Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel [Novel] Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

para po sa mga gustong masundan ang storya ni Victor,
Isang Araw Lang Naging Kami > ito ang mga naunang nangyari..

the sequel..
:rain: Everyday in the Rain :rain:


Chapter 1 : Si Victor at ang Di Kilalang Babae :cry:
Napakalakas ng ulan noong umupo ako sa isang duyan at pinatugtog ang gitara. Napatigil na lamang ako sa pagkanta, nang may isang babae ang lumapit sa akin at pinayungan ako. "Wag ka ngang magpaulan." wika ng di kilalang babae.

Chapter 2 : Alaala :cloud9:
"Eh paano kasi, kanina pa ako nag-aabang at hindi ako sinasakay. Akalain mong nakasakay pa kita dito sa masikip na jeep." pagbitaw ko ng inis.

" 'Yan ang tinatawag na tadhana." ngiti nito.

Chapter 3 : Tuliro :panic:
“Sa’yo ‘to ‘di ba?” ang panyong ibinigay ko sa kanya noong mga bata pa lamang kami. Napatingin ako sa kanya.

“Ikaw nga pala ‘yun. Si Gel. Angelica pala ang buo mong pangalan. Itinago mo pa pala ‘to.” may galak na sabi ko. May ibang pakiramdam sa puso ko ang tagpong ‘yon.

“Sabi ko na nga ba ikaw si Victor na nakilala ko noon.” nakangiting sagot niya. Kumikinang ang mga mata niya, puno saya at ligaya.

Chapter 4 : Panganib :what:
"Umiiscore ka."

"Hindi ka galit?"

"Ngayon lang yan. Niligtas mo ko eh. Pero pag inulit mo pa, matitikman ng nguso mo 'tong kamao ko."

Chapter 5 : Sa Bahay :boogie:
Parang may mga glitter sa hangin habang tinitignan ko siya. Tulala ako, ngayon wala akong pakialam kung alam niya na nakatitig ako sa kanya. Parang slowmotion ang pangyayari. Unti-unting lumalabo ang background at para akong liliparin ng hangin. Hindi ako adik, hindi rin ako uminom ng energy drink at nagfeeling macho, ito siguro ang epekto kapag sininghot mo ang medyas mo. "You look great." sabi ko in English habang palapit sa kanya.

Chapter 6 : Bakit? :hilo:
"Angel, Gel, mine, babes, sugar, sweetheart, Angelica, ang ganda ganda mo. Hindi lang dahil madilim, hindi lang dahil inaantok ako, maganda ka, yun ang sabi ng puso ko. Alam ko marami ng nakapagsabi sa'yo nito, pero iyon ang totoo. Napakabait mo, hindi ka mahirap mahalin."- Victor

Chapter 7 : Ang Pagtatapat :giverose:
Bumangon siya at tinapat sa mukha ko ang mukha niya. Bumagsak sa akin ang buhok niya na kumikiliti sa laman loob ko. “Yung Fall of Adam, alam mo?” sabi niya. “Hu u?” sabi ko. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at dinampian ko sya sa labi. Mabagal pero hindi siya umiiwas kaya binukasan ko ang labi ko para sa mas intimate na halik. Napapikit ako at dinama ang labi niya na dumidikit sa akin. Ilang minuto rin ang lumipas nang matauhan siya. Inayos ko ang buhok niya, akala niya hahalik uli ako nang ilapit ang labi ko sa tainga niya, “Pwede ba kitang maging girlfriend?” diretsong tanong, walang paligoy ligoy, paligaw ligaw at palugaw lugaw.

Chapter 8 : Ken and Joyce :punish:
“Alam mo ba kung saan ako masaya?
Sa bawat ngiti at tawa sa iyong mukha,
Kung binibilang mo lang ang iyong mga piso,
Pwede ba kitang mayaya sa araw ng mga puso?”
-Mr.Suplado

“Alam mo ba kung kailan ang pinakamasayang araw ko?
Yun ay noong araw sa Jolibee na tinulak mo ako,
Ngunit ngayon ito ay mag-iiba,
Sa araw na ito, nararamdaman ko na.”
-Mr.Suplado

“Alam mo ba kung sino ang pinakamamahal ko?
Kilala mo siya at kapangalan mo,
Anghel siya sa lupa na itinadhana sa akin,
Nakangiti siya at titingin sa akin.
Sa harap niya ako’y may dalang bulaklak,
Sa likod ko si Kupido ay tumutulak,
Siya ang aking dugo, na bumubuhay sa aking puso,
Angelica ang kanyang pangalan, at siya ang date ko.”
-Mr.Suplado​
-Victor

Chapter 9 : Pagtataka at Luha:weep:
"Alam mo, ikaw lang ang mahal ko. Saka, bago pa lang kami magkakilala kasi nagtanong ako kung saan kita matatagpuan. Akala ko, pakikiramdaman ko lang ang puso ko malalaman ko. Pero hindi naman masama ang magtanong kaya kinausap ko siya."

"Baka naman sa kanya ka dinala ng nararamdaman mo?"

"Hindi rin. Kasi wala namang sinabi ang puso ko na siya na. Mabuti pa ngayon, pakinggan mo, binubulong ang pangalan mo."
-Victor

Chapter 10 : Rejected :kainis:
"Bukambibig mo talaga si Angel." malungkot niyang sabi. "Para kang kabayo. Nakatakip ang mata sa gilid kapag sinasakyan ng hinete, yan tuloy hindi mo nakikita ang nasa tabi-tabi kung hindi ka susunod sa hinete mo." -Joyce.

Chapter 11 : Misteryosong Gabi
"Mahal ka rin ni Angel, kaya lang hawak siya ni Sir Ken. Hindi ko alam kung ano ang gayuma o pangblockmail na gamit niya pero kapag ginusto niya nakukuha niya. Kakalabanin mo ba siya o ibabaling mo sa iba ang pag-ibig mo kay Angel?"
-Joyce

Chapter 12 : Parating na ang Ulan
"Alam mo bang masigla siya dahil sa'yo, masaya siya dahil sa'yo. Tadhana na ang bahala sa inyo. Balik ka 'pag naramdaman mong narito na siya. Alam ko malakas ang pakiramdam ng in-love." biglang sabi niya.

