Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay Pamaga.

..














Isusulat ko.

Oo, isusulat ko.

Sa isang blangkong papel.

Malinis, puro. Walang muwang.

Walang kaalam alam.

Parang ako lang nung sumama ka sa kanya.


Sisimulan ko sa pamagat.

Pamagat kung sa'n iikot ang storya.

Salitang sisimbolo ng kabuuan.

Ng pag-iibigan.

Natin.

Sana.

Kung hindi ka sumama.

Sa iba.

Sa kanya.

Saka na.

Masyadong mahirap umisip ng titulo.

Simbulo.

Na magpapakita kung ga'no kasakit ang mga susunod na salita.

Mga babala't paunawa sa mga susunod na kabanata.


Sinusulat ko.

Oo, sinusulat ko.

Ang mga baduy na linyang pwede kong sabihin.

Kung sakali mang tayo'y magtagpo,

kung sakaling mga hiling ay tuparin.

Mga birong may lamang emosyon.

Pakunwaring walang intensyon.

Na sa huli'y kinimkim na lang.

Sa limot ay aking ibabaon.

Ngunit ang masakit.

Ay kahit anong pilit.

Alisin ka sa isipa'y pagkawala ng bait.

Kasabay ng pagbaon sa limot

Ay ang iyong pabaong ngiti.

Na didiligan ng aking luha,

Bibigyang liwanag ng pag-iisip.

Bubuhayin ng mga 'sana',

Magbubunga ng hapdi.

Ng marka sa aking mundo,

Nang mawala ka sa aking mundo.

Kelan ko kaya ulit kayang lumipat?

Kailan ulit ako makakasulat?

Ni hindi ko alam ang gagawin.

Kung sa susunod na pahina ba'y

Nandoon na ang 'happy ending'.


Sinulat ko?

Hindi.

Sinulat mo.

Ako ang nagbasa, ikaw ang may-akda.

Hawak mo ang kwento natin.

Ako lang ang nakinig.

Naging masaya naman siguro tayo pareho.

Hanggang sa baguhin mo ang direksyon.

Mali ang aking mga hula.

Magaling ka palang manlito ng mambabasa.

Ang isang kwentong mula sa tunay na buhay,

Isa palang katha at imahinasyon lang.

Mahusay, mahusay.

Iiwan mo ko ng mga ala-ala mula sa mga kabanata.

Kabanatang nagpasabik, nagpasaya, nagpalungkot,

At nagpaluha.

Lilipat man ako't ika'y sa iba naman sasama,

Kahit sandali lang akong sumaya't umasa,

Umasang dulo'y isang wakas na aking hinahangad.

Sa librong binuhay mong 'Ikaw' ang pamagat.
 
ang galing idol. hehehe

more pa!
 
Back
Top Bottom