Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (8/6/2013)

kailan po update ts? :excited:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (8/6/2013)

update update update :D

ganda talaga TS :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (8/6/2013)

sir thanks po...bagong subscriber po ako sa story mo..sana update mo po araw araw...tanggalin mo na si mr. taiwanese...hadlang sa love story eh..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (8/6/2013)

Grabe tawa ko dito sa episode na to!!! :lmao: Salamat sa pag update bossing. :clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (8/6/2013)

update update update :excited:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (8/6/2013)

nakakabitin lagi kuya...:D pag natapos na ang kwento na ito i pa print ko para lagi ko nababasa di nakakasawa e:clap::salute:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (8/6/2013)

i'm starting to be really curious about this story..:D

di ko pa nababasa eh...tagal ng nakabookmark sakin..hehe, busy much kasi..pero dahil holiday ngayon, basahin ko..:thumbsup:

top 3 sa most comments dito sa stories and essays oh [see attachment], kahit na konti pa lang ang views, mukhang hahabol ito..:dance:

ang sumusunod sa yapak ni panjo..:salute:
 

Attachments

  • symb.JPG
    symb.JPG
    203.6 KB · Views: 34
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (8/6/2013)

@wernaud2name, try po natin tanggalin si Mr. Taiwanese, pero sa ngayon big part siya sa story :thumbsup: enjoy po, at thank you binabasa mo 'to! :thumbsup:
-
@yukijapa, sige lang po! Enjoy po, matatapos na niyan 'to :thumbsup:
-
@breaker, salamat sa pagbisita sir! :thumbsup: marami na ang tumatangkilik at namamasyal kasi dito sa arts and lits :thumbsup:

-
mga mam/sir, heto na ang next chapter! :dance: sadya kong pinahaba, dahil paunti-unti na natin abutin 'yung ending! :thumbsup: pagtiyagaan nalang basahin guys, medyo mahaba e ehehe :rofl: ENJOY! :thumbsup:
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

Part 16: "Mr. Worst Guy(Part 1)"

"Umayos nga kayo sa paglalakad!" panginginig ng aking laman sa galit, habang akay-akay ko ang dalawang lasing na lalakeng 'to sa may gilid ng kalsada. "Kung mamalasin ka nga naman!"

Maliban sa pag-alalay ko sa mabigat nilang katawan, tumitindi sa aking pasanin ang pag-iisip sa kung saan ko sila dadalhin! Ni hindi ko alam kung saan nakatira ang bawat isa sa kanila! Ang hirap pa naman nilang kausapin! Sa tuwing tatanungin ko ang isa sa kanila, tanging tawang nakakaloko lang ang isasagot! Lalo na 'tong Bakulaw na'to! Magmula nang umalis kami kanina sa videoke bar, hanggang ngayong pauwi na kami, puro ngiti habang nakapikit lang ang ginaganti niya sa mga usisa ko! Ang sarap tuloy niyang ipasagasa sa mga bus na dumadahan!

"Ano ba! Huwag kang magpabigat Bakulaw ka!" pagtalak ko sa kanan. "Sige lang, kumapit ka ng mahigpit Mister Taiwanese! Yumakap ka pa!" baling ko naman sa kaliwa.

"Shu-shu-..." dinig kong bulong ni Bakulaw, kaya nilapit ko sa kaniya ng mahige ang aking tenga, para mapakinggang mabuti ang sinasabi niya.

"Shu..."

"Ano iyon?! Ayusin mo ang pagsasalita mo! Kundi, sasapakin kita!"

"Shu-*bluek*" pumulupot siya sa leeg ko, at biglang sinubsob nito ang ulo niya sa aking dibdib! Ang mas nagpagulat sa akin, ay ang mainit, mamasa-masa at maasim na pakiramdam na ibinuga niya sa aking dibdib! "Shu-shu-ka.....Akow...Ehehehe"

"SHIIIIIIIIIITTTTTTT!" nagtitili ako sa gulantang! Nabitawan ko tuloy silang dalawa. Kasunod ang natatarantang pagtalon-talon ko, para maalis ang sukang kumapit sa aking damit!

Binalingan ko ng tingin si Bakulaw, na noo'y nakabulagta sa sahig. Nakapikit parin at pangiti-ngiti! Sa sobrang himutok ko, hindi ko tuloy napigilan ang aking sarili na sipain ng malakas ang mukha niya! Sapul ang kaliwang mata nito! Ewan ko lang bukas kung hindi 'to mangitim!

