobrang init ng panahon ngayon. Lalo na sa bahay namin, parang may lava activity araw-araw sa ilalim ng sahig. kapag kasi buwan ng tag-ulan sa amin, maituturing palang namin 'yun na summer, at kapag tag-init naman, impiyerno. Konti na nga lang at makakaexperience na'ko ng mirage habang nakahiga sa aking kuwarto, sa tindi ng lagablab na humahalik sa balat.

"Ate hindi pa ba tayo lalabas? Tapos na iyong pelikula oh." pagyugyog sa akin ni Gelo, pagkabukas ng mga ilaw sa loob ng sinehan.

"Ulitin natin, hindi ko naintindihan 'yung story e." sagot ko, habang pinupuwesto ang sarili sa mas kumportableng posisyon sa malambot na upuan.

"Nasabi mo na kanina 'yan! Kanina pa tayong tanghali dito, pangalawang beses na nga natin natapos 'tong movie oh." patuloy parin niyang pangungulit sa akin. "At saka natutulog ka lang naman e!"

"Sandali na lang, bili ka na muna ng panibagong popcorn mo." pag-abot ko sa kaniya ng pera.

"Purga na ako sa popcorn Ate. Labas na kasi tayo, bilhin na natin iyong pinangako mong NDS cartridge para maka-uwi na tayo."

"Isang ulit nalang promise! Mai-ihaw ako ng buhay kapag nagstay pa ako ng kahit isang oras pa sa bahay natin."

"Okay. Ikaw ang bahala, kapag wala pa tayo ng 6 sa bahay, goodbye na sa graduation gift mo kay Tatay."

Napatayo akong bigla mula sa pagkakasandal-higa sa silya. Naaalala ko ang parusang curfew sa akin ni Tatay, ng dahil lang 'dun sa mga bad words na nasambit ko, na nirecord naman ni Gelo sa cellphone niya.

"Anong oras na?!" pangamba kong tanong sa kapatid ko.

"Magfo-four na."

Nagmadali akong lumabas ng sinehan, hila-hila si Gelo, habang iginagala ang tingin sa loob ng mall. "Nasaan na ba 'yung hinayupak na tindahan ng mga laruan?! Kailangan na nating maka-uwi!"

"Doon sa dulo ng corner na iyon, sa tabi nung boutique."

Paspasan kong tinungo ang lugar na tinuturo ni Gelo. Sa dami ng taong nakakalat sa dinaraanan namin, wala na akong paki-alam kung may masagi man ako. Imortante ang bawat segundong naglalaho sa nakasaad na curfew sa akin ni Tatay. Mahirap na, baka mawala din ang ipinangakong regalo niya sa akin.

"Ate teka lang! May show sa activity center oh!" bulyaw sa akin ni Gelo.

"Wala akong pakialam! Bilisan mo! Ayaw kong maabutan ng curfew." palahaw ko sa kaniya.

"Mukhang sikat na artista Ate."

"Wala akong paki-alam kahit na si Tom Cruise pa iyan! Wala akong pakialam kahit na si Vin Diesel o Brad Pitt pa iyan! Wala akong pakialam kahit kanino! Mas mahalaga ang regalo ni Tatay!"

"Hey! Lyka! What's up?!" pag-udlot ng lalakeng biglang sumulpot sa aking harapan. Napanganga ako.

"Iiiiiieeeeee! Mister Taiwanese!" pagpigil ko sa gustong kumawalang tili sa aking bibig.

"Kamusta?! You look so good as always!" kumislap ang ngiti sa kaakit-akit niyang mukha. Tila sinusumpong ako ng epileptik sa kilig. Umiikot ang balakang ko sa sabik. Makalaglag panty talaga ang dulot ng kaniyang appeal.

"Bakit ka huminto Ate? Bilisan natin para maka-uwi na tayo."

"Wala akong pakialam sa curfew!" pagbaling ko ng tingin kay Gelo.

"Wow, ang cute naman ng kasama mo Lyka, kapatid mo?" usisa ni Mister Taiwanese, kasabay ang paghimas nito sa buhok ni Gelo.

"Ang salitang cute ay para lang sa aso." pagtabing ni Gelo sa kamay ni Mister Taiwanese, kasunod ang paglipat ng tingin niya sa akin. "Siya ba yung pinagnanasahan mo sa iyong panaginip noong isang araw Ate? Ano nga bang sex position ginagawa niyo 'non?"

