Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel [Novel] Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

para po sa mga gustong masundan ang storya ni Victor,
Isang Araw Lang Naging Kami > ito ang mga naunang nangyari..

the sequel..
:rain: Everyday in the Rain :rain:


Chapter 1 : Si Victor at ang Di Kilalang Babae :cry:
Napakalakas ng ulan noong umupo ako sa isang duyan at pinatugtog ang gitara. Napatigil na lamang ako sa pagkanta, nang may isang babae ang lumapit sa akin at pinayungan ako. "Wag ka ngang magpaulan." wika ng di kilalang babae.

Chapter 2 : Alaala :cloud9:
"Eh paano kasi, kanina pa ako nag-aabang at hindi ako sinasakay. Akalain mong nakasakay pa kita dito sa masikip na jeep." pagbitaw ko ng inis.

" 'Yan ang tinatawag na tadhana." ngiti nito.

Chapter 3 : Tuliro :panic:
“Sa’yo ‘to ‘di ba?” ang panyong ibinigay ko sa kanya noong mga bata pa lamang kami. Napatingin ako sa kanya.

“Ikaw nga pala ‘yun. Si Gel. Angelica pala ang buo mong pangalan. Itinago mo pa pala ‘to.” may galak na sabi ko. May ibang pakiramdam sa puso ko ang tagpong ‘yon.

“Sabi ko na nga ba ikaw si Victor na nakilala ko noon.” nakangiting sagot niya. Kumikinang ang mga mata niya, puno saya at ligaya.

Chapter 4 : Panganib :what:
"Umiiscore ka."

"Hindi ka galit?"

"Ngayon lang yan. Niligtas mo ko eh. Pero pag inulit mo pa, matitikman ng nguso mo 'tong kamao ko."

Chapter 5 : Sa Bahay :boogie:
Parang may mga glitter sa hangin habang tinitignan ko siya. Tulala ako, ngayon wala akong pakialam kung alam niya na nakatitig ako sa kanya. Parang slowmotion ang pangyayari. Unti-unting lumalabo ang background at para akong liliparin ng hangin. Hindi ako adik, hindi rin ako uminom ng energy drink at nagfeeling macho, ito siguro ang epekto kapag sininghot mo ang medyas mo. "You look great." sabi ko in English habang palapit sa kanya.

Chapter 6 : Bakit? :hilo:
"Angel, Gel, mine, babes, sugar, sweetheart, Angelica, ang ganda ganda mo. Hindi lang dahil madilim, hindi lang dahil inaantok ako, maganda ka, yun ang sabi ng puso ko. Alam ko marami ng nakapagsabi sa'yo nito, pero iyon ang totoo. Napakabait mo, hindi ka mahirap mahalin."- Victor

Chapter 7 : Ang Pagtatapat :giverose:
Bumangon siya at tinapat sa mukha ko ang mukha niya. Bumagsak sa akin ang buhok niya na kumikiliti sa laman loob ko. “Yung Fall of Adam, alam mo?” sabi niya. “Hu u?” sabi ko. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at dinampian ko sya sa labi. Mabagal pero hindi siya umiiwas kaya binukasan ko ang labi ko para sa mas intimate na halik. Napapikit ako at dinama ang labi niya na dumidikit sa akin. Ilang minuto rin ang lumipas nang matauhan siya. Inayos ko ang buhok niya, akala niya hahalik uli ako nang ilapit ang labi ko sa tainga niya, “Pwede ba kitang maging girlfriend?” diretsong tanong, walang paligoy ligoy, paligaw ligaw at palugaw lugaw.

