Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Life of a Developer

pa sare din :) hehe up natin tng thread na ito :)
im 20 years old by now
hs ako nung una akong nakahawak ng computer at wala talga akong kaalam alam sa computer that time haha tapos ung tle teacher namin nagtanong "sino hindi marunong mag computer dito?" tapos sabay taas ko kamay ko at maami rin nagtaas ng kamay so kaming roup na un mga 10 ata kami un niipat kami sa computer subject so wala na kaming tle at pe ung computer subject namin ang kapalit AYOS....

nung una hindi ko makontrol ung mouse at maingay un keyboard pagnagtytype hahahaha by that time ung gamit naming os is w2003 an win xp at processor e inutel entium 4 plang kahit na meron nang coreduo that time ewan ko ba kung pakit hindi na upgrade baka walang pera ung skul hahahaha una naming tinutunan ung word excel powerpont at create ng email hahaha at ung email na un ginagamit langnamin pag may internet ung lab ...... ayo din ung isang parang ncyclopedia na application sa computer ayun Encarta pla tawag un ung lagi naming binuuksan pag nasa lab kami....

may isa kaming cm na mahilig sa games COUNTER-strike tinuruan kami... after that nauso ung larong Crazy Kart un unang online game ko kasabay ng rakion pero ung rakion hindi ko trip kasi hindi makulay hahahhahahahhaha so it means naadik na ako sa games sa games palang

ung dumating ang third at 4th year ayun exciting tinuruan kami ng lan configuration at kung pano magkrimp ng utp cable....
tinuruan din kami ng html at javascript pero walang css at ung javascript namin nung hs ee hindi pa nirerel sa html nung programming na ng js dun ko naenjoy ang paggamit ng computer ung naalala ko na nahilian ko is ung decission control aka as if else statement ayun nachallenge ako at nung akuha ko yung tamang sagot dun ko na hiligan ang programmming..html at js plang alam ko nun haha

hanggan dito muna bukas ko na ulit itutuloy ung college life ko kasi tapos na trabaho ko rest muna


So college yan na una ko natry is yung C++ then switch to C# tapos JAVA pero this 3 languages console application lang ang nagawa ko during my college
tapos dumating ang first OOP language which is yung VB6 na enjoy naman ang vb6 tapos switch sa VB.net
during college nag HTML/CSS, PHP mysql din kami, at nag assembly language din kami sa Comp Org namin yung TASM here comes thesis written in vb.net at access na DB this system encouraged me to keep on learning kasi nag run ako for best thesis pero natalo kasi yung best thesis ang gumawa ee yung experienced na developer. Nung OJT gumawa ako ng official website written in PHP mysql without knowledge sa jquery kasi jquery ang hot nun.
Tapos nag work ako sa Malaysia as IT Support madami din ako natutunan dun like Configure switch, Zone director mga Gateway devices file server, remote config mostly network tapos during this times nag self study ako ng java netbeans then switch sa ECLIPSE nag try din ako ng Java Server pages at tomcat pero hindi ako nag deive deep hanggang nag resign ako at bumalik ako sa PH nung una naging IT support tapos na promote as a System Developer after 1 year tapos dito ko na try mag develop ng full Web apps nung una gumamit kami ng ASP.net , Boostrap with WEbservices tapos Jquery as a Front end framework for PL javascript during that time nag reresearch nanaman ako ng technology sa web hanggang nakita ko yung Angular js tapos triny ko tapos lumabas ang Angular 6 dita na ako nag switch at ito na ang libraby na minemaintan ko first gumawa ako ng librara written in Angular 6, C#, MariaDb web API tapos gumawa ng web app using the said libraby tapos deploy Angular app sa IIS 8 server. Hanggang ngayon ito paring ginagawa ko ang keep on learning angular may 7 na pero hindi pa ako nag uupgrade haha
 
