Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

kelan b iuupdate to? haha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

trending na sir sa office namin ung story mo..


asan na daw ung next chapter haha.....:clap:


share share ng PDF file...:dance:

:excited:

want more sir ...
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

nice story ts :thumbsup: nabitin ako.. haha.. kelan next update? :yipee:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

tsk3.. ano ba naman to.. hehehe kaka-VL ko lang ngaun lang uli ako nag-open pero ayos naman.. sulit din.. hehe
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

Pasubscribe ts, ganda ng story nakakabitin lang. Abangan ko ung next update. Salamat sa pagshare.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

,,, wala pa rin update ts,,


kakabitin naman!
ganda kasi ng story,,
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

mga mam/sir ngayon ko iuupdate 'to, nalate lang ako ng uwi kanina :rofl: kaya heto ako tuloy, naghahabol mag-edit :rofl: hindi bale, kahit mapuyat ako sa kaka-edit, basta ipopost ko ngayon ang kadugtong! :happy:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

un oh excited na ako para dyan ts :clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (22/6/2013)

Yeah beybeh !! :rofl:

Abang abang :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/6/2013)

heto na ang kasunod na chapter guys! :thumbsup: enjoy and keep reading :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/6/2013)

Part 19: Fireworks

"Really?" ang naibungad na tugon sa akin ni Mister Taiwanese, ukol sa mga isinumbong kong nangyari kay Bakulaw. "I feel bad for him."

Naka-upo kami sa isa sa mga mahahabang upuan ng parke, pinag-uusapan ang naging kapalaran ni Bakulaw, habang pinagmamasdan ang mga taong nagdaraan. Sa pagitan ng bawat detalyeng kinukuwento ko, ay panay ang singit ng mga buntong-hiningang nakikipag-unahang kumawala sa aking dibdib. Ewan ko ba kung bakit, pero kahapon ko pa hinuhuli ang mahilap na mood ng aking katawan. Pilitin ko man kasing huwag isipin si Bakulaw, pumaparada naman lagi sa diwa ko iyong babaeng sumagot sa cellphone niya. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, kung bakit ganito nalang 'to kadesperadong alamin kung sino 'yung dilag na iyon. Kung tutusin, wala naman akong paki-alam maski ano man ang papel niya sa buhay ni Bakulaw. Ngunit bakit sa tuwing naaalala ko ang boses nung babae, parang may kung anong malakas na pagsibat sa puso ang nararamdaman ko. Ngayon ko lang naranasan 'to, feeling ko tuloy hindi ko kilala ang aking sarili.

"Is there something wrong?" pakli sa nagtatampisaw na diwa ko sa hangin ni Mister Taiwanese. Nabaling ang tingin ko sa kaniya. Kahapon ko pa siya gustong yayaing makipagkita. Pakiramdam ko kasi, ay parang mababaliw na ako sa mga ideyang sumakop bigla sa aking utak; kung hindi ko isasabog 'to sa ibang tao. Isa sa mga kinaiinisan kong ugali, ay iyong napapraning kapag hindi binubulalas ang kati ng isip. Kapag kasi hindi ko 'to nilabas, made-depressed ako ng todo.

"Wala." pag-iling ko, kasabay ang pagpeke ko ng ngiti. Deep inside kasi, nandon parin ang kulay itim na background sa aking puso. "Salamat."

"For what?" nagulat ako nang idampi niya ang daliri nito sa palibot ng labi ko, saka 'to nagpakawala ng ngiti. Iyong ngiting kinababaliwan ko sa kaniya. Lumubog ang magkabilaang dimples nito, kasabay ang animo'y nakapikit na niyang mga mata sa pagkasingkit. "May ketchup ka sa bibig."

Ramdam ko ang matinding pagpupula ng aking mukha, pati narin ang pagmamanhid nito. Agaran ko tuloy kinabig ang tuon ko sa kabilang direksyon, upang magpahid ng tissue sa palibot ng aking labi. "Sabi ko kasi sayo chichiria na lang ang kainin natin imbis na pizza!" pagpapalusot ko, habang nakatingin sa kahon ng pitsang nilantakan namin kani-kanina lang.