Chapter 8 : Ken and Joyce :punish:
“Alam mo ba kung saan ako masaya?
Sa bawat ngiti at tawa sa iyong mukha,
Kung binibilang mo lang ang iyong mga piso,
Pwede ba kitang mayaya sa araw ng mga puso?”
-Mr.Suplado

“Alam mo ba kung kailan ang pinakamasayang araw ko?
Yun ay noong araw sa Jolibee na tinulak mo ako,
Ngunit ngayon ito ay mag-iiba,
Sa araw na ito, nararamdaman ko na.”
-Mr.Suplado

“Alam mo ba kung sino ang pinakamamahal ko?
Kilala mo siya at kapangalan mo,
Anghel siya sa lupa na itinadhana sa akin,
Nakangiti siya at titingin sa akin.
Sa harap niya ako’y may dalang bulaklak,
Sa likod ko si Kupido ay tumutulak,
Siya ang aking dugo, na bumubuhay sa aking puso,
Angelica ang kanyang pangalan, at siya ang date ko.”
-Mr.Suplado​
-Victor

Chapter 9 : Pagtataka at Luha:weep:
"Alam mo, ikaw lang ang mahal ko. Saka, bago pa lang kami magkakilala kasi nagtanong ako kung saan kita matatagpuan. Akala ko, pakikiramdaman ko lang ang puso ko malalaman ko. Pero hindi naman masama ang magtanong kaya kinausap ko siya."

"Baka naman sa kanya ka dinala ng nararamdaman mo?"

"Hindi rin. Kasi wala namang sinabi ang puso ko na siya na. Mabuti pa ngayon, pakinggan mo, binubulong ang pangalan mo."
-Victor

Chapter 10 : Rejected :kainis:
"Bukambibig mo talaga si Angel." malungkot niyang sabi. "Para kang kabayo. Nakatakip ang mata sa gilid kapag sinasakyan ng hinete, yan tuloy hindi mo nakikita ang nasa tabi-tabi kung hindi ka susunod sa hinete mo." -Joyce.

Chapter 11 : Misteryosong Gabi
"Mahal ka rin ni Angel, kaya lang hawak siya ni Sir Ken. Hindi ko alam kung ano ang gayuma o pangblockmail na gamit niya pero kapag ginusto niya nakukuha niya. Kakalabanin mo ba siya o ibabaling mo sa iba ang pag-ibig mo kay Angel?"
-Joyce

Chapter 12 : Parating na ang Ulan
"Alam mo bang masigla siya dahil sa'yo, masaya siya dahil sa'yo. Tadhana na ang bahala sa inyo. Balik ka 'pag naramdaman mong narito na siya. Alam ko malakas ang pakiramdam ng in-love." biglang sabi niya.

"Opo. Salamat sa payo. Babalik ako. Hindi ko siya hahayaang maging malungkot." ito lang ang masasabi ko dahil sa sobrang saya ng pakiramdam ko.
-Princess

Chapter 13 : Malakas na Ulan
"Sure because I like her better than my exes. I better say I love her."
- Ken

Chapter 14 : Payong

Hindi porque umuulan ay mananatili ka na sa bahay at matutulog o magkukulong sa kwarto at magpapainit ng sarili. May problema man, lumabas ka pa rin, huwag kang magbabago at ienjoy ang buhay. Isayaw mo lang ang ulan, ngitian mo ang bawat problema. Ang problema ay kasama ng buhay, parang ulan, kasama rin ito ng mundo. Kung wala ang ulan, paano na makakaroon ng cycle ang tubig? Kung walang problema, hindi tayo mamumulat kung paano maging masaya dahil hindi rin natin alam ang pakiramdam ng malungkot. Kung pangit ka, ngumiti ka, pangit ka pa rin. May payong na proprotektahan ka sa ulan, at may Diyos na laging pumoprotekta sa'yo.

Chapter 15 : Bahagharing May Lamt

"Hindi pwede ang naisip mo Victor."

"Bigyan mo ako ng address. Ako na lang ang pupunta."

"Makulit ka talaga?"

"Ako pa?"

"Samahan na kita. Sandali." sabi ni Angelica ng pasinghap.

Chapter 16 : Joyce's Chapter

"`Tay alam mo si Victor `di ba? `Yung kinukwento ko sa`yo na masarap magmahal, `yung kinokompara ko sa inyo." humila siya ng upuan at hinawakan ang kamay ng ama. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. May feeling ako na flattered dahil sa mga sinasabi niya. "Mukhang masaya na siya kasi parang wala ng sagabal sa relasyon nila ngayon."