"Opo. Salamat sa payo. Babalik ako. Hindi ko siya hahayaang maging malungkot." ito lang ang masasabi ko dahil sa sobrang saya ng pakiramdam ko.
-Princess

Chapter 13 : Malakas na Ulan
"Sure because I like her better than my exes. I better say I love her."
- Ken

Chapter 14 : Payong

Hindi porque umuulan ay mananatili ka na sa bahay at matutulog o magkukulong sa kwarto at magpapainit ng sarili. May problema man, lumabas ka pa rin, huwag kang magbabago at ienjoy ang buhay. Isayaw mo lang ang ulan, ngitian mo ang bawat problema. Ang problema ay kasama ng buhay, parang ulan, kasama rin ito ng mundo. Kung wala ang ulan, paano na makakaroon ng cycle ang tubig? Kung walang problema, hindi tayo mamumulat kung paano maging masaya dahil hindi rin natin alam ang pakiramdam ng malungkot. Kung pangit ka, ngumiti ka, pangit ka pa rin. May payong na proprotektahan ka sa ulan, at may Diyos na laging pumoprotekta sa'yo.

Chapter 15 : Bahagharing May Lamt

"Hindi pwede ang naisip mo Victor."

"Bigyan mo ako ng address. Ako na lang ang pupunta."

"Makulit ka talaga?"

"Ako pa?"

"Samahan na kita. Sandali." sabi ni Angelica ng pasinghap.

Chapter 16 : Joyce's Chapter

"`Tay alam mo si Victor `di ba? `Yung kinukwento ko sa`yo na masarap magmahal, `yung kinokompara ko sa inyo." humila siya ng upuan at hinawakan ang kamay ng ama. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. May feeling ako na flattered dahil sa mga sinasabi niya. "Mukhang masaya na siya kasi parang wala ng sagabal sa relasyon nila ngayon."

Chapter 17 : Under The Rain

Ang kaninang kasalanan na inaako ko ay parang napawi sa effort na ginawa ni Angelica para sa akin pero ano'ng ginawa ko? Nagpalate pa ako? Kailan ba ako magiging matured? Kailan ba ako magkakaroon ng silbi sa taong mahal ko? Kailan ko siya mapoprotektahan?

Chapter 18 : Pot of Gold


comment kayo..:thumbsup:
kwentuhan tayo..:whisper:
:thanks:


http://acwrites.blogspot.com
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain Chapter 13: Malakas na Ulan

gawa na..:happy:
bago ko ipost ang story..

turuan niyo muna ako ng trick para permanente ng hindi mablock ang smart sim ko..ndi ako makapagultra surf..nakamobile pa ako ngayon eh..:lol: pm me! :D
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 13: Malakas na Ulan

:slap:
'kala ko pa naman meron na 'ko mababasa. Sige boss hanap ako kasagutan sa iyong problema :spy:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 14: Payong

Chapter 14: Payong

"Ano'ng ginagawa mo dito?" sabay uli naming sabi.

"Tignan mo nga naman ang tadhana. Ako na." sabi ko kay Angel at hiningi ang permiso para ako na ang humawak ng payong.

Hindi niya ako pinansin pero hindi naman siya umaalis at pinapayungan pa rin ako.

"Galit ka pa ba sa'kin?" lambing ko. Alam ko namang nagpapalambing lang 'to.

Hindi pa rin siya sumasagot, nakatingin lang sa kabilang direksyon para hindi makita ang maamo kong mukha.

"Wala naman kami ni Joyce eh. Nakwento ko lang sa kanya 'yung sitwasyon natin."

"Hindi mo naman kailangang sabihin eh, alam naman niya." oo nga pala, mali ang sinabi ko. Lalala pa ata ang sitwasyon.

"Pwede bang kalimutan na natin 'yon?"

"Hinde."

Hindi ko na alam ang sasabihin ko, malamang kapag sinabi ko sa kanyang natulog ako sa bahay ni Joyce lalo lang siyang mag-aalburoto. Ano na?

"`Wag ka ng mag-explain. Alam ko na ang nangyari. Wala kang kasalanan. Inamin na ni Ken lahat."

"Hindi ka na galit sa'kin?"

"Galit."

"Ang gulo mo."

"Wala ka bang ginawang kabulastugan?"

"Wala. Promise!" sabi ko. Wala naman talaga.

"Ok." simpleng sagot niya, ok na 'yon. Masaya na ako do'n. Kulang na lang magpagulong-gulong ako sa daan.

"Saan ka galing? Hinahanap kita eh." biglang tanong ko at inabot uli ang payong.

"May inasikaso lang. Bakit mo naman ako hinahanap?" sabay abot ng payong.

"Kasi nag-alala ako sa'yo noong nalaman kong wala ka sa inyo." sabi ko at niyakap siya upang hindi mabasa sa ulan. Napatingin siya sa'kin, 'yong mga mata niya, parang nagtatanong. Nawala na 'yong mukha niyang supladita, alam ko, namiss niya ako. Ramdam ko sa yakap din niya sa akin.

"Paano mo nalamang wala ako sa'min?" takang tanong niya.

"Ha? Akala ko magkasabwat kayo ng ate mo." bigla kong sabi.

"Anong sabwat? Nakausap mo si ate?" takang taka pa rin siya.

"Wala ka talagang alam?" natanong ko pa at inumpisahan na naming maglakad.

"Ano?! Hindi kita maintindihan." padabog niyang sabi kaya napatigil kami sa paglalakad, baka kasi mabasa siya sa ulan.

"Kasi tinawagan ako ng ate mo, hindi ka pa daw umuuwi mula kahapon." nakita kong bumaba siya ng tingin. "Kaya pumunta ako kina Ken." nagulat pa siya pagkasabi nito.

"Pumunta ka? Anong sabi sa'yo ni Ken? Di ka ba niya sinaktan?" balisa niyang tanong.

