Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[one shot] Usok

"Ma, narinig ko po sa usapan ninyo nina Tito na itinago ninyo ang pagbubuntis sa akin. Kung hindi pa raw lumaki ang tyan ninyo hindi talaga kayo aamin. Hindi n'yo po ba ako gusto?"

"Hindi naman anak," singit ni Papa. "May takot lang. Bata pa kasi kami. Nag-aaral. Kasing edad mo lang kami noon. Ikaw ba may ideya sa pagpapalaki ng anak?" Umiling ako.

"Nishel, anak, hindi ka namin inaasahan pero hindi ibig sabihin na hindi ka namin mahal. Itinago kita pero umiinom naman ako ng vitamins at iniaagaw pa ng Papa mo sa baon niya ang pampacheck-up."

"Hindi po ba sumagi sa isip ninyo na ipalaglag ako?"

"Naku hindi! Ang takot lang namin noon ay paano ka namin bubuhayin. Buti na lang mabait ang mga Tito mo tapos yung Lolo mo kahit todo ang deny na ayaw kang makita hindi ka rin naman matiis." Natatawa pang kwento ni Papa habang nagsasalin ng juice sa vape. "Hindi sa pagpromote ng early pregnancy pero ang upside, bata pa kami at halos mapapatapos ka na namin ng pag-aaral. Next year graduate ka na."

"Bakit mo naman natanong anak?" Niyakap ako ni Mama. Sobrang higpit na halos hindi ako makahinga. "Parang lumaki ka yata anak."

Nalunok ni Papa ang usok.

- wakas
 
Back
Top Bottom