Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

PD30 Takot nga ba sa Tsina?

Status
Not open for further replies.
neighboring country natin ang china at russia, pag nagkagulo at kumampi tayo sa us tayo ang lugi kasi napakalayo nang us satin, isipin mo kapitbahay mo dalawa kaaway mo tas yung ally mo nasa probinsya pa? pagdating nang ally mo gulpi sarado ka na.
 
Trust your president.. ayaw nya ng giyera kaya hanggat maaari iniiwasan muna ito.. wala tayong sapat na kagamitan o weapon pangtapat sa china.. US nga takot e tayo pa kaya na kakarampot na isla pag ikumpara sa US>.
Tiwala lang guys.. ^^
 
Logical lang naman na pabor si DU30 sa China kasi nga socialist sya, pero wag nya lang e-benta yung Pilipinas kasi sa bandang huli yung habol nang China is yung natural resources natin. Although mag donate ng China nang malaki my kapalit yan kagaya nang ginawa nila sa Africa. Pero im not saying that the US government is good.
 
Para sakin Tama naman ginagawa ni duterte....
Sadyang ayaw nya lang ng gulo para din satin yun lahat....
anu ba gusto nyu gyera? wag tayu mataas ang pride kasi kung kakampihan natin ang us....dios ko ang layu nun kung magkagira man...
patay tayu sa china!!!
 
Alam nyo(lalo na sa mga kumukwestiyon sa kakayahan ni duterte) talinuhan nyo lang pagiisip at pag analyze.. Hindi porke nakikita natin na tila pabor si duterte sa Tsina gaya ng mga binibitawan nyang mga salita na tila sa pagkakaunawa ng iba eh pumapabor sa Tsina eh kampi na sya.. It's a big NO! Ito na lang isipin nyo, kung ikaw ba presidente na mahal mo ang bayan mo tapos magpapadalos-dalos ka sa Tsina?? Na gusto mo harasin mo hanggang mapunta sa giyera? Hellooo! Kahit ako ayoko ng giyera dahil mahal ko kapwa ko in short mga inosente madadamay magiging battle ground ang Pinas sa pagitan ng US at Tsina dahil ally natin ang US. Hindi natin alam kungano pa ang nasa likod ng mga nangyayari dahil Pulitika yan mga tsong.. Ginagamit lang ni duterte utak nya tama yung sinabi ng isang nag comment si duterte ay isang Political genius(mga kilalang Foreign Political analysts pa nagsabi) wag sana tayo mas marunong pa dahil ordinaryong mamamayan lang tayo ang kontribusyon natin ay suporta at makialam at hindi ang mas marunong pa sa ginagawa ng pangulo.. Kung ako tatanungin kung may tiwala ba ako? Aba Oo! Kaya nga binoto ko eh.. At sigurado ako tayo parin magwawagi dyan dahil teritoryo natin yung mga isla at pabor pa ang UN sa Pinas so ano ang pinuputok ng dibdib natin?? Nakuh naman sabi ko nga talinuhan natin.. Kasi si duterte tinatalinuhan nya.. ginagamit nya ang tsina para lumakas tayo(alam nyo naman na malakas ang Tsina in terms of economy diba) at bandang huli ay Tsina ang dehado.. Sabi nga sa kasabihan "ginisa sa sariling mantika" hahahahahaha.. Kung pano ginagawa ni duterte yun?? Yun ang ipagkatiwala natin sa kanya.. Wag po tayong mas marunong pa.. Marami pa sana ako i s-share para lang maliwanagan yung mga may duda sa pangulo kaso ang hirap eh lalo na kung hindi malawak understanding ng magbabasa dito at mga trolls pa ng mga dilaw.. Sana yung TS ng thread na to ay hindi bayarang trolls ng dilaw(sorry no offense to TS)


Magtiwala tayo sa Pangulo at ipagdasal natin.. Bihira ang tao na kayang ibuwis buhay nya para sa kapwa nya Pilipino.
 
Last edited:
Gamitin niyo kaya ang internet to educate yourselves tungkol sa international relations, scope of sovereignty, and other issues na kinakaharap ng ating bansa ngayon gaya ng WPS at Benham Rise para maintindihan nyo rin the decisions of the President and the approach of his administration. Ang hirap kasi sa karamihan nasanay lang na kung anong naririnig sa balita naniniwala agad, pero sa mga nagdaang panahon wala namang pake sa mga gantong issue ngayon lang na si Pres Duterte ang naupo. Take advantage of the internet to gain knowledge at hindi para lang magreklamo.
 
