Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Last Christmas

Note:

Sa wakas! Nabuo na ang 2011 story ko. Nagsimula ito sa Domo Stories ko at napagpasyihan kong gawan ito ng sariling thread since magpa-Pasko naman. Ito na, ang full story ng Last Christmas.

Happy Reading!


"Last Christmas"



Biyernes na pala at ito na rin ang huling araw para sa buwan ng Nobyembre. Bukas ay Disyembre na, mukhang wala namang kakaiba eh, oo magpa-Pasko na pero bakit masyadong excited yung mga tao? Dahil ba makakatanggap sila ng regalo? Dahil ba lalamig na ang panahon? Bigla akong napaisip, magdi-Disyembre na pero bakit ang init parin ng panahon? Grabe talaga ang global warming, hindi na tuloy maramdaman ang malamig na simoy ng hangin pagdating ng buwan ng Disyembre. Buti nalang at airconditioned ang room dito sa school, hindi ako ganung naiinitan tsaka kaunti lang ang vacant ko eh, kaya laging nasa room.

Teka may natandaan akong bigla, kamusta na kaya siya? Hindi ko na sya ganung nakikita, hindi naman ako makatingin sa tambayan nila at nakakahiya, I know na mahiyain akong tao pero may magulo side din naman ako eh hindi nga lang masyadong active.

Natawa ako bigla sa isa ko na namang naisip, naalala ko si Taguro, yung nagpapalaki ng muscles, may pursyento pursyento pang nalalaman eh, malamang sa alamang ay body builder yung creator ni Taguro, LOL. Nung umabot ang isandaang pursyentong lakas ni Taguro ay biglang nagbago ang kulay nya, naging color grey bakit naman kaya grey? Putik ba yon? Make-up para sa katawan? Tapos may tusuk-tusok pa sa mga balikat nya, ano kaya yun, sabitan ng hanger? Haha!

“Mr. Mendoza! Mukhang ang lalim ng iniisip mo dyan ah!”

“Ay ma’am sorry po, pinagmamasdan ko po kasi kayo, sobrang ganda nyo po kasi!”

“Hay naku Mr. Mendoza, hindi ako ang tinititigan mo eh, yung upuan mo, nagpupuyat ka na naman ‘no, sobra sobra na yang panonood mo ng Ghost Fighter!”

Malas! Nahuli ako ni ma’am na tulala na naman, kainis, nakakahiya pa sa mga katabi ko, sinadya yata nilang hindi ako galawin para masita ni ma’am, grabe talaga sila, babawi talaga ako pagdating ng panahon.

“Oh pare, nasita ka nanaman ni ma’am, may maganda-maganda ka pang nalalaman dyan ha, baka si ano nanaman yang iniisip mo, haha! Iba talaga kapag inlababo” sabi ni Jack.

“Sorry naman, haha. Galing nga ni ma’am eh, nagpuyat nga ako sa kakanood ng Ghost Fighter. Paano n’ya kaya nalaman yun? Hala! Siguro nagmamasid sya sa aming bahay! Oh my gash!”

“Anong nagmamasid Mr. Mendoza?”

“Ah eh wala po ma’am, sabi ko po, nagmamasid po ako ng mga bagay bagay doon po sa mall para po iregalo sa inyo sa Pasko”

“Aasahan ko yan Mr. Mendoza, goodbye”

“Pare, napasubo ka kay ma’am, haha. Gastos na naman yan, malapit lapit narin ang Christmas break, mawawalan ka na ng pera.”

Hindi ko na sinagot si Jack dun at umalis na lang ako. Habang naglalakad, nakita ko yung crush ko na nakatingin sa akin, bigla akong napatungo at sabay untog ko sa isang pader, napatawa sya sa akin. Dali dali akong umalis sa lugar na iyon. Dumiretso ako sa CR at napa- “WOOHOO!!”

“Akalain mo yun! Napatawa s’ya sa akin! Ang galing galing ko talaga eh! Shet! I’m the King of the world! Wahahaha!”

