Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

hahaha... lalong humahatak ng interest ko... next naman po... thanks!!!!
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

yawn.. meron na.. done reading, waiting again.. :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

sulit padin ang pag iintay. salamat ts!! :-)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

:clap: Getting interesting .. worth for waiting

Next chapter --waiting mode :lol:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

D best ka tlaga idol. ,
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

..ayos talaga..abang abang ulet sa kasunod..thanks sa update TS..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

natutuwa ako sa story na to.. nakakarelate ako.. ansarap bigyan ng movie, tas angkwela ni lyka at michael. hay.. pagpasok ko dito sa forum, agad ako dito nagtutungo sa page mo ts... nakakatangal ng stress at nakakainspire.. kinikilig ako.. update please..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

di pa ako tapos.. chapter 15 na ako.. hahahaha...
TS share ko rin ung story mo sa mga kaibigan ko.. nakaka aliw.. :salute:

may kilig moments, sira ulo moments, tawa moments.. dami ko talga tawa d2.. keep sharing ah... :thumbsup:



EDIT:

tapos ko na.. abangers na sa next chapter.. lols... parang pelikula ah.. hahaha... :D
keep up the goodwork...
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

mga mam/sir, bukas na ang next episode, kaya walang mawawala ah! Kita-kits bukas! :thumbsup: salamat muli sa mga comment at sa pagbabasa! :praise:
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

mga mam/sir, bukas na ang next episode, kaya walang mawawala ah! Kita-kits bukas! :thumbsup: salamat muli sa mga comment at sa pagbabasa! :praise:

wow.. hahaha.. aabangan ko yan.. anong oras ang airtime? :lol:
sarap talga basahin istorya mo.. hndi boring.. :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

update! update! update! XD :praise:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

danda talaga ng story.,,:yipee:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

panalo to hahahaha:clap:, can't wait for the next e:dance:pisode :) :)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

anu ba yan kala ko ngaun next update hahahaha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (18/6/2013)

gbnda tlaga!!!uPDAtes pa!!!thnx
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

hello guys! :thumbsup: hetto na ang next chapter! Enjoy reading mga mam/sir! At maraming thank you talaga sa pagtangkilik nito! :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

Part: 18 Who's These?

Scorpio. Ito ang linggong maraming mabibigat na aktibidad ang dadapo sa nanahimik mong sandali. Kukurutin ka ng pagod, lalambingin ka ng sakit, hahalikan ka ng pait. Mas mabuti pang takpan ang mga mata at magbibingi-bingian, susukatin ng panahon ang iyong katangian. Iwasan ang umimik nang sa ganon ay huwag mabunggo ng lintik. Sa kabila ng lahat, sasabog ang kalangitan, magliliwanag ang gabi, hahagurin ang dalamhati, at papawiin ang iyong hikbi. Lucky color, red. Lucky number, 19.

"The fuck?" tulala kong sambit sa harapan ng laptop, habang binabasa ang laman ng horoscope ko para sa buong one week. Napa-iling ako kasabay ang pangungulubot ng noo. "Kahit kailan talaga ako kumunsulta sayo, hindi tayo nagkaka-intindihan. Dinadaan pa kasi sa matalinghagang salita, bakit kaya hindi na lang ako diretsuhin!" kung nagkataong may buhok ang walang kamuwang-muwang na bagay na'to, baka nasabunutan siya ng mga nangangalit kong kamay sa sobrang inis.

"Bwisit 'to! Mahirap bang sabihin ang, 'Hoy Babae! Malas ka ngayong linggong na 'to! Buti nga!' kaysa 'dun na hindi ko maintindihan, paiisipin kapa!" himutok kong pagclose sa naturang site, kasunod ang pagbukas sa isang filipino forum.

Sandalian akong natigilan sa pagtype sa aking user name upang maglog-in. Hindi ko maintindihan kung bakit, subalit nasagi ako ng lungkot. Napabuntong-hininga pa ako habang nakatitig sa login page ng nasabing site. "Ang tagal narin nung huling silip ko dito."

Napa-iling muli ako sa ikalawang pagkakataon, biglaan nalang kasing pumasok sa isip ko si Bakulaw. Naalala ko 'yung unang araw ko siyang nakilala. Dito mismo, sa aking tambayan. Binuksan ko ang aking profile page, ngunit gaya ng dati, tahimik at ni isa'y walang nag-abalang nag-message dito. Sino nga naman ba ang mangangamusta sa akin? Maliban sa apat lang ang naka-save sa friend's list corner nito, hindi naman ako sikat para pag-ukulan ng pansin.

