Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

twice-thrice ako napapadpad dito per day wala pa rin pala update. hehe!

anyway, antay antay pa rin tayo :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

sobrang ganda ng story TS <3 :) updateeeee na haha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (21/5/2013)

Waiting for the next chapter. :clap: Ganda ng story! :lmao:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

guys, heto ang kasunod na chapter..malapit ko nang tapusin 'to, enjoy guys :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

Part 12: "7 Missed Calls"

Hindi ko mapigilan ang pag-untog ng puso ko sa aking dibdib, sa tindi ng pagpintig, tila nagpupumiglas at gusto nitong kumawala buhat sa pagkakakulong sa loob. Pilit ko 'tong pinapatahan, subalit sa tuwing ipapantay ko ang aking tingin kay Bakulaw, ayaw nitong kumalma sa pagtalon at pagpapalahaw; sa paraan ng malalakas na pagkabog. Hindi ko mawari kung bakit ko nadarama ang nakakabinging kabang 'to. Marahil nahihiya ako sa kaniya dahil nakalimutan ko ang naka-skedyul naming pagkikita. Pero kahit na, wala sa sistema ko ang mahiya, lalo na hindi ko naman 'to sinasadyang makaligtaan. Ngunit hindi ko madaya ang aking sarili. Alam ko sa pinakasulok ng aking puso, merong namumuong hinanakit na nagbabadyang humulagpos mula dito.

"Sino ka nga ba ulit?" dinig kong boses mula kay Bakulaw. Dinapuan ko siya ng tingin, kausap niya si Mister Taiwanese. "Saan nga ba kita nakilala? Familiar ka sa akin."

"That hurt's Bro." sagot ng kausap nito, kasabay ang malakas na pagtawa. "Ako 'to, si Willy! Iyong tumulong sa inyo na gumulpi 'dun sa American boy!"

"American boy?Americano ka? Pero mas mukha kang hapon." kumubi ang kaliwang kilay ni Bakulaw.

"No!" bumagsak ng bahagya ang panga ni Mister Taiwanese, nababasa ko tuloy ang nasa isip niya. Kahit ako ay bahagyang napangisi sa tinuran nito. "Noong isang gabi, sa may park, tapos doon sa presinto, nakasama niyo ako. I can't believe you Bro, nakalimutan mo na kaagad iyon?"

"Ah! Ikaw yung madaldal na engliserong intsik!" pagturo nito kay Mister Taiwanese, na sunod-sunod na tango lamang ang isinagot. "So, e ano ngayon? Anong meron?"

"Hahaha! Ang suplado mo talaga Bro!" pagtapik ni Mister Taiwanese sa balikat ni Bakulaw. "Wala lang, nagkataon lang na nakita ka namin ni Lyka! Ano bang ginagawa mo dito?"

Inalis ni Bakulaw ang tingin nito kay Mister Taiwanese, nilipat sa akin. Subalit sakto palang ako nakaka-kurap ng ibalik niya ito sa kausap.

"Nagpapalamig lang, actually pauwi na ako, nagpapatay lang ako ng oras." sagot ni Bakulaw, pagkasulyap sa suot nitong orasan. Medyo nagliwanag ng kaunti ang kulimlim sa aking dibdib. Posible kayang nakalimutan niya rin ang dapat na pagkikita namin ngayon? "Sino siya? Girlfriend mo?"

"Whaaat?!" pag-angal ni Mister Taiwanese, medyo pumiyok pa ang boses nito. "Don't tell me nakalimutan mo narin si Lyka?! How rude Bro!"

"Joke lang. Hindi ko siya nakalimutan. In fact, hinding-hindi ko siya makakalimutan." sinibat niya ako ng titig, pero pakiramdam ko'y bigla akong namula, kaya dali-daling dumikit ang tuon ko sa sahig, at sa suot kong sapatos. Damn it! Ano ba ang nangyayari sa akin!

"Kasi, paano ko ba naman siya makakalimutan? Siya lang ang baklang hindi halatang lalake. 'di ba Kuya?"

Hindi ako makatingin sa kaniya. Parang hinihila paibaba ang mga mata ko, pinapanatili akong nakayuko. Tameme din ako sa panlalait na ibinala niya sa akin. Nakakapanibago, subalit hindi ko magawang umalma sa galit. Nilulunod ako ng aking puso sa ginagawa nitong pagtambol, na animo'y may live band sa ingay nitong magreact sa loob ng dibdib ko.

"Hahaha! Hanggang ngayon pa ba hindi parin kayo magkasundo?" tanong ni Mister Taiwanese, na walang nag-abalang sumagot maski sino man sa amin."

Hinawakan ako sa magkabilaang balikat ni Mister Taiwanese. Napatingin ako sa kaniya. "Lyka, are you okay? Bakit bigla kang tumahimik?"

"Ah, eh...Maalinsangan lang dito sa loob." pagpeke ko ng ngiti.