“Pre, kung magfa-fap ka lang dyan, wag mo namang ipagsigawan ha!”

Mukhang may tao pang iba sa CR, haha. Hayaan mo na s’ya, basta ako masaya, solve na solve ang Friday ko, yeah!

“Yeah boy! Mukhang may gusto din s’ya sa akin, halata naman eh, tinititigan nya ako, haha. Pero, hmm, may gusto nga ba talaga sya sa akin? Oh baka may dumi lang sa mukha ko or may mantsa yung damit ko? Oh no! Baka yung buhok ko na naman na nahahati sa gitna? Waahh! Di ako mapakali dito, shet! Nakakahiya na grabe, kailangan ko magsalamin, magsalamin!”

“Tol, ano ba?! Magdahan dahan ka nga sa pagbukas mo ng pinto! Nakakadali ka eh, tsaka ang ingay ingay mo, para kang hunghang dyan!”

“Ay sorry tol, di ko sinasadya.”

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, para bang wala akong iniisip, tulala ako sa sarili ko. Walang reaksyon ang aking mukha. May pagkukulang kaya ako?

 
So Disyembre na, grabe ang init dito sa school, akala mo eh summer. Di na ko makaporma ng nakajacket kasi ang init init. Sabadong sabado eh nasa school ako, kung bakit pa kasi ako mag subject sa weekend, ang boring, gusto ko na umuwi kaagad at matulog tsaka anong silbi ng pagpasok ko sa school kung di ko rin naman sya makikita, naku naman.

“Hi Ren.”

Parang may narinig akong bumati sa akin, pamilyar ang boses n’ya at paglingon ko ay biglang…

“Bakit parang natulala ka dyan? Anong meron sa ‘kin? May kakaiba ba sa mukha ko? May mali ba sa suot ko? Ano ang napansin mo sa akin?” sabi ni Aika.

“Ah eh, ah eh, ah eh, ah eh ih oh uh, ah eh, ah eh, uhhhhh, uhhmm, eh ah, eh eh eh.”

Hindi ko napansin na si Aika pala, nagulat ako at biglang natulala at bumilis din ang tibok ng puso ko. Hay, it feels like heaven.

“Naku Ren, ikaw talaga, napapakanta ka naman dyan, hilig mo rin ang 2NE1 ano?”

“Ah eh, oo, hilig ko ang 2NE1, oo type ko sila, ‘I want nobody nobody bachu! La la la la la, nobody nobody nobody nobody’, hehe.”

“Haha, Ren, Wondergirls yan hindi 2NE1, kahit kalian napapatawa mo talaga ako.”

Napatawa ko sya! Yes! Ang galing galing ko talaga, pero teka, baka nagmumukha akong clown sa kanya! Oh no! Sa tingin nya siguro ay kamukha ko si Mc Donald?! Wahh! Ayoko maging sobrang puti, magkaroon ng lipstick na sobrang pula, magsuot ng korni na stripes na pang itaas at pang ibaba at lalo na yung gagamit ka ng malaking sapatos! No way! Pero ok lang din, mas tatangkad ako, hehe.

“Ren? Ok ka lang ba? Mukhang ang lalim nanaman ng iniisip mo dyan.”

“Ah eh, wala naman Aika, hehe. Oo nga pala, ‘hi’, hehe.”

“Hello, kanina pa tayo magkausap, may klase ka ng Sabado?” tanong ni Aika.

“Oo eh.” Sagot ko.

“Hindi ka ba nabo-bored o kaya eh tinatamad kapag may pasok ng Sabado?”

“Hindi naman, ok lang sakin, mas naging ok nga nung nakita kita eh. Ayii!”

“Haha, mga banat mo Ren, s’ya sige, mauna na ako, napadaan lang ako kasi may binili lang akong makakain. Bye.” Paalam ni Aika.

“Sige Aika, ingat ka.”

“Kita kits sa Monday ha!” habol ko.