"You know, you are so beautiful." hindi parin nabubura ang ngiti nito. Naaalala ko tuloy nung gabing nalasing siya. Alam niya kaya na sinabihan niya rin ako ng maganda noong mga panahon na iyon?

"Thank you."

"You don't need too, kasi it's true na pretty ka. Inside and out."

"No." kaliwa't-kanan kong winagayway ang aking ulo. "Thank you sa pakikinig sa akin. I feel much better na."

"Nah, maliit na bagay lang iyon." tinanggal nito ang tingin sa akin, itinapon sa malawak na kapaligiran ng parke. "I'll always be by your side. whenever you feel down, ako ang magiging hagdan mo."

"No! Hindi 'to maliit na bagay lang." napatingin siya sa akin, mga mata'y nagtataka. "Sobra ang respeto ko sa mga taong magaling makinig."

"Alam mo ba." Nilapit niya ng bahagya ang mukha nito sa'kin, wari'y akma niya akong hahalikan! "Nakikinig lang ang isang tao kapag interesado 'to sa kausap."

Hindi ko man lubos naunawaan ang mga katagang tumambling sa kaniyang bibig, sapat na 'to para mapatigil ang mga aktibidad ng nasa paligid ko! Parang nag-hang sa ere ang mga ibong nagsisilipad, habang ang mga tao naman ay animo'y mga istatwang nililok sa kanilang kinatatayuhan. Maski ang hangin ay parang nawala, hindi ko 'to maramdaman! Nagpapawis tuloy ako ng hindi sadya!

"Puwede ba ako magtanong?" bumalik 'to sa dati niyang puwesto, at doon lang muli lumawag ang kaninang nagsusumikip na dibdib ko dahil sa kaba. "I hope you don't mind."

"Okay lang. Basta 'wag lang math."

Hinihintay ko siyang tumawa, subalit bigo ako. Nakadama tuloy ako ng hiya, nang dahil lang sa gasgas na joke na iyon.

"Gusto mo ba si Charlie?"

Naloko na, sa pagkakataong 'to, tila nabasag na salamin naman ang nasa paligid ko. Napatayo tuloy akong bigla sa usisa niya. "HINDI AH! ANO BA NAMAN KLASENG TANONG IYAN?"

Namilog nang pilit ang mga singkit nitong mata, gulantang ang hitsura ng mukha, at nakasalag ang mga kamay niya, na parang nangingilag sa nakahambang suntok!

"Okay! Okay!" tatawa-tawa nitong sambit. " Now i know how Charlie feels kapag nag-aaway kayo."

Natigilan ako. Muli kong naramdaman ang pamumula sa aking mukha. Napatingin ako sa kamay kong tangan ang kahon ng pizza, na nakahanda sanang ihambalos sa kaniya. Ngunit lalo akong nahiya, sa mga matang nakatarget sa akin. Galing sa mga taong malapit sa aming puwesto.

"I know!" bigla niyang hinawakan ang kamay ko, at hinila papalayo.

"Bakit?" ang tanging naibato kong tanong sa kaniya, maliban kasi sa mga binti ko, nagmamadaling hinuhulaan ng aking utak ang nais na gustong gawin ni Mister Taiwanese.

"Bilis, sakay na." pag-aalay niya sa akin sa motorsiklo nito. "Malapit na ang sunset."

"Saan ba tayo pupunta?" intriga ko sa kaniya, pagka-angkas ko sa motor.

"To a place where you can scream all day long." sinuot niya sa akin ang hawak nitong helmet, pagkatapos ibutones ang suot na jacket. "Hold on tight. Okay?"

