Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Mga Kuwentong Dagli October 14 2016

Bidyo

Setyembre, Lunes

"Okay lang po ba kayo Lola?" Humahangos kong akay sa matanda na patawid sa highway na puno ng mga matutulin at naglalakihang sasakyan.

"Maraming salamat iho." Ngiti sa akin ng matanda.

"Mag-iingat po kayo sa susunod Lola." Paalam ko sa kaniya ng makatawid na kami.

Setyembre, Biyernes

"Lando! Lando!"

Halos gibain na ni Nanay ang pinto ng kuwarto ko sa pagkatok, dahilan para maputol ang masarap kong tulog.

"Bakit po?" Yamot kong bati sa magulang ko na lutang sa mukha ang pagkagulat na may halong pagkasabik.

"May bisita ka! Taga media daw! Ung sikat na channel, sa channel ka-hearty!" Talak sakin nito, ramdam kong kumalabog tuloy bigla ang dibdib ko.

Maya-maya pa ay nasa sala na namin ang reporter at ilang crew ng nasabing istasyon, nagtatanong ng kung ano-anong bagay paukol sa akin, pero mas sapul sa mga usisa niya ang tungkol sa matanda na kamakailan lang ay tinulungan kong tumawid sa daan.

"Viral na viral ngayon sa social media ang pagtulong mo kay Lola, at talaga namang marami ang natutuwa at pumapalakpak sayong ginawa lalong-lalo na ang mga netizens." Usal ng magandang reporter sa akin. "Anong masasabi mo tungkol dito?"

"Ahh..ehhh..ginawa ko lang po kung ano ang dapat." Diyahe kong sagot.

Oktubre, Martes

Guest ako sa isang sikat na talkshow, iinterbiyuhin daw ako tungkol sa pagkakaligtas ko sa matanda. Pang-sampong interview ko na 'to sa TV ngayong lingo.

Disyembre, Lunes

Nasa shooting ako ng una kong romantik-komedy film nang biglang tumawag sa akin si Rene.

"Pre, yung porsiyento ko ah?" Usal nito sa kabilang linya.

Naalala ko tuloy bigla ang naging usapan namin ni Rene, ilang buwan na ang nakakaraan.

Agosto, Martes

"Ano pangarap mo pre?" Basag sa katahimikan namin ni Rene.

"Maging artista." Tugon ko.

"Madali lang iyan pre, guwapo ka naman eh. Akong bahala, basta hati tayo sa kikitain mo ah?"

"Ano?" Lito kong tanong sa kaniya.

"Kilala mo yung kapitbahay namin dati?

"Si Aling Memang?

"Oo, kakausapin ko siya." Kuminang ang mga mata nito bago nagpatuloy. "Ganito gagawin natin, kakausapin ko yung matanda, kunwari hirap siyang tumawid sa daan tapos eentra ka para tulungan mo siya, ako naman ibibidyo ko yung ginagawa mong pagtulong tapos iuupload ko sa lahat ng social media sites na alam ko then kaboom!"


++++++
++++++
++++++
++++++
++++++


Author's Note

2: "Time Machine"
3: "Pagtatapat"
3: "Si Alex"
4: "Aksyon Star"
5: "Tambay"
6: "Habulan"
7: "Ta-tay"
8: "Meet the Parents" NEW! Oct 14 2016
 
Last edited:
Re: Mga Kuwentong Dagli (DOS)

buti at nakapag sulat kang muli kapanalig. salamat sa mahusay na dagli. :thanks:
 
Re: Mga Kuwentong Dagli (DOS)

buti at nakapag sulat kang muli kapanalig. salamat sa mahusay na dagli. :thanks:

HI! :thanks: kaya nga eh, di na nga ako marunong mag post ng thread hehe, kapag mag dadagdag ako ng dagli, naguupdate lang, ayaw mag second post, lumamon ako ng ilang oras sa pag-eedit, kaso ayaw parin haha :rofl:

Salamt sa pagbasa ah, nakakamiss dito :)
 
Re: Mga Kuwentong Dagli (DOS)

Time Machine



"Huwag!" Buong lakas na palahaw sa likuran ko, na siyang nagpatayo ng lahat ng balahibo sa aking batok!