Tama, mala grandmaster na moves nga na gawin tayong komunista at alipin ng Tsina. Kuwidaw, di mo pede linlangin ang Tsina kasi mas tuso pa yan kesa sa idol mo. Dalawa lang yan, submit sa kanila o labanan sila. Saan ka sa dalawa?


The last statement is absolutely a false dichotomy, a proof that TS is narrow minded. You can't restraint the actions we can do into just two. :disapprove:


I'm actually an anti-China individual since the day China started occupying our islands in WPS(patriotic reaction). However, I became curious when D30 made an unexpected approach
towards China. I have doubts to that response, but I realized I have to think outside the box, there are plenty of ways to settle this issue, not just two. Like a game of chess where a strategy must be carefully devised.

Most of your justifications are mere conspiracy theories TS, a possible propaganda against the President.

I'm not defending the President nor distrusting him, in fact, I wish he should have done the same approach he did to China towards US and EU so we have avoided controversy.

Lastly, as an answer to your question, I believe D30 is not afraid to China. :halo:
 
opinyon lang nman to dba?? sa tingin ko may diskarte talaga si du30 sa gnagawa nya at un ung hindi natin alam kaya nababahala tayo. Mga Pro duterte maghihintay sa moves ni du30 na mala grandmaster daw, sakin kasi nkakahabala tlga hindi din nman kasi papatalo ang china kung sakaling ginagamit sya ni du30, panu kung si du30 ang ma check mate?? ni leleft and right n tau ng china (west phil sea at sa benham rise) checkmate tau jan. Hindi lang si Du30 ang may diskarte pati ang China may gnagawa na din yan hakbang satin, nkakatakot masakop ng china dahil maxado mataas ang tingin nila sa sarili at higit sa lahat di sila katoliko kawawa tayo maxado kung sakali, Duterte ang binoto ko kaya nagtitiwala ako sa knya pero nkakabahala na sinu ba tlga ang nauto?? china o pilipinas???
 
Last edited:
Tama ka nga. Takot nga talaga siya sa China. Sumurender na agad hindi pa nga nakikipaglaban at nalimutan pa ang Jetski. Binenta pa mga isla natin sa halagang $24B. Katwiran ni Dutete, eh, gumanda na daw relasyon natin sa kanila, makakabenta na daw tayo ng saging at pinya sa kanila na galing naman sa Mindanao. So, sa tingin ni PD30, para na syang langaw na nakatuntong sa kalabaw. Ang problema lang ay napakatuso talaga ng Tsina at kahit na galing pa si PD30 sa makakaliwa ay di siya sasantuhin nito. Ika nga, ang polisiya ng China ay tinatawag na 'China First Policy'. Kung papanoorin mo yong Jumong na teleserye, makikita mo doon na sa umpisa maganda kunyari ang pakikitungo ng Tsina, pero, sa bandang huli mag-iiba na. Yan talaga ang history ng China. Ano kaya ang posibleng mangyayari pa sa hinaharap:

1. Dahil duwag si PD30 at nag deklara pa ng 'capitulation' o 'submission' sa Tsina, gaganahan ngayon ang Tsina na okupahan pa ang mga natitirang isla natin sa may West Philippine Sea at sa may Pacific Ocean.

2. Dadami pa ngayon ang pagtatayo ng Tsina ng mga istruktura nila at itutuloy ang pag kontrol sa tinatawag na 9-dash line at iba pang lugar sa Pacifico gaya ng Benham Rise. Mas dedepensahan pa lalo ng Tsina ang mga nasabing mga isla at lalagyan ito ng mga kagamitang pandigma gaya ng Surface-to-Air Missiles (SAM), High Frequency Active Auroral Research Program (HAARP) at mga Sea or Naval mines as a first line of defense nila.

3. Dahil nga binayaran na tayo ng Tsina ng $24B, matutuloy naman ngayon yong mga programa ni PD30. Of course, yong pera na yan ay magagamit through Publi-Private-Partnerships (PPP) at yong iba pera ay mapupunta sa mga 'offshore accounts' ng mga pulitiko. Syempre, hindi magpapakamatay yong mga alipores niya kung wala naman silang makukuha. Prankahan na lang, di ka mabibigyan ng pwesto sa gobyerno kung wala kang naiaambag sa kampanya. Ganyan talaga ang pulitika. At yong plano naman ni PD30 na pagpapatayo ng mga tulay, pati mga railway system ay matutuloy naman talaga, atbp.

