Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Nakita ko ang ADA





NAKITA KO ANG ADA

Sa unang tingin ika'y mamangha
Kagandahan niya ay inukit mula pa noong akoy bata
Pantasya at kung anong hiwaga
Maswerte kang mamalas mo siya sa mukha

Sa batis na kay linaw ng tubig
Lugar kung saan puno ay hitik
Mistulang paraiso kung iyong mababatid
Tiyak ikaw ay hindi aalis

Mga kaibigan kong puspos ng kagalakan
Katahimikan ng gubat nagsilbing taguan
Ingatang huwag mahuli sa habulan
Kung ayaw mong umuwi ng luhaan

Sapagkat sa aking panaginip akoy nadapa
Mahinang tuhod at bato ay nagtama
Kirot at sakit ay lalong nadama
Nang malamang ako nalang mag-isa

Palibhasa ay bata at mahina ang loob
Luha at takot sa akin ay kumubkob
Bunganga at pamalo sa aming bakod
Naghihintay sa akin malakas na kutob

Ngunit Siya'y nagpakita
Nakangiting pinahid ang aking luha
Dinaiti ang kanyang palad ng bahagya
"Sa susunod ikaw ay mag-ingat", aniya

Magkaiba man sila ni nanay ng pagkakasabi
Ang Adang mahinhin at mayumi
Pinahid din ni inay ang luhang namutawi
Ginamot ang sugat nang madali

Nakita ko ang Ada
Sa katauhan ni ina..


 
antagal ko din di nakakabasa ng iyong akda at hanggang ngayon isa lang ang masasabi ko, ang galing at ang ganda ng pagkakagawa idol :)
 
kaya pala nawala saglit dahil may hinahanda palang pasabog :naughty:

perfect :10: bruhilda ang galing parin :salute:
 
antagal ko din di nakakabasa ng iyong akda at hanggang ngayon isa lang ang masasabi ko, ang galing at ang ganda ng pagkakagawa idol :)
Salamat idol sinusundan ko pa lang ang mga sulat ng kamay niyo :) medyo nabisi kasi sa pagtugtog idol..

:clap: wala ka pa ring kupas sis
ang galing ng pagkakagawa mo
Ayiiiee ikaw ang walang kupas sis.. kitang kita sa mga obra mo.,

kaya pala nawala saglit dahil may hinahanda palang pasabog :naughty:

perfect :10: bruhilda ang galing parin :salute:
Ayiieei si bruho mars oh.. sumegwey ako kasi ginuguyam na ang chatbox sa inyo :giggle:

Salamat sa pagbisita idol :)


magandang pang mother's day...



:thanks: for sharing!
Salamat sa pagbasa idol.. tama pang mothers day siya kaso hindi ako pinapatulog eh.. excited lungs..

- - - Updated - - -

Mas malupit ka idol :praise:
 
isa lang masasabi ko :10: ang score :salute: ang lupit parin :yes::dance:
 
Makagawa nga ng Tula na ang PAMAGAT ay yung "KRAS/GERPREN" ko :D


Maki.uso nga sau idol


Anlupet ng pag akda mo :)
 
imba ka talaga ang galing :clap: kamusta ka na girl? :rofl:
 
Back
Top Bottom