"Sa loob ng mall? Ang weird mo talaga Ate." sabat ni Gelo, na abalang binubusisi ang nabili nitong laruan.

"Namumula ka at nanginginig, you don't look well." ani ni Mister Taiwanese. "Gusto mo hatid ko na kayo ni Gelo?"

"I'm fine."

"I hate to interrupt you guys, pero maiwan ko na kayo. Naalala ko, may importanteng lakad pa pala akong pupuntahan." pagtalikod sa amin ni Bakulaw, kasunod ang paglabas nito sa mall.

"Wala paring pagbabago kay Charlie, laging busy, at suplado parin as always." pagsunod ng tingin ni Mister Taiwanese sa umalis, pagkatapos, ibinalik niya muli sa akin ang tuon nito. "Mauna narin ako Lyka. Tawagan nalang kita nexttime. Ang bilis talagang lumipad ng oras kapag nage-enjoy ka sa ginagawa mo."

Bigla niya akong hinalikan sa noo. Nagulat ako. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya ng ubod ng tamis. Kaya ganon na lamang kung gumalaw ng kusa ang aking labi, kumurba ito at umukit ng paletrang "U". Pero alam kong pilit iyon, dahil hindi parin maalis sa isip ko ang mga titig sa akin ni Bakulaw. "Damn it! Damn it! Lyka! Pagkakataon muna 'to! Hinalikan ka ng Prince Charming mo! Ano pa ang hinihintay mo! Tumili ka na!" ang nasa isip ko, pero ang kalahati nito ay nakikisimpatiya sa ginagawang pagwawala ng aking puso.

+++
"Ate, bakit bigla kang natahimik kanina?" bungad ni Gelo, habang tinatahak namin ang kalsada pauwi.

Hindi ako umimik. Wala akong sapat na mood para makipagtalastasan. Shit! Ano ba ang nangyayari sa akin! Dapat masaya ako dahil nakasama ko ng buong maghapon si Mister Taiwanese kanina! Hinalikan niya pa ako sa noo! And that means, nirerespeto at malaki ang paghanga niya sa akin. Pero kahit anong gawin kong paglimot, sisirko at sisirko parin sa utak ko si Bakulaw.

"Siguro naguguluhan ka 'dun sa dalawang lalake kanina 'no?" muling pukol na tanong ni Gelo.

Naguguluhan? Hindi. Malabong mangyari iyon.

"Kung naguguluhan ka, bakit hindi mo nalang sila pagsabayin." napadako ako ng tingin sa kaniya. "Mag threesome kayo."

Pumitik ang ugat sa aking sentido. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Maya't-maya pa, naramdaman ko na ang pag-akyat at pagkulo ng aking dugo. Bago pa'to tuluyang sumabog, nakatakbo na ng pagkatulin-tulin si Gelo. Walang humpay na habulan ang sumunod pagkatapos. Nahimasmasan na lang ako ng maka-uwi na kami. Lumutang sa imahinasyon ko ang parusang curfew sa akin nang sinalubong kami ni Tatay. Sa pustura niya, walang duda na hindi siya natutuwang nakabalik kami ng gabi na. Alam ko na ang susunod na kabanata. Panibagong parusa, at paalam na sa graduation gift niya sa akin nitong darating na lunes. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit. Nawala ang sabik ko sa bagay na minimithi kong makuwa sa aking pagtatapos ng pag-aaral. Pakiramdam ko wala na akong paki-alam sa regalo niya, maibigay man ito o hindi. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng puso, utak at ng aking katawan ngayon. Pakiramdam ko, wala akong gana.

Tinungo ko kaagad ang aking kuwarto pagkatapos kong maligo. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa sa kusina kung ano ang ulam. Hindi ko kasi mahagilap kung saan nagsuot ang appetite ko. Mas gusto ng aking tiyan na ilapat ito sa malambot na kutson, at ipahinga na ng tuluyan. Bumulagta ako sa kama. Medyo napaigtad pa ako ng maramdaman kong may kung anong bagay akong nadaganan. Hinablot ko 'to mula sa pagkaka-ipit sa aking likuran. Lumantad ang cellphone na nakalimutan kong dalhin kanina.

Siyam ang missed call na sumentro sa screen nito. Tig-isa para kay Mama at kay Tatay. At pito kay.....Bakulaw. Nakaramdam ako ulit ng isang kurot sa aking puso. But this time, pakiramdam ko hagupit ang isang iyon. Naalala ko kung paano ko siya nakita kanina. Sa may entrance ng mall, na tila abalang may kausap sa kaniyang telepono. Isa pang latay sa puso ang naramdaman ko, kasabay sa pag-alala sa mga naisambit niya kanina;

"Nagpapalamig lang, actually pauwi na ako, nagpapatay lang ako ng oras."