4. Sa kinalaunan, makokontrol ng Tsina ang halos buong South East Asia maliban lang sa mga teritoryo ng Indonesia at Malaysia. Habang unti unting pumapangit naman ang relasyon natin sa Europa at Amerika na makakaapekto naman sa ating ekonomiya,depensa at kalakalan. Pati ang South Korea, Taiwan at Vietnam ay mag-aalangan na rin. Dahil ayaw na ni PD30 ang joint-exercises ng Pilipinas at Amerika, posibleng walang tulong pang militar gaya ng ekipo, armas, atbp ang makakaabot na sa atin.

5. Dahil nga tataas ang populasyon ng Pilipinas, na sa ngayon ay 105 million at sa taong 2020 ay aabot ng 115-120 Million (est.), lalaki ngayon ang demand ng mga Pilipino para sa pagkain, gaya ng bigas, isda, meat products, enerhiya, fuel at trabaho. Ano nga ba ang mga epekto? Pag lumalaki ang populasyon a.)dadami ngayon ang pangangailangan sa pabahay, kaya dadami ang magpapa konbert ng mga lupang agrikultural na makakaapekto naman sa produksyon natin sa bigas, prutas at gulay. b.)Lalaki rin ang pangangailangan natin sa yamang dagat kaya lang maaapektuhan talaga ang 'supply' dahil babawalan o lilimitahan ng Tsina ang pagpalaot ng ating mga mangingisda sa teritoryo nila na nasa loob ng 9-dash line at sa mga lugar na may mga 'stations' nila. Pede din kasi pagsabihan nila ang ating pamahalaan na may mga 'naval mines' silang nilagay bahagi ng depensa nila. c.)At dahil nga rin na tataas ang pangangailangan natin sa enerhiya at fuel, posibleng mag dedepende pa rin tayo sa Middle East na patuloy magdidikta sa presyo. Sayang na oportunidad dahil meron pa naman sana tayong mga 'energy and fuel reserves' na magagamit sana natin para ma develop pa ang ating bansa at sumigla ang kalakalan at trabaho, pero, ibinigay na ni PD30 sa Tsina ang pagkontrol dito kaya malilimitahan talaga ang 'sustainability' at pag-asenso ng ating bansa.

6. Ang gusto ng China ay makontrol ang South East Asia pati na rin ang ibang parte ng Africa (kaya marami din silang mga proyekto doon). Ano nga ba ang kadahilanan ng ekspansyon nila sa Africa? Dahil nga isang World Factory ang China, naka pokus ito sa industriyalisasyon at dahil dito malaking lupain nila ang kinailangang mako konbert sa pagiging industriyal na magpapahirap naman sa pagkukuhanan nila ng pagkain. Kaya kinakailangan nila ang West Philippine sea, mga bansa sa Asya at Africa para sa pangangailangan nila sa pagkain, isda, prutas at enerhiya upang masustentuhan ang malaki nilang populasyon.

7. Tuwang-tuwa si PD30 na nag eeksport na tayo uli sa China ng saging at pinya, at least, makakabayad na siya ng utang na loob sa kanyang mga 'financiers' nung nagdaang eleksyon. Ang problema nga lang talaga ay napakatuso ng China, hindi niyan kinakalimutan yong mga utang natin. So, ano ngayon ang pagbabayad? Ang pagbabayad natin ngayon ay sa pamamagitan ng pagbibigay natin sa mga isla sa WPS, pagbibigay kontrol sa kanila sa Benham Rise o di kaya naman ay sa 'trading' activities. At habang kumpyansa tayo sa pangangalakal ng saging at pinya sa China, darating din ang panahon na kokontrolin naman nito ang presyo ng 'trading'. Sila ngayon ang magdedekta kung anong presyo ng pagtanggap nila sa ating mga produkto habang mahal naman ang bili natin sa mga produkto nila gaya ng produktong enerhiya at iba pang kalakal. Dahil sa kanilang pagko kontrol, tayo ay magiging 'puppet' nila lalong lalo na ang mga pulitiko na mas lalong magpapayaman na kabaligtaran naman para sa mga ordinaryong mamamayan. Kaya kawawa ang henerasyon ni Stonefish, dahil sila ngayon ang magbabayad sa utang ng ngayong henerasyon.

8. Tanong: Magkaka modernize pa kaya ang sandatahang Pilipinas natin? Sagot: Syempre,Hindi na. Dahil pasasaan pa ba ito? Eh, kaibigan na daw ng Pilipinas ang China at Russia sabi ni PD30. At syempre, dahil gagawing puppet o tuta ngayon si PD30 ng China, lalong pagsasabihan ito na huwag ng i-modernize ang sandahatan natin dahil maging 'threat' ito sa kanila. Kaya lalo lang hihina ang ating AFP na hindi na makakalaban pa sa Tsina, bagkus, tayo pa nga ay magiging alipin na lamang.

