Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

:clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

ganganda talaga lalo ng pagbitin... jejeje


sir kailan next update?? nabibitin buong office namin haha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

anu ba yan bitin ka ui.. :rofl:

anu kaya na condition.. haha..

thanks sa update.. :salute:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

Bitin na naman oh...sulit pa rin ang araw ko kahit nasa office..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)


ganganda talaga lalo ng pagbitin... jejeje


sir kailan next update?? nabibitin buong office namin haha

anu ba yan bitin ka ui.. :rofl:

anu kaya na condition.. haha..

thanks sa update.. :salute:

Bitin na naman oh...sulit pa rin ang araw ko kahit nasa office..

-
:thanks: guys :thumbsup: pasensiya na sa pagbitin :rofl: try ko update 'to bukas, nakagawa na eh, kaso medyo napahaba iyon, kaya check ko muna mabuti :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

narinig ni t.s gusto ng nakararaming tao kaya siguro bumalik sa "chaka" ang focus ng story hahaha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

simula kaninang umaga ako nagbasa. katatapos ko lang HAHA

PM po ako sa update mo TS! :)

10STARS! hehe
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

thumbs up ts..sana kasing galing din kita sa paglalaro ng mga salita :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

pa bm muna, basah mode! :p
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

Episode 1 to 21
 

Attachments

  • KUYA PABUG NAMAN PO.pdf
    420.8 KB · Views: 21
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/07/2013)

nice update TS ;)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (10/07/2013)

guys, heto ang kasunod na kabanata! :thumbsup: enjoy reading! :happy:
@redsky, thanks ulit s pdf, kapag natapos paki gawan mo siya ah, then post natin sa ebook section :rofl:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (10/07/2013)

Part 22: "Welcome Home"

"Huwag na lang kaya?"

May halong pagkabahala sa boses ni Bakulaw, plus pa ang lukot sa mukha nito na nagbibigay asim sa kaniyang impresyon. Sa kulot ng kaniyang tinig, hindi maiku-kubli ang pag-aalinlangan. Kanina pa kami naka-park sa tapat ng isang bahay, na sa tingin ko naman ay ito na ang sa kanila. Subalit, ayaw pa niyang bumaba ng kotse. Paulit-ulit niya pa akong tinatanong kung gusto kong mag-back-out nalang, na sinasagot ko naman ng iling. Nandito na kami, aatras pa ba ako? Isa pa, parang may part sa akin ang nagtutulak na surihin at kilatisin ang kinalakihan niyang environment. Ewan ko lang kung bakit, siguro curious lang talaga ako sa pagkamisteryosong dating niya.

"Pasyal na lang tayo, may malapit na mall dito." pagturo niya sa isang kanto.

"Ayaw ko." mabilisan kong tugon, kasabay ang pag-ekis sa mga braso.

"Nagugutom na ako. May malapit na resto dito, masasarap ang mga pagkaing binebenta nila dun."

"Ayaw ko."

"Maganda ang park dito sa amin, doon na lang tayo tumambay."

"Ayaw ko."

"Magpalamig na lang kaya tayo sa hotel? May so---"

"PAPASOK BA TAYO SA BAHAY NIYO, O IPAPASOK KO 'TO SA ILONG MO?!" nakasimangot kong pagduro sa kaniya ng bolbeng nadampot ko sa dashboard ng sasakyan. "LABAS!"

"Tama si utol Ate, maghotel na lang tayo." pagsingit ni Gelo, na noo'y naka-upo sa likurang bahagi ng kotse. "Ako ang taga bidyo niyo! Walang bayad, pramis!"

"Tumahimik ka nga!" paglipat ko ng tuon sa kaniya. "Teka, bakit ka ba sumama?!"

"Utos ni utol Ate, baka daw may mangyari, sayang daw ang moments kung walang magbibidyo nito." dagdag ng kapatid ko, kasunod ang pagbunggo ng kamao nito sa kamay ni Bakulaw. "'di ba tol?"

"Ano bang moments ang tinutukoy niyo?" pagkurba ng isa kong kilay.