Hi! Ms. Love here, 24 y/o as of this time..graduate of BSIT at the age of 19...worked as HR for almost 2 years and..currently working as lead software developer sa company nmn but hindi ito ung IT company tlaga.. isang private company..but before that kwento ko muna sa inyo kng paano ako npunta sa posisyon ko ngyon :)

Nung nkagraduate ako ng highschool, ang tanging kurso lang n pde ko pagpilian ay HRM, BSPA, BS ENTREP at BSIT. Since I am lack of financial support kasi di nmn kame mayaman hindi ko tinake ang course n gusto ko at hindi ako nkpag aral sa school n gusto ko..but somehow I'm grateful dahil un ang nangyre :) Y? kasi nahanap ko ung passion ko at un pala ay ang pagpprogram..Gsto ko tlga accountancy pero di pinalad sa pera kaya ang npili ko ay IT.. At first year college palang ngustuhan ko n tong kurso nto hanggang sa ngpatuloy ako until 2nd year college naispire ako.. kasi I've noticed puro lahat ng developer n kilala ko ay LALAKI.. so at that time sabe ko sa sarili ko kung kaya ng lalaki, kaya ko rin.. and that's what I did..napamahal nako masyado sa programming un nga lang hindi rin mdaling ibenta ang sarili mo saiba.. i mean hindi madaling ipakita sa tao na magaling din ako kasi nga "BABAE" daw ako.. I know a lot of hardware and software troubleshooting, NCII Passer din ako, Com. teChncian 2nd Honor(sa TESDA), but still nahirapan ako patunayan un sa mga taong ang mindset lagi ay kesyo babae daw ako.. however, hindi ako ngpatinag saknila.. pinagpatuloy ko pa din kng ano ang hilig ko. hidni ako tumigil hanggang sa mkita din ng ibang tao ung skills ko kaya ako nandito na ako ngyon sa pinapangarap kong posisyon :) and aside from that ngkaron din ako ng negosyo came from my skils..

-VB.NET Developer
-Layout Artist
-IT Support/Technician
-System Administrator

-kaya kahit anong balakid o sagabal ang dumating sa buhay nyo wag nyong ititigil kung ano ung passion nyo kng ano ung ngpapasaya sa inyo... dhil mas masarap kumita ng pera kung ineenjoy mo lang ang gingawa mo at hindi ung tipong napililitan ka lanag kasi kelangan mong kumita..


hanggang skills lang ako TALENT AY WALA.. :lol:
 
Bryan, 15 years old and still young :lol: male from sta.maria,Bulacan. Currently Studying in high school. Grade 2 pa lang nakahawak na ko ng PC kaso Diskette pa yata uso non kasi merun kaming Homework nun ehh. Naging Adik din ako sa computer like gaming since grade 4 or 5, at ang talagang kina-Adikan ko ay DOTA, Kapag uuwi na galing school aayain na ng pustahan (pero dati yun :lol: ) Natututo rin ako mag buo ng mga Computer Hardware ng dahil sa patingin-tingin lang sa Mga Forum sites at nag plano din ako bumuo ng Computer ko kaso naunahan ako ni papa (Bumili ng Wlang Kwentang Pentium 4 Computer Bundle) pero ICE LANG yun :lol: pang student use lang naman ehh :D

At Dahil sa Pagka-Adik ko sa computer at nakatapak na ng HighSchool dun na ko nag-simulang Mangarap maging IT or WebDeveloper, Sinimulang ko mag code nung 3rd year pa ko mga ginamit kong programming language ay PHP,HTML5,at CSS3. Nag Self-Study lang ako and bumibili ng IT books at preference sa mga Bookstore. Dati Merun din nag tanung sakin (IT student) kung marunong daw ba akong mag VB.net, sabi ko "Hindi ko po alam yun" Nag try din po ako mag research tungkol sa VB.net at dahil sa dami dami na ng na search ko kaya ko na rin Mag VB.net at C++ :lol: kaso basic pa lang.

