Bale marami na nagsasabi sakin na mag take ako ng NC 2, baka may idea kayo kung saang schools meron? Around pasig or cainta? Employed kasi ako full time at sunday lang off ko, halos wala akong oras mag ikot sa schools, pero may mga kist of schools na ako na gustong puntahan next week. Hindi ko lang sure kung open pa ba.
kung balak mo magturo sa senior high school, una mong gawin eh mag-ipon ng papeles mo na gagamitin mo sa ranking ng deped. search mo ang mga requirements at checklist na kailangan mo. ang pakakaalam ko:
PART 1
1. secure mo credentials mo nung college ka (OTR)
2. mahalaga ito malaki ang points iyong tinatawag na "General Weighted Average Certification" from your previous school
3. certificate of employment mo since galing ka sa industry kailangan mo ito para sa points mo sa experience
4. certificate ng mga seminars and trainings mo
hanap ka ng TESDA Accredited centers around your community. kaya lang sa lagay na yan sunday lang ang availability po eh medyo mahihirapan ka kumuha ng may mga ganyan na schedule for TESDA, kahit private centers mahirap.
5. mga plus factor sa ranking like mga certificates of recognition (like best in ganyan ganito sa work place mo basta recognition certificate, publications mo if meron ka)
6. iba't ibang legal forms na necessary para sa deped application mo (download mo)
7. pag nasecure mo na yan next mo problemahin isubmit mo lahat yan para sa ranking process...
8. oppss meron pa pala English proficiency test na tinatawag, na kung saan eh mageexam ka para sa additional point mo which is very important. kung saan ka kukuha? depende kung saan ka mag-aapply na division (tips: add mo na ang facebook inforboard nila para makasagap ka ng ng mga announcement at balita mga updates kung kailan umpisa at deadline ng mga application, kailan ang next na EPT exam mga ganun makakakilala ka rin ng mga kapwa mo nag-aapply dun tanong tanong ang bala mo haha)
9. WAIT mo ang schedule ng ranking process
PART II
Malaking plus factor kung LET passer ka rin kasi permanent ang status mo kapag nakapasok ka sa deped - paano naman ito, maghanap ka ng school na nag-ooffer ng Teaching Certification Program o mas kilala sa tinatawag na UNIT EARNER, ibig sabihin kukuha ka ng mga units ng education 18 units para makapag-exam ka ng LET, mag-inquire ka lang alam na nila yan kung ano mga subjects ibibigay nila sayo sabihin mo lang unit earner ang gusto mo sabihin mo graduate ka na ng 4year course. May mga school na 1 semester lang meron rin 2 semesters kuha mo na iyong 18 units. Mag-laan ka ng araw para makapaginquire ka kung hindi talaga pwede dahil sa work meron naman telepono, tumawag ka sa mga school na prospect mo para makapag-inquire ka... most of the time eh sabado ang klase nito
Pag natapos mo na eh mag-apply ka na sa PRC para mag-exam
pero kung ako sa iyo eh uunahin ko muna na maqualify ako sa tinatawag na registry of qualified applicant (yan yong nasa taas na requirements bawat isa dyan may corresponding points) (PART 1)
Nasa iyo yan kung habang nag-aapply ka eh mag-enrol ka na rin, or pagkatapos mo mag-apply at makuha tsaka ka mag-eenrol.. meron kasing tinatawag na 5 year provisionary ibig sabihin eh bibigyan kang limang taon mula sa pagkapasok mo para makapasa sa LET.
Good luck