Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Oh NS (One Hot Night Stand)



VIRGINITY!

Baket ba napaka-BIGDEAL nito sa mga tao?

Idealy dapat na comment ay, "HUWAW, virgin ka pa! Clap! Clap!" diba?
But in reality sa generation na to ang comment na ay, "HUWAT?! Virgin ka pa? Boo! Boo!" diba?

Oh dont get me wrong mga p're, virgin pa ko at sa edad kong 30 ay proud ako maging birhen. Isa kasi ako sa mga lalaking naniniwalang ang dapat mong makasiping lamang sa kama ay ang babaeng pakikisamahan mo na habang buhay. Saka diba ang mga babae ay minamahal at hindi pinagsasamantalahan. Ewan ko nga lang sa marame kong kakilala, baket parang ang laki kong hangal sa harap nila.

Teka lang ha, hindi ako panget. Baka akalain nyong panget ako eh, minsan na nga akong nabansagang campus crush nung high school at mr. popular nung college. Wala pa lang talaga sa isip ko ang mga babae, ang magka-girlfriend. PERO, wait a minute! hindi ako bading, bakla, o beki. Hindi ko pa lang talaga nakikita ang babaeng pag-aalayan ko ng aking pagka-lalaki.

"Pucha pare, trenta kana birhen ka pa! Dapat sa'yo ginagawan ng rebolto eh, yung hubo't hubad! Haha" Siraulo tong si Albert, lahat ata ng ka-maniacan nasalo nyang lahat. Kahit ata posteng susuutan ng palda eh papatusin nito eh. Dose pa lang ata 'to ng unang makaranas sa kamay ng kanyang parloristang kapit-bahay. Palibhasa daw ay binibigyan sya ng pera kaya hindi na rin umalma. "Ganyan ba talaga ang mga lumaki sa mga lola?"

"Huwag mo na idamay ang lola ko dito, choice ko kung ano man ako ngayon."

"Pasensya, yan ang hirap sa'yo eh masyado kang emosyonal. Kaya ka napagkakamalan bakla. Napakasensitive mo at daig mo pa ang babae." May tama naman din si Albert, sensitibo talaga ako sa issue ng pagkalalaki ko at lalo na sa lola ko. Ulila kasi ako at walang ibang nagpalaki sa akin kundi ang aking lola.

"Uy pare ganda ng chicks oh! Kanina pa nakatingin sa'yo, type ka ata eh."

Kahit papaano ay mahilig din naman ako sa magagandang tanawin, magagandang babae to be exact. Pasimple kong sinulyapan ang babaeng tinutulkoy ni Albert at "wow oh wow", makalaglag panga nga ang babeng kanyang sinasabi. Kumikinang na silver ang kanyang suot na dress na hanggang puwet lang ang haba at kalahati lamang ng kanyang hinaharap ang takip-takip.

Teka, teka, tama ba ang nakikita ko, papalapit sya sa pwesto namin? Oo nga andyan na sya. Hala lagot, teka, hindi ako prepared. Walang laman ang wallet ko, nilibre lang ako nitong si Albert dahil naka-jockpat sa cougar na tinuturuan nyang mag-ballroom. Hindi pa man din alam ng lola na dito sa bar ang tungo ko, ang sabi ko ay overtime ako eh. Lintik lang ang walang latay nito kapag naamoy ako ng lola.

"Hi. Do you need company boys?"
Nasa harapan ko na ang anghel na mapang-akit. Kurbadang-kurbada ang perpekto nitong katawan sa kanyang dress. Kitang-kita ko ang pagkaluwa ng mata ni Albert na para bang hinuhubaran na ang babaeng maharot.

"Yes. Have a seat."
Nagmamadali ata itong si Albert maka-score ah, talagang silya sa tabi nya ang inalok. Pahiya lamang ito ng makitang sa kandungan ko umupo ang babae. Waaaaaaaaah, hindi ata ako sa iniinum kong alak malalasing kundi sa halimuyak ng babaeng kalong-kalong ko.