Ngayung 4th year na ko maramin na din humahangga sakin sa galing ko sa computer (Hindi naman sa lhat) Kaya kapag computer subject mas advance ako sa kanila :) .Even kahit magtanung sila sakin kung anung mga hardware ang bibilin pra sa computer nila or kung anung software pwede so project nila etc. nakakaya kong sagutin :D. Pero kung may happy moments syempre may bad din :D

Like sa GRades, Sa Computer Ko mga siguro mga line of 9 or else. At sa ibang Subject like Math,Physics,Filipino or Lhat ng Main Subjects mga cguro line of 8 pababa. And sa family naman, lagi akong napapagalitan dahil gumigising ng maaga pra Mag computer (Mga 2:00 or 3:00 o'clock ng umaga gising na) wala ng tigil kaka-computer, at Umuuwi ng Gabi Dahil sa kaka-Computer/Dota. Pero yung pag-gising ko ng maaga sanay na si Mom :D, Sa mga kaibigan naman dito sa Street namin ay nagagawa na rin akong pag-iwanan, dahil indi kasi lumalabas ng bahay dahil sa kaka-computer din, malayo talaga ang Pinag-kaiba ko sa mga kaibigan ko dahil yung iba kung kaibigan ay natuto na manigarilyo at gumamit ng ibang drugs, Kaya mas mabuti na lang at di na ko pinapalabas ng bahay at mag-computer na lang maghapon. Kaya sa Mga Dota or Some online games na lang ako bumabawi pra makipag kaibigan sa mga players :D

Hanggang ngayun Self-Study Parin sa PHP programming :D dahil done na ko sa HTML at CSS
nakapag-try na din ako sumali sa thesis with my skills of HTML'ing. Mahirap talaga maging WebDeveloper, pero kung mag-pupursige ka or kahit may ispirasyon ka, makakamit mo talaga lahat ng pangarap mo....

Anyway i want you to watch this vid. currently idol ko toh ngayun... Yan din nagbigay sakin ng inspirasyon mag-code :lol:
A 14 year Old Prodigy Programmer (JavaScript yata gamit nyan ehh or C++)
www.youtube.com/watch?v=DBXZWB_dNsw


Anyway eto muna sa ngayun ang masha-share ko.... :thanks: kuya @joeyeka sa pag-gawa ng thread na ito :D RAKKKKK NA ITUUU!!!

Kabayan :D
 
Sa boong buhay ko hindi ko inakala na mag gagraduate ako ng compscie at IT work yong napasukan ko, pag na isip ko tumatawa ako,, ni hindi nga ako marunong gumamit ng pc nang nag graduate ako ng high school kasi mababang paaralan lang,, at ngayon Computer Tech na ako sa Isang Private school at partime tech , sa sobrang adik ko sa site na symbianize nong una mula 2nd year pa ako nang college ,member na ako nito at laging puyat kakasunod sa mga tuts., at sa wakas nagbunga din, ... pero enjoy mag IT worker lalo na malakas ang net sa school... kaya payo ko sa mga mag IT palang,, cool stuf is in Computer Course,, yong tepong ang talino mo kasi ikw lang nakaintendi sa mga sinasabi mo about computer , kasi ang tao magkaiba kahit pareho kayo ng course, magkaiba naman ang nalalaman..
 
Codename: LapuLapu v3.0 a.k.a Android 20
Age: 22 (at the time of this writing)
Course: BS Computer Engineering
Occupation: System Developer (at the time of this writing)

ETO ANG TIME LINE KO

Grade 1 palang ako meron na kaming computer subject dahil sa private school ako nagaral. Tho wala pa akong kahilig-hilig noon sa computer. MS Paint, MS Office, Internet (kung saan sikat na sikat pa si yahoo at di ko pa kilala si google hahaha,) at History ng Computers ang tinuturo. Windows 98 pa mga computer namin noon, hangang sa naging Windows XP. Floppy Disk gamit namin noon sa pagsave ng mga drawing namin sa paint. Hindi ko alam mga specs ng mga computers noon since hindi ko naman talaga hilig dati ang pagcocomputer.