Ahaha! ‘Yun ang usapan, kaso parang nagmukha lang akong clown talaga eh, kabado pa ako masyado, kailangan ko ng masanay sa kanya dahil magkakaroon din ako ng lakas ng loob para sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya.
 
Umuwi na ako mula sa school, diretso kaagad ako sa higaan para mag muni-muni after nung nangyaring pag-uusap naming ni Aika, grabe gusto kong ulit-ulitin yung pag-uusap naming iyon.

(Nakatulog si Ren sa kanyang pag-iisip.)

(Sa panaginip ni Ren)

Wow! Ang ganda ng paligid, ang daming halaman, ang mga bulaklak ay sobrang tingkad, at mahangin pa, hmm, teka, nasa Heaven na ba ako?! Oh no! Waahh! Masyado pa akong bata para mamatay, masyado pa akong, ehem, gwapo para mamatay!

(Biglang may narinig siyang boses)

“Ehem at sino namang gwapo ang tinutukoy mo?”

(Nangatal si Ren sa kanyang narinig at biglang napalingon, si Aika ang kanyang nakita)

“GYAAHH!! Aika! Bakit nandito ka?”

“Bakit? Masama bang naririto ako? Tsaka, ikaw pa nga ang nagyaya na pumunta tayo sa isang magandang lugar eh.” sagot ni Aika.

(Napaisip si Ren sa sinabi ni Aika)

Teka, at kailan ko pa nalaman ang ganitong kagandang lugar tsaka niyaya ko ba talaga si Aika? Mukha ngang lumakas na ang loob ko, nice. Pero sige, kahit di ko alam ang pangyayari dito basta kasama ko s’ya.

“Hehe, nagjo-joke lang ako, kaw talaga di mabiro.” sagot ko.

“Clown, haha! Oh sya tara!” sabi ni Aika.

“Tara saan?” pagtataka ko.

“Naman eh! Eh di sa alam mo na, nakakahiya namang sabihin, tsaka ito naman ang gusto ng mga lalaki ah, alangan naming hindi pa kita pagbigyan, tsaka may nararamdaman din ako para, uhh, sa iyo!” sagot ni Aika.

“Hindi kita magetz, gano katagal na ba ulit tayo?”

“Mag iisang araw na, kaw talaga ulyanin, so ano na, tara!”

Hinigit ako ni Aika papunta sa bahay nila.

“Bakit tayo nandito sa inyo? Anong gagawin natin? Manonood ng Ghost Fighter? Gusto ko yan!” sabi ko kay Aika.

“Eng eng, halika ka na nga lang!”
Napansin kong walang tao sa kanilang bahay. Teka, parang alam ko na ang gusto nya na gawin namin. Oh yeah, me gusta!

Nakarating kami sa kanyang kwarto, nagmasid masid ako sa mga sulok at biglang may napansin si Aika.

“Mukhang alam mo na ah, walang mga security cam dito sa bahay, haha!”

“Oh shet, pwede ka na pumalit kay Madam Auring! Haha”

At napatawa ko na naman sya ng aking joke, ang lakas ko talaga, yeah!

Dahan dahang nagtanggal si Aika ng pang itaas, dahan dahan naman ding tumayo si ano.

Nilapitan nya ako, akmang yayakapin ko na siya at biglang…

(Nagising si Ren sa pagkakauntog)

“Shet ka Ren! Nananaginip ka na naman ano! Pati ako sinasama mo dyan sa panaginip mo, basta basta mo nalang ako hihigitin tapos nang he-headbutt ka pa!” sabi ni Jack.

Dahil sa galit ni Jack, nasapak nya ako at nakatulog muli.

(Continuation sa panaginip ni Ren)

Teka, parang continuation ‘to ng panaginip ko kanina ah kasi wala na si Jack at malamang sa alamang ay sinapak nya na naman ako, hmm, bakit wala na ako sa bahay nina Aika?