"Mukhang hindi na ako kelangan dito ah, sige sibat na ko p're. Magandang Miss, be careful with my friend ok?" Nakita kong inilapag ni Albert sa table ang pambayad sa aming mga in-order. Buti na lang at alam nyang wala akong pera. Pero paano kung magastos palang ka-table ang babaeng ito. Mukha pa naman sosyal at mayaman.

"Ah Miss, nice to meet you pero I have to go."
Mahirap na, baka hooker to at perahan lang ako. Ang sama pa ay wala naman akong pera, mahirap na magulpi ng mga bouncer dito kapag hindi na ako makapagbayad.

"This early?"


"Ah yes, yung friend ko hinihintay ako sa labas eh."
Palusot.com na lang muna ako. Ayoko mapahiya talaga.

"Haha, your friend? I saw him went outside with a girl. I dont think he needs to be with you at this time."


"Talaga?!" Sya naman talaga oh, kamalasan bang matatawag to? Mapapatay ko 'tong si Albert eh. Humanda ka sa opisina.

"Do you really want to get out of here? I know a private place."

Private? Waaaaaaaaah! Mas mapapamahal ata ako. Paano ba ako tatanggi.

"Ahm kasi... Sorry I cant."

"Why? Dont you find me attractive?" Nagtaasan ang aking mga balahibo ng bulungan nya ako. Nanginginig ako. Mawawalan na ako ng control. Nakakaramdam na ako ng pag-iinit. Kaya ko pa naman sanang labanan ng muli syang bumulong. "Let's go to my place if you want." Hindi ko na ito kaya. Napakagat-labi na lang ako ng bigla nyang kagatin ang aking tenga.

Isang ngiti ang ibinigay nya sa akin. Oh, those red lips. Parang gusto ko na itong tikman at kagatin. Lasing na lasing na ako sa kanyang bango, at para na akong na-hypnotized ng kanyang mga tingin. Hinawakan nya ang aking kamay at itinayo. Hawak kamay naming tinungo ang parking area. Bumalik ako sa aking ulirat. Wala akong sasakyan, saan ko sya isasakay.

"I dont have my car now, I just hitched with my friends car going here." Palusot ko na lang at sana ay ma-turn-off sya sa akin at bigla na lang sya mag-walk-out.

"Dont worry, I have my own car. Do you know how to drive?" Isang halik ang pinakawalan nya sa aking mga labi. Sino pa bang tatanggi sa ganitong grasya.

"Ye-yes." Nauutal na ko. Nanginginig, nagiinit. Parang gusto ko na syang sunggaban ng mga oras na ito.

"Here's my key. Let's go."

On our way, naka-ilang dasal na ata ako. Ito na ata ang katapusan ng aking paninindigan. Isusuko ko na ang aking sandata. Wala na tong atrasan. Walang tigil ang kamay ng init na init na babaeng nasa passenger's seat. Isa-isa na nitong tinatanggal ang butones ng aking polo. Gusto ko nang igilid ang kanyang kotse at dito na lamang sa sasakyan magparaos. Patawad na lang sa aking mapapangasawa kong hindi na ako kasing linis ng dati. Ngunit, subalit, datapuwat, THIS IS IT!

"Slow down, were already here." Bulong nyang muli sa akin. Ilang minuto lang ay nasa tapat na kame ng isang eleganteng condominium building. Walang sabi-sabi ay bumaba na sya ng sasakyan kaya napasunod akong bigla. Kinuha nya ang susi sa aking kamay at iniabot sa isang vallet officers. Wow talaga, mayaman nga ang babaeng unang makakalasap ng aking katas.

Hindi alintana ang mga tao sa paligid ay kapit na kapit sya sa akin. Ang bilis ng aming mga hakbang hanggang sa marating namin ang elevator ng building. Nasolo namin ang loob ng elevator at sya naman nakaw nya ng pagkakataon halikan muli ang aking mga labi.

"You're a good kisser." Palakpak naman aking tenga sa narinig mula sa kanya. Kahit pa man birhen ako ay hindi naman sya ang first kiss ko. Marame din namang nagkakandarapang matikman ang mga labi ko.

