Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (30/5/2013)

-
ah hindi sir, fiction lang ang katauhan ni bakulaw. Though may mga ugali siya na binase ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Bale pinagsama-sama siyang ugali ng iba't-ibang taong nakakasama ko, o mga kaibigan. Unlike si Lyka, na base sa isang tunay na babae na ganon na ganon kung umasta, masaktan at mahighblood, pwera lang sa storya ng buhay :thumbsup:


ah ayos ts :lmao: kala ko binase mo si bakulaw sa napag daanan mo e :slap: na ask ko lang naman ts :rofl:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (30/5/2013)

nanunuod pa game 7 si ts kaya dipa na uupdate haha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (30/5/2013)

aw bitin ahehehehe... go go go kuya TS!!!
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (30/5/2013)

Kating kati na ko. Pa Update :yipee: hahah demanding e :hit:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (30/5/2013)

Guys! Heto ang kasunod na chapter! :thumbsup: enjoy! :thumbsup: nakaka fourteen chapters na tayo, na dati ay balak kong seven lang ahaha nag-enjoy tayo sa buhay ni Lyka, kaya napadami tuloy :rofl: thanks sa patuloy na nagbabasa at nag-aabang! :salute:
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

Part 14: "Bakulaw"

"Oh Lyka, kanina ka pa hinihintay magising ng kaibigan mo."

"BAKULAW!"

Hindi ko ina-asahan ang tiling iyon. Tila kusa na lamang gumalaw ang aking labi at inilabas ang salitang kanina pa kinakati ng dila ko. Para akong batang sabik na nakakita ng lobo sa unang pagkakataon. Napatakip tuloy ako ng bibig, kasabay ang pakiramdam na animo'y nagmamanhid ang pisngi ko dulot sa pamumula nito. Bakas sa mukha ni Tatay ang pagkagulat, habang tinapunan naman ako ng tingin ni Bakulaw. Blangko at walang kaemo-emosyon ang titig na iyon. Naalala ko tuloy noong una kaming nagkakilala. Ganyan na ganyan ang mga matang isinalubong niya sa akin.

"Sinong Bakulaw?" pagkamot sa ulo ni Tatay. "Sumosobra kana sa pagsagot-sagot sa akin Lyka ah! Huwag na huwag mo akong tatawaging Bakulaw!"

Hindi ako naka-imik sa himutok ni Tatay. Natulala ako sa kaniya, pakiramdam ko huminto ng ilang segundo ang pagproseso sa aking utak. Nasulyapan ko pang bahagyang ngumiti si Bakulaw, kasabay ang mabagal nitong pag-iling.

"Maiba ako." paglinis sa lalamunan ni Tatay. "Ibang klase 'tong kaibigan mo, ang galing!"

"Magaling?" pagkurba ng aking kilay, habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Anong meron?"

"Kanina pa kami nagpapaligsahan ng joke." muli itong humarap kay Bakulaw. "Kung sino ang unang tumawa, talo."

"Tabla ang score sa sampu." ani ni Bakulaw, na naki-kipagtarayan ng titig kay Tatay. Naka-padlock ang mga mata nila sa bawat isa, naglalagablab na stare down. "Ikaw na ang titira, Sir."

Magkasabay na Bumagsak ang panga at balikat ko. Pakiramdam ko'y lalong nawalan ng laman ang aking utak. Lumilipad at pilit hinuhuli ang ulirat na patuloy lumulutang sa himapapawid. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasagutin sa intriga ng diwa ko sa akin. Kung bakit nandito si Bakulaw? O kung ano ang pinagkaka-abalahan nila ni Tatay magmula pa kaninang nagkaharap sila? "What the hell?" ang naibulong ko sa hangin.

"Ano ang ibig sabihin ng CATTLE?!" panimula ni Tatay, itinulak pa nito ang ulo niya paabante sa kaharap. Napalunok ako, pinagsisian kung bakit pa'ko lumabas ng kuwarto.

"Sirit." seriosong sambit ni Bakulaw.

Ngumisi si Tatay, na animo'y puno ng kumpiyansa sa sarili. "Doon nakatira ang HALI at LEYNA."

