Pano po ba manligaw na walang binibigay na material items like chocolates or roses?
Meron po kasi akong gusto, maayos naman po kami sa chat, then one day hinintay ko sya sa pathway ng school namin para ihatid sa sakayan nila, may handa akong chocolate syempre. Kaso hanggang nakarating na kami sa terminal nila hindi pa rin nya tinatanggap. Lol
After nun, nung chinat ko na sya hindi na nya ko nirereplyan. Naging cold kumbaga. Lol
Days after ayon tinanong ko sa kanya bat ba hindi nya tinanggap. Eto sagot nya.
"Basta, kahit sinong magbigay sakin na lalake ng ganun hindi ko tatanggapin except kaibigan ko na alam kong walang may something na ano yun basta"
PS: Alam ko wala syang gusto sakin, halata naman. HAHAHAHA. Pero kaya nga nanliligaw di ba. Para magustuhan nya. Patulong naman po sana. Pahingi ng tips
salamat.
Ito lang sa akin. Kilalanin mo siya. Ano hobbies at interest niya ganun. Kailangan mo kilatisin ang babae na deeper doon. Doon ka pumasok sa personal life niya. Para sa akin na meron siyang interest na pwede niya makarelate sayo dahil doon lang kayo magkakasundo. Some interest lang. Be yourself lang.
Hindi naman kailangan magbigay. Dalhin siya sa lugar na gusto niya na talaga mapapanganga siya. Well, kung lahat ay failure or what. Don't worry. Nagkataon na
unavailable ang puso niya. Iba ang tinitibok ng puso niya like meron siya goals, meron siya pusa na minahal, in love siya sa video games, too much self love, meron crush sa iba at maraming iba pa, kaya nga kilalanin siya kung single nga ba siya o kung in personal life niya ay meron siya. Yun pala meron siya crush na iba. Kung baga, mas priority niya iyon pero pwede naman magbago (ata) not sure. Example, kung
love niya magvideo games e di magdate kayo sa mall at dalhin mo siya sa video games store na kunyari expert ka (pero huwag mo gawin iyon kung wala ka hilig sa video games. kung ano ka, iyon ka dahil pangit magpretend na hindi ka talaga ganun)
Ako naman, the reason na
ayoko ng lalake ay hindi ako galit.
Iniisip ko na unavailable sila at wala sure dahil hindi ko sila kilala in a deeper sense pero kasalanan ko din dahil
ayoko magbigay ng opportunity na kilalanin nila ako at kilalanin ko rin sila
To be honest, mahirap mangkilatis dahil kahit ano kilatis, meron time talaga na hindi sila mag oopen up. Nakalimit.
Successful daw sa love and relationship kung 3 to 5 years na kayo magkakilala but sad to say, wala pa ganun in real life sapagkat nagiging magsyota o mag asawa na sila less than lang sa ganun taon, kaya maraming hiwalayan. Kaya nga sulit sa akin ang
magbestfriend na lalake at babae o yung childhood friend dahil iyon talaga ay for years sila magkakilala. Yung mga pangit kase ay kitang kita na nila sa isa't isa.
Oh well
I choose na maging first priority ko ay sarili ko at pangarap ko so nasa akin din iyon.
- - - Updated - - -
Teka... nailang ako dahil babae ang nagsasalita and a little bit na diskarte ng babae ito. Medio wala ligaw iyon. MU kung baga. Sa lalake kase kailangan meron ibigay. Sa babae ay wala na kailangan ibigay ata pero sa sinabi ko, meron lalake na gumagawa din iyon tulad ng ex ko. Wala siya ibinibigay. Hindi ko nga alam kung ligaw iyon dahil wala lahat. Yung ginagawa niya ay yun na yung sinasabi ko sayo.
Nagkaroon kami ng feelings then confirmation is a must dahil vinalue namin ang feelings namin at nang sinabi niya ng i love you sa akin, 24/7 days nag i love you na rin ako.
Na confuse ako kung ako ba o siya ang nauna pero feel ko na ako rin ata. Wala kase ligawan iyon. Ang ligaw diba kailangan ng epursue. Wala naman pursue sa amin. Wala.
Honest speaking, ayoko din na meron ibinibigay sa akin. Hindi ko feel. Parang hindi importante sa akin iyon dahil siguro wala ako hilig sa ligawan. Ay. Magulo. Sorry. Pati ako naguluhan. Haha.