Agaran ko 'tong hinarapan at sinibat ng tingin ang aparador, kung saan nanggaling ang malakas na boses.

Unti-unti namang bumukas ang pinto ng aparador at tumambad ang isang tao na nakabalot nang puting kapote ang katawan, naka-helmet na animoy parang astronaut sa unang tingin.

"Huwag mong itutuloy ang binabalak mo! Maniwala ka! Hindi maganda ang mangyayari kapag itinuloy mo 'yan!" Mabilis nitong tinanggal ang suot na helmet at lumapit sa akin. "Sa maniwala ka man o hindi, ako ay ikaw at ikaw ay ako!"

Hindi ako agad naka-imik, ang totoo ay naguguluhan at gulat na gulat ako sa nangyayari. Sino 'tong lalakeng ito at paano siya nakapasok sa kuwarto ko?!

"Alam ko marami kang tanong, pero bago iyan pakinggan mo muna ako." Paliwanag niya kasabay sa pagpatong ng kamay niya sa balikat ko. "Ako ay ikaw sa hinaharap, naka-imbento ako ng time machine at bumalik sa panahon na to para warningan ka. Kapag itinuloy mo ang balak mo na makipagtanan, gugulo ang buhay mo. Magiging miserable at puno ng paghihirap."

Tinabig ko ang kamay niya at pinutol ang mabilis na pagpapaliwanag nito. "Tatawag po ako ng pulis Kapag hindi po kayo lumabas sa bahay ko! May naghihintay sa akin at kailangan ko na po magmadali!"

"Alam ko buntis ang girlfriend mo at magtatanan kayo 'di ba? Naghihintay siya ngayon sa harap ng park at kapag wala ka pa dun sa loob ng 15 minutes hindi mo na ito maabutan dahil ilalayo siya sayo ng tatay niya hindi ba?!" Kinuwelyuhan ako nito at mabilis na naisandal sa pader! "Bigyan mo ako ng konting minuto para magpaliwanag, dahil ito ang makakabuti at makakaligtas sayo, sa atin!"

"Bit....ta....wan....." buong lakas kong pagpupumiglas sa kaniya, pilit na tinatanggal ang puwersado nitong kamaong nakapulupot sa aking kuwelyo!

"Hayaan mo siyang maghintay at umalis para-"

"Henry!" Atungol ng isang mabalasik na boses mula sa labas ng aking kuwarto, dahilan para matigilan ang mamang nakikipagbuno sakin, kasunod ang pagbalibag ng pinto at pagpasok ng isang matangkad na lalake!

"Si Mang Carlo!" Gulat at sabay pang sambit namin ng lalakeng nakahawak sa akin.

"Mabuti at naabutan pa kita." Bungad ng mamang bagong dating kasunod ang pagbunot at pagtutok ng rebolber sa aming direksiyon. "Binalaan na kita na layuan mo ang anak ko."

Dalawang putok ang umalingawngaw sa tenga ko, kasabay ang dahan-dahang paghulagpos sa akin ng lalakeng nakabalot ng puti bago ito humalik sa sahig na agad namang napuno ng dugo! Isa pang putok ang naulinlingan ko bago ako nakaramdam ng tila masakit na kagat sa aking leeg bago nagdilim ang aking paningin.
 
Re: Mga Kuwentong Dagli (DOS) Aug-2-2016

Pagtatapat​


Handa na akong magtapat. Matagal ko na rin plinano 'to, at sa palagay ko ito na ang tamang panahon para pagbigyan ang hiling ng puso ko.