"Concerned?" ngumiti ako sa kanya, hindi siya umimik at nagblush pa siya. "Wala siyang ginawa." Hinawakan ko ang kamay niya, hindi naman siya tumutol kaya tinuloy namin ang paglalakad. "Pero may sinabi siya sa'kin."

"Ano 'yon?"

"Tungkol sa isang deal." pagkasabi nito ay alam na niya. Niyakap niya ako, sobrang higpit, miss na miss na namin ang isa't-isa. "Tumupad siya sa usapan niyo." dagdag ko pa at lalong humigpit ang yakap niya. Walang sabi-sabi siyang humawak sa kamay ko na dahilan upang mabitawan ko ang payong, bumwelo siya ng isang halik. Halik sa labi ko. Hindi ko na napigilan pa ang damdamin ko't niyakap ko na siya ng mahigpit. Kapwa kami nababasa ng ulan pero parang may barrier kami kasi hindi namin iniinda ito at wala rin kaming pakialam sa nasa paligid namin, mabuti na lang walang tao dahil napakalakas ng ulan.

"Basa na ako." sabi niya matapos maghiwalay ang labi namin. Puno ng ngiti ngayon ang mukha niya, parang paglitaw ng isang rainbow matapos ang isang ulan pero kung tapos na nga ang problema, bakit hindi pa rin tumitila ang ulan. Dapat lumitaw na ngayon ang rainbow. Dapat sumisilip na ang araw pero bakit napakadilim pa rin ng langit. Siguro talagang masama lang ang panahon ngayon.

"Tara, uwi ka muna. Baka magkasakit ka niyan." masaya kaming naglakad ng nakapayong, kahit basa na ang katawan namin.

"Bilisan mo nga dyan. Nilalamig na ako." masayang sabi ni Angel sa'kin.

"Eh baka maputikan 'tong pantalon ko sa paglalaka..." hindi ko pa natapos ang sinsabi ko ay tinapakan niya ang basa sa daan. "Ano ka ba? Para kang bata, dahan-dahan naman." sabi ko sa medyo mataas na tono, medyo lang, hindi naman pasigaw.

"Sup - lado" bulong niya sa tainga ko at tumakbo palaya sa'kin, tuluyan siyang nagpaulan, balewala ng payong sa taong sinasayawan lang ang ulan.

Hindi porque umuulan ay mananatili ka na sa bahay at matutulog o magkukulong sa kwarto at magpapainit ng sarili. May problema man, lumabas ka pa rin, huwag kang magbabago at ienjoy ang buhay. Isayaw mo lang ang ulan, ngitian mo ang bawat problema. Ang problema ay kasama ng buhay, parang ulan, kasama rin ito ng mundo. Kung wala ang ulan, paano na makakaroon ng cycle ang tubig? Kung walang problema, hindi tayo mamumulat kung paano maging masaya dahil hindi rin natin alam ang pakiramdam ng malungkot. Kung pangit ka, ngumiti ka, pangit ka pa rin. May payong na proprotektahan ka sa ulan, at may Diyos na laging pumoprotekta sa'yo.

"Haha. Para tayong bata nito eh. Nagpaulan tayo." sabi ko kay Angelica pagpasok namin sa bahay nila.

"Magpalit ka na." sabi niya.

"Ano naman ang ipapalit ko dito? Wala naman akong damit dito." sabi ko.

"`Musta ang lakad mo Gel?" tanong ni Princess, "Oh nakita ka pala ni Victor."

Biglang nagbago ang mood ng kaninang masaya na Angelica, ano nanaman kaya ang problema ngayon? "Magbibihis muna ako." sabi niya at pumasok sa kanyang kwarto.

"Anong problema no'n?" tanong ni Princess.

Itinaas ko lang ang dalawa kong kamay, "`Nga pala, salamat." ngiti ko.

"Para saan?" takang tanong niya.

"Kasi nilakad mo ako kay Angelica."

"Hindi kita nilakad no! Nag-alala lang ako hindi siya umuwi. Baka napano na siya."

"Sabagay." sabi ko na lang. Mukhang wala ring alam ang ate niya sa deal na ito. Tadhana talaga ang nagtikta ng lahat. Gusto kong ngumiti ng todo-todo, gusto kong magtatalon pero bakit biglang nalungkot si Angelica kanina. Sa sobrang saya ko hindi ko na naitanong ano ba ang lakad niya at saan ba siya nanggaling.

Nagising ako sa pagmumuni-muni nang hagisan ako ng tuwalya ni Angelica. Umupo siya sa sofa, gano'n din ang ate niya, syempre gagaya ako.

"Oy." sabi ni Princess.

Napatingin lang ako kay Angelica. Tumingin din siya sa'kin. Out of place si Princess.

"Kasi hindi pumayag si Dad."

"Ha?!" sa gulat nagkasabay pa kami ng sigaw ng ate niya.

Napasandal ako, "Akala ko ok na lahat." sabi ko at napasinghap.

"Ano ba kasing sabi mo? Baka panget ang approach mo?" tanong ni ate. Makikiate na rin ako. Feeling.

"Ewan ko lang. Sabi ko kasi,

>

"Dad pwede ka bang makausap?"

"Tungkol saan." matigas na sagot ng itay ni Angelica, si Mr. Franklin Benitez. Hindi man lang pinaupo ang anak kaya nagkusa na ito.

"About Ken."

"What about Ken?" sarkastikong sagot nito.

"Gusto ko sanang tapusin na 'yung arrangement namin."

"Ayoko." mabilis na sagot nito.

"Pero Dad, nakausap ko po sina Tito Mike at Tita Tess..."

"Anong sabi mo?! Alam mo ba ang ginawa mo? Minsan talaga hindi ka nag-iisip!" patayong sabi nito mula sa mahinahon niyang pagkakaupo, nagulat dito si Angelica. Hindi, mas mabuting sabihing natakot siya. "Hindi ka ba nanghihinayang sa maaring maging partnership ng kumpanya namin?! Lalaki ang sakop ng kumpanya! And that's for your future kasi kayo ng ate mo ang mamamahala nito in the near future!"

"Aanhin ko 'yan?"