"Oush...Ehehehe..." dinig ko pang bulong nito, na nagpapitik lalo sa ugat sa aking sentido. Papakawalan ko muli sana ito ng isa pang sipa, kundi lang dahil kay Mister Taiwanese. Na sa mga tagpong iyon, ay may parang binubulong din.

"Lyka...you...are...so..."

Kumabog ang dibdib ko. Napatakip ako ng bibig.

"Bi...yu...ti.....ful"

Animo'y tumigil ang mga aktibidad sa paligid! Nawala ang maiingay na tunog ng mga sasakyan! Naglaho ang mga huni ng kuliglig! Wala akong ibang naririnig kung hindi ang malakas na pagtibok ng aking puso!

"Myemm..nyemm...nyemm.." muli kong dinig kay Mister Taiwanese. Para siyang sanggol na masarap ang tulog.

"Kyaaaaahhhhhhhhhh!" impit na tili ko! Gusto kong sumigaw, pero nag-aalala ako sa mga tambay na kabataan malapit sa amin. Baka ano pa ang isipin nila, malagay pa kaming tatlo sa alanganin.

Ang una kong kailangan gawin, ay maka-isip ng lugar na paglalagyan ko sa dalawang 'to. Hindi naman sila pwede sa amin, tiyak itatakwil ako ni Tatay kapag nag-uwi ako ng lalake, ng lasing pa! Kung si Mister Taiwanese lang ay pwede ko pang ilusot. Palihim ko siyang ikukubli sa kuwarto ko, magdamag kaming magkatabi sa kama! "Kyaaaaaaaaaahhhhhhhhh!" pagpigil ko muli sa aking tili, nasabik tuloy ako sa mga naimagine ko kay Mister Taiwanese.

"Yay...ka....yay....ka..."

Napatingin ako sa direksiyon ni Bakulaw. Nagpupumilit nanaman itong magsalita.

"Yayka.....yay....ka...bakwit muwkaw kawng bawkla!....ehehehe....."

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Naglangit-ngit ang aking mga ngipin. Nagdidilim paunti-unti ang mga paningin ko.

"SHIT KA!"

Natigilan lang ako sa pagtatadyak kay Bakulaw, nang mapansin kong papalapit sa direksiyon namin iyung mga tambay. Mga ilang dipa na lang ang layo nila sa amin! Bigla akong kinutuban ng masama!

Agaran kong inakay ulit ang dalawa kong kasama. Pagkatapos, mabilisan kong iginala ang aking tingin sa paligid. Naghahanap ng ligtas na mapupuntahan. Wala akong paki-alam kung saan kami mapadpad, ang importante'y makalayo kami sa naka-ambang panganib.

Kinakabahan ako ng husto! Mga dalawampung talamapakan na lang ang layo nila sa amin!

Isip Lyka! Bilis!

15 feet.

"Ayun! Puwede kaya dun?!" bulong ko sa aking sarili, na nauunahan ng pagkataranta kaysa sa pag-iisip.

10 feet.

Kasabay ng paglunok ko, ang pagkaripas ng lakad papunta sa gusaling nasa lipat-kalsada lang ang layo. Sa kulay pulang building, na napapalibutan ng mga christmas lights. Ang Hotel Shawarma!

+++
"One room please." hindi ako makatingin sa mukha ng receptionist, dahil sa hiyang lumulukob sa aking katawan. Pero hindi 'to sumasagot, kaya napagdesisyunan kong sulyapan siya. "One room, please." pag-ulit ko sa kaniya, habang pinipilit kong umastang cool, kahit tila ihing-ihi na ako sa kaba.

"Oh, right away Mam." nagulat siya, na animo'y bigla 'tong pinitik sa mukha. Hindi ko siya masisisi. Kahit sino naman ang makakita sa isang babaeng may akay-akay na dalawang lalakeng lasing, na umo-order ng isang kuwarto kung saan sila magpapalipas ng magdamag, ay paghihinalaan ng hindi maganda. SHIT! Hindi na ako dadahan sa lugar na'to simula bukas!

"Anything else Mam?" pagbali ng receptionist sa lumilipad kong diwa.

"Ah, yes." sagot ko, umaasta paring cool sa kaharap. "Puwedeng magpatulong magbuhat sa dalawang 'to? Ang bigat kasi."

Sumampa ako sa elevator, kasama ang dalawang bellboy, na tig-isang nagbuhat kina Mister Taiwanese at Bakulaw.

"Wow, sobrang lasing nitong mga kasama mo Mam." biglang sambit nung isang empleyado.

Pekeng pagngiti lang ang tanging naisagot ko sa kanila, habang sinasariwa ang kaninang nangyari sa videoke bar na pinuntahan namin.