Nakita kong 20th floor ang pinindot nyang buton sa elevator. Mukhang malapit na talaga sa langit ang aming mararating. Hindi na makapagpipigil pa. Bukas na ang aking polo at lumabas na ang malaki kong tyan. Ay eh sorry naman, simula ng magkasakit ang lola ay hindi ko na nadalaw ang gym. Ngayon nga lang muli ako nakalabas ng bahay-opisina kong ruta eh.

"Ahm sorry, I dont have time to gym. Busy kasi sa office eh."

"Its ok, I find it more sexy." Sabay halik sa aking pusod. Sasabog na ako! Ang tagal naman bumukas ng elevator na ito ng makarating na sa paroroonan.

Pagbukas ng elevator ay patakbo nya akong hinila palabas. Pangalawang pinto mula sa elevator ang kanyang binuksan na unit. Ang bango sa loob. Alam na alam mong babae ang may ari dahil sa aromang tanging babae lamang ang makakapagbigay ng hustisya. Lalo akong nag-init. Muling nagtama ang aming mga labi. Gumapang na ang mga ito pataas at pababa ng aming mga leeg.

Sa pelikula ko lamang ito napapanood, at hindi akong makapaniwalang nagaganap na ito sa akin. Mula sa kanyang front door ay narating namin ang kanyang kwarto. Isang malaking kama ang nakita ko. Dito kame magpapa-ikot-ikot.

Teka, ako ay halos wala ng saplot pero sya ay balot na balot pa. Putek, halata naman virgin na virgin ako. Ano bang dapat kong gawin? Anong dapat unahin tanggalin? Hindi mapakali ang aking mga kamay, ano nang susunod kong gagawin?

"What's wrong?"
Halata ang pagtataka sa kanyang mukha. "Dont you like it?"

"Ano kasi eh..."
Kelangan ko ng sabihin ang katotohanan. "Virgin pa kasi ako."

"You're kidding me?"

"Seriously no."


Humagalpak sya ng tawa. Nakakainsulto sa totoo lang pero ganun talaga ang katotohanan eh.

"Dont worry babe, I'll be gentle."
Sabay tulak sa akin sa kama. Inalis nya ang tali ng kanyang buhok at pumatong sa aking ibabaw.

Eto na nga. Ang aking unang karanasan. Ipinikit ko ang aking mga mata ng ilapit nya muli sa akin ang kanyang mga labi.

Ding-dong!
Hindi namin pinuna ang pagtunog ng kanyang doorbell.

Ding-dong!
"May darating ka bang bisita?" Naiinis kong tanong sa kanya. Bitin na ko sa totoo lang eh. "Or room service?"

"Wala naman. Baka nagtri-trip lang yan." At muli ko syang hinalikan.

Ding-dong!​

Argh! badtrip ka ng doorbell ka ah. Babarilin ko kung sino ka mang nagtri-trip ka.

"Honey are you there?"


Isang lalaki ang sumigaw mula sa labas ng pinto. Sino yun? Honey? Sana nag-tri-trip nga lang ito dahil ayoko maudlot ang pagpunta ko sa langit. Ngunit nakita ko ang babaeng kahalikan ko na bumalikwas mula sa pakakapatong sa akin. Natataranta ito at nagmamadaling pinulot ang mga nagkalat kong saplot.

"Sino yun?" tanong ko na lamang sa kanya.

"Ah, boyfriend ko."

"Boyfriend?!" Ulit kong tanong sa kanya at tango na lamang ang naging sagot nya. HInila nya ako patayo sa kanyang kama at ibinigay sa akin ang aking mga damit.

"Hurry up, you need to hide. Military ang boyfriend ko. If he founds out na may kasama akong lalaki dito, malamang mapapatay ka nun." Military? Tama bang ang pagkakarinig ko? Saka bumilis ang tibok ng aking puso. At sinabayan na sya sa pagpapanic. Anong gagawin ko? San Ako pupunta? Tatalon na lang ba ako sa building na to. Pero nasa 20th floor kame ngayon.