Grade 5 binili ako ng computer, 30k pa noon ung unit ko, 1gb RAM, Intel Pentium 4, 512mb graphics card, HAHAHA, dito ako nagsimulang maadik sa mga computer games, wala akong internet noon, dito rin ako nahilig sa computer (note: kapag sinabing mahilig sa computer eh ibig sabihin mahilig sa computer games hahaha)

1st Year HS hilig ko parin ang mga computer games, at dahil lumipat ako ng school, nakilala ko ang mga classmates ko na mahilig sa dota, 1st year din ako noong una akong magkaroon ng USB este flash drive hahaha. eto yung mga panahong ako pa si LapuLapu v1.0, mahilig lang sa dota, walang pake kung ano specs ng pc basta nagdodota haha, mabarkada pako dito at mahilig gumala... hindi pako introvert dito! haha

3rd Year HS heto na dito na nagsimulang lumabas si LapuLapu v2.0, nahilig ako sa mga specs ng pc, sa history ng computers, sa hacking, sa internet, sa mga virus, sa mga operating systems, sa cheat engine, sa mga blah blah blah etc... gamer parin ako dito na nahilig sa pag cheat/hack ng games. sinali din ako sa robotics competition at nahilig sa technology....

4th Year HS ko naman nagkaroon kami ng subject na programming, vb6 gamit noon, talagang interesado ako sa pag cocode.
so from gamer->cheater->hacker->programmer, una games lang hilig ko, tapos sa pag cheat ng games, para ma cheat ko ung mga games gusto ko maging hacker, para maging hacker ako gusto maging programmer hahah, na gets nyo ba? so pagkagraduate ko ng HS, IT dapat kunin kong course kasi gusto ko maging programmer para maging hacker hahah LOL, kaso parang mas cool ung computer engineering, at dahil gusto ko maging programmer kelangan malaman ko ung hardware kaya computer engineering kinuha ko... kaya naging gamer->cheater->hacker->programmer->engineer...... hahaha

1st Year College focus lang sa studies, at nawala na unti unti ung pagiging gamer ko, gusto ko nalang maging hacker->programmer->engineer, ung mga computer subjects namin matataas mga grades ko, nka 99 nga ako sa programming I namin e, kaso sa mga minor e sakto lang pumapasa haha, ganado pa mag aral, first year eh hahaha... ung finals namin sa programming I isang game na tic tac toe, cinode ko ito at nagawa ko naman, kaso nung isubmit ko na, put@ng in@!!! :ranting: excuse lang po sa word.... dinownload ko lang daw sa internet ang puta!!!! e noon panahong iyon wala pa akong internet connection, pakshit naman, pati mga kaibigan mo ganun din ang sasabihin sayo!!! pakshit tlga!!!! pero okay lang kasi inisip ko nlng ganun lang talga ka ganda ung ginawa ko...

2nd Year College wala parin akong internet connection dito, so sa programming II namin database, sipag parin magaral, final project ko naman dito POS, kinode ko sa vb6 at ayun nanaman pagkasubmit ko, putang ina!!! dinownload ko na naman daw!!! shit kakawalang gana ang puta!!!! so bago ako mag 3rd year nag palagay na kami ng internet connection.

3rd Year College dahil nagkaroon nako ng internet!!! nag reresearch lang ako about sa technology and computers, programming III namin data structures, mga algorithms naman ung doon, tapos programming 4 namin web programming, kung saan hindi ko masyadong hilig ang web programming, kaya nung nagsubmit ako ng project, dinownload ko lang talaga at inedit... so iun, kung kelan ako nagdownload ng project doon sila walang comment... hahah, dito naintroduce samin ung mga IC, resistors, electronics, arduino, microcontrolllers, sensors... at ginanahan na naman ako magaral... .