Teka ano yung nakikita ko? Bat may kasama si Aika? HHWW pa sila, oh no! Anong nangyari?! Bakit?! Iniwan nya na ako? After ng nangyari sa amin?! Oh hindeeeeeeeee!

(Nagising si Ren)

“Pre! Maghunos dili ka! Pre!” sigaw ni Jack.

“Uhh, anong nangyari?” tanong ko.

“Pre, nagsisisigaw ka tsaka nagwawala ka parang napopossess ka na eh!” sagot ni Jack.

“Teka, si Aika?! Nasaan si Aika?! Si Aika! Si Aika ko!”

“Pre, naririnig ka ng kapitbahay, anong nangyayari sa’yo? Nananaginip ka lang, hindi yun totoo!” sabi ni Jack.

“Oo nga, hayy, sige ok lang ako, buti nalang at hindi totoo.”
 
Matapos ang isang, uhh, bangungot, nangamba na ako pagdating kay Aika. Pero pinipilit ko parin sabihin sa sarili ko na ‘yun ay isang panaginip o kaya ay bangungot lang. Hindi naman ganoon ang tingin ko kay Aika, matino syang babae at nararamdaman kong hinding hindi nya iyon gagawin sa akin.

This is it, magtatapat na ako kay Aika, tatanggalin ko na ang hiya ko. Mahal na mahal ko talaga sya at baka nga naman ako maunahan ng iba, crush ng bayan pa naman yun.

Nakita ko si Aika sa isang upuan sa may garden ng school. Saktong sakto, mag isa lang sya. Lumakas talaga ang loob ko, wala na talagang atrasan to. Fight!

Nakita nya akong lumalapit papalapit sa kinaroroonan nya, ngumiti ako at kumaway naman sya at para bang pinapalapit nya ako sa kanya. Hindi ko dinalian ang paglapit sa kanya, normal na lakad lang para hindi mahalata ang excitement ko, baka kung ano nanaman ang isip nun, haha.

“Oh hello Ren, vacant time mo?” tanong ni Aika.

“Yup, naghahanap nga ako ng matatambayan eh, gusto ko makapag relax” sagot ko.

“Dito ka nalang sa tabi ko, usap tayo, o kaya, bigyan mo ako ng joke, benta mga jokes mo sa akin eh, haha, pwedeng pwede ka mag apply ng pagiging clown sa mga party.”

Sa isip ko ay napa hala nalang ako, oh no, clownzoned!

“Sure, no problem, gusto ko nga yung palagi kang tumatawa eh, mas gumaganda ka, ayii” sabi ko kay Aika.

“Kaw ha, game joke ka na!”

“Ano ang tawag mo sa puno na mahilig sa music?”

“Hmm, niyog?”

“Wrong, sige hula pa.”

“Uhhmm, mangga?”

“Mali nanaman, sirit ka na?”

“Sige na nga, sirit na ako.”

“Eh di, MPTree (MP3), nyeee.”

“Wahaha! Benta talaga joke mo Ren, haha!”

Nakaramdam ako ng kakornihan kasi napataas ng kilay yung mga taong dumaraan sa garden. Ok lang, di naman para sa kanila itong joke ko eh, pake nila.

Ayun, nag-usap kami ni Aika, gustung-gusto nya ng mga jokes ko kahit alam na nya yung iba, nauubusan din naman ako ng jokes eh. Dumating ang oras na wala na akong maibigay na joke, tumahimik kaming dalawa. Sya ang naunang umimik.

“Alam mo Ren, malapit na ang Pasko, may ireregalo ka na ba sa mga minamahal mo?” tanong ni Aika.

“Minamahal? Yung mga taong malalapit sakin tulad ng aking pamilya? Sa ngayon ay wala pa, pero madali lang naman makapag isip ng maibibigay sa kanila, alam ko naman ang mga bagay na makakapag pasaya sa kanila. Kahit naman hindi materyal na bagay ay masaya na sila, tsaka, uhh, medyo kapos ako ngayon sa pera, hehe.“ sagot ko.