"Angelica!" sigaw ng ama matapos iwanan ito habang nag-uusap sila ni Angelica.

>

"Si Daddy talaga, naku! Baka pagod lang siya no'n Gel." sabi ni Princess. Tumayo ako at yinakap si Angelica, alam ko ang nararamdaman niya, konektado na kami eh.

"Hindi man lang niya naisip ang kaligayahan ko! Napakasakim niya! Wala na siyang ibang inisip kundi paano pararamihin ang pera niya!" sumbong ni Angel sa akin habang hinahampas ang dibdib ko. Wala akong masabi, wala akong plano, hindi ako makaisip ng mabuti ano na ba ang gagawin ko ngayon? "Victor..." pag-angat niya ng mukha.

"Sshh... Ok lang 'yan. Madadaan 'yan sa usapan." sabi ko pero iling lang siya ng iling. Hindi siya sumasang-ayon? Itatakwil nanaman niya ako?

"Ayoko ng mahiwalay sa'yo. Gusto kong maging masaya kahit tayo lang dalawa. Ayoko ng pera! Ayoko ng malaking bahay kung wala ka doon! Ayoko ng maraming damit saka alahas kung hindi naman kita mayakap!" sabi pa niya.

"Pwede nating itago..." sabi ko pero hindi niya na ako pinatapos.

"Sasama ako sa'yo Victor." biglang sabi ni Angelica. "Mabuti pa kayo ng pamilya niyo, masaya. Kami, solo flight ang buhay namin. Kanya-kanya, ayoko no'n! Victor, ate, naiintindihan niyo ba?" pagpapatuloy pa niya at tumingin sa amin.

Tinignan ako ng ate niya, hinihintay ang sagot ko. Shet! Itanan ko daw siya? Ang hirap! Kailangan ni Angelica ng payong ko. Ang payong ng pag-ibig. Payong na proprotekta sa kanya sa lungkot na maaaring bumagsak sa kanya. Payong ng haharang sa sakit ng damdamin na tinatago niya. Ang payong ng pagmamahalan namin ay dapat ng magamit. Isa ito sa hakbang upang mabuo at matapos ang sayaw namin dito sa ulan, kailangan kong magdesisyon.

Kailangan ko ng oras na mag-isip pero kailangan na ang sagot ko, kaya bibitinin ko muna 'to...

...itutuloy..:rain:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 14: Payong

Pa marka muna Tropa..
Alam mo na kung bakit ..
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 14: Payong

uy ayos may update na ulit salamat sir:thanks:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 14: Payong

Ella, Ella, eh, eh, eh, eh, under my umbrella. eh, eh :lmao:

When po update?
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 14: Payong

sa page 21...:naughty:

ewan ko lang kung aabot..:lmao:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 14: Payong

Dramaness ng update. :cry: magupdate ka pa ng mga kwento paps. Lalo yung sa horror. <3
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 14: Payong

gusto ko na ngang tapusin ang kadramahang to eh..:rofl:

komment ka kasi doon kom...haha,
kala ko wala ng bumabasa nun eh..:laugh:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 15: Bahagharing May Lamat

Chapter 15 : Bahagharing May Lamat

Tinignan ko uli ang mukha ni Princess, baka may kung anong senyas o anumang kilos niya para maging basehan ng sagot ko. Ahh! Wala! Nakatingin lang siya sa'kin. Relax. Inhale. Exhale. Inhale...

"Ano na Victor? Itanan mo 'ko." biglang sabi ni Angelica. Inhale uli. Mali! Exhale muna. Hindi ko na alam ang isasagot. I need more time.

"Ayoko..." bigla kong sagot. "Hindi natin matatakpan ang mali ng isa pang mali." sabi ko. Naalala ko ang sabi ni nanay, gawin ko ang alam kong tama.

"Pero bakit? Para sa'tin din 'to Victor!" tinulak ako ni Angelica.

"Para sa'tin? O para sa'yo lang din kagaya ng itay mo?" hindi ko mapaniwalaang sumasagot ako ng ganito.

"`Wag mo kong baligtarin Victor! Hindi mo ako mahal! Hindi mo..."

"Mahal na mahal kita Angelica! Pero sasama lang ang tingin ng itay mo sa gagawin natin." sabi ko sa kanya.

"Oo nga. Sa mga napapanood kong telenobela, pinapakulong nila 'yong lalake, minsan pinabubugbog, ang masaklap pinapapatay!" singit ni Princess. Ngayon alam ko na na tama ang naging desisyon ko dahil sang-ayon sa'kin si Princess pero grabe, natakot ako sa mga sinabi niya. Mala-telenobela pa naman ang buhay ko.

"Sorry." sabi na lang ni Angelica. Yuko itong tumayo at pumasok sa kwarto.

"Tama ang desisyon mo Victor. Boto na ako sa'yo." napangiti ako hanggang tainga sa sinabi ni Princess na pinasok din ang sariling kwarto.

Paano ako? Wala akong kwarto dito.

Kinatok ko si Angelica. "Pwedeng pumasok?" tanong ko sa pinto.

"Bukas 'yan." matamlay na sagot niya.

Nakita ko siyang nakahiga at nakatalikod sa akin. Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok niya. Pwede kaya akong humiga katabi siya? Sana maging masaya pa rin sa akin si Angelica. Wala pa akong maipagmamalaki pero kailangan naming gawin kung ano ang tama.

"Victor..." malambing na bumangon si Angelica. Napakacute niya ngayon habang nakatagilid ang kanyang damit na parang nanunukso parang tumigil nanaman ang oras.

"Hmm?" pacute ko ring reaksyon.

"Hindi ka cute `wag kang magpacute." pambabara niya sa'kin. Awts!

"Ano ba `yun?"

"Mahal mo ba talaga ako?"

"Oo naman kung ang isyu pa rin ay yung pinag-usapan natin kanina, hindi na magbabago ang desisyon ko."

"Gano'n." malungkot niyang sabi at tumalikod muli sa akin.

"Angel, ipaglalaban naman kita kahit ano ang mangyari."

