Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[my28/s] Openline

sino po gumagamit ng unified v4 r3? talaga bang kailangan ng SD card para sa mga apps na iinstall mo pa lang? I mean na iinstall naman sya pero pag inoopen mo kasi error phone storage no permission nakasulat.. pag nilagyan ko ng SD card gumagana na sya kaso wala ako SD card hineram ko lang yun.. gusto ko lang malaman kung dahil ba to sa tweaks na inapply ko or ganito talaga tong rom na to? thanks
 
kaasar naman tong phone na to
lagi siya pumupunta ng google play para mag install ng kung anu-ano

sarap ng laro ko ng clash royale tas bigla pupunta ng google play, syempre olats nako pag back ko
habang nanood ng iflix bigla na lang pupunta ng google play at syempre sira na yun playback nun pinapanood ko pagka-back
 
Anung whitesceen bug ba sa inyo? kasi sakin working sya pero white background yung sa app lists lol
 
pa help naman po nag white screen ung phone ko nung ginawa ko ung procedure....
 
Hi..ask q lng po...panu pag biglang nag white screen bigla ayaw nang mag-open ng tuluyan..thank you!
pde q po ba itong diretso na iflash?
 
Last edited:
Boss white screen prin kht nag flash n me? dati n kc white screen ito ng pina ayos?
 
penge po twrp recovery pang my28s diko kasi mahanap sa group
 
May mga unit pbng ganito?gusto ko bumili mura lng to db..pangreregalo ko..o ano kaya magandang mura na android..budget 3k
 
penge po twrp recovery pang my28s diko kasi mahanap sa group

Flash mo na lang yung unified rom from the group dahil may twrp na yun. Or kung rooted kana, use rashr. Meron naman sa group, hahanapin lang tlga.
 
pahelp naman po mga master ginawa ko na ung procedure nung sa white screen ...d pa rin maayos...inopenline ko lang to few months ago tapos wala na kong ginalaw...nakita ko na lang kanina na white screen na xa..please help naman po
 
Update (credits: junnel)
Ginawa ko po ito para makatulong sa mga makakaranas mag-white screen ang kanilang phone after magflash ng isang ROM na kahit may mga success na nakapag-flash, pero hindi ka kasama sa kanilang mga pinalad(tulad ko haha)

So gusto ko lang itong i-share para magamit ng lahat.
Kung baga sa isang kanta, ire-revive ko lang yung doc. na ginawa ni Sir Vasily Ivan tungkol dito.
So basahin na lang po natin ng buong buo. tagalog po ito, wala kayong aasahang English sa mga is-share ko kasi mahina po ako doon okay? hehehe :)
Take note: Bawal po ito sa mga TAMAD MAGBASA. kung gusto mo maayos phone mo, basahin mo po ito ng buo dahil step by step na po ito.

Game, let's start!!! Mga kailangan:
*USB CORD na 101% working at hindi charger lang. as in yung usb na pang-transfer ok!!!
*PC o LAPTOP. Pag wala ka nyan, aba takbo na sa pinaka malapit na Computer Shop :)

Step 1: i-download nyo po lahat ng file/tools na kakailanganin natin, pakikuha at pakihanap at pakiDownload na lang po. hanapin nyo sa pinned post. pasensya na wala po akong link. pero andito yung mga saktong name ng file, pakihanap na lang po!!!

*MyPhone_MY28_Unified_V4_By_Team28Devs_Revised3.rar
*SPRD_NPI_USB_Driver.rar
*UPGRADEDOWNLOAD_R2.9.9015.zip
*tested_new_my28s_white_screen_fix.zip

Step 2: pag na-download nyo na, i-extract nyo po lahat ng na-download ninyo.
Step 3: open nyo yung folder na "production_line_version" ayan po yung laman ng "SPRD_NPI_USB_Driver.rar"
Step 4: pag-open nyo ng production_line_version, makikita nyo yung mga folder na ito:-*amd64*x86

Tanong: para saan at ano po yan?
Ang sabi lang sa Openline video tutorial sa youtube, piliin mo lang daw sa dalawa na yan kung anong "bit" ng pc o laptop na gamit nyo.
So sa mga Comp.Shop, matik ng "64 bit" yun. Kaya kung kayo ay nasa Comp.Shop at ginagawa ito, choice "amd64"

Pero mas maganda i-check o idouble check nyo na din kung ilang bit yung pc o laptop na gamit nyo para sure. (tip. Windows Key + Pause Break)
So same lang ang gagawin mapa "amd64" or "x86"

Step 5: Open nyo lang yung folder sa dalawa na yan na match sa pc/laptop nyo at hanapin nyo lang sa loob nila yung file na:-*dpinst.exe
Step 6: i-run nyo lang yang "dpinst.exe" at hintayin matapos. At kapag natapos na yan, ok nyo lang at pwede nyo na sya iwananan :)
Step 7: open nyo naman ngayon yung "UPGRADEDOWNLOAD_R2.9.9015" folder, at makikita nyo ito:
*Bin
*Doc
*Release notes.xls