"Janice, may sasabihin sana ako sayo." Praktis ko ng sasabihin sa harap ng salamin. Inayos ko ang hati ng buhok ko at saka nagwisik ng pabango sa huling pagkakataon. "Alam ko 2 months palang simula noong magkakilala tayo, pero sa loob ng dalawang buwan na iyon tinamaan na ako sayo, pwede ba akong manligaw?"

sinulyapan ko ang aking relo, may tatlumpung minuto pa bago matapos ang lunch break, sapat na panahon na iyon para ipagtapat ang lahat ng kinikimkim ng dibdib ko. Dali-dali akong lumabas ng banyo at agad tinungo ang classroom namin, sakto naman at nasa loob na si Janice.

"Hi Janice." bati ko dito, na agad naman niyang sinuklian ng isang tipid na ngiti kasabay sa pagsara sa librong binabasa niya.

"Yes?" Hinawi niya ang bangs na tumatakip sa mata niya, nakaramdam ako ng pagkasabik nang nadako ang tingin ko sa cute na beloy nito.

Hinila ko ang silyang malapit sa kaniya para tabihan 'to. Naghabulan tuloy ang nerbiyos at excitement sa loob ng aking katawan nang masamyo ko ang matamis niyang pabango. "May sasabihin sana ako sayo."

"Alam ko na." Mabilis nitong ganti na siyang nagpalutang ng pagtataka sa aking mukha.

"Alam mo na?"

"Yup." Ngumiti siya, lumubog nanaman ang beloy sa kaniyang pisngi. "May nagsabi sa akin."

"Huh? Talaga?" Napalunok ako, nagiisip ng susunod na sasabihin. "O-okay lang ba sayo? Hi-hindi ka ba galit?"

"Bakit ako magagalit? Ang saya ko nga noong nalaman kong magpinsan tayo."
 
Re: Mga Kuwentong Dagli (DOS) Aug-10-2016

Si Alex​


Crush na crush ko si Alex noon pang nasa elementarya pa kami. Lagi ko siyang pinagmamasdan, lalo na kapag recess namin. Bibigyan ko siya ng kung ano-anong chichiria, magpapalusot ako na hindi ko gusto ang lasa ng mga ito o kaya naman busog ako, para 'di niya mahalata na may gusto ako sa kaniya. Isa pa sa nagustuhan kong katangian ni Alex, ay ang pagiging sporty nito. Magaling siya sa larong Basketball, naku, kung alam niyo lang kung paano lumundag ang puso ko kapag nakikita ko siyang naglalaro nito, napapahiyaw ako sa bawat pagshoot niya sa bola. Hindi ko maitago ang pagiging malandi ko sa tuwing tatalon siya o hahabulin ang bola. Makalaglag panty naman kasi ang pagiging perpekto ni Alex, kaya hindi na ako magtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya, at isa na ako dun.

Mahusay din siya maggitara, na lalong nagpatindi sa tama ko sa kaniya.

Crush na crush ko talaga si Alex, kaya ngayong malapit na kami maggradweyt ng highschool, kailangan ko ng sabihin sa kaniya ang lahat ng nararamdaman ng puso ko.

Pinagpag ko ang mga alikabok sa aking palda at pilit na pinaplantsa ang gusot sa aking uniporme gamit ang kamay ko. Pinuntahan ko si Alex na busy nakikipag-untaan sa mga kaibigan niya, pinaki-usapan ko ito na kung pwede ko siyang maka-usap ng sarilinan. Hinila ko siya sa labas ng classroom namin, at doon ko ibinuklat ang laman ng aking puso.

Ngunit naiwan akong luhaan nang sabihin nitong kaibigan lang ang tingin niya sa akin, lalo na nung ipagsigawan niyang, "Hindi ako pumapatol sa kapwa babae."
 