"Madaling sabihin mahirap gawin." sabi niya. Tama rin siya. Wala pa kami sa sitwasyong papipiliin ako kung ano ang mas tama, ang relasyon namin o ang isang importanteng bagay. Hindi pa din ako napunta sa gano'ng sitwasyon.

"Ano ba'ng gusto mong gawin ko para magbago ang isip mo?" sabi ni Angelica na namumungay ang mga mata. Naglilikot ang isip ko lalo na noong inilapit niya ang mukha niya sa akin at may kiliti siyang humahaplos sa kamay ko.

"A-ano'ng ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong kasi parang ngayon lang ako natense ng ganito. Ano ba ang pipiliin ko? Ang sarap o ang hirap?

Kapag ba itinanan ko siya darating ang araw na mapapatawad rin ako ng magulang niya? Pero parang giyera ang navisualize ng utak ko. Giyera ng dalawang angkan. Putakan at suntukan nauwi sa barilan at kasuhan. Bigla akong nabalik sa mundo ko nang maramdaman ang dampi ng labi ni Angelica.

Hinawakan ko siya sa balikat at dahan-dahang inilayo sa akin. "Angelica, hindi mo mababago ang isip ko."

"Ibig sabihin ayaw mo ng halik lang?" napalunok ako ng laway ko sa sinabi niya. Akma siyang maghuhubad ay pinigil ko siya.

"Hindi naman sa ayaw ko ng gagawin mo pero hindi mo pa rin mababago ang isip ko sa pinaplano mo."

"Shit ka naman eh! Gagawin ko na nga ang lahat para lang magkasama tayo! Hindi mo ba naaappreciate?! Napapahiya ako Victor."

"Sorry pero mali nga kasi. Hindi dapat." habang sinasabi ko ito ay tinatabig ko ang kamay niyang naglilikot. "Ano ba?!" nagulat ako sa pagsigaw ko.

"Iwan mo na lang ako." sabi niya at nagbalik sa pagkakahiga at tumalikod sa akin.

"Sorry." pag-alo ko pero ayaw niya akong harapin.

Tahimik akong lumabas. Naririnig ko ang paghikbi niya sa bawat hakbang ko palayo. Lumabas ako ng bahay na walang payong. Walang dalang pananggalang sa ulan ng lungkot. Hindi ko lang alam kung babaha na ng luha pero ayoko pang isuko ang kawayang nanatiling nakatayo sa gitna ng bagyong ito.

>

Pinalipas ko ang araw na iyon at pinuntahan ko uli si Angelica. Hindi na ako dapat magkamali ngayon, walang aso sina Angelica kaya dapat tama na ang pupuntahan kong bahay. Sana hindi ako nagkamali.

"Ang aga mo." tanong sa akin ni Princess.

"Gusto kong makita si Angelica." sabi ko.

"Pasok. Nag-almusal ka na?"

"Oo."

"Gel! Nandito bf mo!" sigaw nito sa dako ng kwarto ni Angelica. Parang sadyang pinarinig ang mga sinabi niya sa akin. Natuwa naman ako sa sinabi niya baka hindi niya alam na wala pa kaming pormal na relasyon.

"Ano ba'ng ginagawa niyan dito?! Ang aga aga pa eh!" simangot na sagot ni Angelica ko.

Tumayo ako at nilapitan ang kwarto ni Angelica. "Samahan kita. Puntahan natin ang daddy mo."

Napabuga ng kape si Princess. Si Angelica naman ay parang naging estatwa na sa gulat. "Bakit?"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo." sabi naman ni Angelica.

"Strikto si daddy." sabat ni Princess.

"Subukan natin." sabi ko naman.

"Gusto mo ba akong mapagalitan?!"

"Bahala kayo dyan. Buhay niyo yan."

"`Hindi pwede ang naisip mo Victor."

"Bigyan mo ako ng address. Ako na lang ang pupunta."

"Makulit ka talaga?"

"Ako pa?"

"Samahan na kita. Sandali." sabi ni Angelica ng pasinghap.

Muling sinadya ni Angelica ang ama sa opisina nito, ngayon kasama ako. Wala akong script o kodigo sa mangyayari mamaya o kung ano man ang sasabihin ko ay hindi ko pa alam. Basta ang alam ko, kusang bubuo ng salita ang puso ko para dahilan kung bakit tiumitibok ito.

Nakasiwang ng konti ang pinto ng kwarto ni Mr. Benitez pagdating namin. Hindi na siya inabisuhan ng secretary sa front desk na dumating kami base na rin sa hiling ni Angelica. Nakita kong sinasalo nito ang kanyang noo, parang tanda na may malalim itong pinoproblema. Ilang na ilang pa akong pumasok dahil dito. Nanatili kaming Nakatayo sa labas habang humihinga ako ng malalim.

Hindi ko pa naialay ang tupa sa ritwal ko ay kinatok bigla ni Angelica ang pinto senyales na papasok na kami. Inayos ko ang tayo ko at naghanda ng matamis na ngiti.

Lahat `yon nawala noong makita na ang ama niya. Para akong tinamlay at nahalatang pinapak ang isang balot ng kape. Lalo pa akong nagnais tumakbo palayo noong nagsalita si Angelica.

"Dad, this is Victor, my boyfriend." pakilala sa akin. Kailan pa naging kami?

"Hindi mo man lang muna ba pauupuin ang bisita? Upo ka dito iho." sabi ni Mr. Benitez. Mukha naman siyang mabait pero hindi mawala sa akin `yung itsura niyang malungkot na hindi nakita ni Angelica.

"Uhm. Sir, alam ko po ang sitwasyon -"

"Hindi mo alam." putol niya sa sinasabi ko. Napatigil tuloy ako sa pagsasalita.

"Dad!"

"Bakit?"

"Iho, alam mo ba na bankrupt na ang kumpanya ko? Ikaw Angelica, alam mo ba `yon?" pareho kaming natahimik naghihintay na palayasin kami.

"Pero binibili ito ng pamilya ni Ken kaya Angelica, kung makakasal kayo, dito pa rin tayo. May parte pa rin tayo sa kumpanyang pinagpaguran ko."