Step 8: i-open nyo lang po yung "Bin folder" at hanapin nyo yung file na:-*UpgradeDownload.exe
Step 9: i-run nyo lang din po yang "UpgradeDownload.exe" at hintayin, kapag natapos na, may mag-a-appear po dyang new tab o yung tab ng "UpgradeDownload"

Step 10: i-click nyo po dyan sa na-run o nainstall nyong UpgradeDownload yung "gear icon" tingin kayo sa taas, bandang kaliwa, yung pinakaunang icon.
Step 11: pag-click sa gear icon, lalabas dyan yung maliit na new window. ang gagawin dyan is hanapin nyo yung isang kasama sa mga na-exteact nyo kanina.
Yung:-*MyPhone_MY28_Unified_V4_By_Team28Devs_Revised3.pac

Step 12: pag nakita nyo na yan, click nyo lang at mapupunta yan doon sa UpgradeDownload. Mapapansin nyo sa ibaba may naglo-loading. so hintayin nyo lang matapos at mag-appear yung file sa taas ok.

Step 13: habang hinihintay nyo yung loading, minimize nyo muna yung UpgadeDownload at kunin nyo muna yung laman ni:-*tested_new_my28s_white_screen_fix

Step 14: Open nyo yung folder na yan at makikita nyo ito:-*boot.img
*recovery.img
*u-boot-spl-16k.bin
*u-boot.bin

Step 15: kunin nyo lang po yung apat na yan, icopy nyo lang wag nyo i-cut para ma-backup nyo mamaya... So copy yung apat at ilagay nyo sa loob ng folder na:-*UPGRADEDOWNLOAD_R2.9.9015/Bin/ImageViewer/here

Step 16: i-replace nyo lang po yan ok.

Step 17: balikan nyo na yung UpgradeDownload kung tapos na yung loading. kung tapos na, close nyo lang po. Opo CLOSE TAB na, hindi na po minimize. So pagka-close nyo, i-run nyo po sya ulit, yung UpgradeDownload.exe, then may maga-appear dyan na keso update ganun. basta yes o ok nyo lang. kapag ok na at wala ng loading, at nakikita nyo na din sa taas yung file na ni-load natin, i-click nyo na po jan yung icon na parang arrow o parang play icon. then flash na tayo.

Step 18: tanggalin ang battery at memory card kung ayaw mong maubos ang pinakatago tago mong ano dyan hahaha xD tapos ibalik muna yung battery AT WAG BUBUKSAN ok :)

Step 19: i-Press&Hold nyo po ng sabay yung volume up&volume down. dapat sabay ah,at siguruhin nyong talagang napindot at naHold nyo silang dalawa ok?Step 20: isaksak nyo na po yung USB CORD/CONNECTOR nyo sa PC/LAPTOP at i-direct na din sa phone(alam nyo na yun)

Step 21: tingnan kung talagang na-read yung phone nyo sa PC/LAPTOP, kung ni-read yan, makikita nyo naman na magloload yung UpgradeDownload. kapag hindi na-read, alam nyo na yun. try nyo isaksak sa iba pang available na sasaksakan dyan sa pc/laptop. gumawa kayo ng paraan para ma-read, kasi kung talagang usb cord yan na hindi lang charger, gagana yan maliwanag? pag ayaw. stop muna, kung may mahihiraman ka, takbo kana muna at manghiram hehe :)

Step 22: kapag naglo-loading na po yan at nasa 100 count na at dipa tapos, then nangangawit ka na sa pagkakaHold ng volume up&volume down, pwede nyo na po yan bitawan hehehe. hintayin nyo na lang matapos yung loading. magre-result naman yan ng "PASSED" At kapag nakita nyo na yan o kahit before pa yan lumabas, mag-o-auto open yung cp nyo at makikita nyo dahil ok na yung phone mo

Step 23: kapag nag-on na yung cp nyo at mag passed na sa result, tanggalin nyo na sa pagkakasaksak yung cp nyo sa pc at hintayin nyo na lang pumunta sa home screen yung phone nyo. wag matakot :)

*na-alter ko lang kasi baka ma-warning-an ako sa salita niya. :comfort:
 
pwede po ba kahit hindi na gawin yung DRIVER SIGNING kasi sa computer shop ko po sya gagawin DISKLESS kasi yung every computer nila. Thank you in ADVANCE.
 
pwede po ba kahit hindi na gawin yung DRIVER SIGNING kasi sa computer shop ko po sya gagawin DISKLESS kasi yung every computer nila. Thank you in ADVANCE.

Try mo muna, pag ayaw, no choice. :noidea:
May deepfreeze or shadow defender ba yung client PCs? if so, di pwede, unless na i-thaw mo siya (DF) o i-stop (SD).
 
Last edited:
mga sir pac file po ng original n myphone 28s bka meron po kyo, ok lng po skin khit hindi xa nka openline basta wlng problema thanks po s magbbgay
 
hirap mag DL sa mega pa re ups naman sa mediafire or 4shared :) BM ko muna to
 
Back
Top Bottom