"Baka mag se---"

Isang malutong na kutos ang ginawad ko kay Gelo, bago pa nito matapos ang dapat na sasabihin! "Ang bata-bata mo pa, ang dumi na ng isip mo!"

"Kuya, saglit lang!" paghawak sa balikat ko ni Bakulaw. "Ang ibig sabihin ng Gelo, baka magse---"

Sumirit ang dugo sa kung saan, tumalbog ang ulo ni Bakulaw nang lumapat ang siko ko sa ilong niya! "ISA KA PA! IKAW ANG BAD INFLUENCE SA KAPATID KO EH!"

"Ate, ikaw ang madumi ang isip." napasulyap ako kay Gelo, hinihimas nito ang bahagi ng ulo, sa kung saan lumapag ang kamao ko. "Magse-set ng party ang gusto naming sabihin."

"Ano bang iniisip mo?" sabat ni Bakulaw, habang pinupunasan ang dugong lumabas sa kaniyang ilong. "Napaghahalata tuloy na mali---"

Sumibol ang sigaw ng ARAY sa loob ng kotse, hindi ko lang alam kung ano ang nadampot ko, pero tiyak akong may kung anong bagay akong hinampas sa mukha niya.

+++
"Oh Iho, kanina ka pa namin hinihintay!"

Sumalubong ang napakagandang babae sa amin, na sa tingin ko'y nasa edad trenta pataas. Hindi ko tuloy maiwasang isipin, kung artista 'tong kaharap ko. Sa istilo ng kaniyang pananamit, at sa ayos ng make-up na nakadikit sa kaniyang pisngi, walang duda at hindi maitatago ang pagka-susyal sa kaniyang aura.

"Ma." paghalik ni Bakulaw sa babae. Nanlaki ang mga mata ko, muntik pang mahulog sa sahig ang aking panga. Ma?!

"Siya na ba iyan?" nabaling ang tingin sa akin nung babae, kasabay ang pagtakip ng kamay nito sa kaniyang bibig. "Oh my god! Is that you, Erika?"

"Ah..Eh....." ang tanging naisagot ko, dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang aking isasambit. Sapagkat, maliban sa hiyang nararamdaman ko, nakikisabay pa ang maraming tanong ng aking utak ukol sa nangyayari.

"Her name is Lucy, Ma."

"LYKA!" batok ko kay Bakulaw.

"Oh forgive my manners Iha." ngumiti ang babae, hinawakan niya ako sa kamay. "Halika, tuloy kayo."

"Tol, ang ganda ng bahay niyo ah! Ang yaman mo pala!" biglang sambit ni Gelo, dahilan para lumibot ang pares ng aking paningin sa malaking tahanan nila Bakulaw. Aaminin ko, sobra ang pagkamangha ko sa bahay nila. Malawak ang loob, at tila mamahalin ang mga nuebles na makikita sa bawat sulok. Hindi ako nagkamali sa hinala ko sa kaniya noong una ko siyang nakilala, bakas naman sa kutis niya na layaw at may kaya siya sa buhay.

"At sino naman 'tong cute na batang 'to?"

"Kapatid siya ni Lira Ma."

"LYKA!" muli kong Batok kay Bakulaw.

"HOONNNNNNNNNN!"

Halos sabay-sabay dumapo ang mga mata namin sa babaeng kasalukuyang bumaba ng hagdan. Sumiksik tuloy bigla sa isip ko iyong babaeng narinig kong sumagot sa cellphone, nung panahong mini-miscall ko si Bakulaw.

"KANINA KA PA?!" pagyakap ng babae kay Bakulaw, na kulang na lang ay sumampa na siya mula sa pagkakapulupot nito. "Siya na ba iyan Hon?!"

"Yep, i like you to meet Luke."

"SINABI NG LYKA EH!" sambulat ko kay Bakulaw, na sa pagkakataong ito'y tadyak sa binti ang ipinalasap ko sa kaniya!

