Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Pangakong magkaibigan

Pangakong magkaibigan


May isusulat na bagong kabanata
Silang limang magkababata
Magkakasamang humarap sa mga hamon
Pagkakaibiga'y pinanday na ng panahon


"Walang iwanan magpakailanman"
Pangako ng limang magkakaibigan
Pero dahil sa isang aksidente na di inaasahan
Ang isang kaibiga'y maagang lumisan


Sa lugar kung saan pulos ang pagtangis sila'y pumaroon
Ang bida doon ay isang parihabang kahon-
Kahon kung saan nakahimlay ang kanilang kaibigan
Doon nila inumpisahan ang kanilang kwentuhan


"Sa problema mo ika'y aking dadamayan"
Pangako ng apat na magkakaibigan
Ngunit ang hirap ng buhay ay di makayanan
Kaya ang isa ay nangibang bayan


Sa isang magarang paliparan
Doon itinuloy ang kwentuhan
Pagka't ilang minuto na lamang
Sila'y kailangan ng magpaalam


"Kahit kailan di tayo susuko"
Ang tatlong magkakaibiga'y muling nangako
Ngunit ang isa'y nakakilala ng banyaga
Kaya't siya'y nag-asawa, at sa kanya'y sumama


"Tayong dalawa nalang ang natira"
Turan ng dalawang magkaibigan sa isa't isa
Ang kahapon ay kanilang inaalala
Ano na kaya ang balita sa dating mga tropa?


"Mamahalin ka ng buong puso sa kasaganahan man o kahirapan"
Pangako ng dalawang magkaibigan na ngayon ay magkasintahan
Sa harap ng dambana sila ay sumumpa
Na mamahalin habangbuhay ang isa't-isa

Masaya ang kasal pagkat sila'y pinag-isa na
Malungkot rin dahil wala ang mga kababata
Sila'y pinaghiwa-hiwalay man ng tadhana
Ang alaala ng pagkakaibiga'y hindi naman mawawala
 
Last edited:
Ouch nag galing meaningful...aztig
 
Back
Top Bottom