Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem nagmahal.nasaktan.nagkautang.

kaysakit naman ng aking naranasan
karanasang sadyang hindi ko 'to malilimutan
minsang nagmahal ako ng sagad hanggang buto
tinapon lang na parang basahan!

nagmahal.nasaktan.nagkautang
binigay sa'yo ang lahat,sunod lahat ang gusto mo
sa kabila ng lahat hindi pala ito sapat
nagawa mo pang iwan ang tulad ko

tinangay mo pa ang bagong celfon ko
sinangla mo pa ang lahat ng gamit sa apartment ko!
hindi ka na nakuntento,pinakagat pa sa aso!
'yung ano ko,habang natutulog ako

nagmahal.nasaktan.natauhan
ngayo'y sising-sisi dahil umibig sa walang kuwentang tulad mo!
pinaniwala mo ako,naniwala naman sa'yo
ang kapal ng mukha mo,lolokohin lang pala ang tulad ko

kaya ako'y natuto na,ayoko ng maulit pa
kung magmahal kasi bigay todo,walang preno
maghihintay na lang ako ng tamang pagkakataon
hanggang tuluyang maghilom ang puso ko pa ring nagdurugo

nagmahal.nasaktan.nagkautang.
 
Back
Top Bottom