Nakayuko lang kami. Napahiya kaming dalawa pero kailangan kong gumawa ng paraan.

"Excuse lang po. Nakausap na namin si Ken at pumayag siya na si Angelica ang magdesisyon para-"

"Ako ang ama niya kaya may karapatan akong magdesisyon para sa kanya!" sabat muli niya. Wala talaga kaming sapat na tapang pero may pinanghahawakan kami. Ang pangako na ipaglalaban ko siya.

"Wala." sabi ko ng mahinahon. "Walang sinuman ang pwedeng magdesisyon para sa isang tao."

Tinignan lang nito ang anak na parang nagsasabing, 'eto ang ipinakikilala mo sakin? isang batang walang respeto?'

"Ang pangarap ng magulang ay ang pangarap ng anak. May mga bagay na kailangang ipagtanggol ng isang lalake kahit ikapahiya o ikamatay pa niya ito. Ang kasiyahan ng magulang ay kasiyahan rin ng anak. Kung ang pagsasakripisyo para sa anak ay kailangan, gagawin ito ng magulang, maging masaya lang ang anak."

"Anong alam mo sa pagiging magulang?"

"Siguro nga wala pa akong karanasan sa pagkakaroon ng pamilya pero marunong akong magmahal. Ang pakikipagrelasyon ay paraan para makilala ng husto ang susunod mong pamilya o ang bagong miyembro ng pamilya. Sa pamilya nagmumula ang paraan ng pagmamahal ng isang tao at alam ko na minahal ako ng aking pamilya at minahal ko rin sila kaya hindi ako nagdadalawang isip sabihin ang saloobin ko dahil ito ang tinuro sa akin ng magulang ko, ang pagmamahal. Nasasabi ko ito dahil ito ang alam kong tama, kaya kung mali po ako, maari ko ng isuko ang pagmamahal ko kay Angelica."

Hindi ko akalaing masasabi ko ang mga bagay na ito. Sabi ko na nga ba may mahiwaga sa bibig ko eh. Kusa itong naglalabas ng bango kapag kailangan.

"Kaya mo na bang buhayin ang magiging pamilya mo kay Angelica?" sabi niya at ngumiti sa akin. Nagulat din si Angelica sa sinabi ng ama, payag na siya sa amin. Napangiti siya at napayakap sa akin.

"Dad..." maluha-luha niyang sabi at niyakap ang ama sa kinauupuan nito.

"Siguro kailangan munang bumaba ng pride ko para sa'yo Angelica. At ipinamulat sa akin `yon ng kasama mo." at tumingin sa akin, nagblush ako kasi hindi ko na maintindihan ang tuwa na nararamdaman ko. "Eh ano naman kung bumaba ng malaki ang sweldo ko, hahanap uli ako ng trabaho kahit na alam kong kaya niyo ng dalawa ng ate mo mag-isa."

"Dad..." speechless pa rin si Angelica.

"Sa tingin mo hindi kaya type ni Princess si Ken?"

"Dad!"

>

Sandamukal na sermon ang natanggap ni Angelica sa boss niya dahil sa tagal niyang absent habang nasa labas naman ang supportive na boyfriend. Mabuti na lang ay hindi siya natanggal dahil sa magaling na programmer si Angelica ay hindi nila ito mabitawan.

Sa `di kalayuan, "Damn! They did not fall into the trap!" bulong ni Ken sa sarili nang malamang mailipat na sa kanila ang ownership ng kumpanya. "You do love him right?" tanong naman nito kay Joyce.

Mahinang tango lang ang sagot nito.

"Then do something!" inabutan uli siya nito ng isang sobre.

Maluha-luha niya itong tinanggap dahil na rin sa pagbalik ng kanyang ama sa ospital. Stage 3 prostate cancer ang inakalang UTI lamang na sakit ng ama. Pilit palang nakiusap ang ama ni Joyce ang doktor na itago sa anak ang totoong lagay nito. Ngayon, napakapit nanaman sa patalim ang anak para mapahaba pa ng konti ang buhay ng ama.

..itutuloy..


 
Re: Everyday in the Rain Chapter 15: Bahagharing May Lamat

uy may apdate na... Ts basahin ko na ah thanks
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 15: Bahagharing May Lamat

boom ! nice... tagal kong hnintay to ! :yipee:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 16: Joyce's Chapter

Chapter 16 : Joyce's Chapter

Hindi malaman ni Joyce ang gagawin. She has to choose between life of her dad, whispers of her heart or the doubts of her pride. Mabilis natapos ang araw niya dahil na rin sa kakaisip ng pangyayari sa kanyang buhay at sa kanyang pipilliing desisyon. Parang nasa kasalukuyan ka ng strip game, tabla ang labanan at nakapusta ang natitira mong saplot sa katawan. Kapag natalo ka, mahuhubo ka pero kapag nanalo ka mabubusog ang mata mo. Try to connect to her situation kahit mahirap.

Tumuloy kami agad sa ospital ni Joyce matapos niyang magpasama sa akin kung saan nakaconfine ang kanyang ama dala ang perang bigay ni Ken. May dala rin siyang pag-aalala at lungkot sa tuwing naririto siya, maging ito ay hindi ko nakikita. "`Tay! Nandito na `ko." sabi ni Joyce kasama ako sa nakaratay na ama kasabay nito ang paglabas ng nurse na nagmagandang loob na bantayan ang kanyang pasyente habang walang nagbabantay rito. Bawat segundo na tumititig si Joyce rito ay siyang patak ng luha na namumuo sa kanyang mga mata habang nakikita ang mga tubo na tanging nagpapatagal sa buhay ng kanyang ama.

"`Tay alam mo si Victor `di ba? `Yung kinukwento ko sa`yo na masarap magmahal, `yung kinokompara ko sa inyo." humila siya ng upuan at hinawakan ang kamay ng ama. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. May feeling ako na flattered dahil sa mga sinasabi niya. "Mukhang masaya na siya kasi parang wala ng sagabal sa relasyon nila ngayon."