9. Wala namang nagbago sa history natin. Parang paulit-ulit na lang at hindi tayo nagtanda. Noong sinakop tayo ng Kastila at Hapon, marami ang naging mga 'fanatics' nila, naging 'Makapili' o traydor pa nga ang iba nating kababayan. Sa umpisa maganda ang pinakikita nung mga mananakop pero nung lumaon eh pang-aalipin na pala.

obviously itong si ts sa pangalan pa lang anti du30 na. Kung mga opinyon lang ng tao ang hanap mo ayan. Obviously mrami talaga naniniwala sa pangulo kumpara sa mga di open minded na tulad nyo. Para saken napakasipag nya at worth bigyan ng pagkakataon at tiwala. Di ko sya binoto pero sa mga ginagawa nya ngayon i support him. Same as others, i dont like china. But being a president u must hav the quality to think outside the box. Ketatapang nga ntn e kulang nga tayo sa marine, di ntn kaya idefend ang bansa so ang tamang approach magpalakas muna tayo. Pano tayo lalakas kung san san naman napupunta ang budget? Kaya nga binabago na mga nakasanayan ng mga ugok sa gobyerno. Kaya ba ng ibang kumandidato gawin yon? Kalabanin mga mayayaman at may kapangyarihan? Subukan mo gawin banggain mga oligarch tingnan ntn kung di ka pulutin sa bangin. Dapat ntn samantalahin habang may isang matibay ang loob na paltan ang mga tiwali ntng opisyal. Gat corrupt ang mga mayor, congressman, senador, at mga sektor ng pamahalaan wag tayo umasa may magandang mangyayare sa bansa. Alam ko alam natin lahat yan.
 
suportahan nalang natin ang presidente..... balibaliktarin mo man ang mundo hindi tayo ang nasa katayuan nya.... sya ang presidente.. iniluklok xa ng nakakarami
 
kung takot pag uusapan....sa palagay ko hindi...hindi nga sya natatakot sa mga kalaban nya..dito nga sa atin kahit kapitbahay lng nakaalitan natin at pinagbantaan ka,,dba epapablotter agad..kasi takot tayo...sya wala syang takot kahit anytime soon puede syang patayin..media lng ngpapalaki ng issue na yan...
 
Di ko maintindihan si PD30, bakit kinakampihan niya ang Tsina. Yong mga isla natin sa West Philippine Sea, ayaw niya rin makialam buti pa ang Vietnam umaalma na, ang sabi niya may panahon daw dyan, ang tanong ay kelan yong panahon na sinasabi niya eh hanggang 5 years na lang siya. Ngayong bago lang, pumasok na yong mga taga Tsina sa Benham Rise at wala pa rin siyang pakialam. Buti pa si Chief Lorenzana may pakialam. Di kaya't ayaw na niyang makialam dahil nabayaran na ang mga isla natin sa halagang $24B? Sabi niya parang lifetime na daw yong soft loan. ang tanong, kung ikaw ba ay negosyante, magpapautang ka ba ng ganung kalaki na walang kapalit at parang donation na lang? Klarong klaro may mali at pinagtatakpan lang.

Pede kayang ma impeach si PD30 dahil sa 'treason', dahil sa hindi niya pagdepensa sa soberenya ng bansa? Sa tingin ko, parang sinasalaula na ng Tsina ang bansa natin ng harapan at tayong mga Pilipino na rin. At wala man lang tayong nagawa para ipagtanggol ang dangal natin. Magaling talaga ang Tsina sa kanilang estratihiya na busalan ang mga lider natin (pagba bribe) habang ninanakaw naman nila ang natural nating yaman at mga isla. Kaawa awang Pilipinas...


If you have the GOTS and a strong will and have enough forces to fight CHINA, don't hesitate to go for war with them if things get nasty. Alam naman nating mainit ito na issue, since nangingialam na din ang US and other sovereign country - that could lead into battle - and the china sea and Philippines could become the battle ground.

President Duterte main goal is to make peace with our neighboring country, but to not offering our land to China i guess. Just like he said, everything has a right time and now is not the right time yet - to talk and settle it to China.

Let be this remind to us all, the DUTERTE administration knows better and working 24/7 to make our country great again. We cant go on by battling and killing each others over a thing. Let's us support the administration today, rather than criticizing and making fuss that is against to the progress of our country.
 