Isang matinding kabog ang pumalo sa aking dibdib, nang mahagip ng paningin ko ang laman ng aking inbox. Lahat ng ito'y galing kay Bakulaw, nung mga panahong kinukulit niya ako tungkol sa pagbili niya sa sim ko. Nangingiming nanginginig ang daliri ko nang i-click ang nangungunang piem niya sa akin noon. Kasabay ng pagload ng page ang mabilisan kong paglunok, tila nagsisisi kung bakit ko pa 'to binuksan ulit.

"Kuya pabug naman po, please?"

Kasama ang wari'y manaka-nakang pagpiga sa puso ko, ang walang pasintabing luhang kusa nalamang kumawala sa aking mga mata. Napasinghap ako, tila napatiran at hinahabol ang hininga, bigla nalamang kasing sumiksik sa kokote ko ang gabing puwersahan niya akong niyakap at hinalikan. May limang araw narin ang nakakalipas, pero sa tuwing pipikit ko ang aking mga mata, malinaw kong nakikita ang buong pangyayari. Animo'y sariwa pa ang lahat, na ilang minuto palang ang nakakaraan. Hindi ako galit sa kaniya, infact, wala kahit katiting na poot. Alam kong lasing siya at hindi niya sadya ang mga nagawa nito, pero bumukol ang takot sa aking kaluluwa. Iyong tipong wari'y napaso ka sa matinding lagablab na apoy, kaya nagka-phobia ka sa mga nagliliyab na bagay.

Hindi ko lang alam kung naaalala niya ang nangyari, pero sa hubog ng huling pag-uusap namin sa telepono, palagay ko'y hindi iyon nag-eexist sa timeline ng kaniyang buhay. Buo at matibay naman ang desisyon kong huwag 'tong itanong sa kaniya, sa kadahilanang ayaw kong marinig ang mga sasabihin at paliwanag niya. Ewan ko ba, naguguluhan ako kung bakit. Pero isa lang ang nauunawaan ng pagkatao at emosyon ko ngayon, nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang ano mang bagay ukol sa kaniya.

"Lyka! Kamusta ka Sis!"

Muntikan ko nang ibato ang laptop sa direksiyon ng babaeng rumagasa sa pintuan ng aking silid! Napamura pa ako sa gulat, at napap-igtad sa pagkakadapa!

"Papatayin mo ba ako sa atake sa puso?!" matalim na sumbat ko sa dilag na ngayon ay nasa harapan ko na, ang aking pinsan, si Chikka.

"Namiss kita Sis!" pagyakap nito sa akin, kasunod ang ilang beses niyang pagbeso-beso sa magkabilaan kong pisngi. "Kamusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita!"

"Ano ka ba Chikka, sa kabilang bakod lang ang bahay niyo ah." pagngiti ko kasabay sa pagbalik sa pagkakadapa sa ibabaw ng higaan.

"Alam mo, ang dry mo talaga!" usal niya, pagkasalampak nito sa kama. "Naglalambing lang ako sa'yo e."

"Wala akong pera. Kaya kung mangungutang ka, better luck next decade."

"Ang kapal mo! Ikaw nga ang madalas mangutang sa akin e!"

Dinampot niya ang malaking Buggs Bunny stuff toy sa may gilid ng kama, akma niya sana 'tong ihahampas sa akin, subalit naunahan ko siyang daganan. Mula sa pagkakapit-pit ko sa kaniya, mabilisan kong inablot ang kaliwang kamay nito at inipit sa mga hita ko. "Arm bar!"

"Aray!" halos bumahon ang mga kuko niya sa binti ko, naglulupasag 'tong kumawala sa akin. "Give up! Give up!"

"Hahaha! Wala ka talagang sil---" pagputol niya sa dapat kong sasabihin, nang bigla niya akong sinakal sa leeg, pagkatapos kong tanggalin ang kamay niyang nakapulupot sa aking mga hita. "Ang daya mo Chikka! Nag-tap-out kana! Panalo na ako!"

"Malas mo, hindi nakita ng referee!" hinigpitan niya lalo ang pagpapahirap sa leeg ko. "Sleeper's hold!"