4th Year College marami nang naituro dito c/c++, vb6, java, php, html, css, jquery, javascript, mysql, linux, networking, electronics... mga basic fundamentals, dito ko nalaman na hindi lahat malalaman mo sa school, pero importante ung malalaman mo doon na basics para maka advance ka... so dahil nga nahilig ako sa hacking at sa mga RAT, para maging hacker ako gusto ko maging programmer, dito nako nagstart mag program ng sarili kong mga hacking tools, nag reresearch lang ako, ayoko kasi ng download lang ng tool tapos sasabihin mo na hacker ka!!! sa mga panahong ito, inaabangan ko ung game na watch_dogs, so iun bago ko matapos ung tool ko e nag karoon kami ng pre-thesis, ung pre thesis namin ay Home Automation, controllin mo ung mga appliance using android phone, so parang sa larong watch_dogs, everything is connected, hacking is our weapon, doon based ung thesis namin, so iun nga bago matapos ung hacking tool ko, inintegrate ko sya dun sa thesis namin, at iun nagawa ko ung thesis namin at natapos ko din ung pinaka una kong Remote Administration Tool.... heheheh, at iun best thesis whohohohoh.... at iun narelease na ung game at nag enjoy naman... dineploy ko din ung RAT using an exploit sa mga classmates ko at iun, cool ng feeling na pinrogram ko to at hindi ko dinownload lang, hehehe

5th Year dito parang tinatamad nako kasi na acheive ko na ung dream ko maging hacker->programmer, pagkatapos noon tinatamad nako sa mga subject namin dahil puro web based application nlang pinagtuturo, puro php, html, javascript... ung thesis naman namin dito vending machine... idea na to ng mga kagroup ko kasi wala na nga ako gana dito heheh... nagawa naman namin ung thesis namin, at ius naman ung vending machine dahil kumpleto sya, meron hardware, software, netwoking, at OS, kasi gumamit kami ng raspbianOS dito, eto ung mga panahong na down ung family din kasi namin sa financial... kaya cguro naapektuhan din ung pagaaral ko, wlang pambili sa mga projects... sa mga panahong malapit na akong magraduate unti unting nawawala na ung pagkahilig ko sa technology at sa computer... dito ko narealize na sinayang ko college life ko??? ewan??? dahil dito narealize ko na isa na pla akong introvert??? para bang gusto kong ibalik si LapuLapu v1.0... kaso huli na.. dito na ko magsimulang maboring sa buhay ko.... :(

LapuLapu v3.0 at iun, nakagraduate din at ngayon system developer na sa isang company, kung dati nag cocode ako dahil hilig ko talaga at passionate ako sa pagprogram, ngayon nag cocode nalang ako para magtrabaho at magsweldo at makatulong sa pamilya........... to be continued....

Heto nga pala mga link dun sa pre-thesis namin na home automation and sa thesis namin na vending machine.
http://www.mobilarian.com/showthread.php?t=1438493

Heto naman ung mga ibang program na cinode ko.
http://www.mobilarian.com/showthread.php?t=1313223
http://www.mobilarian.com/showthread.php?t=1360167

Heto link for facebook hacking.
http://www.mobilarian.com/showthread.php?t=1365918

Codename: LapuLapu v4.0 a.k.a Android 20 (upgraded to version 4.0 after a year)
Age: 23 (at the time of this writing)
Course: BS Computer Engineering
Occupation: System Developer (at the time of this writing)

LapuLapu v3.0 continuation... Last year december 2016 unang post ko dito sa thread. At bago matapos ang december 2017 ay mag popost ulit ako. So iun naka pag work ako as system developer sa isang company, maganda at masaya naman experience ko dun. PHP ang programming language na gamit ko dun sa program ng mga web-based applications. Nag self study din ako ng mvc framework at codeigniter. Meron din akong minaintain na system sa VB6. So far very thankful ako sa experiences na nagain ko sa company namin.

LapuLapu v3.1 Last year din, december 2016 nung una akong ma curious kung ano nga ba itong bitcoin na ito, though 2011 palang may nababasa na akong mga aritcles about bitcoin, hindi ko pansin ito dahil ang akala ko noon e parang "how to earn online" lang ito. So last year december 2016 ko palang tlga ito pinansin at 20k php palang ang price ng bitcoin noon, halos nakapag cashin na ako ng 2k, at nagtry ako sa online gambling na pocketdice, which is naka program pala para malugi ka, so iun ung 2k ko lugi na haha, so kung hinold ko lang 2k ko noon, meron na dapat ako 70k to 80k, so dahil failed ako dun, nag try ako ng mining at ginamit ko ung unit ko sa office, so halos 3 months din un naka 200 php din ako (pero hindi ko agad winidraw, katapos ng ilang months 2k na ang 200php ko! haha!) at tinigilan ko na pag mina sa unit ko, xmr at bcn pala minimina ko nun.

LapuLapu v3.2 Meron akong nabasa noon na article na gumagamit ng javascript miner ang piratebay kaya nag research ako at heto nagawa ko check my thread about xmr javascript mining http://www.mobilarian.com/showthread.php?t=1445078, kaso hindi ethical so for educational purposes lang. so nung naging 50k na price ni bitcoin na curuios na din ung kawork ko at nagbalak kami mag build ng mining rig, pero hindi natuloy at naging 100k na price, tapos hangang sa mag kahype nung august sa mining, hindi parin kami natuloy at naisip namin na too late na para mag invest. So by november nababasa namin ung mga articles about trading, so iun the end of november nag tetrade nako, so halos 1 month na wala pading kinikita haha, una nalugi ako tapos kumita at dumoble ang puhunan ko, kaso t@ngin@ng nxt bumagsak haha, bawi nanaman puhunan ko. By the way, lahat ng naipon ko sa work sa loob ng isang taon ni risk ko dito sa trading.

LapuLapu v4.0 So pasensya na kung all about bitcoin and crypto haha. Maraming akong bugs ngayon eh haha. So mamaya 2018 na at mag uupgrarde na ako to LapuLapu v4.0 at hoping na maging masagana ang bagong taon. By january 2018 pala resigned na ako (kala ko kasi sure nako sa desicion ko sa japan). So hindi ko alam kung itutuluy ko ang dream ko na matuto ng nihongo at makapag work in japan check this thread http://www.mobilarian.com/showthread.php?t=1355553 or ituloy ang career ko dito sa pilipinas. Sa japan 40k - 70k sahod ko, kaso hindi na IT ang field ko. Nag apply ako sa jobstreet as software engineer, 30k - 60k daw salary range. So napapa isip talga ako. By jan 2018 bakasyon muna ng 1 week at magfo-focus muna sa personal project ko na remote administration tool then job hunting na. (ung mga resume na sesend ko e may payload! hehe! joke lang!) to be continued...

Codename: LapuLapu v5.0 a.k.a Android 20 (after 2 and a half years)
Age: 26 (at the time of this writing)
Course: BS Computer Engineering
Occupation: Software Engineer (at the time of this writing)

Komusta mga ka-sb / ka-mobi, after ilang years share ko ulit mga experiences ko.
Last January 2018 nag resign nako sa last company ko, yun nga undecided ako that time if tutuloy ko yung Japan or find another opportunity and continue my career here in the philippines. Ay iyun nga nga, nakahanap ako ng opportunity dito sa PH as Software Engineer ay sinabi ko sa sarili ko na mag experience muna ko dito sa PH. Mag 2.5 years na nyan ako dito sa current company ko. Gamit namin ay C# for development. Nagkaroon ako ng mga projects dito na web apps at outlook addins. Maganda naman mga experiences ko dito although not perfect at meron padin mga hindi magandang bagay pero overall grateful na din.