Nanlambot ang aking mga tuhod. Feeling ko, lalamunin ako ng lupa sa hiya. Kabaligtaran ang hitsura ni Bakulaw sa akin. Nanlalaki ang mga mata nito. Lomobo pa ang magkabilahang pisngi niya, wari'y pinipigilan ang pagtawa.

"Muntikan na ako 'dun Sir." bumalik sa pagkaseryosong ayos ang mukha ni Bakulaw. "Ako naman."

Napasandal ako sa ding-ding. "Anong kalokohan 'to?" muli kong tanong sa aking sarili.

"Bakit nakapatay ang bulag?" payabang na usal ni Bakulaw.

Kumulot ang kilay ni Tatay, napa-atras pa ang ulo nito na animo'y sobrang lalim ng iniisip. "Sirit."

Huminga ng malalim si Bakulaw, kasabay ang nakakalokong ngisi na gumuhit sa kaniyang pisngi. "Dahil nagdilim ang paningin niya."

Naloko na.

"Ate, siya ba ang past life ni Tatay?" dinig kong sambit ni Gelo, pagkahawak sa laylayan ng aking damit. Iling lang ang naisagot ko sa kaniya. Naguguluhan at tuliro akong nakatitig sa dalawang mama sa aking harapan. Habang ang isa sa kanila, si Tatay, ay halos mapatiran ng hininga sa kakatawa.

+++
"Ang kewl ng father mo!" ani ni Bakulaw, pagkatapos lagukin ang kapeng kanina pa niya inihipan.

Ang corny niyong dalawa, nakakapangilabot. Ang nais ko sanang banggitin sa kaniya, kaso mas nakikipag-unahan ang salitang nais kong itanong sa kaniya na nasa dulo ng aking dila. "Anong ginagawa mo dito?"

"Wala, napadahan lang ako."

"Bakit nga napadahan ka? Anong kailangan mo?" inis kong intriga sa kaniya, imbiyerna talaga ako sa ugali niyang malihim at parang walang paki-alam.

"Hinahabol siya kanina ng aso Ate." tatawa-tawang sambit ni Gelo, habang nginunguya ang kinakain. "Buti na lang nakilala ko siya kaagad, kaya pinapasok ko sa bahay, kung hindi baka lumabas ang bituka niya 'dun sa dogerman ng kapit-bahay natin."

"Huh?!" nanlaki ang mga mata ko, lalong nagkukumahog na dumikit kay Bakulaw. "Really?!"

"Ah..Eh.." pamumula sa mukha nito. "Nakalimutan ko na kasi kung saan sa lugar na'to ang sa inyo. Ang akala ko tuloy doon ka nakatira sa bahay na sinisilipan ko kanina. Hindi pala. Ang malas nga e, bukas pala 'yung gate, kaya hinabol ako nung aso."

"ANG TANGA MO! HAHAHA!" sabayang halakhak namin ni Gelo. Halos kumurot pa ng pagkahapdi-hapdi ang aking tiyan sa kakatawa. Pakiramdam ko ang saya-saya ko. Hindi ko alam kung bakit, pero sa pagkakatanda ko, ngayon lang ako tumawa ng ganito kalakas. Mangilid-ngilid pa ang luha sa aking mga mata.

"Ganiyan pala hitsura mo kapag bagong gising." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tumambol ng isang mabigat na kabog ang aking dibdib. Napalunok ako sa ikalawang pagkakataon, kasunod ang pagdapo ng tingin ko sa suot kong maluwang na puting paintaas, lagpas sa bewang ang haba. At higit sa lahat, sa panty lang na saplot kong paimbaba!

"FUCK?!" pagsampal kong bigla kay Bakulaw, na saktong humihigop ng kape ng mga sandaling iyon. Napasigaw tuloy siya buhat sa pagkapaso ng bibig. Halos mabunsol naman sa kakatawa si Gelo.

+++
"Ano nga ba kasi ang pakay mo sa amin?!" bumubulusok sa pagkabukal ang dugo ko, kumukulo sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Bakulaw. Pakiramdam ko bad trip na badtrip ako ngayong araw na 'to. Nagpantalon tuloy ako ng wala sa oras dahil sa kaniya. Kapag kasi ganito kainit ang panahon, madalas akong nakakulong sa loob ng aking kuwarto. Tanging maluwag na t-shirt at panty lang ang suot, panlaban sa alinsangan.

