Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

May pag - asa pa bang umasenso ang pilipinas?????

recca446

The Loyalist
Advanced Member
Messages
522
Reaction score
10
Points
28
mga kasymbianize alam ko na may ibat iba tayong pananaw sa buhay...nais kong malaman kung anu ang opinyon ninyo sa tanong na...MAY PAG-ASA PA BANG UMASENSO ANG PILIPINAS????

CALLING ALL YOUR ATTENTIONS SYMBIANIZER!!!!!!!
NA MAKIBAHAGI SA USAPING ITO..AT MALAMAN ANG OPINYON ,AT SALOOBIN NG BAWAT ISA.




MARAMING SALAMAT POH!!!!!!:thumbsup::thumbsup::thumbsup:


naniniwala ako na may pag asa pa ang Pilipinas !!!!!!!!!

pero ang pag asang yun ay paliit na ng paliit.

araw araw na lang may namamatay dahil sa paggmit ng baril
kahit sino pweding bumili ng baril basta may pera no limit..
anong klasing batas yan?


 
Last edited:
meron pa pag asa.. kung may bobo na tao na uupo sa mga government pero malinis ang adhikain.

maski sa matalinong tao na nakaupo pero ang utak, tagilid..
 
memron TS...
nasa ugali nating mga Pinoy TS na habang-buhay may pag-asa...kaya para sa akin magandang pundasyon sana to para sa sarili at sa bayan ko na umasenso...peru ang gobyerno natin ngayon walang pakialam sa mga hinaing ng maliliit na tao sa lipunan. nakinabang lang sa programa ng gobyerno mga mayayaman lang..
 
may pag-asa pa habang may buhay.at ang isang pundasyun ay wag magkorap at bawas mahihirap.dapat maging industrialize na rin ang bansa pero 'short plan' lang ang nasa isip ng iilan. walang major major big long term plan.tingnan ang korea meron hyundai.tayo jeepney parin. proud pinoy ba ang tawag kung ang isang bagay itinuring maganda kung imported? :slap::taunt:
 
Walang pagasa kung ang Pilipino ay mananatiling Pilipino.

Kung hindi niya babaguhin ang kanyang disiplina, ugali, kultura, pananaw at handang mag sakripisyo para sa kabutihan, walang pagasa umasenso.
 
May pag asa pa kung magkakaisa lang sana ang mga tao para umunlad tayo..problema nga lang eh ang daming di makapagpigil na mangurakot kadalasan nagiging greedy na ang tao lalo na pag nasa posisyon..
 
yup if the President would be another Marcos or better.
 
Let me share to you a very nice book of Alexander Ledesma Lacson. Totoo ito at kapag bumili kayo ng libro niya at binasa, tiyak kong malalaman ninyo ang kasagutan sa tanong na ito. Itry kong iencode ito para maishare dito. Totoong totoo ito, pero sa ngayon, yung nakalagay muna sa acknowledgement niya or description niya and it goes this way:


Four years ago, he and his wife (Pia) had a serious discussion about migrating to the US or Canada because the Philippines, as a country, appeared hopeless as it only got worse year after year. They wanted to know if they and their children would be better off staying in the country or abroad in the next 20 years.

They ask themselves this formula question - "Will the Philippines progress in the next 20 years?"

If the answer is YES, they will stay. If the answer is NO, they will leave and relocate their family abroad while they are still young and energetic.

But after a long discussion, they could not give a definite answer to the question. Until they realized that actually the answer to that question is in them. The country will improve if they do something about it. It will NOT if THEY DO NOT DO ANYTHING.

They realized that the answer is in us as a people, that HOPE is in us as a people.

-Sa madaling sa salita, ang pagbabago dapat ay magsisimula sa ating lahat. Wag nating isisi lahat sa gobyerno kasi aminin niyo man o hindi, lahat tayo ay may kinalaman, unang una sino ang naglagay sa kanila sa pwesto?, sino ang nag-uudyok sa kanila na gumawa ng mali o korupsiyon?, sino ang di sumusunod sa batas?, sino ang mas marami sila bang mga gobyerno o tayo?, mga simpleng tanong, pero mahirap sagutin at aminin na ang sagot ay TAYO!!!
 
Meron pa TS! Una, kung mauubos lahat ng kurakot! Malinaw na ang pag kaubos ng kaban ng bayan ang isang sinyales na hindi uusad ang pag unlad ng isang bansa. Pangalawa, ang epektibong panghihikayat ng mga dayuhang mamumuhanan. Pangatlo, tamang pamamahala sa likas na yaman ng ating bansa.