Last edited:
If you have the GOTS and a strong will and have enough forces to fight CHINA, don't hesitate to go for war with them if things get nasty. Alam naman nating mainit ito na issue, since nangingialam na din ang US and other sovereign country - that could lead into battle - and the china sea and Philippines could become the battle ground.

President Duterte main goal is to make peace with our neighboring country, but to not offering our land to China i guess. Just like he said, everything has a right time and now is not the right time yet - to talk and settle it to China.

Let be this remind to us all, the DUTERTE administration knows better and working 24/7 to make our country great again. We cant go on by battling and killing each others over a thing. Let's us support the administration today, rather than criticizing and making fuss that is against to the progress of our country.

Agree ako dito sir (y)
 
Para Sakin Walang Masama sa pakkipag-alyansa sa Tsina, Malaking Pera Kapalit ng Isla Ok nadin, Dahil buong Bansa naman ang mkikinabang, ang daming ng aagwan sa islang yan. kung sino man ang manalo, naka kuha na tayo ng advance prize hehe.. e2 nmn ay opinion ko lang naman,.
 
Para Sakin Walang Masama sa pakkipag-alyansa sa Tsina, Malaking Pera Kapalit ng Isla Ok nadin, Dahil buong Bansa naman ang mkikinabang, ang daming ng aagwan sa islang yan. kung sino man ang manalo, naka kuha na tayo ng advance prize hehe.. e2 nmn ay opinion ko lang naman,.

ok lang joint exploration basta nirerecognize nila na sakop ng pinas yung kiniclaim nila tapos wala ng ibang salita or pang gugulat .Yung iba kasi nasobrahan na na lumaban daw akala mo naman sila yung pupunta sa gyera ni di nga masugpo sugpo yung NPA at Abu sayaf naghahanap na ng gyera sa china.

Pinipilit nila yung case na dapat kilalanin daw at i impose e wala nga tayong magagawa hahaha kakainis gusto nila na palaging sabihin ni duterte sa media na lalaban tayo mga ganito ganyan edi lalong iinit. Madaling sabihin kasi mga naka upo lang magtatrabaho Mon-Fri .
 
unang una po, Hindi po ako maka Duterte...at hindi porket hindi ako maka duterte at dilawan na ko.

Naniniwala akong takot sya in para sa kapakanan ng bayan. dahil agressive and tsina.
isa pa po, tsina din ang kinakapitan nya pag dating sa financial kaya di nya makalaban.
nakaka dismaya lang ang mga naging desisyon nya lalo na yang hindi man lang maipag laban ang lupaing nasasakupan nya.
pumabor na sa atin ang tribunal pero wala po syang magawang appeal man lang. siguro dahil sa kakulangan nya ng experience bilang mambabatas from Mayor to President
 
unang una po, Hindi po ako maka Duterte...at hindi porket hindi ako maka duterte at dilawan na ko.

Naniniwala akong takot sya in para sa kapakanan ng bayan. dahil agressive and tsina.
isa pa po, tsina din ang kinakapitan nya pag dating sa financial kaya di nya makalaban.
nakaka dismaya lang ang mga naging desisyon nya lalo na yang hindi man lang maipag laban ang lupaing nasasakupan nya.
pumabor na sa atin ang tribunal pero wala po syang magawang appeal man lang. siguro dahil sa kakulangan nya ng experience bilang mambabatas from Mayor to President

ask mo past administrasyon jan. Well, in fact, hindi yan kasalanan ni DUTERTE bakit yan naka pag build ang china jan..remember..nagsimula yan sa panahon ni PNOY, and now isisi nyo kay duterte..malaking kagaguhan
 
ask mo past administrasyon jan. Well, in fact, hindi yan kasalanan ni DUTERTE bakit yan naka pag build ang china jan..remember..nagsimula yan sa panahon ni PNOY, and now isisi nyo kay duterte..malaking kagaguhan

Maling-mali ka di ka siguro nagbabasa ng dyaryo. Hindi yan nagsimula sa administrasyon ni Panot, nagsimula yan sa panahon ni Tandang Fidel. Basa basa din naman pag may time. Nung mag construct sila ng structure sa west philippine sea, sabi nila pahingahan lang daw ng kanilang mangingisda. Nang lumaon hindi na pahingahan naging garrison na. Nauwi pa nga sa panghaharana ni Tandang Fidel sa dating Chinese Premier na tuloy parang nagmumukha siyang payaso. Takot lang ni Tandang Fidel sa China. Gaya ng ginawa ngayon ng idol mong si Dutete.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom