Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Mali

Ang unang beses na mali ang inibig ko

Sa kung paano kita niyakap araw man o gabi

Sa kung paano tayo nagpapalitan ng mensahe

Sa kung paano tayo mag sabi sa isa't isa ng "Mahal kita"

Sa kung paano mo ako lambingin

Sa kung paano kita patahanin

Sa kung paano mo ako pasayin kapag ako ay nalulungkot

Sa kung paano kita balutin ng kumot

Sa kung paano kita tugtugan at kantahan

Sa kung paano natin tingnan ang kalangitan

At humihiling sa mga tala

Na lalo pang magtagal tayong dalawa

Pero alam kong walang himala

Kasi tayo ay naghiwalay na

Tapos, upos, kapos, wala

Naalala ko kung paano tayo naghiwalay

Nung pinuntahan kita sa bahay mo

Sinorpresa kita sa 'yong kwarto

Ako ata ang nasorpresa

Kasi meron kang litrato

Ng lalaki sa 'yong sariling kwarto

Inagaw ko mula sa mahigpit mong pagkakahawak

"Mahal, sino 'to?"

"Pasensya na, ang tagal kong tinago. 'Yang na sa litrato, ang dati kong anyo at ang dati kong pangalan ay Gardo, tanggap mo ba ako?

Nagdilim ang paningin ko

Nagwala, nagalit, kumunot ang noo

Nawala ako sa aking sarili

Kaya ito, nakapiit ako sa malamig na selda

Sinulat ang tula na inyong binabasa

Nagtaka lang ako

Bakit mayor sa aking selda ang taong na sa litrato na tinitingnan ng minahal ko

Ang unang beses na nagkamali ako ng dahil sa pag-ibig.
 
Back
Top Bottom