"Suko na ako! Suko na ako!" pagtapik ko sa braso niya, kasunod ang pagluwag ng hawak niya sa akin.

"Hahaha! Who's the strongest now, Lyka my dear?!" nanunuyam niyang bigkas, kasabay ang pagflex nito sa mga braso.

"Madaya ka eh! Ako na ang nanalo nung una!" tatawa-tawa kong sagot, pagkatapos naming bumulagta ng sabay sa kama. Maliban sa hingal naming dalawa, halakhak ang sumirkulo sa kuwarto ko nang sumunod na segundo.

"Nakakamiss noong mga bata pa tayo 'no." pagbasag niya sa tawanan namin. "Noon, puro laro lang tayo. Pagkatapos panoorin basagan ng bungo si Undertaker sa T.V., paunahan tayo sa taas ng kama para gayahin iyong mga moves na napanood natin sa wrestling."

"Oo, at ikaw ang dahilan ng malaking peklat ko sa batok." pagturo ko sa kaniya sa nasabing parte ng katawan. "Sukat mo ba naman akong i-spear malapit sa pinto! Pasalamat ka hindi 'to nakikita dahil natatakpan ng buhok! Kundi, hanggang ngayon ay hindi pa kita kinakausap!"

"Nagsorry na ako 'di ba?" nakangiti niyang pukol, na ang mga mata ay nakatapon sa ibabaw ng kisame. "'di ba, bilang tapat na paghingi ko ng tawad sayo 'non, pina-ubaya ko sayo 'yung crush ko."

"Eh hindi ko naman gusto 'yun e! Pinipilit mo lang sa akin!" paglapit ko sa kaniya ng aking mukha. "Sandali, bakit ka ba nandito? Hindi naman siguro para lang makipag-wrestling? Saka may trabaho ka 'di ba?"

"Wala akong trabaho sa ngayon." hinarapan niya ako, itinukod nito ang kamay sa sariling sentido. "Pinasara temporarily ang restaurant."

"Huh? Bakit?" intriga ko, gusto ko sanang itanong si Bakulaw, kaso pinigilan ko ang aking sarili, ayaw ko kasi usisain ako ni Chikka tungkol sa aming dalawa.

"Mangyari kasi, may nagreklamong customer na may ipis daw iyung kinakain niya." nagbago siya ng posisyon sa pagkakahiga, isinandal nito ang kaniyang ulo sa aking tiyan. "Siyempre todo deny kami, dahil talaga namang malinis ang working place namin. At saka, sa tanda ko na doon, ngayon lang may nagreklamong kostomer. Ang mahirap pa, tungkol pa sa kalinisan na sineserb namin."

"Eh sigurado naman kami lahat sa serbisyo namin." pagpapatuloy niya. "Kaya mahirap man magbintang ng kapwa, sa tingin ko racket lang iyon. O kaya naman ay naninira."

"Tapos? Anong nangyari?" dugtong ko ng tanong, na napaghahalata tuloy ang pagka-interesado ko sa topic.

"Wala ako ng mga oras na iyon e, pero ang kuwento sa akin, iyong waitress na nagsilbi 'dun sa nagrereklamo ang humarap. Bago pa naman iyon, kaya wala siyang ekspiryens sa pakikipagkompronta sa mga customer, kaya ang ending, nilait-lait at minura-mura 'to nung nagrereklamo." narinig ko muna siyang pumalatak bago nagpatuloy. "Sakto pa naman na kadarating ni Sir Charlie 'nun, nakita niya ang pangyayari. Kaya 'yun, hindi niya napigilan ang kaniyang sarili, sinapak niya 'yung customer!"

"ANO?!" halos maluwa ko ang aking mga mata sa gulat, napanganga pa ako sa narinig ko mula kay Chikka. "Bakit naman niya ginawa iyon?"

"Ang ugali kasi ni Sir, galit siya sa mga taong nagpapahiya. Lalo na kung babae ang nasa sitwasyong iyon." umayos muli ito ng pagkakahiga, ngayon, dumapa siya at humarap sa akin. "May pagka-knight in shining armor something kasi 'yun eh! Kaya iyon, sibak siya sa trabaho, habang temporarily close naman 'yung resto."

"SINIBAK?" tila nalaglag ang panga ko sa sahig.