"Pagpasensiyahan niyo na po ang Ate ko, Madam." pukol ni Gelo, pagkatapos halikan ang kamay ng babaeng tinatawag Ma ni Bakulaw. "Nakakahiya man po, pero nahulog po kasi sa puno ang nanay ko noong pinagbubuntis si Ate."

"SHADAP!" muling pag-landing ng kamao ko sa bumbunan niya.

"Nakakatuwa naman 'tong mga kaibigan mo Iho." pagtawa ng mahinhin nung babaeng sumalubong sa amin kanina. "Pakilala mo naman kami ng kapatid mo."

"I'm sorry ma." paglinis sa lalamunan ni Bakulaw. "Kuya, mother ko." umakbay siya sa babaeng tumili. "At kapatid ko, si Chelsea."

"Wow! Tama ka Hon! Si Erika nga!" muling palahaw ng pinakilalang kapatid ni Bakulaw.

"Hon? Erika?" kumubi ang aking kilay, unti-unti akong naiirita at nawawalan ng pagkakumportable sa nagaganap.

"Ah, Honey kasi ang tawagan naming magkapatid." singit ni Bakulaw, kasabay ang pag-upo nito sa sofa.

Honey? Sa palagay ko siya nga ang nakasagot sa miscall ko sa kaniya.

"Ang tangkad naman niya. Ilang taon na siya Tol?" usisa ni Gelo, na sumunod namang humilata sa upuan, malapit kay Bakulaw.

"Konti lang ang agwat niyong dalawa, mag te-thirteen na siya this month."

"MACHOPA?!" nagkasabay-sabay ulit ang dapo ng tingin namin sa kapatid ni Bakulaw, nang muli itong tumili pagkaharap kay Gelo!

"Kilala ba kita?" usisa ng kapatid ko, na noo'y napatayo mula sa pagkakahiga.

"Ako 'to, si LITTLE PECHAY! ako iyong number one follower mo!"

"Macho pa? Little pechay?" sinibat ko ng tingin si Gelo.

"Ah, machopa, iyon ang username ko sa isang site na member ako." pagpapaliwanag niya, kasunod ang paglipat ng tuon sa kapatid ni Bakulaw. "Ikaw si Little pechay?!"

"YUP!" ang mabilis na pagtango ng kausap. "Ako iyong ka SOC mo araw-araw!"

"SOC?!" sabay-sabay na bulalas namin sa pagkakataong 'to.

"Oo, SHARING ON CHAT." paggatong ni Gelo. "Madalas kasi kami magpalitan ng kuwento o payo sa site, nagshe-share kami ng opinyon kumbaga."

"How great! Hindi ko ina-akala na magmi-meet tayo ngayon!"

"Ako rin. Ang ganda mo pala sa personal! Anong size iyan?" nakangiting tanong ng kapatid ko, habang nginunguso ang damit ng kausap.

"Ang alin?" lumutang ang pagtataka sa mukha ni Chelsea.

"Iyang sandals mo, ang cute eh." pagturo nito sa paa ng kapatid ni Bakulaw.

"Hahaha! Nakakatuwa ka talaga! Halika sa kuwarto ko, papakita ko sayo iyong mga koleksiyong binibida ko sayo!"

Hindi ako maka-imik. Para akong tinamaan ng kidlat mula sa pagkakatayo. Samu't-sari ang mga tanong na sumisirkulo sa aking tuktok, na hindi ko mabigyan ng kahit konting kasagutan. Paghatid ng tingin lamang sa dalawang sumibat paakyat ng hagdan, ang tanging nagawa ko. "Macho pa? Little pechay?"

"Sa tingin ko'y mapapadalas na ang pasyal dito ni Gelo." pagbasag sa katahimikan naming lahat ni Bakulaw.

"Why don't you take her to your room too, Iho." pagtawag sa pansin ko ng kaniyang magulang.

"Ah! Hindi po! Dito na lang po ako!" natatarantang agaran kong pagtanggi!

"Sure ka?" pukol na tanong ni Bakulaw. "Ayaw mo sa kuwarto ko? May papakita din ako sayo."

"GUSTO MONG IBAON KITA SA LUPA?!"

