Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pano ba manligaw ng walang binibigay na material items

patz0110

Professional
Advanced Member
Messages
150
Reaction score
0
Points
26
Pano po ba manligaw na walang binibigay na material items like chocolates or roses?
Meron po kasi akong gusto, maayos naman po kami sa chat, then one day hinintay ko sya sa pathway ng school namin para ihatid sa sakayan nila, may handa akong chocolate syempre. Kaso hanggang nakarating na kami sa terminal nila hindi pa rin nya tinatanggap. Lol
After nun, nung chinat ko na sya hindi na nya ko nirereplyan. Naging cold kumbaga. Lol

Days after ayon tinanong ko sa kanya bat ba hindi nya tinanggap. Eto sagot nya.

"Basta, kahit sinong magbigay sakin na lalake ng ganun hindi ko tatanggapin except kaibigan ko na alam kong walang may something na ano yun basta"

PS: Alam ko wala syang gusto sakin, halata naman. HAHAHAHA. Pero kaya nga nanliligaw di ba. Para magustuhan nya. Patulong naman po sana. Pahingi ng tips :) salamat.
 
Wala naman sa material things yan kundi hindi ka lang niya type. Part talaga sa panliligaw ang mga material things as long as mga simpleng bagay. So you cannot just stop giving material things hoping that a girl would like you.

In your situation, you cannot say "kaya nga nanliligaw para magustuhan niya". It doesn't always work that way. Because nagpapaligaw lang ang babae kapag type niya yung guy. Simple as that. Maybe next time you want to befriend the girl first and then work your way up. Kasi kahit hindi ka magbigay ng chocolates o flowers, a girl will know if you are courting her or not or kung may "malice" yung pakikipagkaibigan mo. So just move on.

If it will make you feel better, at least hindi siya garapal na tao because others might just get what you give pero hindi ka naman gusto at papaasahin ka lang or magtake advantage.
 
Pano po ba manligaw na walang binibigay na material items like chocolates or roses?
Meron po kasi akong gusto, maayos naman po kami sa chat, then one day hinintay ko sya sa pathway ng school namin para ihatid sa sakayan nila, may handa akong chocolate syempre. Kaso hanggang nakarating na kami sa terminal nila hindi pa rin nya tinatanggap. Lol
After nun, nung chinat ko na sya hindi na nya ko nirereplyan. Naging cold kumbaga. Lol

Days after ayon tinanong ko sa kanya bat ba hindi nya tinanggap. Eto sagot nya.

"Basta, kahit sinong magbigay sakin na lalake ng ganun hindi ko tatanggapin except kaibigan ko na alam kong walang may something na ano yun basta"

PS: Alam ko wala syang gusto sakin, halata naman. HAHAHAHA. Pero kaya nga nanliligaw di ba. Para magustuhan nya. Patulong naman po sana. Pahingi ng tips :) salamat.

Ito lang sa akin. Kilalanin mo siya. Ano hobbies at interest niya ganun. Kailangan mo kilatisin ang babae na deeper doon. Doon ka pumasok sa personal life niya. Para sa akin na meron siyang interest na pwede niya makarelate sayo dahil doon lang kayo magkakasundo. Some interest lang. Be yourself lang.

Hindi naman kailangan magbigay. Dalhin siya sa lugar na gusto niya na talaga mapapanganga siya. Well, kung lahat ay failure or what. Don't worry. Nagkataon na unavailable ang puso niya. Iba ang tinitibok ng puso niya like meron siya goals, meron siya pusa na minahal, in love siya sa video games, too much self love, meron crush sa iba at maraming iba pa, kaya nga kilalanin siya kung single nga ba siya o kung in personal life niya ay meron siya. Yun pala meron siya crush na iba. Kung baga, mas priority niya iyon pero pwede naman magbago (ata) not sure. Example, kung love niya magvideo games e di magdate kayo sa mall at dalhin mo siya sa video games store na kunyari expert ka (pero huwag mo gawin iyon kung wala ka hilig sa video games. kung ano ka, iyon ka dahil pangit magpretend na hindi ka talaga ganun)

Ako naman, the reason na ayoko ng lalake ay hindi ako galit. Iniisip ko na unavailable sila at wala sure dahil hindi ko sila kilala in a deeper sense pero kasalanan ko din dahil ayoko magbigay ng opportunity na kilalanin nila ako at kilalanin ko rin sila

To be honest, mahirap mangkilatis dahil kahit ano kilatis, meron time talaga na hindi sila mag oopen up. Nakalimit.