"Bakit ka nagagalit? Okay lang 'yun, lalake naman tayong lahat,kaya wala ka dapat ika-ilang at ikahi---" pag-udlot ko dapat sa sasabihin niya, nang hatawin ko siya ng karate chop sa ulo. Nag-aapoy ang mga mata ko sa pagka-iritable, pero sa likod ng aking himutok, nagkukubli ang ngiti. Namiss kong dapuan ng hambalos si Bakulaw.

"Ang cute niyong dalawa Ate! Bagay kayo hahaha!" sambulat na halakhak ni Gelo. "May tanong ako sayo Kuya. Nag sex na ba kayo ni Ate?"

Oh shit.

"Huh?" tila nasemento ang katawan ni Bakulaw sa pagkaka-upo, tirik na tirik ang tingin sa kapatid ko.

"Ah! huwag mong pansinin iyan, palabiro kasi yan." natatarantang pagpeke ko ng ngiti, kasabay sa pagtapak ko sa paa ni Gelo. "Anyway, ano nga ba kasi ang pakay mo sa amin?!" paglipat ko sa usapan.

"Kasi..." ibinaling niya ang kaniyang tingin sa akin. "Nalaman ko mula kay Chika, na graduation day mo bukas."

"Yep. So ano naman ngayon kung graduation day ko bukas?"

"Hmnnn....." napansin kong bigla siyang namula, kasunod ang paglihis ng titig niya sa akin. "Gusto ko lang sana na ako ang unang bumati sa iyo."

Napasinghap ako. Kumabog ang aking dibdib. Unti-unting naglalayag ang pagka-imbiyerna sa aura ko. Napapalitan ng tila bahagharing pakiramdam sa loob. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon."

"PERO KAILANGAN!" Bigla niya akong hinarapan. Nagulat ako ng malanghap ko ang hininga niya. Feeling ko'y tinatadtad ako sa kaba, dulot ng pagkakalapit ng mukha namin sa isa't-isa. Nararamdaman ko nananaman ang pagkamanhid sa aking mukha, dulot ng pagkamakopa nito. "Ah, sorry." muli nitong tinabig ang tingin sa akin.

"Oh men." dinig kong wika ni Gelo, pero hindi man lang namin siya inaksayahan ng sulyap. "Maka-alis na nga, ang baduy na ng atmosphere dito."

Lumayo sa amin ang kapatid ko. Naiwan kaming nakatameme ni Bakulaw. Walang umi-imik. Lumipas ang isa, dalawa o limang minutong nakikipagpaligsahan lang ng titigan sa mga appliances na nakapalibot sa kusina.

"Kailangan ako ang unang bumati sayo." pagbasag sa katahimikan ni Bakulaw, napadako ako ng tingin sa kaniya. Nakadikit parin ang titig nito sa mesa. Namumula ang mukha.

"You don't have to." pangiting sambit ko. Ewan ko ba, ngunit para akong kinikilig. Pakiramdam ko hinahaplos ang aking puso.

"Kailangan Kuya." dahan-dahan siyang humarap sa akin.

KUYA?!.....Bahagyang pumitik ang ugat sa sentido ko.

"Kailangan ako ang mauna." pagpapatuloy nito. "Maunang bumati sa'yo ng "Happy Graduation Day! Grabe Kuya, ang bobo mo siguro 'no? Ang tanda-tanda mo nang nag-graduate! Twenty three years old?!""

Nag-unahang kumulubot ang mga guhit sa aking noo, kasabay ang pagsalubong ng dalawa kong kilay.

"Nineteen years old ako noong nag-graduate ako ng college. Ikaw twenty three? Ano ba yan, ang tanda-tanda mo naman nakatapos."

Lumukot ang dalawang kamao ko. Damang-dama ko ang pagpintig ng mga ugat sa aking sentido dahil sa nagbabadyang galit.

"Siguro mahina ang ulo mo 'no?"

Tila unti-unting kinukulayan ng pinturang itim ang ma paningin ko. Lumalangit-ngit narin ang aking mga ngipin sa pagkahimutok.