Last edited:
Re: Mga Kuwentong Dagli (DOS) Aug-10-2016

Aksyon Star


Bata palang ay pangarap na ni Mickey na maging isang sikat na aksyon star sa telebisyon, kaya sa edad na otso ay binanat na ang mga buto sa mga gawaing mabibigat. Nandyan ang magbubuhat siya ng mga balde-baldeng tubig, pagkakarpintero, paggapas sa bukid, magtutulak ng kariton na puno ng mga kalakal na ititinda. At sa tuwing sabado naman, kapag walang pasok sa eskwela, ay nariyan namang e-ekstra siya sa pagbit-bit ng mga sako-sakong kamote sa palengke. Ayon sa kaniya, ang pagiging aksyon star ay hindi biro, kailangan ng matipunong katawan at liksi ng mga bisig at binti. Minsan ay makikita mo siyang sumisirko sa may bakanteng lote ng eskwelahan nila, pinagyayaman ang pagiging pleksibol nito, tumatawid sa bakod, tumatalon ng higit sa kaya niya at gumugulong sa damuhan.

Buti nalang, si Mang Fermin, ang pinsan ng kaniyang tatay ay nagtatrabaho bilang extra sa mga pelikula, kaya naman hindi mapagsidlan ang tuwa ni Mickey nang dalhin siya ni Mang Fermin sa isang shooting kung saan isa siya sa mga goons na mag-a-akrobat sa tuktok ng building. Kumikinang ang mga mata nito sa bawat eksenang nasasaksihan, lalo na sa tuwing eentra ang bida ng pelikula. Lahat ng gawin ng bidang artista ay bibo nitong ginagaya. Napapalundag siya kapag lumulukso ang bida, umiilag sa tuwing sumasalisi ang bida sa barilan, sinusuntok ang hangin kapag nakikipag bakbakan ang bida. Enjoy na enjoy si Mickey, na siya namang napansin ng Direktor ng pelikula, binati siya nito at lalong lumuha ang mga mata ni Mickey nang sabihin sa kaniya na may potential ito.

Labindalawang taon na ang nakakalipas magmula noon, bente anyos na si Mickey. Namaster na niya ang paglundag ng mataas, pagtakbo ng matulin, pagiwas sa mga nakaharang sa kaniyang direksiyon, pagsirko sa hangin, paggulong sa daan at sa pakikipagbuno. Natupad na ang pangarap ni Mickey, ngayon siya naman ang bituin sa eksenang pinagbibidaan niya. Laman siya ng diyaryo at telebisyon, bilang isang numerong unong isnatcher sa Quiapo at drug adik na nanlaban sa mga pulis.
 
Re: Mga Kuwentong Dagli (DOS) Aug-10-2016

Tambay


"Uy kamusta!"

Napalingon ako sa boses na pumukaw sa akin ng pansin, si Ella, ka-edad at ka year ko sa highschool.

"Uy." tipid kong bati sa kaniya, kasabay ang otomatikong pagtaas ng kaliwang kamay ko.

"Hindi ka pa uuwi?" mabilis niyang sinulyapan ang suot nitong relo. "Mag si-six na ah."

"Hindi pa, tambay lang ako ng konti then uwi na ako." katwiran ko.

"Wushu! hinihintay mo lang si Judy eh!" kurot nito sa aking tagiliran. "Huwag ka mag-alala, palabas na rin iyon. Nakasabay ko ka kanina sa CR eh."

"Ngek, bakit ko naman hihintayin si Judy!" tumalikod ako sa kaniya, pakiramdam ko kasi namaga bigla ang mukha ko sa pagkapula nito.

"Hahaha! ang dali mong basahin no!" isa pang kurot sa tagiliran ko ang pinakawalan niya, sa pagkakataong iyon napa-igtad ako. "Kalat na kaya sa buong campus! Na lagi mo siyang hinihintay sa spot na 'to tuwing hapon!"

"Tsismis lang iyon!"

"Ewan ko sayo! Teka, kayo na ba?"

"Hindi."

"Maniwala ako! kung hindi pa kayo, bakit 'di mo siya ligawan?"

Hindi ako umimik, bagkus sinulyapan ko ang bagong babaeng niluwa ng gate, si Judy, suot ang marikit nitong mata na sinasapulan ang puwesto ko. Nakangiti siya, na lagi naman niyang ginagawa kapag nagkakabungguhan ang aming mga paningin.