"San ako pupunta?"
kabado kong tanong sa kanya. Itinuro nya kurtina ng kanyang pader. Pakiwari ko'y doon nya ko nais magtago. Wala akong choice kundi ang sumunod sa kanya kesa naman ang mapatay ng wala sa oras.

"Sandali lang to promise. Just wait behind the curtains. Babalik ako kapag pwede ka ng lumabas."

Ano ba tong napasok ko? Dapat talaga nakikinig ako sa lola ko eh. Hindi ko dapat to ginawa.

"Honey I'm coming." Matapos nyang ayusin ang nagulo nyang kama ay sya naman nyang tungo sa pinto upang papasukin ang de-baril nyang boyfriend.

Hindi ko na masyadong nabigyan ng pansin ang ginawang pag-uusap ng mag-boyfriend. Ang tanging naririnig ko ngayon ay ang malakas na kabog ng aking dibdib. May ilang oras na rin akong nakatayo dito sa likod ng kurtina. Ngalay na ngalay, pawis na pawis, init na init. Kung anong oras na ay hindi ko alam, basta nabanaag ko na lang ang pagliwanan sa kwarto. Nasikatan na pala ako ng araw.

"Psst! All clear. You can go out now." Salamat naman at nakalabas rin sa likod ng kurtina. Totoo nga ang pakiwari kong sinikatan na ako ng araw na nakatayo.

"I'm sorry for what happen last night. Hindi ko alam na darating sya. Alam ko kasi na sa mission sya eh tapos...."

"No need to explain." Hindi ko naman na kailangan ang paliwanag nya. All I want to do is to get out of here. Baka bumalik nanaman ang boyfriend nito at matuluyan na ako. Isa-isa kong sinuot ang akin damet. Akalain mo't brief lang pala ang natira sa akin. Brief na lang pala ang namagitan mula sa akin at sa ruruok ng kaligayahan, tapos napurnada pa.

"Gusto mo bang ituloy natin yun..."

"No need. I have to go."

HIndi ko na inasam ang pwede pang mangyari sa amin. Wala na ako sa mood. Nilayasan ko na sya n hindi ko man lang inalam ang kanyang pangalan. Palabas na ako ng condo na hapong-hapo at bahong-baho sa sarili.

Ring ring!
Ring ring!
Ang hayup na si Albert ang tumawag. Humanda kang lalaki ka, makaktikim ka ng malulutong na mura.

"So how's the first night?"

Nais ko na sana syang bulyawan at murahin. Naisip ko na lang na mas mabuti pang palabasin ko na lang naging maiigi ang lahat ng nangyari. Para na rin sa ikatatahimik ng pang-aasar nyang virgin pa ako. Wala rin naman akong talo dahil maganda naman ang kasama ko kagabi.

"The best pare. It was a One Hot Night Stand."

-end-

_____________________________

Authors Note:

Inisip ko talaga kung paanong gagawing literal ang ONE NIGHT STAND...eh kaya ayan nangyari sa kanya, ISANG GABING NAKATAYO...literally!

:rofl:

 
Last edited:
wahahaha..
Hindi pa nangyayare saken ito,pero madami na akong illegal na mga kalokohan din naman.
At hindi ko na lang babanggitin,relate much kasi danas ko na yan pero andyan ang sarap pag alam mong may kinatatakutan ka!! Bwahaha!!

Ang galing,at nawiwili ka talagang magpanggap na lalaki Pula,nice job here. Is this a sequel of my previous work "One Night Stand" ??

LOL
 
:thumbsup:

ang mga lalaki tlga nakakita lang ng girls na maganda hala cge ok lng khit san pumunta.. ndi man lang tntnung kung
may BF c girlaloo hehe.. yan tuloy magdamag xang ngtago sa kurtina..
 