+++
"Te-teka...Sure ka ba rito?" nagdadalawang isip kong tanong kay Mister Taiwanese, na noo'y abalang binubusisi ang laman ng makapal na song book. "Dito tayo tatambay para mag-bidyoke?"

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa kong kasama, pero ni isa sa kanila ay walang nag-abalang sumagot sa akin. Kinalabit ko ng sulyap si Bakulaw, ngunit 'di man lang siya lumingon. Busy niyang pinapanood ang mga grupo ng teenager, na ngumangawa ng My Waysa may kabilang table. Sa dating palang ng boses nila, hindi mapagkaka-ilang lango na sila sa alak. Luminga-linga ako sa paligid, pinaikutan ang bawat sulok ng bar na kinaroroonan namin. Lumundag ang tingin ko sa kisame, sa mga poster na nakahalik sa ding-ding, sa mga taong labas-pasok ng gusali, sa mga waiter na paroo't parito para magsilbi sa mga kalalakiang nag-iinuman, at sa mga babaeng kabataan na tila panty lang ang suot sa iksi ng mga saplot! Napalunok ako, habang pilit kinukumbinsi ang sarili na mag-enjoy ngayong gabi.

"Done searching!" bibong bulalas ni Mister Taiwanese. "Kayo naman ang maghanap ng mga kakantahin niyo!"

"Sa-sa tingin ko, past muna ako." pagtanggi ko sa song book na ina-abot ni Mister Taiwanese.

"Good decision Kuya! Huwag mong gawing Gay Bar 'tong lugar." sabat ni Bakulaw, na noo'y nagsasalin ng alak sa baso.

"Gusto mong humiram ng mukha diyan sa hawak mong pusa?!" biglaang pagtayo ko sa upuan, upang kuwelyuan siya. Nakakapika talaga ang taong 'to! "Teka! Saan galing ang alak na 'yan?"

Hindi 'to umimik. Sinibat ko ng tingin si Mister Taiwanese. "Iinom din ba tayo?!" kibit-balikat lang ang isinagot.

"Don't worry, inorder kita ng tubig. Sayang nga lang hindi sila nagse-serb ng gatas." pasaring ni Bakulaw, kasunod ang pagtungga nito sa basong nilamanan ng alak.

"Nanghahamon ka ba?!" panduduro ko sa kaniya, kasabay ang pagpipigil ko sa sarili na sumabog nang tuluyan sa galit. "Hinding-hindi kita uurungan!"

"Hey! Good idea guys!" pumagitna sa amin si Mister Taiwanese, dumapo tuloy ang tingin ko sa kaniya. "How about this, ang unang mana-knock-out o umayaw sa tagay, siya ang magbabayad ng bill?"

"GAME ON!" magkasabay na wika namin ni Bakulaw, habang nakikipagtarayan ng titig sa isa't-isa. Kung nakakasugat lang ang tingin, marahil isa sa amin ay nasaktan na.

Ilang sandali pa'y umikot na ang baso. Aaminin ko, first time kong uminom ng alak. Kaya gusto ko tuloy masuka sa bawat pagsayad ng serbesa sa aking lalamunan! Hindi ko tuloy maiwasang isipin, na kung bakit ang daming may gusto sa inumin na'to? Eh ang pait-pait naman ng lasa! Pero sa bawat ngisi ni Bakulaw, nasisindihan ang apoy sa aking loob na ubusin ang nakakalunod na tagay!
Minsan, naiisip kong ipukpok sa ulo niya ang mga wala ng lamang bote sa mesa, lalo na kapag nahuhuli ko siyang pinipigilan ang tawa habang hirap na hirap akong lunukin ang mapaklang inumin.

Si Mister Taiwanese naman sa kabilang banda, ay parang walang paki-alam sa aming dalawa ni Bakulaw. Busy siyang nakikipagtuos sa videoke, kapag natatapos nitong inumin ang tagay. Kung tama ang bilang ko, pang-sampung awit nana niya ang kasalukuyan nitong kinakanta. Okay na sana ang lahat sa aking Prince Charming. May maamong mukha, magandang tinig, machong postura. Ang problema, sobra ang pagka-adik nito sa K-pop! Sa sampung awit na kinanta niya, tanging "Baby, Baby" lamang yata ang naintindahan ko sa mga lyrics na binigkas niya.

"Hey! Naka-100 ako!" buong sigla nitong paglukso, nang bigyan siya ng makina ng perfect score. Nakisaya din ang mga taong nanonood sa kaniya. Ginawaran siya ng nakakabinging palakpakan. "Kaya niyo 'yun guys?!"