Chapter 17 : Under The Rain

Ang kaninang kasalanan na inaako ko ay parang napawi sa effort na ginawa ni Angelica para sa akin pero ano'ng ginawa ko? Nagpalate pa ako? Kailan ba ako magiging matured? Kailan ba ako magkakaroon ng silbi sa taong mahal ko? Kailan ko siya mapoprotektahan?

Chapter 18 : Pot of Gold


comment kayo..:thumbsup:
kwentuhan tayo..:whisper:
:thanks:


http://acwrites.blogspot.com
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain Chapter 16: Joyce's Chapter

Ts baka kagaya ko medyo busy din siguro ung mga ibang reader
Anyway salamat sa udpate...
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 16: Joyce's Chapter

Chapter 17: Under The Rain

"Joyce!" tawag ko kay Joyce nang makita siyang palayo mula sa kumpanya. Tambay pa kasi ako habang hinihintay si Angelica. "Huh?" Liningon niya ako pero hindi siya lumapit kaya ako na mismo ang lumapit. "Saan ka pupunta? Hindi na kagaya ng school ang trabaho na pwedeng mag-cutting." ngiti kong sabi sa kanya.

"Nagresign na ako." sapat na ang salitang `yon para magulat ako.

"B-bakit?"

"Ayoko ng makita ang pagmumukha ni Ken."

"Ah. Pero alam ko galing kayo sa, uhm, alam mo na, gastos. Baka wala ka pang pang gastos niyan. Kailangan mo ng trabaho." Hindi naman sa i care for her, concerned lang ako.

"Mapapakinabangan ko naman ang katawan ko." sabi naman niya na ikinagulat ko.

"S-seryoso ka?" gulat na tanong ko. Parang biglang nanlamig ang pakiramdam ko, at pinagpawisan ako bigla. Iba rin ang tibok ng dibdib ko. Napalunok ako ng laway pero parang may nakabara.

"Kita mo. Pwedeng pwede akong magseduce ng lalake." ang lagkit ng tingin niya sa'kin. Akmang lalapit pa siya sa'kin kasabay ng mga mapungay niyang mata. Napaatras ako pero lumingon muna ako baka nandito ang bantay ko. Hindi ko alam ang gagawin dahil nakasandal na pala ako sa waiting shed at parang walang balak dumaan na tao rito. Tinitignan niya ang mga mata ko na parang sinasabing Halikan mo `ko. Ilang segundo rin siyang nakatingin nang hindi na napigilang tumawa. "As if gagawin ko `yon." sabi niya. Sayang sigaw ng naughty mind ko. Mali lang ba ang naramdaman ko o talagang gusto niya akong halikan at pinigilan lang niya ang sarili? Hindi naman ako manhid sa nararamdaman para sa akin ni Joyce.

"Akala ko gagawin mo nga."

"Pwede rin kung talagang kailangan na." sagot niya.

"Ayoko. Wag mo sayangin ang ganda mo." sabi ko ng pabigla. "I-ibig kong sabihin, makakakuha ka ng matinong trabaho dahil sa ganda mo. H-huwag kang negative." palusot ko.

"Pero kung sakali na gagawin ko, gusto ko ikaw ang mauna." sabi niya at tumingin sa akin ng patagilid na parang nahihiya. Napalunok nanaman ako ng laway dahil dito.

"H-ha? Ano ka ba?"

"Ayaw mo?"

"E-eh hindi naman sa, uhm, wag mong masamain pero ayaw ko."

"I see." sagot niya. "Pero don't forget na may nagmamahal sa'yo rito. Kung kailangan mo ng kaibigan, nandito rin ako." ngiti niya at lumayo na.

"Ha? Ah... Oo. Nandito rin ako kapag kailangan mo ko.” sagot ko. Siguro sapat na ito para mapasaya siya. Alam kong may lungkot pa rin sa puso niya sa mga nangyari sa kanya kahit ilang linggo na rin ang lumipas.

"Sabi ko na nandyan ka eh." galing sa boses ng aking anghel, napakasarap sa pandinig.

"Ha?" gusto kong ulit-ulitin pa niya ang pagkasabi niyon.

"Wala. Nakita mong umalis si Joyce?"

