Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Last Dance

Naaalala mo pa ba?


Doon sa ilalim ng mangga kung saan naglipana ang milyong-milyong alitaptap. Doon sa ilalim ng kalangitan kung saan ang mga bituin ay nagsi-awitan sa kagalakan. Doon sa ating dating mapayapang tagpuan tayo huling sumayaw.


<i>“Gabi na umuwi na tayo Horacio” nagmamaktol na sabi ko


“Shhhhh” bigla mo akong niyakap. “Sumayaw muna tayo Anna” Ipinilig mo ang aking ulo sa iyong dibdib at tayo’y sumayaw sa saliw ng mahinhing amihan. Hinalikan mo ang aking noo “masaya ka ba Anna?” tanong mo. “Oo naman Horacio” simpleng sagot ko, na-enganyo akong bilangin ang tibok ng iyong puso hanggang ako’y nakatulog.</i>


Hanggang ngayon napapangiti pa rin ako habang may isang bagay o sitwasyon na nakakaapag-paalala sa akin ng ating nakaraan. Katulad nalang ngayon, sumasayaw ang magsing-irog sa harapan ko. Hindi matatawaran ang kasiyahan at pagmamahalan na makikita sa kanilang mga mata at labi na halos hango lamang sa isang romantikong pelikula. Pumikit ang babae at hinaplos ng lalaki ang kanyang magandang mukha.


<i>Naalala mo pa ba? Nakatulog ako noon habang sinasayaw mo ako. Di mo napigilang haplusin ang aking mukha “Anna…gising na uuwi na tayo” </i>


Ngumiti ako, ngumiti din ang babae sa aking harapan. Dalawang babaeng ngumiti dahil sa ngalan ng makapangyarihang pag-ibig. Nakita kong nababatubalani ang lalaki habang tinitingnan ang babae.


Sana nandito ka sa tabi ko.


<i>Sana nandito ka at hinahawakan mo ang aking kamay at bumubulong na “Alam ba ng diyos na nawawala ang isa niyang anghel? Bumaba dito sa lupa para lang mahawakan ang aking kamay?” naalala mo pa ba? Kinikilig ako sa mga banat mo at napapatawa nalang ako sabay halik sa maamo mong mga mata. </i>


Sana nandito ka sa tabi ko para makita mo ang dalawang nilalang na pinagtagpo ng misyeryosong mahika ng kalangitan.


Pero hindi pwedi. Nakita kong hinalikan ng lalaki ang babae. Nagpalakpakan kaming lahat. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ko napigilan ang pagpatak ng isang luha. Hindi ko alam kung luha ng kasiyahan habang tinitingnan ang sumasayaw na bagong kasal o dahil luha ng itinago kong pagmamahal sa iyo na kalian man ay hindi mo na dapat malalaman.


<i> “Anna, umuwi na tayo maaga pa ang kasal ko bukas…alalahanin mo ikaw ang maid of honor namin” sabay halik sa aking pisngi.
 
yes naalala ko pa. akala ko nga limot mo na.

ikaw kasi.
 
@thegirlfrommars

sariling akda mo yan?
 
Last edited:
Back
Top Bottom