Successful daw sa love and relationship kung 3 to 5 years na kayo magkakilala but sad to say, wala pa ganun in real life sapagkat nagiging magsyota o mag asawa na sila less than lang sa ganun taon, kaya maraming hiwalayan. Kaya nga sulit sa akin ang magbestfriend na lalake at babae o yung childhood friend dahil iyon talaga ay for years sila magkakilala. Yung mga pangit kase ay kitang kita na nila sa isa't isa.

Oh well I choose na maging first priority ko ay sarili ko at pangarap ko so nasa akin din iyon.

- - - Updated - - -

Teka... nailang ako dahil babae ang nagsasalita and a little bit na diskarte ng babae ito. Medio wala ligaw iyon. MU kung baga. Sa lalake kase kailangan meron ibigay. Sa babae ay wala na kailangan ibigay ata pero sa sinabi ko, meron lalake na gumagawa din iyon tulad ng ex ko. Wala siya ibinibigay. Hindi ko nga alam kung ligaw iyon dahil wala lahat. Yung ginagawa niya ay yun na yung sinasabi ko sayo.

Nagkaroon kami ng feelings then confirmation is a must dahil vinalue namin ang feelings namin at nang sinabi niya ng i love you sa akin, 24/7 days nag i love you na rin ako.

Na confuse ako kung ako ba o siya ang nauna pero feel ko na ako rin ata. Wala kase ligawan iyon. Ang ligaw diba kailangan ng epursue. Wala naman pursue sa amin. Wala.

Honest speaking, ayoko din na meron ibinibigay sa akin. Hindi ko feel. Parang hindi importante sa akin iyon dahil siguro wala ako hilig sa ligawan. Ay. Magulo. Sorry. Pati ako naguluhan. Haha.
 
Last edited:
Paps kung ayaw ng chocolate daanin mo sa makalumang paraan gawan mo ng love letter which is much cheaper (Bolpen, lapis, Papel) lang katapat niyan di mo kailangan magbigay ng roses sa babaeng gusto mo which is mas maappreciate nila ganyan ginawa ko before nung time na nagaaral palang ako wala kasi ako budget para sa mga bagay na roses at chocolates haha
 
nakow hirap pag ganun ts hindi tinatanggap ganyan kasi ang mga hint na hindi ka talaga nya type but maybe masyado mong minamadali kasi sa first time na magmemeet ka pa lang (based on my experience) sa isang girl sapat na ang pakikipag usap at pag papaaliw ng inyong topic biro biro yung mga ganun tsaka pag na build mo na ang closeness sa kanya dyan ka na mag sisimula na mag pahiwatig at magbigay ng mga flowers at chocolate sure na sure d nya yan tatanggihan lalo na pag close na kayo ganyan kasi gusto ng mga girls hindi lahat but it works naman sa mga girls
 
element of surprise bro. ligaw kalye diskarte eh. dapat friends muna kayo sa personal. Hindi ibig sabihin na di sya tatanggap eh 100% at lagi nlng ganun, tatanggap din yan kapag ok na ang status nyo. Sa ngayon, makipagkaibigan ka muna talaga. support her.

Pero mas effective yung mysterious type ka.
 
nakiki basa nalang ako ng mga comment ts pareho tayu ehhhh ka may natutunan din ako sa pagbasa ng mga comment dito
 
Isa lang paraan dyan.. Direct action.. Tanungin mu kung maay pagasa k sa kenya..hehe kulitin mu lang. .. XD
 
Indirect approach ang gawin mo. Iyon ay para sa akin lang naman. Alam ko na panggirl ang ganito klase diskarte pero pwede po din gawin ng lalake iyon.

Hindi mo ba alam ang sekreto ng ibang babae na ligawin? Indirect approach sila kapag meron sila gusto na lalake and it is a reason why kahit kailan never ever sila nabubusted ng lalake uy. Although meron direct approach ang iba babae, pwede din (iyon nga lang pwede etake advantage ng lalake ang babae---maaari pero hindi sa lahat ng pagkakataon)---mas safe na hindi ka mabubusted.

Madaya noh? Sekreto ng babae ay binulgar e noh.

Iyon nga lang ay huwag ka maging babaero ha? Karamihan ng ganito diskarte ay nakakadami ang mga lalake ng babae. Mala misteryoso at challenging ang mga babae, kaya sila nililigawan ng lalake at lalake ang nagkakaroon ng urge na manligaw sa babae. Iyon ang maganda sa babae, magaling sila magseduce, kaya wala busted nagaganap sa kanila. Hindi common sa babae ang mabusted dahil ang babae is madali makakuha ng lalake.