“Hmm, except sa pamilya, yun bang parang karelasyon mo, as in girlfriend, anong ibibigay mo sa kanya?” nagtanong ulit si Aika na parang nahihiya.

“Girlfriend? Wala ah! Never ako naging committed sa isang babae as in no girlfriend since birth, haha. Kahiya naman pero kung may girlfriend ako, malamang sa alamang gagawin ko ang Paskong ito ang pinakamasayang Pasko sa buong buhay nya. Bakit mo naman natanong?” sagot ko.

“Wala naman, natanong lang, ay sige, aalis na ako, may mga dapat pang gawin.”

“Ok sige, ingat ka Aika”

Papaalis na sya ng may bigla akong nasabi.

“Aika, mahal kita!”

Napatigil sya sandali at tumuloy na ulit sa paglalakad.
 
Simula ng pangyayaring iyon, naging malapit kami ni Aika sa isa’t isa. Palagi kaming nag-uusap, nagkakatext din kami, sabay kumain, sabay maglakad na parang kami na, pero ayoko mag conclude kaagad.

Malapit na ang Christmas break, at sabay dating ng maraming exams, naging busy kami a week before the break kaya hindi kami ganoong nagkakausap. Hindi ko rin sya matext kasi naubusan na ako ng pera, hindi pa ako nabibigyan ng allowance. Ni isang text din ay wala akong nareceive sa kanya.

Tapos na ang exam naming sa lahat ng subjects, Friday na at nagsisiuwian na ang lahat sa kani kanilang mga probinsya para makita ang kanilang pamilya at i-celebrate ang Pasko. Nagtext ako kay Aika kung uuwi sya sa kanyang probinsya. Sumagot sya na uuwi sya, hindi din naman ganoong kalayo ang probinsya nya. Niyaya ko sya na magkita kami sa Pasko at himala, pumayag naman sya kasi wala naman syang ganoong gagawin sa araw ng Pasko.

Habang nasa kanya kanya kaming mga bahay, text text lang kami habang wala pa ang Pasko. Ako naman tong sobrang excited na mag Pasko na. Gusto ko narin sya makita since lagpas 2 weeks ko na s’yang hindi nakikita.

Ayun, text lang ang communication namin, kapag may pera ako, tinatawagan ko sya, nagjo-joke kasi yun ang gusto nya.

Christmas Eve. Wala akong pera. Paano ko kaya haharapin si Aika nito? Kahiya hiya ako, wala manlang pera, kainis. May biglang bumisita sa aming bahay, ang mga tito at tita ko galing states. Nagdala sila ng maraming tsokolate at ang maganda pa ‘don, haha! Jackpot, binigyan ako ng dollarsssssss with many s’s, haha. May pang gastos na ako kinabukasan, oh yeah!

------

Araw na ng Pasko! Gising kaagad ako. Check kaagad sa cellphone. May natanggan pa mensahe mula sa mga kaibigan, sa ibang kapamilya, at kay pareng Jack. Nakapagtataka, walang text si Aika. Hay, nakakalungkot naman. Paalis na ako mula sa higaan nang biglang may nag-text. Si Aika.

“Ren, ok lang ba na punta ka na lang dito sa amin. Isang sakay lang naman. Ituturo ko sa’yo ang daan. Aasahan kita ha. Merry Christmas! :)

Solve kaagad ang araw ko! Text pa lang n’ya kumpleto na araw ko. Paano pa kaya kung magkita na kami? Mas kumpleto pa araw ko sa centrum!

Pumunta ako sa probinsya nina Aika. Doon kami sa may tabing-dagat. Hindi ganoong kainit at malamig ang simoy ng hangin.

“Ren, noong bata pa ako, hilig ko mapag-isa dito sa tabing dagat. Habang naglalaro ang mga kapatid ko, nandito ako, nakaupo, nakatitig sa kawalan, nilalasap ang preskong hangin.”

“Ayaw mo ba makipaglaro sa mga kapatid mo?”