Agad humalik ang kamao ko sa bumbunan niya, kasabay ang pagkurot ko sa kaniyang mukha. "Pasensiya ka na sa kapatid ko, palabiro kasi 'to."

+++
"I would like you to meet Johnny, Ivan, Tom and Benjie. Mga kabanda ko." pagpapakilala sa akin ni Mister Taiwanese sa apat na lalakeng kasama naming pumasok sa isang restaurant. "Guys, this is Lyka, siya iyong pretty girl na kinukuwento sa inyo."

"Hi Lyka!" magkasabay na bati nila sa akin, na tila musika sa aking pandinig. Ito na ba ang tinatawag nilang Garden of Eve? Ito na nga ba ang promise land ng may kapal? It's raining guwapo men! Ang hirap pigilan ng tili habang pinagmamasdan ko sila. Halos lahat ng mga babaeng malapit sa amin, ay nagkakandarapa ng tingin sa kanila! Walang duda, certified malandi nanaman ako ngayon!

"I'm Lyka." pag-abot ko sa kanila ng aking kamay sa pustong nakikipag-shakehands, habang pilit akong nagpepeke ng emosiyon, kahit pakiramdam ko'y tila mukha na akong timang sa pagpigil ng kilig. "This is Gelo, my little brother. He is 12 now, but i'm 23. How about you? And you also." nakangiti kong paglipat-lipat ng turo sa kanilang apat.

"Pwede bang umuwi na lang ako Ate? Nahihiya na ako sa pinaggagagawa mo." sabat ni Gelo, na agad ko namang sinagot ng kurot sa tagiliran.

"Hahaha! You're funny! Willy told us so much stories about how nice and great you are! And now that i met you, one thing for sure, he's damn right." wika ng isa sa kanila, ang pinakamaputi sa lima, si Tom.

"Hahaha!" pagtawa ko ng malakas, sabay tapon ng pabulong na tanong kay Gelo. "Ano daw?"

"Panget ka raw. Puwede na ba akong umuwi?" usal niya, kasunod ang pagpigil ko sa tangka niyang pagtayo.

"Mga foreigner ba ang mga kasama mo?" pahapyaw kong intriga kay Mister Taiwanese, na hindi parin binubura ang ngiti sa aking mukha.

"Nope. We're all born and raised here. Pero may kalahating dugong banyaga sa aming lahat." paglapag ni Mister Taiwanese sa menu na kanina niya pa sinisipat. "I'm half korean. Johnny is half german. Tom here is half american, at both ivan and benjie ay may lahing briton."

"Oh really? Ate too is half-half! Half german, half shepherd!" sabat muli ni Gelo, na agad sinalubong ang nangangalit kong kamao.

"So, band member ka pala Willy! Anong hawak mong instrument?" paglipat ko ng topic, pero ang nasa utak ko ay ang pagiging koreano pala niya, hindi taiwanese.

"We're boy band actually." mabilisang sagot ng isa pa sa kanila, ang pinakamatangkad, si Ivan.

"Oh that's great! Like Westlife?" bibong sambit ko. Sasabat muli sana si Gelo, pero natigilan nang mapansin ang paglamukot ng aking kamao.

"Parang ganon na nga, pero mas gusto naming makumpara sa mga korean boy band. Afterall, we're all influenced by K-pop!" pagtama ni Mister Taiwanese. "Siya Nga pala, napanuod mo ba kami nagperform kanina? Kami iyong nag-opening act 'dun sa celebrity guest ng mall."

"Ah! Oo naman! Ang galing-galing mo ngang kumanta e! At Gustong-gusto ko ang K-pop! Ang dami kong idol na korean boy band!" pagbida ko sa kanilang lahat.

"'di ba sinusumpa mo ang K-pop Ate? Sabi mo sila ang sumisira at pumapatay sa OPM." usal ni Gelo, na agad kong tinapalan ang bibig.

"Kumanta? Wala akong part sa song namin kanina, sumayaw lang ako." pagtataka ni Mister Taiwanese.

"Ah! I mean si Ivan! Ang galing ni Ivan kumanta!" taranta kong pagturo, kasabay ang manaka-nakang pagpapawis.