"Oh, i made a wonderful lunch for you Iha." muling nanlaki ang mga mata ko, nang bigla akong yakapin ng Mama ni Bakulaw. "Masaya akong nakilala kita." kumalas siya sa akin, kasabay ang pagtungo nito sa isang parte sa loob ng bahay. "Make her feel at home Iho. Ihahanda ko lang ang pagkain."

+++
"Astig Ate! Kamukhang-kamukha mo nga siya! Daig niyo pa ang kambal! Parang clone mo siya oh!" pagpapakita sa akin ni Gelo sa picture ng isang babae.

Tumambay kaming lahat sa salas, pagkatapos mananghalian. Abala silang lahat na binubuklat ang photo album ng dilag na pilit nilang ikinukumpara sa akin. Honestly, sa una ay nagulat din ako, sapagkat kawangis ko nga ang nasabing babae. Para lang akong tumitingin sa salamin. Pati ang hubog ng pisngi, labi at ilong ay kuhang-kuha. Not to mention ang pagkaseroks copy din ng mga mata namin. Pero busy din ang utak ko sa pagtatagni-tagni nito sa eksenang nasasaksihan ko, kaya hindi ko 'to masyadong pinapansin.

"Sino po siya?" ang naibulalas kong tanong sa Mama ni Bakulaw.

"Si Erika." ngumiti siya, pagkatapos, hinabol niya ng tingin ang anak. "Hindi mo pa ba naiku-kuwento sa kaniya, Iho?"

Lumihis ng tuon si Bakulaw, halatado sa ulma ng mukha nito ang pag-iwas.

"Anak niyo po ba?" pagpatong ko ng usisa.

"Hindi Iha." muli, tinitigan niya si Bakulaw. "Sa tingin ko, si Charlie na dapat ang magsabi sayo." tumayo siya at pinag-ukulan ng pansin sina Gelo at Chelsea, na noo'y pinagti-tripan ang mga letrato na nakakalat sa lamesa. "Kids, gawa muna tayo ng merienda."

Pinanood ko ang tatlo na tumulak papuntang kusina. Naiwan kaming dalawa ni Bakulaw. Walang imik at iwas ang tingin sa isa't-isa. "Bakit mo ba ako inimbita dito? Para ipaalam sa akin na kamukha ko 'tong babaeng 'to?" pag-angat ko sa isang picture ni Erika, ngunit hindi man lang niya ako sinulyapan.

"Fine. Kung ayaw mo magsalita, bahala ka diyan." paghanda kong pagtayo para sundan ang tatlo sa kusina, subalit natigilan ako nang tumabi sa akin si Bakulaw.

"Girlfriend ko siya." panimula niya, habang tinititigan ang mga larawan.

"May girlfriend ka na pala? Nasaan siya?"

"Patay na, may tatlong taon na ang nakakaraan."

Kinilabutan ako! Napalunok ako ng wala sa oras! Dahan-dahan kong ipiniit ang ulo ko sa direksiyon niya, na noo'y serioso ang ayos ng mukha.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (10/07/2013)

Thanks sa up bro :thumbsup:

Ano na kaya itsura ni bakulaw bawat scene nila may batok ,may hampas sa mukha :rofl:

:yipee:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (10/07/2013)

Thanks sa up bro :thumbsup:

Ano na kaya itsura ni bakulaw bawat scene nila may batok ,may hampas sa mukha :rofl:

:yipee:

- lamog na ang hitsura niya bro :rofl:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (10/07/2013)

whoah??reincarnation? bitin naman ehhh..thanks pa rin ts!
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (10/07/2013)

nagulat ako may update na pala haha
halos umabot sa noo ang aking kilay at pumalakpak ang aking tenga sa tuwa haha:clap:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (10/07/2013)

salamat sa update kuya!! sana may pics mga bida para ma visualize namin bwat eksena..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (10/07/2013)

nagulat ako may update na pala haha muntik pumalakpak ang malalaki kong tenga sa tuwa haha thanks sa update:clap:
 
Back
Top Bottom