Tango lang ang naibigay kong sagot sa kaniya. May kaba mang nag-uumpisang mamuo sa aking dibdib, alam kong safe naman ako sa mga bisig ni Mister Taiwanese. Kahit papaano, naibsan ang hindi ko maintindihang lungkot na lumukob sa aking pagkatao. Sa likod ng makapal na plastik na tumatakip sa mukha ko, napipinta dito ang abot tengang ngiti sa aking pisngi. Naiimagine ko tuloy na para kaming magkasintahang namamasyal. Sa bawat harurot nito sa kaniyang motor, ay lalong humihigpit ang yakap ko sa kaniyang likod. Sana, malayo ang pupuntahan namin. Sana, abutin kami ng two days sa pagbibiyahe. Sana, huwag na siyang tumigil sa pagda-drive. Kasi, pakiramdam ko'y ka-level ko ang hanging mabilis na dumadampi sa aking katawan. Malayang naglalakbay sa kung saan ang kaluluwa ko. Walang iniisip, walang inaalala. Ang gahan ng feeling. Nakakapagpahinaon sa balisa kong puso. "Salamat talaga, Mister Taiwanese." ang naibulong ko sa likuran nito.

+++
"We're here!" galak niyang palahaw, pagkapatay nito sa makina.

Dali-dali akong bumaba ng motor, tinanggal ang nakapatong na helmet, at pinalibot ang mga mata sa tanawing bumulaga sa akin. Para itong isang maliit na burol, mga limang kilometro ang layo mula sa bayan. Kitang-kita dito sa itaas ang tila maliliit na gusaling nakatirik sa kapatagan. Pero ang mas nakakapagpa-wow, ay ang view ng kulay orange na araw, na unti-unti nang nagpapaalam para magpa-ubaya sa buwan.

"How is it." lumapit si Mister Taiwanese sa tabi ko, naka-ekis ang mga kamay, habang nakatuon ang titig sa papalubog na araw.

"Ang ganda." sa totoo lang, kulang ang salitang maganda sa larawang nasasaksihan ko. Kumbaga sa picture, madedescribe 'to sa isanlibong salita.

"Dito ako nagpupunta kapag malungkot ako." ani niya, na ang mga mata ay nakadikit parin sa araw.

"Alam kong may burol sa parte nito ng bayan, pero hindi ko alam na ganito pala kaganda dito!" para akong batang nagpa-ikot-ikot sa mga naka-istambay na puno. Inamoy-amoy ang mga bulaklak na ligaw na nakatayo sa bawat sulok. "Ang ganda talaga!"

"Dito, puwede mong isigaw ang lahat ng sama ng loob mo." sumalampak siya sa makapal na damo ng sahig, at saka niya ako sinenyasan na tabihan siya. "Here, give it a try. I'm sure mawawala ang lungkot mo."

"'di ba para lang sa mga pelikula iyon?" tatawa-tawa kong sambit, kasunod ang pag-upo ko malapit sa kaniya. "Parang ang corny naman 'non."

"Edi, ang korny ko?"

"What? Ginagawa mo iyon dito?"

Nagkibit-balikat siya. "What's wrong with it? Isa pa, wala naman nakakarinig."

"Ang baduy mo." nakangisi kong wika, sa paraang nagbibiro.

Hindi siya sumagot pagkatapos kong pukulin 'to ng salita. Nakatitig lamang siya sa ngayong papadilim nang paligid. Ang tahimik ng senaryo, pakiramdam ko'y nasa loob ako ng kabinet. Maliban sa mga naninirahang insekto sa paligid, wala ni isang ugong kang maririnig. Malayong-malayo sa maingay na siyudad sa ibaba.

"Alam ko ang ginawa niya sayo nung gabing iyon." napatingin akong bigla sa kaniya. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. "At alam kong gusto ka ni Charlie."

Napasinghap ako! Parang nalunok ko ang aking dila! Hindi ako makapagsalita!

"Hindi niya man 'to sabihin, napaghahalata naman sa bawat kinikilos niya kapag kaharap ka." hinawakan niya ako muli sa pisngi! Habang unti-unti nitong nilalapit ang mukha sa akin! "I can feel how much he cares for you."

