Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (01/07/2013)

huhuhu bitin na nanaman sinong marunong gumawa ng pelikula jan gawan nyu nga ito,, talo pa ang asianovela... huhuhu kakabitin grabeh...,:weep:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (01/07/2013)

boss maraming salamat dito!! ganda talaga. team CHAKA din ako, sana madulas yung bike ni mr taiwanese at maaksidente. joke lang
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (01/07/2013)

thank you guys :thumbsup: bukas na ang update nito :thumbsup: salamat ulit :salute:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (01/07/2013)

waiting sa next episode... team CHAKA din ako :clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (01/07/2013)

Team CHAKA din.. :lol:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (01/07/2013)

haha aux ang s2rya ts post kah ng picture ni gelo .. ka2tuwa .. more!! ..:yipee::clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (01/07/2013)

ngaun update nito ah? anu time kaya haha:excited:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (01/07/2013)

MAKI-CHAKA WAG MATAKOT MAKI-CHAKA :rofl:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (01/07/2013)

Hala! Na dali ako dun ah...Ganda! Pa subscribe TS...galing...
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

heto na ang pagpapatuloy sa love story nila chaka at taeka, na ubod ng chaka :rofl: (dapat ata chaka nalang title nito :rofl:) enjoy guys! :thumbsup: hate to say this, pero i think, maglalast na lang to, ng 5 to 6 chapters. Keep reading sana guys hanggang end :thumbsup:
 
Last edited:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

Part 21: "Condition"

"May papaki-usap sana ako sayo."

Pilit kong binabasa ang mukha ni Bakulaw, nagbabakasakaling makakuha man lang ni isang clue tungkol sa favor na hinihinge niya sa akin. Subalit, walang naka-ukit na emosyon sa hitsura niya, ni kahit katiting man lang. Para siyang isang papel. Plain, unpredictable at hindi mo makikitahan ng kaka-iba.

"Kung puwede sana..." inalis nito ang mga mata niya sa daan, inilipat sa akin. "Kitang mayaya sa amin."

"Huh?" ang mabilis kong naisagot, ni hindi na pinag-isipan pa ng dila ko.

"Kung puwede ka pumunta sa amin." sumenyas ang isang kamay na 'to, na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin. "Ikaw." tinuro niya ako, pakiramdam ko parang nangyari na'to. "Ako. Papasyal. Sa bahay namin." tinuro naman niya ang kaniyang sarili sa pagkakataong ito, pagkatapos, kinuyakoy niya ang dalawa nitong daliri na animo'y naglalakad, at sinundan ng pag-drawing ng hugis bahay sa hangin. "Gets?"

"Nang-aasar ka ba?!" pagdakma ko sa kuwelyo niya. "Natural alam ko 'yon! Ang gusto kong iparating, bakit mo ako iniimbitahan sa inyo?"

"Wala lang. Gusto ko lang."

"E kung ipalamon ko sayo 'yang manubela, at sabihin ko sayong wala lang, gusto ko lang?!" dahan-dahang paghigpit ng kamao ko sa kuwelyo niya. "Sasagot ka ba ng maayos o hindi?!"

"Pinaka ayaw ko sa lahat ang nag-eexplain." naghikab siya, wari'y binalewala ang komusyong ginagawa ng kamao ko malapit sa kaniyang leeg. "Nakakatamad. Isa pa, mas gusto kong aktuwal mong malaman kaysa ipaliwanag."

"Tanga ka ba?" naglangit-ngit ang mga ngipin ko. Pero sa kabila ng nagbabadyang highblood, pinilit ko paring huminga ng normal at magpakahinaon sa abot ng aking makakaya. "Paano ako sasama sayo kung hindi mo sasabihin ang dahilan kung bakit?!"

"Huwag kang mag-alala. Hindi kita ire-rape." ngumisi siya, na lalong nagpapadagdag sa pagkulo ng aking dugo. "Hindi ako pumapatol sa kapwa lalake."

Dumilim ang aking paningin. Kumuha ako ng puwersa at inihandang ilanding ang kamay ko sa mukha niya, subalit natigilan ako nang ituro niya ang dahan. "Ooops. Nagda-drive ako. Gusto mo bang maaksidente tayo?" muling sumilay ang nakakapagsalubong-kilay na ngisi nito, na siyang nagpapabukal ng labis sa himutok ko.

"Wala kang kuwentang kausap!" palahaw ko, na halos ikapatid ng aking mga ugat sa leeg. Maliban kasi sa ugali nitong ubod kong kinaiinisan, sumagi na lamang bigla sa utak ko ang ginawa niya sa akin noong gabing nasa hotel kami. Gusto kong imaktol sa kaniya 'to. Ilabas at isabog ang reklamo ng damdamin ko sa kaniya, na hanggang ngayon ay labis na tumu-torture sa isip at puso ko. Ngunit, nagpasya akong manahimik na lang. Ayaw kong marinig ang mga paliwanag niya.