Kumuha siya ng bulak at binasa ito at idinampi sa labi ng amang nakapikit. Hawak pa rin ni Joyce ang kamay ng ama, mabuti at may response ito, pilit nitong ginagalaw ang mga daliri para maiparamdam sa anak na nakikinig lamang siya. Kasabay ng matinis na tunog ng makina na sumasabay sa pintig ng puso ng mag-ama.

Nakita kong wala ng bulak at nagprisinta na akong bumili. "Sa baba lang may nagtitinda. Salamat ha?" ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

"Pero parang ako pa ang gagawa ng ikalulungkot niya uli. `Tay tama ba ang gagawin ko? Para sa inyo ito `tay." pagpapatuloy niya matapos kong isara ang pinto. Nakita ni Joyce ang pagtanggi nito dahil kumislot ang kanyang daliri sa pagkwento niya. Ngunit ang desisyon pa rin ni Joyce ang masusunod. Kailangan niya ng perang ito para mapagpatuloy ang paggamot sa ama, upang humaba pa ang buhay nito.

"Siya nga pala `tay. Mamaya darating na si Mama galing Australia para makita ka. Alam ko siya ang gamot mo kaya pinauwi ko siya." patuloy niyang pagkukwento. Luha naman ang response ng kanyang ama ngayon matapos marinig ang mga sinabi niya. Gusto niyang ilipat ang lakas niya para makasagot ng matino ang kanyang ama, gusto niyang sabihin ng ama na mahal sila nito at masaya siyang darating ang pinakamamahal niyang asawa.

"Kuwentuhan niyo lang siya ng kwentuhan para sumigla siya uli." sabi ng doktor pagkapasok nito.

Pinawi nito ang kanyang luha, pinalitan niya ito ng ngiti kahit na pilit at nagbigay daan sa doktor. Tinapat nito ang stethoscope sa dibdib ng ama, pinulsuhan ito, sinipat ang mga tubo at makinang gumagana na nagsisilbing buhay ng ama. "Stable naman po. Tawag lang po kayo sa nurse station kapag nagkaproblema." sabi nito at lumabas na.

Nararamdaman kaya ng doktor na ito ang sakit at hirap ng ama? Ang sakit na unti-unting dumudurog sa damdamin ng anak na naririto sa tabi ng ama, na pilit umaasa na tatagal pa ang buhay ng ama. Sana'y gumawa siya ng paraan at sana'y gawin niya ito ng libre alang-alang sa buhay ng isang tao. Masarap ang makikita mong buhay at masigla ang minamahal mo pero lahat ito ay may katapusan. Mabibili rin ng salapi ang buhay ng tao, pati ang saya na dulot ng kaniyang paggaling. Ngunit sa kanyang sitwasyon ay may ibang tao ang magiging miserable kapag kinunsinte niya ang kasamaang dulot ng pera pero ano? Ano ang gagawin niya? Hahayaan na lang niyang mamatay ang ama na hindi man lang binibigyan ng pag-asang lumaban at magpakatibay sa pakikipaglaban niya sa kamatayan? Hahayaan ba niyang lamunin siya ng kalungkutan at kanyang konsensya kapag pinalampas ang kahit na maliit na tyansa ng paggaling ng kanyang ama?

"Siguro isang oras na lang at narito na siya." ngiti nito upang palakasin ang aura niya na tiyak na nararamdaman ng kanyang ama. Ang kaninang 70 ay 130 na ngayon ang kanyang blood pressure, dahil lang sa presensya ng kanyang anak. Sumigla ang ama nito dahil ramdam niya ang pagmamahal na pinapadama sa kanya ng anak.

"`Tay gusto mo ng ponkan? `Di ba paborito mo ito? Sabi mo nga mas masarap ang ponkan kaysa sa orange at sangkis. Mas madali pang balatan." Pinapasigla niya pa rin ang ama sa kabila ng katotohanang hindi na ito magtatagal.

Pinatakan niya ng juice ng ponkan ang labi ng ama. Kita naman sa reaksyon nito na gusto nitong matikman iyon. "Ang tamis niya no?" Hindi talaga niya maitago ang lungkot na nararamdaman lalo na kapag iniisip niya kung paano isasakatuparan ang pagsira sa relasyon ni Victor at Angelica. Napakahirap. Bakit may mga tao na nagagawang samantalahin ang pagkakataong nagigipit ang isang tao para ipagawa rito ang isang masamang bagay para sa sariling kapakanan? Ang nahahabag ay kumakapit sa patalim at kahit na anong ipagawa mo ay magagawa nito para makatakas sa hawla ng lungkot at paghihirap.

"`Tay... Ama ko kayo `di ba?"

"Sana sa ganitong pagdedesisyon... matulungan ninyo ako..." Tuluyang pumatak ang pinipigilang luha ng kanyang napakagandang mata.

"Gaya ng dati..."

"Ang hirap eh..." suminghot pa ito kasabay ng pag-agos ng luha na nakahanap na ng daan palabas.

"May nararamdaman ako para kay Victor pero alam ko, maging masaya lang siya, masaya na rin ako."

"Hindi kami para sa isa't-isa..."

"Ayoko silang paghiwalayin..."

"Pero paano kayo?" tanging paghikbi lamang ang maririnig sa kwartong iyon ng ilang sandali. Kailangang mailabas ni Joyce ang kanyang hirap, kung may bisig lamang ng isang ama ngayon sa kanya ay malamang tumahan na siya. Kung maayos lang ang lagay ng kanyang ama, sana'y matutulungan siya nito, mayayakap at mahahaplos. Miss niya na ang pag-aaruga ng kanyang ama.

Kailan nga ba niya huling nasabihan ito na mahal niya ito? Kailan siya huling kumalong sa kandungan nito? Kailan niya ito huling niyakap? "`Tay, mahal na mahal kita. Namin ni Mama." sabi na lang ni Joyce at hinagkan ang ama sa noo. Niyakap niya ito at pinakiramdaman ang pagtibok ng puso na parang nagsasabing, "Mahal ko rin kayo anak."