Regarding sa bag bibitcoin ko, after mag crash yung bitcoin, ayun yung 1 year kong ipon sa last company ko na 20k php, 200 php nalang ngayon. Anyway, tanggap ko naman dahil risk yun. By the way sa first job ko, 9.5k php lang sahod ko per month as System Developer. Pero currently nasa 25k to 35k na sinasahod ko depende kung nighshift at may ot. 4 years na total experience ko sa software development. Sa tingin nyo ba guys ok ba or ano masasabi nyo kung meron man iba dito na pwedeng mag share.

Dahil marami akong freetime noon sa current work ko, nasingit ko mga sidelines ko and nakagawa pa ako ng library for coins pro though hindi ko na mine-maintain. After ko magpa experience ng 1 year ko sa current company ko, nag hanap ulit ako ng opportunities sa Japan, madaming interviews pero madami ding rejections, usually required nila marunong mag nihonggo. For IT Engineers/Software Engineers kailangan ng JLPT N2, yung N3 considerable. Nag self study ako ng Japanese at nag take last december 2019 ng N4, kaso hindi ko napasa. Gusto ko pumasok ng mga language schools pero hindi ko kasi pweding iwan trabaho ko dahil breadwinner ako. Last July 2020 dapat retake ako kaso yun lang nagkaroon ng pandemic at na cancel, work from home kami ngayon.

Sa loob ng 2.5 years na experience ko dito sa current company ko, unti unti na nawawala yung passion ko sa mga computers and programming. Bakit kanyo? Nonesense mga tasks ko sa projects, sa tingin ko lang, hindi naman sa pagiging bitter or what pero yun kasi nararamdaman ko. Example mga redundant na mga functions na pinapaimplement. Walang domain training, yung kakapasok mo lang sa project sabak agad, wala man lamang walktrough, okay pa sana kung may documentation pero wala e, yung tipong wala kang idea sa system tapos hindi kaman niwalktrough. Isa pang ayaw ko yung maduming code, sila lang nakakabasa ng code nila. Palabok coding at spageti coding! Tapos yung ginawa mong system for client, na dapat client gumamit, ipapagawa sa iyo, wtf, example yung pag add ng users, merong admin page dun sa system na pd mag add ng user, na pd nila gawin, pero sa dev pa mag papa add ng users wtf! Pero sa current company ko lang ito, sa previous company ko hindi naman. Dahil ibang iba sa previous company ko, sa previous company ko meron domain traning or walktrough sa project atleast 2 weeks at meron documentation yung system kaya hindi ka mahihirapan. Mas maganda experience ko sa previous company pero mababa sahod. Sa current company, hindi ganung ka ganda pero mas mataas ang sahod.

Ngayon naisip ko, sana palang tinuloy ko na Japan ko last jan 2018, one of my regrets ko yun dahil tanggap na ko sa agency nun, at mag submit nalang ako ng requirements. Pero wala nako magagawa andito na hahah. Sa buhay swertihan lang talaga. Sa ngayon grateful nalang dahil may trabaho pa sa pandemic, almost 50% ang nawalan na samin ng trabaho dahil nag retrench. Work from home setup kami ngayon. Nag program and code nalang ako for paycheck not for passion. Sana maibalik ko pa yung passion pero wala na ata talaga.

Sa mga students dyan, pagsikapan nyo lang, maganda yung field ng I.T. lalo na sa panahon ngayon. Yun nga lang swertihan lang tlga sa company na mapapasukan nyo. Make sure na pag tinanong kayo ng nag hahire sainyo ng "any questions" kapag ininterview kayo, itanong nyo muna kung anong klasing project ba yun, at anong klasing environment, at kung bakit umalis yung dating dev nila, para hindi kayo ma trap sa company. Sa mga meron nang experience jan as Software Engineer, System Developer, Web-Dev, Programmer or any related pa share naman ng experience nyo para mainspire ulit ako or pd kayo mag share ng mga diskarti nyo.

Currently ready to sign off as Software Engineer and find something that could keep the fire burning inside me... To be continued? The end? Or the beginning of something new...
 
Last edited:
Back
Top Bottom