Nagwika siyang muli, pero hindi na ito nai-process pa ng utak ko. Busy na namang naglakwatsa ang aking diwa sa kung saan. Unti-unti man, subalit damang-dama ko ang pagyakap muli ng kalungkutan sa akin. Gumuguhit sa kaluluwa ko, ang mga detalyeng ginawad niya sa akin noong mga oras na iyon. Sa una ay malabo, pero habang tumatagal, nagkakakulay ang black and white na senaryo.

"Kuya!"

Napa-igtad ako sa'king kina-uupuan, mabilis kong ibinaling ang mga mata ko kay Bakulaw. "Ano bang problema mo?!"

"Kanina pa ako dakdak ng dakdak dito, hindi ka naman pala nakikinig."

"Ano bang paki-alam mo kung ayaw kitang pakinggan."

"So okay na?" sagot niya, na tila binaliwala ang sinabi ko. "Pupunta tayo bukas sa amin."

"Teka!" napakapit ako sa braso niya, gulantang na tinarayan siya ng titig. "Huwag ka ngang magdesisyon ng mag-isa!"

"Susunduin kita ng 10 a.m. okay?"

"Sinabi nang huwag kang magde-desisyong mag-isa!" rumagasa muli ang himutok sa aking dugo, hinablot ko ang leeg nito at niyug-yog ng pakaliwa't pakanan!

"Panalo ka na! Tama na!" pagpapanic niya, nang bahagyang lumihis ang direksyon ng kotse sa kalsada. "SIRA KA BA?! MAAAKSIDENTE TAYO SA GINAGAWA MO!"

Napasinghap ako. Parang naipit ang hininga ko, at tuluyang kinapusan ng hangin! Ramdam ko ang maliit na panginginig ng katawan ko! Hindi sa ginaw na dulot ng malakas na ulan, kundi sa biglaang takot na lumukob sa akin, buhat sa sigaw na iyon ni Bakulaw. Gustuhin ko mang labanan ang takot na namamayani sa bawat himay ng kalamnan ko, ay hindi ko magawa. Ni hindi man lang ako maka-imik! Tanging paglunok at pagpapawis lang ang nakayanan kong gawin, kasabay ang tubig na nangingilid sa mga mata ko.

"MUNTIK NA---" naudlot ang sasabihin niya dapat, nang dumapo ang tingin niya sa akin.

Gusto kong ibuka ang bibig ko, subalit abala 'to sa panginginig, habang unti-unti namang lumalabo ang aking paningin dahil sa luhang nagkukumpulan mula dito.

"Kuya, i'm sorry." huminto ang sinasakyan namin. "Hindi ko sinasadya."

Dahan-dahan akong yumuko, at niyakap ang sarili. Isa pang kakaiba sa ugali ko, ay ayaw na ayaw kong makita ako ng ibang tao na umiiyak. Para sa akin, privacy ang pagtangis.

"Kuya." hinawakan niya ako sa braso, subalit madalian ko 'tong tinabig palayo.

"Hey, is there something wrong?" dinig kong pagkatok ni Mister Taiwanese mula sa bintana sa may gilid ko, na agaran kong sinagot ng thumbs up, ngunit 'di ko na siya inabalahang sulyapan pa.

"Kuya."

"Can we go." ngatal kong usal. "please?"

"Hindi ko gustong masigawan ka." ika ni Bakulaw, kasabay ang pagpapa-usad muli nito sa kotse. "Hindi ko alam ang tamang term dito, pero nabigla lang ako."

"Please."

"Okay sige, tatahimik na muna ako."

"Please." pag-ulit ko sa kaniya, kasabay ang pagpapakawala ng isang mahabang buntong-hininga. "Ayaw na muna kitang makita."

+++
"Oh, okay ka lang Lyka?" bungad sa amin ni Tatay, pagtapak namin sa loob ng gate, na agad kong sinagot ng ngiti. "Buti nalang nahanap ka ni Charlie. Nag-aalala na ako."

"I'm the one to blame, Sir." sabat ni Mister Taiwanese.

"Ah?..Ehem.." paglinis sa lalamunan ni Tatay. "And who you?"

"I'm Willy by the way, Sir." inabot nito ang kamay niya sa magulang ko, na agad namang ginantian ng hand shake ni Tatay. "I am sorry for giving you so much trouble, Sir."

"Ahh...Don't mention it!" lutang sa mukha ni Tatay ang pagkataranta. Tila pilit ang ngiti nito, habang walang tigil ang pakikipagkamay niya kay Mister Taiwanese. "It's fine! It's fine."