"Oo." sagot ko lang. At nag-usap pa nga kami tapos sineseduce niya ako, gustong sabihin ng isip ko. Mabuti na lang at napigilan ko kasi baka magselos si Angelica at iseduce din ako. Teka parang magandang idea `yun pero baka hindi `yon ang mangyari.

"Nasabi ba niya sa'yo kung bakit siya umalis sa trabaho?"

"Sabi niya, ayaw niya ng makita ang mukha ni Ken."

"Ha? Hindi naman `yun ang sinabi niya sa'kin eh. Saka, aalis din si Ken dito sa kumpanya kasi siya na ang mag-aasikaso sa kumpanya este dating kumpanya ni Daddy."

"Aalis na si Ken?" parang masaya pa ako sa nangyayari. Hindi na kailangang umiwas ni Angelica, hindi na siya madedestruct sa trabaho at hindi ko na rin kailangang mag-alala.

Piningot niya ang ilong ko. "Oo, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"

"Aray... Narinig ko. Pero teka bakit iba ang sinabi sa akin ni Joyce? Ano ba'ng sinabi niya sa'yo?"

"Interesado ka? Mabuti pang hindi mo na malaman."

"Bakit naman?" patampo kong sabi.

"Kasi `yon ang desisyon niya. Siya nga hindi sinabi sa'yo tapos gusto mo ako magsabi?" piningot niya muli ang ilong ko.

"Parang ikaw na ang suplada ngayon ah. Ms. Suplada."

"Mana sa'yo." ngiti niya. Wala akong kaalam-alam na dahil sa akin ang lahat kung bakit siya aalis ng kumpanya, lahat ng gulong idinulot ko rito, ako pala ang may kasalanan pero para kay Angelica ito.

"Pero I think, ito na ang katapusan ng mga problema natin." ngiti ko rin para quits.

"Sana nga."

"Date tayo mamaya."

"Mamaya? Eh ang sama ng panahon oh. Mukhang uulan mamaya."

"Eh ano ngayon? Kasama na sa memories natin ang ulan."

"Suplado talaga 'to. Ok! Mamaya." tumalikod na siya at akmang lalayo na sa'kin pero hinila ko ang kamay niya at ihinarap sa'kin. "Kiss ko?"

"Hindi pa naman tayo ah." ngiti niya sa'kin at itinapat ang hintuturo sa labi ko kahit na magkalapit na ang mukha namin.

"Pwede naman."

"Mas pwede kapag tayo na." sabi niya. Sa lahat ng dinaanan namin parang hindi ko na namalayan na hindi pa pala kami. Dapat hindi na niya pinaalala at dapat hindi na lang din niya naalala.

"Kita tayo doon sa park. 5pm sharp ha?"

"Park? Kung saan tayo nagkita uli?" paninigurado niya.

"Yup! Sweet `di ba?" Mamaya. Kailangan ko ng maghanda para mamaya. Date is a date.

>

"Now I'm ready." sabi ko sa sarili habang masayang nakatingin sa aking ginawa. "Patay! Mukhang maleleyt ako." 5pm sharp pala ha? sabi ng isip ko.

Gamit ang kotse ni tatay bumyahe na ako papunta sa park kung saan kami unang nagkita ni Angelica matapos ang mahabang panahon. "Trapik!" alam kong hindi na mabenta ang linyang ito para sa mga taong nalelate sa trabaho, sa eskwela o sa date pero ito talaga ang nangyari. Madalas pang uminit ang ulo ko habang nalelate ako at trapik ang dahilan. Gumagana ang pagkasuplado ko.

Kumulog na ng napakalakas, halos umuga ang kotse nang mag-umpisang pumatak ang ulan. Napatingin ako sa relo ko at 5pm na. "`Wag mong sabihing..." sabi ko na lang at bumusina ng bumusina.

"Hoy! Ang ingay mo! Hindi lang ikaw ang nagmamadali!" sigaw ng katabi kong jeepney driver sa lane.

Para saan ang busina kung hindi gagamitin? sasabihin ko sana pero pinigilan ko ang sarili ko. Napakalamig ng panahon para uminit ang ulo.

Nang lumuwag na ang kalsada ay pinaharurot ko na ang kotse, wala akong pakialam sa mga nauusukang tao na naglalakad sa sidewalk, ang iniisip ko lang ay makita agad si Angelica.

