Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others pagtatapos

Muli nagdadawalang-isip siyang paniwalaan ang mga salitang nakapinta sa dingding na pilit ipinapaalala na huwag susuko sa pangarap, maging matapat at higit sa lahat tumgingin sa pinanggalingan. Paano, saan at kailan ang mga tanong na umiikot sa kanyang ulo. May magagawa ba siya o may magagawa ba ang maliit na bayang nabubuhay sa pag-uuling?

Ang tapik sa kanyang likod ang nagpabago ng kanyang mood. Isang pangkiliti sa isip na hindi siya nag-iisa sa mga bagay na gusto niyang subukan, sugalan o tahakin.

"Malalim na naman yata ang iniisip mo Jonrey?" Isang ngiti na kapalit ang kaginhawaan sa dibdib.

Pinagmasdam niya ang bawat detalye ng galaw ng labi at kisap ng mata ng kanyang kausap. Mapag-anyaya. Mapanukso. Walang nasayang na sandali. Niyakap niya ito kasunod ang isang maikli ngunit makabuluhang ngiti sa labi.

"Pagkatapos nito paano na?" sagot ni Jonrey habang inilalagay sa bag ang togang kulay kahel.

"Walang magbabago. Pangako. Mag-uusap, magtatawagan at magkakamustahan." Ngumiti siya. "Ako lang ang aalis hindi ang puso ko."

Masaya silang nagkuwentuhan ng pangarap, plano at mga uuliting romantic moment na kahit alam sa sarili na malayo pa ito sa kasiguraduhan.

"Tara!"

Mabagal ang kanilang lakad. Sinusulit ang bawat hakbang. Ang mga sandaling magkasama. Sana huminto ang oras, sana bumagal ang kanyang pag-alis. Sana.

Dalawang hakbang sa magkaibang direksyon ang kanilang naging puwang. Buntong hininga saka kapwa bumulong ng paalam.
 
welcome back panyero :naughty:
 
trying. yan ang nagagawa kapag walang internet.. hehe
 
Isa sa mga idol ko. Astig pa din,walang kupas.
 
Back
Top Bottom