@s0nicflood what if hindi sya pumayag na maging christian, would you still marry her? Nakatulong na din siguro yung pagiging devoted catholic ng asawa nyo po. Tapos mahal ka nya kaya mas madali mo siguro sa kanya napaintindi lahat. Pero syempre di pa din ganun kadali yun kasi alam ko as a Catholic before na hindi madali lahat. Nakatulong sakin yung madami kaming magka classmate na na convert, inaya kami ng classmate namin merong mga tumanggap at syempre meron ding hindi tumanggap. Kasi di naman kami close nung nagyaya mag church kaya kung ako lang sasama awkward baka ma OP ako kaya kahit gusto ko talaga siguro wag na lang. Kaya mahalaga talaga ang fellowship lalo na sa mga batang kristiyano. Malaki ding tulong ang pagiging matalino ng asawa nyo po kasi sa tingin ko dalawa lang yan either yung matalino will be humble and accept Jesus or magiging self righteous sya. Pero syempre kung wala ang God's grace hindi magiging posible ang lahat. Nakita ni God kung gaano mo kamahal ang asawa nyo po kaya kumilos ang panginoon.
I would still marry her either, Hindi ko naman po siguro huhusgaan ang isang tao ng dahil lang sa relihiyon niya o paniniwala niya, and in the first place hindi naman po yong relihiyon niya ang pinakasalan ko, alam ko time changes everything, even nga pinakamasamang tao nagbabago din. Kasi si Lord mahal Niya ang mga makasalananan pero hate niya ang kasalanan. Hindi rin naging madali, kasi bawat tao me kanya kanyang ugali, masama o mabuti, lumalabas din ang tunay na kulay, anjan ung on and off din kami nuon at, panay cool off, me third party pa ngang nangyare, hindi siya naging sure nuon sa nararamdaman niya sa akin, boring daw akong kasama, puro na lang Bible ang nasa bibig ko daw, corny, dyahe daw kasama, kasi pinagtatawanan siya, mukhang pastor daw ang boyfriend, hindi naniniwala sa akin,, so masakit pinagdaanan namin sa isa't isa, plus mga pamilya niya, di boto din sa akin, lalo na tatay niya, palaging yamot sa akin, ginagawan ka ng masamang kwento ng mga kapatid niya ng hindi nmn totoo, malibog daw ang mga born again, hinahamon ka pa ng mga bayaw niya ng suntukan, kung kaya ko daw siya ipagtanggol, anjan ung sinisikmuraan ka, tas paparatangan ka ng isang bading kasi daw hindi ka gumaganti, hahahaha, lahat tinanggap ko yun alang alang sa pag-ibig ni Cristo para sa kanila, madami din pag uusig ang inabot ko, inaakusahan ka ng kung anu-ano, imbis na magalit, iniyak ko na lang kay Lord, Maniwala kayo sa hindi, itinakwil ako nila tita dahil nagnobya ako ng hindi kapananampalataya, dumating sa araw na nagpaalam ako sa mentor ko at head pastor ko, sa church nila kasi hindi na nakakatulong sa akin, masyado kasing extreme sila tita at sila mama, pero ganun pa man, mahal ko pa rin sila, madaming scars sa ating puso at katauhan, pero ginagamit din yan ni LOrd para mas tumatag pa tayo at huwag sumuko sa mga darating pang mga pag subok,
Ganun talaga, lalo na po mga seeker(mas ginagamit namin ang seeker kaysa sa unbeliever), naobserbahan ko lang, kapag alam nila na isa kang Born Again, pinangingilagan ka. Kasi ganito lang yan, Mga ilaw (Maliwanag na Ilaw) tayo sa sanlibutan, pag ang seeker galing sa kadiliman nasisilaw sila sa liwanag na nanggagaling sa atin, kaya hindi din madali, patience lang para sa kanila, si Lord naman ang kikilos para sa kanila, By God's Precious Grace, unti-unti silang nababago, minsan pa nga instantly, basta humble lang and keep pressing on our faith,