Sa isang banda, bigla nalamang pumatak ang luhang hindi man lang nagpa-alam, na humagos sa aking pisngi. Napapunas ako sa matang pinagdulutan ng sutil na butil ng tubig, pero sa pagtama ng aking palad sa mga paningin ko, tuluyan na itong nabasa. "Bakit? Bakit ako umiiyak? Bakit ako malungkot?" mga katanungang kusa na lamang lumabas sa aking bibig.

Sumubsob ako sa kama. Doon, isinumbong ko sa nanahimik na unan ang lahat ng katanungan at kalungkutang hindi ko maintindihan. Subalit nahinto ang pagpighati ko ng tumunog ang aking cellphone. Dali-dali ko 'tong dinampot, at napangiti nang makita ko kung sino ang tumatawag.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

ts ganda talaga ng storya neto :) sana araw araw mo to iupdate
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

uy thanks sa update! galing mo talaga mang bitin TS XD dalang dala ako kahet fiction lang to wahahe
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

ganda tlga neto. Update niu nalang po ts kpag may free time kau..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

Wew...thnx sa update ts..kakabitin!!!!.' )
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

..lufet talaga mambitin ni TS..

..isa ako sa tagasubaybay ng kwentong ito..

..salamat sa update po..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

Waiting for the next chapter. Galing mo talaga ts. Writer kaba ts?:clap:
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

Ts palagay naman po sa 1st page lahat ng chapter para madaling basahin. More more :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

galing mo ts! pwede mo ito ipost sa Wattpad ! ganda ng story mo eh,, talagang mabusisi sa mga words galing! dahil jan eto :salute: :salute: :salute: :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

` Ts ipapakalato ko to kung pde!!!, grabe prang nasa istorya din ako e Lufet xD
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

ang ganda ng istorya nito. nasa part 8 nako pag patuloy ko nalang ulit mamaya :nice:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

update update update

Lupit talaga ng storya mo TS :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

-
:thanks: po sa patuloy na pagbabasa :thumbsup:
ts ganda talaga ng storya neto :) sana araw araw mo to iupdate
-
maraming salamat po! :) hayaan mo, kapag nakaluwag, araw-arawin natin update nito :thumbsup: maraming salamat ulit!
uy thanks sa update! galing mo talaga mang bitin TS XD dalang dala ako kahet fiction lang to wahahe
-
ehehe pasensiya na po sa pagbitin! :rofl: at salamat sa pagbasa :thumbsup:


ganda tlga neto. Update niu nalang po ts kpag may free time kau..
-
sure po! Kapag free ako, sigurado iaangat natin ang kuwento! :thanks:


Wew...thnx sa update ts..kakabitin!!!!.' )
-
:thanks: po sa pagsubaybay, at pasensiya na sa pagkabitin, hayaan mo, update natin 'to kaagad! :thumbsup:


..lufet talaga mambitin ni TS..

..isa ako sa tagasubaybay ng kwentong ito..

..salamat sa update po..
-
wuy, maraming-maraming-maraming thank you po sa pagsubaybay sa kwento, nakakagana magsulat kapag marami katulad niyo ang sumusubaybay sa bawat gawa namin! :salute: po ako sa inyo! :thumbsup:


Waiting for the next chapter. Galing mo talaga ts. Writer kaba ts?:clap:
-
thank you po sa pagbasa :thumbsup:. Hindi ko po alam kung writer ako :rofl: pero sa palagay ko writer tayong lahat, lahat kasi tayo ay may kakayahang mag-imagine at magsulat :thumbsup: wuy, wag ka mawawala sa next chapter, update natin 'to asap :thumbsup:


Ts palagay naman po sa 1st page lahat ng chapter para madaling basahin. More more :thumbsup:
-
salamat po sa pagbasa at sa suggestion :thumbsup: stayput para sa susunod po! :salute:


galing mo ts! pwede mo ito ipost sa Wattpad ! ganda ng story mo eh,, talagang mabusisi sa mga words galing! dahil jan eto :salute: :salute: :salute: :thumbsup:
-
hehehe salamat po, hayaan mo, pasyal tayo minsan 'dun! :thumbsup: thank you talaga sa pagbasa :salute:


` Ts ipapakalato ko to kung pde!!!, grabe prang nasa istorya din ako e Lufet xD
-
hahaha sige po, kalat niyo po para marami maging fans ni bakulaw :rofl: thank you ah! :thumbsup:


ang ganda ng istorya nito. nasa part 8 nako pag patuloy ko nalang ulit mamaya :nice:
-
thank you po! Sana sa mga susunod na update makasama ka ulit namin! :thumbsup:


update update update

Lupit talaga ng storya mo TS :D


-
thank you! :thumbsup: hayaan mo, update natin 'to soon! :thanks: talaga! :salute:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

sino kaya ang tumawag???
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/5/2013)

wew sino ung tumawag? :upset:


ts update agad oh :excited:
 
Back
Top Bottom