"Wuuuyyyyyy! kilig much naman ako sa eksena niyo!" pakli ni Ella, na nuoy sunod-sunod na sundot ang ginagawa nito sa tagiliran ko. "O siya alis na ako, baka magalit sa akin ang girlfriend mo."

"Mali nga ang iniisip mo!" pahabol kong sumbat kay Ella, ngunit malakas na tawa lamang ang ginanti nito hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo.

"Hi Ken!" tapik sa akin ni Judy, na siya namang pagtalon ng tuon ko sa kaniya.

"Hi Judy!" tango ko sa bagong dating. "Uwi kana?"

"Oo, hinihintay na ako sa amin." tulak nito palayo sa akin, ngunit nakaka-tatlong hakbang palamang ito nang bigla siyang huminto at muling humarap sa akin. Nabalitaan mo na ba iyong kumakalat na tsismis na tayo raw dalawa?"

Hindi ako umimik, nagpeke lamang ako ng ngiti bilang pagtugon, na sa palagay ko ay agad naman niyang naunawaan.

"Patay, pano niyan? baka lalong hindi ka na mapansin ni Ella niyan." napakagat ito sa kaniyang labi. "Nagtapat kana ba sa kaniya?"

"Hindi pa." sinulyapan ko ang kanto kung saan lumiko kanina si Ella, habang hinihimas ang aking tagiliran.
 
Last edited:
Re: Mga Kuwentong Dagli (DOS) Aug-10-2016

ayan ang torpe kasi:laugh: ganda nung twist. di ko nakitang parating.

:thanks: for sharing
 
Re: Mga Kuwentong Dagli (DOS) Aug-10-2016

hehe thanks ulit sa pagbisita! :)
 
Re: Mga Kuwentong Dagli (DOS) Aug-10-2016

Habulan


"Kuya bilisan mo! Makakahabol na sila!" natatarantang pagyugyog sa akin ng kapatid ko, muntikan pa tuloy kaming sumadsad sa may gilid ng kalsada nang makabig ko pakaliwa ang manubela.

"Ano ba?! Mababanga tayo!" unti-unting pagyakap sa akin ng nerbiyos, lalo na nang masilip kong nasa likuran na namin ang mga kotseng galit na galit na nakabuntot sa amin. "Relaks ka lang Pete, akong bahala."

Lalo kong diniinan ang tapak sa selinyador, nagwala't umatungal ang makina ng kotse namin, humarurot ng pagkatulin at maya-maya pa ay pumapalo na sa doble ang metro ng bilis namin kumpara sa kanina.

"Kuya mababanga tayo!" pag-panic ng katabi ko, na tinutukoy ang matalim na kanto sa unahan namin. Agaran kong kinalikot ang kambiyo upang magpalit ng gear at sinayad ang ikot sa manubela, dinig na dinig pa ang maktol ng gulong sa himpapawid nang makaliko kami sa matalim na kanto.

"See, sabi ko sayo relaks ka lang."

"Wala na ba sila Kuya?"

Mabilis akong sumilip sa rear mirror, tanging alikabok na lang ang humahalik sa puwetan ng kotse namin.

"Mukhang nagsa-" Nanlaki ang mga mata ko nang maibalik ko ang aking tuon sa harapan, syet dead end!

"Kuya!" tumalbog ang puso ko nang biglang inagaw ni Pete ang manubela sa akin! "Mababanga tayo Kuya!"

Huli na nang daganan ng paa ko ang preno! Hindi na naiwasan at diretso naming sinalpok ang pader! Na agad sinundan ng pagsabog!

"Ku……y….aaaaa…." garagal sa boses ni Pete.

"Okay lang iyan, bawi tayo next time." ngiti ko sa kaniya, kasabay ang pagbaba ko sa Car Racing Arcade Machine na may salitang Game Over sa monitor nito.
 
Re: Mga Kuwentong Dagli (DOS) Aug-10-2016

Meet the Parents



"Okay ka lang Jomal?" wasak ko sa katahimikang namumuo sa loob ng kotse. Humarap siya sa akin, sa pinta ng kaniyang hitsura, halata ang pagsakal sa kaniya ng nerbiyos.