Pagdating ko sa park ay nagpark ako agad. 30 minutes akong late. Takbo akong pumunta sa may swing, dahil dito kami nagkita noon. Tanda ko pa noong pinayungan niya ako habang nagdadrama talaga akong nagpapaulan. Nagpalinga linga ako pero wala siya. Nasulyapan ko ang isang babaeng nakatalikod na parang naglalakad palayo. Basang-basa ito ng ulan. "Angelica?"

Patakbo ko nanamang nilapitan ang babae. "Angelica?" sabi ko at hinawakan siya sa balikat. Hindi ko nakilala si Angelica dahil sobrang basa ng buhok niya at parang wala siyang poise nang makita ko. "Sorry nalate ako. Tara silong muna tayo. Bakit ba wala kang dalang payong?"

Paghila ko sa kamay niya ay siya namang bagsak niya sa katawan ko. "Angelica? Ok ka lang ba?" hinawakan ko ang kanyang noo pati leeg. Shet! Inaapoy siya ng lagnat! sigaw ng utak ko. Agad ko siyang binuhat hanggang sa kotse at dinala sa malapit na ospital.

Kasalanan ko `to! sabi ko sa isip ko at sinuntok ang pader ng ospital. Handa na ang lahat pero bakit parang ayaw pa kaming maging masaya ng tadhana? Paano kung may mangyaring masama sa kanya? Paano kung napahamak siya? Paano kung mamatay siya?

Sinpok ko ang sarili dahil sa iniisip ko. Magiging maayos ang lahat.

"Ano'ng nangyari?" sabi ni Princess na hingal na dumating.

"Inaapoy siya ng lagnat na naabutan ko sa park. Kasalanan -"

"Kasalanan ko to eh! Kanina pa siya nilalagnat pero pinili niyang pumunta sa park para sa date niyo! Dapat pinigilan ko siya!" iyak nito.

Ang kaninang kasalanan na inaako ko ay parang napawi sa effort na ginawa ni Angelica para sa akin pero ano'ng ginawa ko? Nagpalate pa ako? Kailan ba ako magiging matured? Kailan ba ako magkakaroon ng silbi sa taong mahal ko? Kailan ko siya mapoprotektahan?

"Magiging ok din ang lahat." sabi ko na lang. "Magpapahinga lang siya." Si Princess nama'y tumabi kay Angelica at hinahaplos ang noo nito. "Bili lang ako ng pagkain." paalam ko.

Malalim ang iniisip ko habang naglalakad. Kung hindi ako nalate, baka hindi na tumaas ang lagnat niya. sabi ng isip ko. "Ay, sorry po." paghingi ko ng tawad sa nurse na nabangga ko. Pag-angat ng mukha ko, "Gladys?" Muntik ko ng malimutan, nursing nga pala ang course ni Gladys.

"Oh." unang masiglang tono ng kanyang pagkasabi pero parang napalitan ito ng lungkot. "Victor..."

Nginitian ko lang siya. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Ah.. Eh duty ko rito." wala akong alam sa nursing kaya hindi ko pa rin gets ang sagot niya pero si Gladys ay nasa 3rd year na. "Ikaw?" tanong niya bigla.

"Ah, binisita ko lang ang girlfriend ko." pagsisinungaling ko. "Sige. Bili lang ako ng pagkain." paalam ko.

"Sige." sabi niya at pareho na kaming naglakad palayo sa isa't-isa. Pakiramdam ko gusto ko pa siyang kausapin, makipagkwentuhan pa ng matagal. Napalingon ako sa kanya at eksakto rin siyang napalingon sa akin bago pumasok sa room ng pasyente niya. Medyo natawa pa ako kasi sabay pa talaga naming tinignan ang isa't-isa bago tumuloy uli sa talagang plano naming puntahan.

Parang bumalik lahat ng alaala ko kay Gladys. Mga masasayang moments noong pinamili ko siya ng gamit, pati `yung mapait na pangyayari namin noong inistorbo kami ni Robert sa kasalukuyan naming pagtuhog ng fishball noon. "Teka-" napalingon ako uli sa pinasukang kwarto ni Gladys.