Ilang minuto rin siyang nakayakap sa ama bago may kumatok. Ang kanyang inay, ang tagal na rin nilang hindi nagkikita. Wala pang isang oras ay narito na pala ito. "`Musta ang Itay mo?" kumalas siya sa yakap at binaling ang tingin sa ama. Nakakaawa ang kanyang lagay, bukod sa mga tubo ay meron din itong breathing apparatus. Hindi mo na masundan ang mga nakatusok sa kanya mula paa hanggang sa kamay, parang screensaver lang ng computer.

Agad niyakap ng ina ang kanyang asawa. "Akala ko... pera ang kailangan natin para mapagaling ka..." tumulo na rin ang luha nito. "Kaya hindi ako umuwi at tiniis kita...pero... pero kulang ang pera." sabi nito habang yakap niya ito. "Dapat nandito ako para sa'yo... suporta galing sa'kin... pagmamahal... pag-aaruga..."

"Ma..." tanging nasabi ni Joyce at bumalik ang mga luhang kanina'y tumahan na.

"Mabuti at inabutan kita... buhay. Kausapin mo 'ko. Nandito na ako." pagtingin ni Joyce ay lumuluha rin ang ama.

"Ma, pinaiyak mo si tatay." sabi nito at pinunasan ang luha ng ama, hinaplos pa nito ang buhok nito.

Ito ang inabutan kong eksena. Napakalungkot ng hangin. Parang may tumutunog na plawta na ang musika ay napakalungkot at napakalamig.

"J-joyce..." gulat kaming lahat pero walang ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Hinihintay kung ano ang sasabihin nito.

Boses ito ng ama. Inipon niya lahat ng lakas para makapagsalita, lahat ng pag-asa, at pagmamahal. "Mahal ko kayo... ng inay mo."

"Ma! Pinagsalita mo kasi si tatay eh. `Tay magpahinga lang kayo." sabi ni Joyce at mahinang tinampa ang balikat ng ina.

Ngumiti ang ama nito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Alam mo namang hindi na ako magtatagal..." sabi nito habang nakapikit.

"`Wag mo ngang sabihin `yan!" pagtaas ng tono ng asawa.

"Hayaan mo na akong... magpahinga. Salamat."

Biglang isang malakas na tono ng tunog ang umugong sa kwarto kasabay ng paghagulgol ng isang ina at pagluha ng isang anak. "Nurse! Tulong!" garalgal pa ang boses ni Joyce habang tumatawag sa mga maituturing niyang tagapagligtas ng kanyang ama. Naiwan akong tulala. Nanlalabo ang paningin ko. Napaupo ako sa malapit na upuan pero nakabawi ako at niyakap si Joyce.

Patakbo namang dumating ang mga nurse at doktor pati usyosero ng kabilang kwarto. "Excuse lang po."

Nagtabi ang mag-ina at nagyakap ng napakahigpit habang ang mga kamay ay magkadikit. Nakapikit. Nagdarasal.

Ayaw ng ama na nakikitang naghihirap ang anak. Ayaw ng ama na nakikitang lumuluha ang anak. Ayaw ng ama na hindi niya nababantayan ang anak. Ayaw ng ama na nalulungkot ang kanyang pamilya. Ang kanyang paghihintay sa asawa ay ang kanyang natitirang lakas upang mabuhay. Ang kanyang tanging ilaw. Sa oras na siya'y dumating, lahat ng kanyang lakas ay ibinuwis upang makapagpaalam at maipahayag ang kaniyang pagmamahal. Hanggang sa huling hininga.

>

Dumating ako kasama si Angelica suot ang puting mga damit upang iparating ang aming pagpapaalam sa isang mabuting tao na kapiling na ang Diyos. Kasabay ng paglipad ng mga puting lobo at paglipad ng kalapati na nagsasabing bagong buhay ay isisilang, ang siyang huling pagsilip ng lungkot. Habang unti-unting nababawas ang mga taong nakikiramay ay ang pagsikat ng bagong liwanag na yugto ng kanyang buhay.

Kasabay ng pagkawala ng ama ay ang paglimot sa planong wala ng patutunguhan pa.

>

"This will be the perfect timing Joyce!" ani Ken nang pumasok na si Joyce matapos ang ilang araw niyang pagkawala. Aakalain mong makikiramay si Ken sa paglapit sa dalaga pero hindi ito ang inaasahan.

"The loneliness in you will pull Victor into your arms! Perf--" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil isang malakas na sampal ay sa kanyang pisngi'y dumapo. Makikita talaga ang bakas ng kamay nito sa mukha ng lalake. Hindi ito nakapagsalita habang tahimik na iniwan sa harapan niya ang isang envelope na naglalaman ng pera. Ito lahat ng ibinayad sa kanya ni Ken sa pagtulong kuno sa kanyang ama.

Nagresign si Joyce sa trabaho. Hindi na niya maaatim pang makita ang mukha ni Ken sa kanyang buhay. Walang magawa si Ken kundi titigang lumalayo si Joyce.

Dito sa kabantang ito, sana'y naantig ang puso natin at namulat ang mata sa mga sitwasyong sa totoong buhay ay nagaganap.

~ itutuloy ~
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 16: Joyce's Chapter

Reality? It's far worse than that. May mga taong natutuwang pinaiikot ang mga buhay ng tao. Sarili lang ang iniisip. Ang tingin sa sarili ay diyos. What's worse? Nagbubulag-bulagan ang mga tao
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 16: Joyce's Chapter

yes..contributor..:D

ayoko ng iexaggerate eh..:lmao:
salamat sa pagbasa..:)
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 16: Joyce's Chapter

Last post, breaker004. 'kala ko updated na. Nag-iwan lang pala ng pasalamat :lol:

Wala ka naman maeExaggerate. Malala mga utak ng tao now :lol:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 16: Joyce's Chapter

konti na lang kasi ang readers nito..haha, sa tagal ko magupdate naubos sila..:slap:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 16: Joyce's Chapter

Nice paps breaker.! :clap:
.
Si arch contributor na, sipag mag spam eh :lol: ano pa ba namiss ko. :D
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 16: Joyce's Chapter

bookmark ko muna .. :D

basahin ko to next year :lol:
 
Back
Top Bottom