Mula sa malayo, bigla nalamang sumabog ang kung anong liwanag sa langit! Napadako ako ng tingin dito, makukulay at iba't-ibang klase ng fireworks!

"Lyka." tumalbog muli ang tuon ko sa kaniya, na ngayon ay halos isang pulgada na lang ang layo nito sa mukha ko! Aninag ko sa mga mata nito, na tinatamaan ng sinag buhat sa mga paputok sa itaas, ang mapungay at serioso nitong titig! "I like you too, as well."

Rumagasa sa langit ang pagkarami-raming mga pailaw na sumasabog! Hindi magkamayaw ang mga mata ko kung sino ang babantayan nito, kung ang mga magagandang paputok na nagbibigay ning-ning sa paligid, o ang labi ni Mister Taiwanese na unti-unting lumalapit sa aking bibig! Torete, at tila tinakasan ako ng sariling pag-iisip! Hindi ko alam ang aking gagawin!

"Fireworks." ang bigla nalamang bumulusok sa aking diwa. Lumitaw sa kung saang sulok ng isip ko ang horoscope na nabasa ko kahapon. "Sa kabila ng lahat, sasabog ang kalangitan, magliliwanag ang gabi, hahagurin ang dalamhati, at papawiin ang iyong hikbi."

Ito na ba iyung sign?! Si Mister Taiwanese ba ang tinutukoy sa horoscope ko?! Na mag-aalis ng lungkot sa akin?! Isip Lyka! Bilis!

"I love you."

Napapikit ako sa huling salitang narinig ko buhat sa kaniya! Hindi ako sigurado sa move na ikikilos ko, pero sa palagay ko'y checkmate na ako! Ito ang binabanggit ng banal na destiny! Bahala na! Masaya naman ako kay Mister Taiwanese!

"Oh." dinig ko mula sa kaniya, napamulat tuloy ako ng mata. Malayo na ang mukha niya sa akin. Busy itong tinatanggal ang suot na jacket, kasunod ang pagtalumbon niya nito sa ulo ko. "Let's go, baka magkasakit ka."

Naibala sa malawak na kalangitan ang mga mata ko. Biglang tumahan ang kaninang maiingay na pagsabog. Nabalutan ng dilim ang kaninang makulay na himpapawid. Wala na ang mga magagandang fireworks, na kanina'y buong yabang ang paghalik sa kaulapan. Bigla na lamang kasing bumuhos ang malakas na ulan.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/6/2013)

thanks! haha parang lumayo ah? di bale nangangahulugan yun na tatagal pa to! hahaha:clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/6/2013)

boss bat di yung kasama yung kay charlie di ako makakatulog nito.. hehehe joke ty ditowait ko next
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/6/2013)

yawn.. andyan na.. mamaya ko na lang babasahin.. hehe
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/6/2013)

ang lupit talaga ng imagination ni ts sa ganito kalupit na storya....idol......
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/6/2013)

thanks!!! mejo bitin.... pero maganda, hehehehe
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/6/2013)

Maraming Thanks po ulit sa update :thumbsup:

Biteeenn :rofl:

Edit:

Di ko pala nabasa yung Part 18 :rofl:
Kaya sabi ko parang naiba ata :lol:
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/6/2013)

guys salamat ulit sa pagbabasa, wait nalang natin iyong next chapter :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/6/2013)

galing talagang mambitin ni otor. hahahs. asteeg. antay antay uleeet. :))
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (26/6/2013)

maganda ung kwento, lalo na ung umpisa ng story:thumbsup::salute:
********************************
kaso may mga chapter na predictable.
ayoko ung chapter na pnakilala ni taiwanese ung mga barkada niya.
wag mong maxadong pinapahaba TS, baka mawala essence nung story. opinion lang ng isa sa mga reader mo. hehe.:salute:
 
Back
Top Bottom