Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

update na ser ! Nabibiten na ako xD
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

request naman...

cameo appearance nung makulit na kapatid ni bida.

natatawa ako sa mga ginagawa niya eh. :lol:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

awts. supladoako you never failed to amuse me hahaha thanks sa update
at sorry sa pangungulit hahaha:thumbsup:
-
ahaha ok lang po, kasalanan ko naman, hindi ko kasi agad nauupdate :upset: maraming salamat sayo ah, sa inyo. Kaya 'to nagtuloy-tuloy dahil sa inyong mga bumabasa :thumbsup:
...nice ang galing ng pagkakasuspense...update m na agad...nakakabitn.
-
maraming :thanks: po! :thumbsup: hayaan mo, update natin kaagad! :happy:
suplado ka talaga nakakabitan ka naman next update habaan mu ah...mga 5km.pero salamat talaga masbinabasa ko pa paulit ulit e2 kaysa sa manga.
-
hahahaha thank you! Hayaan mo, next update, try kong h'wag kang mabitin :thumbsup:
aw my asawa ata si bakulaw. hahaha
next update ts :clap:
-
ehehe abangan natin :salute: :thanks: sa pagbasa!
update na ser ! Nabibiten na ako xD
-
hehehe okay po, update natin to kagad! :thumbsup: thank you po sa pagbasa! :happy:
request naman...

cameo appearance nung makulit na kapatid ni bida.

natatawa ako sa mga ginagawa niya eh. :lol:

-
alam mo sir, iniisip ko nga na gawan siya ng sariling chapter e, o kaya naman ng spinoff tungkol sa kaniya..ano sa tingin niyo guys? :noidea:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

kuya huwag poh!!!
hehehe hanep storya ah!! kkabitin basahin...:clap::clap::clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

tsnice thread ganda ng story mo ah....ah ts shinare ko sa pinoyarena yung sotory mo ang ganda kase eh nabasa ko ng yung hanggang part 8 heheh update mo pa ha :)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

Aw, may hon si bakulaw, waiting sa susunod na kabanata
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

PaBM muna. Part 5 na ko. :D Natuwa naman ako sa storya. Nabuo sa symbianize. :wub:

Galing. :clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

Full of surprises ang estroyang ito. Galing mo naman otor!! Kaw na talaga!. :clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

the best.. bitin pero saludo ako talga sa estorya.. :D

abangers sa next chapter.. :salute:
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

:salute: salamat guys sa pagbasa! Paki hintayin na lang ang next chapter :thumbsup:
@johncarlo, okay lang ishare, para sa atin 'to lahat! :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

ganda tlga nang storya mo TS.. Sana update muna kung may free time ka..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

Pwd po ba namin gawan ng mini film to TS? credits syempre sau.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

ganda tlga nang storya mo TS.. Sana update muna kung may free time ka..
-
salamat :thumbsup: hayaan mo, update natin 'to kaagad :salute:
Pwd po ba namin gawan ng mini film to TS? credits syempre sau.

-
Sure, no problem po..:thumbsup: bigyan mo ako ng copy ah? Ehe :lol:
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

yeah boy feel good nanaman dahil sa kwentong to... hay my asawa na si bakulaw?
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

boss salamat dito maganda kwento, nakakabitin lang wahahahaha good job!! pero sana mas mahaba po next time :clap::pray:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

TS update muna ! Haha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

Kuya PaBug Naman Po, Please? 1 - 27
 

Attachments

  • KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE 1 - 27.pdf
    907.4 KB · Views: 171
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

Hai sir Pdf ng story up to part 18...

jeje para sa tuloy - tuloy na pagbasa...

thanks sir suplado ako:praise:

-
sir, salamat ng marami sa ginawa mo! :thumbsup: ang galing! May PDF na tayo guys galing kay sir redsky! :dance:
[P.S.] kapag nakumpleto na yung story, sa'yo ko pagagawa iyong complete pdf niya huh? :praise: ipinost ko na pala sa pers page :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

papost na rin po ng update ts. excited sa next chapter e hehehehehehehehe demanding na kung demanding XD
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

-
sir, salamat ng marami sa ginawa mo! :thumbsup: ang galing! May PDF na tayo guys galing kay sir redsky! :dance:
[P.S.] kapag nakumpleto na yung story, sa'yo ko pagagawa iyong complete pdf niya huh? :praise: ipinost ko na pala sa pers page :thumbsup:

walang anuman sir lahat naman tayo nag-eenjoy...:excited:

malapit naba ung next episode? excited na kami sa mangyayari::dance:
 
Last edited:
Back
Top Bottom