Kwarto `yon ni Angelica!

~ itutuloy ~
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 17: Under The Rain

basabasabasabasabasabasabasabasa :unsure:

Nagbalik si Gladys :what:
Galing sa ibang story yata si Gladys ah...o ibang story lang ang nasa isip ko? Kung 'di ako nagkakamali may ibang story pa na sinundan 'to pero sa ibang thread...o baka lang napagkamalan ko lang magkadugtong kasi naligaw ako doon dati :lol:

Ayon sa aking pagsasaliksik :spy:
Tama nga 'ko :lol:
Isang Araw Lang Naging Kami :lol:
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain Chapter 17: Under The Rain

pag nabasa mo ang update cgurado aabangan mo nanaman ang next update hehehe...
tnx sa update ts
:thanks:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 17: Under The Rain

@arch,
tama ka..galing nga siya dyan, nagmigrate..:lmao: sequel ito niyan eh..

@squi,
squi na lang ha?haha, salamat kasi ikaw ang pinakamatagal na bumabasa nito..:approve:

maraming salamat sa inyong mga bumabasa, silent readers, at mga napapadaan lang..:thanks:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 17: Under The Rain

Ganda talaga nito. huling basa ko chapter 15 palang tas ngayon 17 na.
@Ts masugid na magbabasa mo rin ako simula pa nung kay gladys palang ( silent reader lang xD) Hanggang ilang chapter po ba ito? Thank you sa magandang story. Hindi nasayang oras ko :)
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 17: Under The Rain

update update po :yipee:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 17: Under The Rain

ilucky,
busy nga yata mga readers ko..ahe, last chapter na niyan..:)

darkcross,
hintay hintay lang po..hindi masarap kapag hinog sa pilit..:excited:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

for chapter 18 (last chapter) entitled Pot of Gold click lang sa photo at dadalin kayo nito sa dulo ng isang bahaghari, at gaya ng lahat ng kwento may katapusan din ito..salamat sa mga sumubaybay sa mahigit na dalawang taong paggawa nito..haha :salute: sana ay subaybayan niyo rin ang iba pang kwentong gawa-gawa ko..:rofl:

:thanks:



enjoy reading..:dance:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

ayos na ayos ang ending sir breaker
Salamat sa napaka gandang kwento...
ung ate ni angelica wala pa bf baka like mo din gawan ng love story heheheh:clap:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

ayos na ayos ang ending sir breaker
Salamat sa napaka gandang kwento...
ung ate ni angelica wala pa bf baka like mo din gawan ng love story heheheh:clap:

gusto mo siya maging leading lady? :naughty: pagiisipan ko nga kung trilogy ang gagawin ko, pati si Joyce gagawan ko rin. :D

salamat..isa kang masugid na tagasubaybay..:hat:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

Napakaganda bosing. Nakaka inspire. Matapos kong basahin eh parang nasa utak ko pa rin ang mga salita sa istorya hehe..

Gawa ka pa ng ganitong klase ng kuwento...

:thanks:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

:thanks:
salamat sa pagsubaybay sir..:D
sana basahin niyu rin yung iba kong kwento.:approve:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

Ayos. Yun yung pangarap kong love story. Matry din nga mag emote sa park habang umuulan. :lol: Good Job TS. Keep up the good work. Andito lang kaming fans mo. :thumbsup:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

nice one TS :D
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

@darkcross, nandito ka rin pala..:lol: salamat tol! :salute:

@mahangs, :thanks:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

Nice story boss:praise:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

May ka-nickname pala ako. Okay na sa akin na mayaman. Hindi ko na kukunin yung ibang ugali sa kwento. :laugh:


Sinimulan ko mula umpisa hanggang dulo at inabot ako ng 3 hours. Singit-singit sa work e. :lol:


Napakagandang kwento Tropa! :thumbsup:
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

Bat ganun.. kinililig ako.. :rofl:

:salute:
Ang galing mo talaga idol! :hat:
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

:weep: Boss, pwede po pa-post nlng nung chapter 18 dito..I can' t access the blogsite eh. Sayang kilig much pa nmn. :pray:
 
Back
Top Bottom