Ang lalake mahirap makakuha ng babae dahil sila ang nagpupursue at nagchachase all the way para makuha nila ang girl and at the end, busted rin pala.

Mag indirect approach ka pero dahil babae ako at naisip mo na non sense ang ipinagsasabi ko, sundin mo yung lalake na nagsasabi na magdirect approach ka sa babae mismo at mangulit sa babae na walang humpay.

Risk mo na iyon kung mabubusted ka o hinde, basta mangulit ka lang raw. Pero kung nabusted ka, normal lang. Sa babae ang hindi normal kapag nabusted.

Anyway, kahit hindi ka gusto ng babae, hindi naman halata na busted ka nga kase indirect approach ang ginawa mo.

Sus me. If I know ganyan ang ginagawa ng karamihan na womanizer. Kapag tinanong mo sila, kunyari nanligaw sila kahit hinde. Hirap kaya manligaw.

Sabi ko sayo, one woman lang ang gawin mo girlfriend if susundin mo ang sinabi ko sayo.
 
Last edited:
TS. Move on kana. there are many fish in the sea. :D di ka mauubusan at hindi lng sya ang isda sa dagat :D
 
pano po yung indirect approach na sinasabi nyo? lol sorry po newbie
 
mag effort ka bro keep it up kung ano ung gingawa mo wag mong isipin agad na di ka nya gusto or basted agad basta tuloy ka lang. pwede mo syang idaan sa mga biro biro,. tapos pag alam mo or ramdam mong may effect ka na sa kanya, saka mo tigilan ng bigla ung tipong walang dahilan bigla kang nawala at di magparamdam. ung tipong parang mag papamiss ka sa kanya. pag hinanap ka nya at nag question sya sayo, for sure tinamaan na sya dun kung di man eh may namuong feelings na sya sayo. pero dapat alam mo ung kiliti nya, ung hobbies, fav food, type of music, etc..basta alam mong mapapatawa mo sya or pagiging kwela,, ung tipong masarap kasama, para pag kasama mo sya or may pagkakataon na magkasama kayo eh laging kang may bala or pang initiate na usapan. or kaibiganin mo mga friends nya bsta keep in touch lang. goodluck bro.. :salute:
 
una palang di nya tinanggap kaya alam na this.. dika nya gusto wagmong pahirapang sarili mo kasi base sa experience ko kahit wala kang ibigay sa babae basta gusto ka nya dika na iiwasan...kaya move on kanalang ibaling ang tingin sa iba at kalimotan sya..
 
ayaw mo un hindi ka mapapagastos hahaha. sa totoo lang hayaan mo siya sa trip nya. baka kung nag porsige ka na magbigay sa kanya ng kung ano ano lalo lang sya magalit sau at hindi ka na nya hayaang manligaw. siguro just be honest with her and be yourself and spend time when she allows it.
 
Isa lang ang sagot dyan.. Tiwala lang ...ts

Kahit ako naiintindihan q ung girl n sinusuyo mu eh!!
Panahon pa ata ni rizal ginagawa mu ts eh..

Try mu bigyan ng fishboll or kikiam ts na meron karing hawak na para seo . Meron 90% chance na tatanggapin nya yan.ts..:)

Marami na tayong pinagdaanan na pangulo syempre kelangan mong maglevel up. Panahon na ni duterte ngaun.. Try mu kea panoodin ang pinikula ni asiong salonga o ni robin padilla.. Baka makakuha ka ng kakaibang istilo sa panliligaw ts..:) tandaan mu ts panahon na ni duterte at ang sabi nya bago maaupo sa pagkapangulo change is coming na.. Mahirap na ma tokhang (BUSTED) ng mga babae ngaun...hehe

E2 sabi ni asiong sa panliligaw nya sa gurl.. Try mu to baka epektib..xD

"Masyado kang seryoso sa buhay. wag kang mesyadong magisip. simple lang ang buhay ng tao sa paglalakbay natin sa laro ng buhay. Nagkataon na gusto kita gusto mo ko nagmamahalan tayo magsasama tayo habang buhay..xD"
 
Last edited:
kung ako yung girl mas prefer ko friends muna... hahhaha kunin m muna ang loob nia..
 
impression lng muna ts saka na yung material na chocolate or roses kung meron na rin siyang something sayo. bola bola.. tapos kain kain kayo sa labas. pag tingin mo me something na rin siya sayo. maybe thats the time na tatanggapin na nya kasi your someone special na hindi ka na nya bibiguhin.
 
Back
Top Bottom