"Ang galing!" pag-angkla ko sa braso ni Mister Taiwanese. "Damang-dama ko ang bawat lyrics na kinanta mo! Tagos sa puso talaga!"

"Hahaha! Really?! Wow we are so alike talaga Lyka!"

"Yep! Like na like ko! One more please?" pinagdikit ko ang mga palad ko, sa paraang nakiki-usap, habang pakurap-kurap ang aking mga mata. "Please?"

"Marunong ka palang mag latin?" usisa ni Bakulaw, na ngayon ay bote na ang tinutungga.

"Korean language 'yun, bopols!" galahiti ko sa kaniya. "Huwag ka na ngang umepal, wala ka namang alam eh!"

"Actually, japanese 'yun Lyka." pagsabat sa amin ni Mister Taiwanase. "Anyway, kanino iyong next song? Kahit Na by Toni G.?"

Walang umimik. Nagkatinginan lang kaming tatlo. "Hindi sa akin iyan. Baka sa kabilang table." pagbasag ko sa katahimikan.

Biglang tumayo si Bakulaw, linagok muna ang tangang bote bago nagsalita. "Sa akin iyan."

Nagpalakpakan ang mga tao nang lumapit sa videoke machine si Bakulaw. May naulingan pa akong mga tumiling babae, nang nag-umpisa 'tong umindak-indak! Isa lang ang masasabi ko, nakakahiya ang ginagawa niyang pagkendeng-kendeng habang sinasabayan ang awit! Gusto kong ipagsigawan na hindi ko siya kilala!

*Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog-hulog sayo...Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog-hulog sayo.....*

Tumingin siya sa direksiyon namin ni Mister Taiwanese. Tinuro niya kaming dalawa habang nagmu-moon-walk, na sinundan pa niya ng running-man-step! Lahat tuloy ng mata ay dumapo sa amin! Bakulaw ka! Sabog ang mukha mo sa akin kapag nakalabas na tayo dito!

*Naaalala mo ba dati nung una kang makita 'di ba? wala ka ngang kagandahan na maipakita. Inaasar ka na kulang ka sa vitamina, at mukha mo daw nasabugan pa ng dinamita. Pero kahit na pangit ka, bakit ba? Gustong-gusto ko parin na mapasa-akin ka. Kahit mukha kang galit, sa akin happy ka. Kahit parang 'di ka natatablan ng mahika.*

Nilapitan niya kami, habang patuloy parin 'to sa pagsayaw at pagkanta! Tila sasabog ang mukha ko sa kahihiyan! Umakbay siya kay Mister Taiwanese at nakipag-apir. Okay na sana, ang kaso ako naman ang napagtripan niya! Kinindatan niya ako na siyang nagpanginig sa buong set na buto sa aking katawan! Hindi pa siya nakuntento, ginilingan niya pa ako! Napasubsob tuloy ang mukha ko sa mesa! Kahit na sobrang pagkatakip na ang ginagawa ko sa aking dalawang tenga, dinig na dinig ko parin ang malulutong na halakhakan at palakpakan ng mga tao sa paligid namin! Plus pa ang kaniyang boses na tila bumabasag sa aking kaluluwa! Diyahe talaga!

*Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog-hulog sayo. Hindi ko alam kung ano bang nadudulot-dulot nito. Hindi ka kagandahan, sexy 'di masyado! Ngunit sabi ng puso'y oo-oo. Sabi ng barkada, 'wag na lang daw sana, ngunit sabi ng puso'y oo-oo.*

Sandali lang, hindi ka kagandahan? Sexy 'di masyado? Ewan ko lang kung tama ang pagkaka-alala ko sa kanta, pero sigurado ako na hindi ganon ang lyrics 'non! Sinadya niya ba talaga 'tong palitan para ako'y mapagtripan?! Bakulaw ka!

*Nahulog sa mukhang paa! Pero mahal kita! Ang panget mo! Ang chaka mo! Paki nila! Mahal kita!*

Dumagundong ang palakpakan sa loob ng bar nang matapos umawit si Bakulaw. Sa lakas ng hiyawan, aakalain mong bagong-taon ang selebrasyon! Hindi pa kasama ang standing ovation ng iba, at ang pagkadismaya ng ilan nang makita nila ang 97 na score sa malaking tv screen na nakadikit sa ding-ding.

"Thank you! Thank you!" pagmamayabang ni Bakulaw sa mga madlang patuloy parin ang pagpalakpak. "Ang kantang iyon ay handog ko sa babaeng kasama ko!"