"Yep, sinibak, tsinugi, tinanggal, winalei." nagpakawala 'to ng buntong hininga, bago muling nagpatuloy. "Sayang nga eh, mapapalitan kami ng manager. Ang bait-bait pa naman ni Sir Charlie."

"Nasaan siya ngayon? Anong mangyayari sa kaniya?" walang-gatol kong usisa.

"Hindi ka naman interesado sa buhay ni Sir no?" ngumisi siya, iyong tipong nakakaloko. "Ewan ko kung ano na ang nangyari sa kaniya. Pero ang balita ko, umuwi na siya sa lugar nila, sa pampangga."

"Ganon ba." alam kong may lungkot sa aking tinig, ewan ko ba kung bakit, siguro dahil nalulungkot ako sapagkat hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong makapagpaalam sa kaniya. After all, sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin, maituturing ko parin 'tong isang kakilala, kung hindi man, kaibigan.

"Huli kayo!"

Halos magkasabay kaming napatingin ni Chikka sa may pintuan ng kuwarto. Bigla akong kinutuban ng masama. Napalunok pa ako ng 'di sadya, lagot, ano nanaman kaya ang pinaplano ni Gelo.

"Malaking halaga ang kikitain ko nito!" buong galak niyang halakhak, tangan ang isang bidyo kamera. "Ano kaya ang magandang title dito? Dalawang lesbian, nagchurvaan? O kaya naman, pinay, ginapang ang aming panganay!"

"Huh?" napasulyap ako kay Chikka, na noo'y takang-taka sa nangyayari. Lumapag ang tingin ko sa napaka-revealing niyang suot. Sleeveless na damit, maiksi at manipis na pambahay na shorts. Lalo akong napasapo sa aking ulo nang mahagip ko naman ang saplot na nakayapap sa aking katawan. Sando at panty lamang!

"May pera ka ba diyan Chikka?" nanginginig kong sambit, na ang tuon ay na kay Gelo.

"Huh? Bakit? Anong gagawin mo? Ano bang meron?"

"Sumunod ka na lang." dahan-dahan kong piniit ang leeg ko sa kaniyang direksiyon. "Para 'to sa kahihiyan mo."

+++
Ilang oras na akong nakatitig sa cellphone ko. Kung nakakabutas ang tingin, tiyak kanina pa 'to nasira. Nasa isip ko ang kinuwento ni Chikka, kasabay ang pagbugbog sa akin ng diwa ko na tawagan at kamustahin si Bakulaw. Hindi ko alam kung bakit ako ganito kabalisa ngayon. Simula nang malaman ko ang pinagsapit niya, nagsusumamo ang kalahati ng isip ko na i-dial ang number niya at tuluyan siyang kausapin, ngunit ang natitirang bahagi naman ay pilit parin ang tanggi. Sa tuwing magtatangka kasi akong hawakan ang cellphone, umuukit sa aking tuktok ang nangyari sa amin sa hotel, kaya ganon nalamang kadefensive ang pride ko.

Huminga ako ng malalim, pumikit, at isinunod ang isang napakahabang exhale. Umaasa na sa isang buntong-hininga ay mawawala lahat ang pasan-pasan ng utak ko.

"Alam ko na!" napangiti ako sa biglang ideyang kumagat sa akin. Hinablot ko ang nanahimik kong cellphone, at dali-daling dinial ang numero ni Bakulaw. "Magmimiscall na lang ako sa kaniya. Bahala na kung magcall back siya, ang importante ay ginawa ko ang aking parte bilang kakilala niya."

"Ay puta!" biglang senyas na mura ng dila ko! Nagulat at napatakip pa ako sa aking bibig nang may biglang sumagot! Kahit na nagsisimula palang magring ang sa kabilang linya!

"Hello? Who's these?"

Boses babae?

"Hello?"

Walang duda, boses nga ng babae.

"Hon, may tumatawag. Lyka ang name na nakasave."

"SHIT!" mabilisan kong pagpatay sa telepono, kasabay ang salitang mabibigat na pagkabog ng aking dibdib.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

awts. supladoako you never failed to amuse me hahaha thanks sa update
at sorry sa pangungulit hahaha:thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

suplado ka talaga nakakabitan ka naman next update habaan mu ah...mga 5km.pero salamat talaga masbinabasa ko pa paulit ulit e2 kaysa sa manga.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

aw my asawa ata si bakulaw. hahaha
next update ts :clap:
 
Back
Top Bottom