"Pasensiya na po talaga, kung hindi ko niyayang mamasyal si Lyka, hin---"

"Wait the minute!" pagbitin ni Tatay sa sasabihin dapat ni Mister Taiwanese. "Tagalog ka palang lintik ka?!"

Kumulot ang kilay ni Mister Taiwanese, wari'y nagtataka at nagpipigil ng tanong.

"Never minding it! Pasok ka sa loob nang makapagmerienda ka man lang."

"Thank you, Sir." pagsuot ni Mister Taiwanese sa tangan nitong helmet. "Pero mauuna na po ako."

"Do you sure?"

"Yes, Sir." yumuko 'to sa harapan ni Tatay, sa paraang nagba-vow. Pagkatapos, binalingan niya ako ng tingin. "See you around, Lyka."

"Hapon ba 'yun?" palipad-tanong ni Tatay, habang hinahatid ng tingin ang umalis.

"Intsik ata." madaliang sagot naman ni Bakulaw, na noo'y kalalabas lang buhat sa kusina, dala ang isang tasang kape. "Timpla ka na ng kape mo Kuya."

"Koreano siya!" pagtama ko sa dalawa. "At talagang feel at home ka sa amin ah?!"

"Ako? Hindi ah." ika nito, kasunod ang pag-ihip sa umuusok na inumin. "Tay, kanino 'yung chocolate cake sa ref? Ang sarap."

"Tay?" bumukol ang mga ugat sa kanang sentido ko. "Chocolate cake?"

"Oo. Iyong may cherry sa ibabaw."

Pakiramdam ko'y nagtumbling at naglulukso ang dugo sa aking kalamnan, tila dahan-dahan pa 'to nag-evaporate papunta sa tuktok ko! "IKAW NA HINAYUPAK KA! ANG KAPAL NA NG MUKHA MO, KINAKAIN MO PA ANG PAGKAIN NA HINDI SAYO! KUNG ISAKSAK KO KAYA SA LALAMUNAN MO IYANG TASA NA YAN?!"

"Wuy, tol!"

Natigilan ako sa paghambalos ko sana sa kaniya ng dala kong bag, nang biglang sumingit sa eksena si Gelo, nakipag-apir pa kay Bakulaw.

"Okay na tol! Nandito na lahat." pagpapatuloy ng kapatid ko na abot tenga ang ngiti. "Tuloy na natin iyong deal."

"Tol? Deal?" kumubi ng bahagya ang kaliwang kilay ko, pilit hinuhubaran ang katotohanan sa nangyayari sa paligid ko.

"Whole set na ba iyan?" ika ni Bakulaw.

"Oo Tol, 219 pictures lahat. 50 pesos each. Blutut ko na?"

"Deal." pagkamay ni Bakulaw sa kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila, subalit ganon na lang ang pangingilabot ko sa bawat ngisi nilang dalawa.

"O siya." pagkabig ng titig ni Bakulaw papunta sa akin, at pagkatapos ay pinadapo niya 'to kay Tatay. "Una na po ako."

"Sandali." pag-awat ko sa kaniya. "Payag na akong pumunta sa inyo bukas."

Hindi siya umimik. Nakatingin lamang siya sa akin. Walang kabahid-bahid ng ano mang emosyon.

"Sa isang kondisyon." hinintay ko siyang sumagot, pero nainip ako, kaya pinagpatuloy ko nalamang ang dapat kong sasabihin. "Iyon na ang last na pagkikita natin."

"Deal." mabilis nitong tugon.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

damn... putol na naman :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

Awww!:upset: lupet

thanks sa update
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

w0w! ngayun lang uli ako naka dalaw dito... way back to read pako... i missed some story... btw :thanks: po pala sa pag update dito... :excited::clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

haha..page 10 pa lang ako, bukas ulit...:D

pagkabasa nito parang gusto kong asarin at kulitin yung crush ko...:lmao:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

my update na.. :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

hay naku!! kakabitin naman oh!...hahaha salamat sa update..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

damn... putol na naman :D

Awww!:upset: lupet

thanks sa update

w0w! ngayun lang uli ako naka dalaw dito... way back to read pako... i missed some story... btw :thanks: po pala sa pag update dito... :excited::clap:

haha..page 10 pa lang ako, bukas ulit...:D

pagkabasa nito parang gusto kong asarin at kulitin yung crush ko...:lmao:

my update na.. :D

hay naku!! kakabitin naman oh!...hahaha salamat sa update..

-
thank you sa pagbasa at pagcomment guys :thumbsup: :thanks: talaga :happy:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

Kabitin naman

Thanks ulit sa up. bro :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

kahit nasa office ako di ko maiwasang di mag basa nito ayus! :thumbsup:
 
Back
Top Bottom