Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Payong (Dagli)

Mula anit hanggang sakong ang tubig sa katawan ni Isko. Inuubo't nilalagare ng sipon. Salo ng kanyang mga palad ang plastik bag na butas. Pinaglalagyan ng biniling bigas na kanina lamang ay umaapaw ang laman. Nalulungkot nya itong pinagmasdan, dahil ang kaninang isang kilo ay kakarampot na lamang.

"Pusang gala ka talagang bata!," pinihit ng kanyang Ina ang kanyang kanang patilya pataas.

Napaigtad si Isko sa hapdi. Dinukot ang walis ting-ting. Sunod-sunod itong humalik sa hita, paa, likod, at braso ng paslit.

"Maligo ka doon at magbihis! Minsan ka lang utusan na-peste ka pa! Pati ka-isa isang payong winala mo!" hugot-galit ng kanyang Ina.

Kinabukasan, may lagnat si Isko. May latay ang katawan. Nakatulog ng walang laman ang tiyan. Nakaratay sa tagpi-tagping banig ang likuran. Maya-maya pa'y sumulpot si Aling Nadia. Kabaryong niluma ng panahon. Bitbit ang payong na syang tunay na may sala.

"Daghan salamat sa imong anak, ug dili niya nitaas na ayo ang hilantan naku kahuwat sa akong asawa!"

-Wakas
 
anaknang kapitbahay oh :slap: nagulpi tuloy ang bata :no:
 
thanks :salute: tinatamad magsulat kaya maikli muna :lol:
 
kawawang bata :slap:

hb kasi ang nanay :no:
 
Sorry po paki translate naman ... hindi buo e di ko magets ibang dialect...

"Daghan salamat sa imong anak, ug dili niya nitaas na ayo ang hilantan naku kahuwat sa akong asawa!"

thanks sir amphie :)
 
Sorry po paki translate naman ... hindi buo e di ko magets ibang dialect...

"Daghan salamat sa imong anak, ug dili niya nitaas na ayo ang hilantan naku kahuwat sa akong asawa!"

thanks sir amphie :)

"maraming salamat sa iyong anak. kung hindi dahil sa kanya malamang may sa sakit na ako kakahintay sa lasing kong asawa!"

walang anuman, salamat sa pagbasa :smoke:
 
Lasing = hubog (binisaya) .. nagbibisaya ka pala idol?

Sumagot dapat ang nanay ni Isko ng "pastilan!" ,wala naman palang kasalanan ang bata ahaha.
 
^ si misis ay boholana :naughty:
 
Ay kaya pala nakakautay ka magbisaya,taga mindanao naman nadale ko. Isang taon nako dito sa davao,hindi pa ako masyado maalam mgbisaya,nosebleed pa din minsan.
 
Back
Top Bottom