“Hindi naman sa ayaw. Hindi lang ako ‘yung taong mahilig makihalubilo. Lalo pa at nalaman ko din na napagsamantalahan pala ako ng aking ama noon.”

“Paano mo naman nalaman? Sinabi ba sa’yo?”
“Narinig ko lang mismo galing kay tatay habang nag-aaway sila ni nanay.”

Nagkaroon ng katahimikan. Hindi ko na alam pa ang sasabihin ko. Hindi ito ang oras para magbiro ako. Ngayon ko lang nakitang sobrang seryoso si Aika gayung alam ko na rin ang nakaraan n’ya.

Magsasalita na sana ako nang bigla s’yang nagsalita.

“Ren, nagbago ba ang tingin mo sa akin?”

“Ah. Hindi naman Aika. Alam mo ang tingin ko sa’yo? Ikaw pa rin ang pinakamagandang at pinakamabait na babaeng nakilala ko. Pero syempre ‘yan din tingin ko kay nanay. Hehe.”

“Ikaw talaga Ren. Halika nga, pasok tayo sa bahay. Medyo nilalamig na ako eh.”

“Tara.”

Malaki ang bahay nina Aika sa probinsya. Tamang-tama sa dami nilang magkakapatid. Nakakapagtaka lang at walang tao. Ohhh! May nararamadaman ako. Ito na kaya? Ang continuation kuno ng aking naudlot na panaginip? Magkaiba man ng lugar na pinangyarihan pero mukhang ito pa rin ang kahihinatnan. Ready na ba ako? Yes I am! Me gusta! Hehe.

“Dito Ren, sa kwarto ko.”

“Mag-isa ka lang ba dito kwarto mo Aika?”

“Oo, napansin din ni nanay na biglang nagbago ang asal ko tungo sa kanila. At feeling ko nakita n’ya akong nakikinig sa usapan nila ni tatay noon. Minabuti n’yang pag-isahin muna ako.”

“’Di ba dapat ay isama ka sa mga kapatid mo? Para makalimutan na ang bagay na ‘yun. Para lagi kang masaya.”

“Ako ang nagsabi na ayaw ko sumama sa mga kapatid ko. Naalala ko ngang nagbanta pa ako sa kanila kung pasasamahin nila ako sa mga kapatid ko.”

“Pasensya ka na Aika sa mga sinasabi ko. Naalala mo pa tuloy ang nakaraan mo.”

“Ok lang ‘yun Ren.”

Umupo ako sa higaan ni Aika. Tinititigan ko s’ya habang nakaharap siya sa salamin. Napansin kong nagpupunas s’ya ng luha sa kanyang mga mata. Nang biglang… Oh my gash! Nagtatanggal s’ya ng kanyang pang-itaas. Kaagad kong napansin ang strap ng kanyang panloob. Ito’y maliwanag na kulay dilaw. Pagkatanggal n’ya ng kanyang pang-itaas, isinunod n’yang tanggalin ang strap ng kanyang panloob. Dumadagundong ang puso ko. ‘Di ako mapakali.

Nakaharap pa rin s’ya sa salamin. Bigla s’yang tumayo at sinabing…

“Ren. May sasabihin ako sa’yo.”

Sasagot sana ako ngunit napatigil dahil s’ya’y humarap at lumapit sa akin. Kaagad kong napansin ang katamtaman n’yang hinaharap. Hindi naman sa manyak ako, pero gusto ko ito kaagad dakmain.

“Ren. Mahal kita.”

Niyakap n’ya ako at nangyari ako aking inaasahan.

Nagising ako sa biglang ragasa ng tubig dagat. Si Aika, mahimbing ang tulog. Hinaplos ko ang kanyang buhok pati ang kanyang makinis na braso. Hinalikan ko ang kanyang labi at s’ya namang pag ngiti nito.

Sa isip ko s’ya na nga talaga. Mahal ko s’ya at mahal n’ya din ako. Pangako ko, aalagaan ko s’ya at hindi pababayaan.