Kung magbabago ang lahat ng swapang na nasa gobyerno at matututo tayong pumili ng tama at tapat na kandidato tsak na merong pagbabago. May pag asa pa kung magkakaisa lamang tayo.
 
Bakit kasi may mga mandurugas? Bakit Ganun na lamang ang mga ginagastos ng mga pulitiko para bumili ng boto?


1. Jueteng - Para makakuha ng pera, kelangan nilang proteksyonan to..
2. Droga - May mga Opisyal Siguro na prinoproteksyonan ang mga Mafia dito sa Pinas kaya puro drug pusher lang ang nahuhuli.. Sa tingin nyo San kinuha ng mga drug pushers ang mga inilalako nila.
3. Kickback sa Budget - Yung Kapitan namin dito nambababae lang alam ni Trash Can walang nagawa, ni Relief Goods wala man lang nabigay nung bumagyo samantalang nung Kumanditato sya daig pa ang May Bagyo nagkalat pera at mga grocery.. Mga taong uto uto naman na to binoto ang kapitan... Kaya nung bumagyo nagmukha silang ewan... Tsk tsk..



Kelangan talaga po Tutukan ang edukasyon nakaka pag Travel sila around the World pero classroom dito sa amin Sira Sira.. WTF naman kayo!

Sana naisip nila kung ano pinagkaka abalahan ng Korea, Russia, China at iba pang Superpowers.. Busy sila sa Pag gawa ng mga Weapons of Mass Destruction nila kung sakaling nag ka Giyera.. Samantalang ang mga engot eh nag iisip kung pano yayaman sa puwesto.. Tsk tsk...



...
 
milyong beses ko na itong naririnig nah "May pag - asa pa bang umasenso ang pilipinas?"

:slap:

we need a new revolution not another Edsa revolution. a revolution that change the face every pilipino people and our motherland for a great tomorrow..
 
Simple lang naman, san ba dapat magsimula ang pagbabago? Diba sa atin dapat.
Puro kasi tayo sisisi ng sisi sa gobyerno nalang, dada ng dada tayo, reklamo, dpat tayo din may ginagawa, reklamo tayo samantalang tayo ang iniisp lang natin sarili natin.

Walang pinagkaiba ang isang politiko na kurakot sa isang police officer na nangongotong.

Sa atin mismo magsisimula ang pagbabago.
 
mayaman ang pilipinas pero naghihirap ang sambayanang pilipino,yun ang tumatak sa isip ko ng mapanuod ko yung balita sa tv na pinasabog ng mga npa yung equipment s pagkuha ng mga likas n yaman ng ating bansa ng mga dayuhan!.sila lang ang naki2nabang at iilang mga nagbebentang pilipino ng likas n yaman,!pilipinas 4 sale ,haizt!.may pagasa pa tau baguhin lang natin ang ugaling palaasa.. So help me god yan ang laging cnsav ng ating pangulo pagkatapos manumpa,sana kay god lang tayo huminge ng help .wag s amerika..laki n ng utang natin s kanila eh
 
meron cguro.......ung bawasan mga sinasahud ng mga politiko at gawing pampaaral sa mahihirap....diba kung talagang ang hangad nila na 2mulong sa bayan mag tatrabaho sila ng mababa lang sahod....ang tingin q kasi d2 pumasok sila sa buhay politiko para mag payaman lalo.wala pa jan ung kurakot
 
Sabi nga ni Cont. -Dru-

Simple lang naman, san ba dapat magsimula ang pagbabago? Diba sa atin dapat.

-- > We must change, para umasenso kailangan umpisahan sa sarili.
Asensado na sana ang pilipinas kung hindi lang nalunod sa kapangyarihan si Marcos e.


Corruption runs thru our viens!
 
Mayroon pa talagang pag-asa ang pilipinas kapag:

nawala ang crab mentality
nawala ang colonial mentality
nawala ang katamaran
nawala ang pang sariling interes
nawala ang monopolyo


nagkaroon tayo ng respeto sa kapwa
nagkaroon tayo ng initiative
nagkaroon tayo ng tiwala sa ating mga sarili na kung kaya ng ibang bansa kakayanin din natin dahil magagaling,maabilidad at masikap ang mga pilipino

at higit sa lahat iaalay natin ang lahat ng ginagawa natin sa Diyos

tiyak babangon ang pilipinas from 3rd world countrt to 1st ! auz!
 
May pagasa pa....... ang tawag dun ay REBOLUSYON!!!! ng sambayanang masa....
babaguhin ang bulok na sistem na mula sa amerika.!

kung magiging communist state pa ang pilipinas ... para saken...uunlap tayo!
 
<h1> wala na </h1> hahaha joke meron syempre
 
Last edited:
Back
Top Bottom