"Yeah, i'm fine." binuksan niya ang pinto ng kotse na agad ko namang kinopya. Inayos ang suot na kurbata bago bumaba ng sasakyan. "Let's do this."

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to."

"I need to." ngumiti siya, dahilan para sumingkit ang mga mata niya. "Official na akong nanliligaw sayo, kaya importanteng ma meet ko parents mo."

"Okay." tinipa ko ang doorbel na nakatambay sa may gilid ng gate, at sinibat ng tingin ang iluluwa ng frontdoor namin. "Ikaw bahala."

"Ayus ba ang suot ko? hindi ba mukhang presko?"

"You look good." halos pabulong kong sagot na hindi tinatangal ang titig sa pinto.

"Itong dala kong foods? okay na ba 'to?"

"Wala yatang tao." pag-snob ko sa tanong niya, kasunod ang pagbukas ko sa gate at diretsong pumasok sa loob kabuntot si Jomal.

"Ma! Pa!" hinagis ko sa sopa ang bitbit kong bag, at minostrahan si Jomal na umupo muna. "Dito na ako!"

"Welcome home iha!" Mula sa taas ng hagdan, pababang binati ako ni Mama na agad ko namang nilapitan at ginawaran ng halik sa pisngi.

"Ma, kaibigan ko po." tungo ko kay Jomal, tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Anak!" mula sa kusina, kinawayan ako ni Papa. Lumapit siya sa akin at saka yumakap. "May sasabihin kami ng Mama mo."

"Mamaya na Pa." nagpakawala ako ng matamis na ngiti. "May papakilala ako sayo, sigurado ako magugustuhan mo siya!"

"Iha." hinawakan ako ni Mama, aninag sa mukha niya ang lungkot. Malamlam ang mga mata.

"Eham." Naglinis ng lalamunan si Jomal, dahilan para sabay namin siyang dapuhan ng tingin. "May problema ba, Elaine?"

"Problema?" ramdam ko ang pagkunot ng noo ko.

"Si-sino kausap mo?" bakas ang pag-aalangan sa tinig ni Jomal.

"Sino pa, edi mga magulang ko."

"Anak." hinawakan ako sa balikat ni Papa.

"Pagpahingain mo na kami." umiiyak si Mama. "Pagod na pagod na kami ng Papa mo."
 
Ta-tay

“Kulay green naman ang sa bukid Anak.” Sinunod naman ako ng bata at binudburan ng berde ang mga halaman at palay. “Pag-igihan mo Anak, gusto ko maging mahusay ka.” Himas ko sa ulo niya.

“Opo Tay!” Bibo niyang tugon, na may kasabay na pag-silip ng sipon sa munti nitong ilong. “Ano naman po ang basa dito Tay?”

“Ku-bo.”

“Ku-bo.” Pag-ulit niya. “Eh dito Po Tay?”

“Ba-tis.”

“Ba-tis.” Pag-gaya niya sa akin. “Ano naman Po ang kulay ng batis Tatay?”

“Kulay bughaw Anak.”

“Ang galling talaga ng Tatay ko!” buong galak niyang sambit habang inu-umpisahan na niyang kulayan ang librong hawak nito. “Paglaki ko, guto kong maging katulad niyo, Tay. Gusto kong maging matalino at marami ding alam katulad mo Po.”

Bigla akong natigilan sa pukol ng Anak ko, natahimik at tila binuhusan ng malamig na tubig.

“Mang Ernesto.” Malumanay na tinig mula sa harapan, na siyang pumitik sa diwa ko. “Kayo na Po ang magbabasa.”

“Ba-hay. Na-nay. Ku-ya. A-so. Ba-ka. Du-yan.” Sunod-sunod kong pag-basa habang kinukumpas ng aming Titser ang kamay nito sa pisara.
 
ang galing. na inspire tuloy akong magsulat uli.:clap::clap::clap:
 
Back
Top Bottom