"No, i'm Johnny. The man beside benjie is Ivan." sunod-sunod na pag-iling ng lalakeng tinuro ko. Tuluyan ng humulagpos ang pawis sa aking mukha.

"Hindi rin kumanta si Ivan Lyka, sumayaw lang din siya. Anyway, wow! Pareho pala tayo ng hilig! Sino at ano ang paborito mong korean boy band member?!" sabik na usisa ni Mister Taiwanese.

"Si-si...Si ano..Si.." pautal-utal kong sambit, nag-iisip at nangangalkal ng maisasagot sa kaniya. "iyong si...Si..."

"Siwon Choi ng Super Junior?! Wow! We're so alike! Idol na idol ko din iyon Lyka!"

"Ah?.." natameme ako, tila nawala pa ang nerbiyos sa aking dibdib, at animo'y hinigop pabalik ang pawis na kumawala sa katawan ko dulot ng kaba. "Ah oo! Gusto ko si Simon Soy."

"Bagay kayo ng pinagnanasaan mo Ate, parehas kayong weird." pagsabat ni Gelo, na agad ko namang dinapuan ng batok.

+++
Mabilis lumipas ang oras nang hindi ko man lang namamalayan. Nawili ako sa pakikipagkuwentuhan kay Mister Taiwanese at sa mga kasama nito. Sobrang kilig ang nararamdaman ko sa bawat topic na pinagsasaluhan namin. Hindi ko tuloy maubos-ubos ang pagkaing inorder ko, sa dahilang ayaw kong matapos ang sandaling kasama at kakuwentuhan ko ang aking prince charming. Agad namang nagpa-alam at sumibat ang mga kabanda niya nang matapos silang kumain. Naiwan kaming magkapatid at ang future husband ko. Tinulangan niya rin kami na bumili ng larong pinabibili ni Gelo, at siya pa ang nagbayad! Sobrang winner much ako ngayong araw na'to! Kinilig na ako ng husto, nasave ko pa ang perang magagastos ko sana!

"Masaya ako nakita kita ulit Lyka." panimula ni Mister Taiwanese habang tinatahak namin ang palabas ng mall. "Pwede ko ba makuha ang digits mo? Para kapag libre ako, yayayain kitang mamasyal at kumain ulit."

"Sure!" hindi pa niya natatapos ang kaniyang sinasabi nang ibigay ko sa kaniya ang contact number ko, with matching tapik pa sa kaniyang balikat.

"Ate seven o'clock na, uwi na tayo." pagsira ni Gelo sa aking matamis na moment.

"Heto na nga e!" pagtaray ko ng titig sa kaniya.

"Hey, look! Is that Charlie?" bulalas bigla ni Mister Taiwanese, napatapon tuloy ako ng tingin sa direksyon na tinuturo niya. Sa may entrance ng mall, kung saan nakatayo si Bakulaw, na tila abalang may kinakausap sa cellphone nito.

"Charlie!" atungaw ni Mister Taiwanese, na agad namang nakapukaw sa attensiyon ni Bakulaw. Humarap siya sa amin, at dahan-dahang itinuon ang tingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko, at biglaan akong napatakip ng bibig. Sumagi sa isip ko ang huling gabing kasama ko siya. Noong gabing naglalakad kami pauwi. Noong gabing ikinuwento ko ang isa sa parte ng aking buhay. Noong gabing pinangakuan ko siya, na makikipagkita ako sa kaniya ngayong araw na 'to. "Shit....."
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

nice:-) thanks sa update:-)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

thanks TS :)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

:clap:ganda talga story .. kaka excite nnaman tuloy susunod na mangyayari :rofl:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

haha!
after ko kiligin ko replay ng bcwmh..
eto naman ang sumunod! hehe.
galing mo sir ts! :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

nice one ts ganda tlga story good job! tanx d2 :salute:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

ganda tlga neto.! Sana update niu na po ts..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

kailan po update?:excited:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

kailan po update?:excited:

-
try ko po bukas kung mauupdate ko siya, wala pa akong drafts ng next chapter, although nasa utak ko na yung mangyayari sa susunod. Thanks btw sa pagbabasa sir :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

pamarka muna,
 
Back
Top Bottom