Last edited:
:thanks: po sa pag-basa.
try ko lang if effective ako sa mga HOT scenes eh.
:)
 
haha nawala antok ko sa pagpigil ng pagtawa ko sa story naimagine ko tuloy yung itsura niya habang nagtatago sa takot :rofl:

nice one ate red :thumbsup:
 
Last edited:
@master, matindi pa ba sa kape ang dating ng story?
:thanks: sa pagbasa. nakakatuwang paglaruan ang mga lalaki sa stories ko. Makaganti man lang sa ganitong paraan :lol:

@briker, matagal ko ng sikreto ang alter ego ko. huwag ka muna maingay! :)
:thanks: for reading!

OT:
miss kong TM..nasan na kaya ang iba?
 
@master, matindi pa ba sa kape ang dating ng story?
:thanks: sa pagbasa. nakakatuwang paglaruan ang mga lalaki sa stories ko. Makaganti man lang sa ganitong paraan :lol:

@briker, matagal ko ng sikreto ang alter ego ko. huwag ka muna maingay! :)
:thanks: for reading!

OT:
miss kong TM..nasan na kaya ang iba?

onga ate red,matindi pa sa kape yung story,haha parang babae umasta yung bida eh haha.:rofl:.
:more: stories to come ate red.
 
ayos eh..parang lalake talaga ang nagkwento..:D
nahihilig ka sa pagkukwento ngayon ah...pero bravo..more stories pa..idol na kita..:lol:
nays wan bnb.pula..:laugh:

ot:
TM, nawawala, dumarating, di man lang napapansin,..:whistle:
busy daw sila..
:lmao:
 
galing ng girl ano. nagawa pa niyang mang akit ng ibang lalake eh meron naman pala siyang boyfriend

nice story indeed
 
it was one helluva funny piece. tawa ako. galing mo pula! like it.
 
@trops breaker....nalilinya ako ngayon sa pagsusulat ng mga stories eh. kung ano-ano na nga lang nasusulat ko. lumalabas tuloy pagkalalaki ko :)
:thanks: for the reading and commenting :)

tropa talaga kita!

@urbc98, its just a story lang naman...pero meron talagang ganyang mga babae eh. buti na lang hindi ako ganyan :rofl:

:thanks:

@sam, hihi...minsan mas masarap magpatawa kesa magpaiyak diba po?
Inisip ko talaga kung paanong gagawing literal ang ONE NIGHT STAND...eh kaya ayan nangyari sa kanya, ISANG GABING NAKATAYO...literally!

:rofl:

:thanks: ;)
 
Last edited:
bumanat nanaman c ate puLa.
ehH mukang nagmamasid si id0L Ampz. hahaha.
hmmm aus .! Ang ganda ng kwent0.. naging lalake pa c ate puLa. hagahaha..
Its a nice literally st0ry
 
bumanat nanaman c ate puLa.
ehH mukang nagmamasid si id0L Ampz. hahaha.
hmmm aus .! Ang ganda ng kwent0.. naging lalake pa c ate puLa. hagahaha..
Its a nice literally st0ry

ahaha!
:thanks: sa pagbasa at pagcomment!
 
Ngayon lang ako napadalaw muli sa section na ito at ganito ang mababasa ko! :thumbsup: Wala ka pa ding kupas Miss Red! Ang galing mo!


Keep sharing and ALWAYS be inspiRED! :thumbsup:
 
Ngayon lang ako napadalaw muli sa section na ito at ganito ang mababasa ko! :thumbsup: Wala ka pa ding kupas Miss Red! Ang galing mo!


Keep sharing and ALWAYS be inspiRED! :thumbsup:

thank you KENDRIC!
namimiss ko na prsensya mo dito sa arts and lits. sulat sulat din! :)
 
mainit nga talaga sa likod ng pinagtataguan.. nakatayo ko tapos may mainit na tagpo at bitin ka pa. :lol:

good read..:thanks: for sharing.
 
mainit nga talaga sa likod ng pinagtataguan.. nakatayo ko tapos may mainit na tagpo at bitin ka pa. :lol:

good read..:thanks: for sharing.

IKR. something we don't want to happen.
:thanks: for reading :)
 
Back
Top Bottom