Muli niya akong itinuro! Muntik na akong magtago sa ilalim ng mesa, nang lumanding ang bawat pares ng mga mata sa akin! Buo na ang desisyon ko, pauulanin ko siya ng sun---

"Mahal ko iyan."

Ganon na lamang ang pagputol ko sa aking hininga, nang marinig ko ang huling tinuran ni Bakulaw. Dumikit ang paningin ko sa mga mata niya, muli silang nagtama sa isa't-isa. Natameme ako. Nakaramdam ako ng pagkabog sa aking puso. Sa una ay mabagal, hanggang sa pabilis na'tong pabilis!

"Mahal ko siya kasi....." tila nilamon ng boses niya ang mga hiyawan ng tao, maliban sa pagtalbog-talbog ng puso ko, tanging ang tinig lang niya ang aking naririnig. "Napaka-rare niyang tao. Siya lang ang kilala kong bakla na mukhang baba---"

Hindi ko maintindihan kung bakit, dala siguro ng instinct, pero kusang gumalaw ang mga bisig ko! Mabilis pa sa alas-kuwatro nang tumama ang bote ng beer sa ulo niya! Na nanggaling sa nag-aapoy kong mga kamay! Bumulugta siya sa sahig! Nagkagulo sa loob! Maliban kay Mister Taiwanese, mabuti na lang walang ibang nakapansin na ako ang dahilan ng malaking bukol niya sa noo.

+++
"Hahaha! Nakakatauwa naman 'tong kaibigan mo Mam!" bulalas ng isa sa mga bell boy na tumulong sa akin magbuhat kay Bakulaw at Mister Taiwanese. Inilapag nila sa kama ang dalawa, pagkatapos alisan ng sapatos. "Pero sa palagay ko po, sinadya niya 'yon."

"Talaga! Sinadya niya akong pahiyain sa harap ng maraming tao!" umupo ako sa gilid ng kama, inekis ang magkabilaang braso. "Hindi ko siya mapapatawad!"

"Ang ibig kong sabihin Mam, sinadya niyang sabihin 'yon para itago ang nararamdaman niya sa'yo." pagkorek nito, bago sila lumabas ng pinto. "Maiwan na namin po kayo Mam. Enjoy your stay!"

Hinatid ko sila ng tingin. Pagkatapos, dumapo ang tuon ko kay Bakulaw, na hindi parin nabubura ang ngiti nito sa pisngi. Napa-iling ako, kasunod ang isang mahabang buntong-hiniga. "Imposible 'yun. Dahil ikaw ang pinaka-worst guy na nakilala ko. Bakulaw ka."
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

Yun oh! :thumbsup: Salamat po ulit sa up :)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

ang galing :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

thanks:thumbsup: galing talaga haha
ganyan type ko babae kaya ako lalo na hook dito eh haha:salute:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

ang haba na pala...dipa ako tapos..:slap: ambilis pa ng update.. keep it up! :salute:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

awryt.. may update na.. done reading, waiting mode nanaman.. :D
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

ang ganda otor! haha. super lakas ng tawa ko. xD goodjob!
abangers mode. xD
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

salamat sa update...waiting mode na po...ganda nito gawing serye sa t.v.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

Yun oh! :thumbsup: Salamat po ulit sa up :)
-
:thanks: din po sayo, lagi ka present sa mga bagong update! :thumbsup:
ang galing :D
-
hehehe keep reading po! :thumbsup:
thanks:thumbsup: galing talaga haha
ganyan type ko babae kaya ako lalo na hook dito eh haha:salute:
-
hahaha :rofl: salamat ah, present ka ulit! Keep reading! :thumbsup:
ang haba na pala...dipa ako tapos..:slap: ambilis pa ng update.. keep it up! :salute:
-
hehehe keepreading sir :thumbsup:
awryt.. may update na.. done reading, waiting mode nanaman.. :D
-
salamat :thumbsup: wait natin 'yung next episode, sandali nalang 'yun ehe :salute:
ang ganda otor! haha. super lakas ng tawa ko. xD goodjob!
abangers mode. xD

-
hahaha salamat po sa pagbasa! :thumbsup: daan ka ulit kapag naupdate 'tong kuwento! :thumbsup:
salamat sa update...waiting mode na po...ganda nito gawing serye sa t.v.

-
hehehe thank you! Hayaan mo, malay natin magawan yan :rofl:
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

Nice update :clap: dami kung tawa kay lyka :lol:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

Nice update :clap: dami kung tawa kay lyka :lol:

_
hehehe salamat sa pagbisita po! Dalaw ka ulit nextym!
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (12/6/2013)

you did a great job.nc story kay bakulaw para kay miss taiwanese.
 
Back
Top Bottom