"Siguro Kuya din tawag sayo ng mga kaklase mo 'no?"

Hindi ko alam kung anong matigas na bagay ang nadampot ko sa itaas ng lamesa, basta pagka-ablot ko nito, isang puwersadong hampas ang pinukol ko sa ulo ni Bakulaw. Kasunod ang pagpalahaw nito na parang baboy na kinakatay.

+++
"Alis na po ako Sir. Salamat po." paalam ni Bakulaw kay Tatay, habang sapo-sapo ang yelong pinapahid niya sa kaniyang kanang mata.

"Ano bang nangyari diyan sa mata mo iho? Bakit ang laki ng pasa?" usisa ni Tatay.

Tinignan ako ni Bakulaw. Nilamukot ko ang aking kamao at itinaas ito sa kaniyang direksyon. Napalunok siya, naintindihan niya marahil ang nais kong iparating sa kaniya. "Wala po, nabangga lang po ako sa pintuan."

"Ganon ba? Ang tanga mo naman!" malakas na pagtawa ni Tatay, sinabayan pa ng halakhak ni Gelo. "Balik ka ulit sa susunod ah? Asahan mong hindi na ako matatalo sayo sa muling paghaharap natin."

Ngiti lang ang isinagot ni Bakulaw sa kausap. Binuksan niya ang dalang bag, at dinukot mula rito ang isang pula at hugis parisukat na kahon. Nilapitan niya ako at inabot ang nasabing bagay sa akin. "Baka hindi na ako makadalo bukas sa graduation mo. Kaya ngayon ko na ibibigay ang gift ko sayo."

Napasinghap ako. Nanginginig ang aking mga kamay nang kuhanin ko ang regalo niya sa akin. "Sa-salamat."

Ngumiti siya. Pagkatapos, tuluyan na siyang tumalikod at lumabas ng gate. Pumasok narin sa loob sina Tatay at Gelo. Naiwan akong hinahatid ng tingin si Bakulaw, habang hindi magkanda-ugaga sa panginginig ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa maliit na kahon.

Feeling ko tuloy nagu-guilty ako ngayon, dahil sa paghampas ko sa kaniya kanina. Dumapo ang tuon ko sa regalo. Napangiti at napa-iling ako sa dedication letter na nakadikit mula dito.

"To Kuya Lyka : )"

Para akong engot na abot tenga ang ngiti, habang umi-ikot-ikot ang balakang. Ewan ko ba kung bakit, pero kinilig ako 'dun sa smiley. Subalit sa kabilang banda, bigla kong naalala ang hindi ko pagsipot sa pagkikita namin dapat. Hindi niya man lang ako kinompronta tungkol 'dun. Ni hindi man lang niya ako tinanong kung bakit. Napaka-imposible namang nakalimutan na niya kaagad iyon. O posible kayang nakaligtaan niya rin na may naka-skedyul na pagkikita kami? Nope! Ang dami niyang missed call sa akin kagabi, kaya hindi pwedeng nakalimutan niya. Kung ano man ang kaniyang dahilan, still, napakamisteryoso mo talaga. Bakulaw ka.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

uy salamat kuya!!! ehehehe...
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

Salamat po :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

wahaha yun oooh thanks sa update ts! da best talaga tong storya mo :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

ang cool talaga ang story na to :clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

Hindi to nakakasawang basahin. :clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

salamat :thumbsup: update na agad sir pls haha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

kelan ulit update kuya? :lmao:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

kakaadil talaga to ts jejejee abang abang na nman
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

wala pang kasunod?:yipee:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

salamat guys sa mga feedback niyo :thumbsup: really appreciate! :salute:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

kabitin naman TS.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

ts kelan mu iuupdate? haha excited nako:excited:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

TS basahin ko to pag kompleto na.. para d ako mabitin.. kea BM muna .. haha.. mahirap mabitin...
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (4/6/2013)

:thumbsup: keep reading mga mam/sir :thumbsup: inuumpisahan ko na yung kasunod na chapter, kapag natapos, ilalatag ko na :thumbsup:
 
Last edited:
Back
Top Bottom