Pagabi na, nagpaalam kami sa isa’t isa at para bang walang nangyari.
 
Ika-26 ng Disyembre. Walang text. Walang tawag. Sinubukang kong i-contact si Aika pero walang sagot at hindi rin s’ya matawagan. Wala naman akong kilalang kaibigan ni Aika. Nag-aalala ako para sa kanya.

Minabuti kong mag-gala muna sa parke ng school naming. Makalanghap man lang ng preskong hangin. Mataas ang sikat ng araw pero hindi ramdam ang init nito.

“Hay, kamusta na kaya si Aika? Teka nagugutom ako. Makabili muna ng pagkain.”

Papunta ako sa isang kainan nang nakita ko si Aika na sinusubuan ng pagkain ng isang lalaki. Hindi napigilan ng mata kong mapaluha. Nawala ang gutom ko at bumalik ako sa lugar na tinambayan ko kanina.

“Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan. Ganito pala ang pakiramdam ng makita ang minamahal sa piling ng iba. Ganito pala ang pakiramdam ng niloko.”

Para akong sinaksak sa puso sa sobrang sakit ay akin na itong ikamamatay. Hindi ko mapigil ang luha ko, nakakahiya sa mga taong dumadaan sa parke.

“Ren! Ikaw ba ‘yan? Ren!”

Gusto ko na mawala. Gusto ko na lisanin ang mundong ito. Ayoko na ng sakit na aking nadarama. Siya lang talaga eh. Siya lang.

“Ren! Uy! Tulog ka ba?”

Parang naaaninag ko ang boses ni Aika. Ay ewan, naaalala ko lang ang samahan naming dalawa.

“Ren! Snob ka na a! Mamansin ka naman!”

Pinunasan ko ang aking mata at itinaas ang ulo mula sa aking pagkakayuko. Nakita ko si Aika. Ayun, maganda pa rin. Maamo ang mukha. Si Aika… ang pinakamamahal ko.

Kasama n’ya ang lalaking nakita ko na nagsubo sa kanya ng pagkain. Nakita ko ang mga kamay nila. Magkahawak.

Tumayo ako sa kinauupuan ko ang tumakbo palayo sa kanilang dalawa.

“Ren! Ano ba?! Bakit?!”
 
Panibagong taon na. Syempre ako may New Year’s Resolution. Ano kamo? Madami eh. Pero ito ang pinakagusto kong resolution, “Hindi na ako madalas manonood pa ng Ghost Fighter dahil baka masita lang ako ni ma’am sa klase.” Dahil sa resolution na ito, bigla kong naalala na dapat ko palang bigyan ng regalo si ma’am. Naku! Dali ako ‘dun. Inaasahan pa naman n’ya ang aking regalo!

Tumunog ang cellphone ko. Si Aika nag-text.

“Happy New Year Ren! Bakit hindi mo na ako pinapansin? Miss ko na jokes mo sa akin.”

Syempre ako, sagot agad.

“Happy New Year din Aika.”

Reply n’ya.

“’Yun lang sasabihin mo? Wala na?”

Hindi ko na siya nireplyan. Basta, ayoko mamroblema sa ganyang mga bagay, kinalimutan ko na ‘yun. Oo nakalimutan ko na. Nakalimutan…

------

Araw na ng pasukan. Syempre, may regalo ako kay ma’am.

“Ma’am! Hindi ko nalimutan ang regalo ko sa’yo. Sorry po at hindi ko po naibigay sa inyo ng Pasko. Sana po magustuhan n’yo”

“Ikaw talaga Mr. Mendoza. Binibiro lang kita. S’ya sige salamat. Pasok na at magka-klase na tayo.”

Regular na araw. Lessons, exams, at kung anu-ano pa. Sa tuwing nakikita ko si Aika, umiiwas na lang ako. Aaminin ko, hindi pa rin ako maka-move on sa kanya kaya ‘di ko malapitan. Binabati n’ya naman, hindi naman ako ‘yung taong snob. Binabati ko ‘din s’ya pero hanggang ‘dun lang, I will not be open for a conversation with her.

“Pareng Ren! Bagong buhay ah! Hindi ka ata tulala sa klase? O musta kayo ni Aika?”

“New Year’s Resolution ko pareng Jack, hindi na ako madalas manonood ng Ghost Fighter.”

“Pero manonood ka pa rin? Nakailanga tapos ka na sa palabas na ‘yan?”

“Hmmm, ewan ko. Basta. Haha.”

“Aha! Sabi ko na nga ba, iniwasan mo ang huling tanong ko eh.”

“Ano naman ‘yun?”

“Ah wala wala. Tara lunch dun sa karinderya sa kanta. Sarap daw ng sisig ‘dun pare!”
“Sige. Paramihan ng extra rice pare. May pera ako ngayon eh!”

“Oh sige ba, ang matalo, magbabayad ng kinain ng nanalo.”

“Game!”

------

Tuluyan nang nawala ang komunikasyon namin ni Aika, pag-uusap o text. Nakikita ko pa rin s’ya sa school pero hindi na s’ya namamansin, pero ako, nginingitian pa rin s’ya. Kailanman, s’ya pa rin ang babaeng pinakamaganda para sa akin, at nanay ko din syempre. Dalawa sila.

Natapos ang 2nd semester. Nag-summer class din ako para advance na ‘din ng kaunti. Nagdaan ang 1st semester, university scholar ang standing ko. Yes, I’m so proud of myself!

“Naks pare! US ang standing mo? Libre naman dyan oh! Iba na talaga kapag may inspirasyon.”

“Haha! Libre ka dyan. Tsaka wala akong inspirasyon ‘no. Sariling sikap ‘to men!”

“Ako nga ‘di makahanap ng inspirasyon sa girlfriend ko. Laging passing lang ang standing ko eh, ‘di man lang maka uno sa isang subject.”

“Ah, girlfriend. Oo. Wala ako nan eh.”

“Pare, bakit? Andyan naman si Aika ah!”

“Kinalimutan ko na s’ya. Matagal na…”
 
“We wish you a Merry Christmas and a Happy New Year!”

Pasko na naman. Napapakanta ako. “Pasko na sinta ko, hinahanap hanap kita!”

“Ren! Para kang timang d’yan, sinong kinakantahan mo? Sabi ko sa’yo ako lang dapat kantahan mo ah?!”

“Ay sorry my love, sige kantahan kita… Ehem… Ang Pasko ay sumapit!”

“Halika na nga, kain na tayo ng tanghalian. Naghihintay na sina tita ‘dun sa hapagkainan.”

“I love you my love.”

“I love you too.”

-----

Masaya ang Pasko ko, may girlfriend na ako. Nagmamahalan kami syempre. Pero, sa totoo lang, hindi ko makalimutan si Aika.

Habang papunta ako sa parke, nakita ko s’ya. Mag-isa at wala na yung kasamang lalaki. Nilapitan ko s’ya para mangamusta.

“Aika. Kamusta ka na?”

“Ren. Hindi ko alam eh. Sorry.”

“Sorry saan?”

“Mahal kita Ren. Mahal na mahal kita.”

“Ah ganun ba. Alam mo gutom lang yan. Gusto mo libre kita?”

“Hindi. Hindi ako gutom. Mahal talaga kita.”

“Aika. Ayoko na magsalita tungkol sa ganyang bagay.”

“Pero Ren. Mahal talaga kita.”

“Pasensya ka na. Sige una na ako kung hindi ka gutom. Ako kasi gutom na. Bye.”

“Ren!”

Ngayon ko muling nakita ang kalungkutan sa mga mata ni Aika simula noong nai-kwento n’ya sa akin ang kanyang nakaraan. Naaawa ako sa kanya pero sa tingin ko, hindi ko na kailangan pang maging parte pa ng buhay n’ya.





**END OF STORY**
 
Up for this, malapit na ang Pasko :)
 
Back
Top Bottom