Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

PD30 Takot nga ba sa Tsina?

Status
Not open for further replies.
Eto na naman tayo nag-iisip ka na naman magkagyera tayo. Ang laro kasi ng China ay gulpi de gulat or 'bluff'. Bakit ko naman nasabi yan, kasi nung kinuha ng Vietnam yong mga isla sa Spratlys eh wala man lang nagawa ang China. Kahit nga yong Indonesia binonggo nila yong malalaking fishing vessel ng China eh hindi nga rin sila umimik. Tayo pa kaya na may outstanding Mutual Defense Treaty sa US? Eh yong Vietnam wala. Pag natakot ka sa 'bluff' ay siguradong talo ka. At bakit naman makikipag gyera ang China sa atin, di ba sila nasasayangan sa mga developments nila na pag lumala ang sitwasyon mas masisira ang ekonomiya nila. Mas maaapektuhan sila kesa tayo. Hindi nila kayang makipag gyera dahil pag ginawa nila magkakaroon ng krisis sa ekonomiya nila at maraming mga tsekwa ang magugutom. Kaya ng mga Pinoy na mabuhay kumain ng saging at bagoong pero ang mga tsekwa halos lahat ng pagkain nila ay nakaasa sa mga angkat dahil halos lahat ng mga lupa nila ay nai convert na sa industriyal. Kaya ang labanan ay takotan at ang problema ay takot talaga ang 'idol' mo pati na ikaw.

Ano bang progresibo ang pinagsasabi mo? Progresibo bang maituturing na ang developments na gagawin mo ay naka angkla sa utang eh parang 'fake' na progreso yan. Paano ka magiging progresibo nyan eh kapit sa leeg yong mga tsekwa sa atin dahil nga sa utang natin ($24B). Ilang henerasyon pa kaya ang magbabayad sa utang na yan, kaya nga tingnan mo dahil sa utang na yan, nagkakakandarapa ngayon ang administrasyon ni Dutete kung papano palawigin ang 'taxation' gaya ng 'sin tax', ad valorem tax, excise tax at kung ano-ano pa. In the long run, aanhin mo yong progresibo na sinasabi mo kung wala ng makain ang mga Pilipino at lahat ngayon ay ididikta na ng China? Dahil wala na tayong source sa langis, posibleng sa hinaharap ang China ang magdidikta sa presyo nito sa atin. Tandaan mo, malaking porsyon ng ating ekonomiya ang naka depende sa langis at enerhiya. Kung wala tayong magandang pagkukuhanan, sigurado tataas lahat ng presyo ng mga bilihin pag tumaas ang presyo ng langis at enerhiya. Magiging malaking pasanin ito ng bawat Pilipino. Kaya ba talaga natin ma sustain ang ating ekonomiya kung tayo ay naka depende lang sa China? Tandaan natin na ang export lang natin sa China ay saging lang pero yong mga produkto nila ay halos pina patronize natin. Kaya dito pa lang hindi na balanse ang trading.

Tama ka naman magiging progresibo nga dahil may mga bagong daan, tren at tulay pero ang tanong aanhin mo naman yan kung wala kang makain. Yan ngayon ang nangyayari sa North Korea, na kaalyado ng china, malalaki ang ang mga daanan nila pero halos lahat naman ng tao nila ay walang makain. Kaya nga yong Vietnam ay nakikisipsip na ngayon sa US, pero tayo naman ay kabaligtaran. Sinisira ngayon ni Panginoong Dutete mo ang relasyon natin sa US at EU. At yong mga tsekwa na yan, napaka swapang pa naman yan pag yan ang naging amo mo, maliit magpa sweldo at hindi pa pinapatupad yong mga labor laws. Kaya goodluck na lang sayo, sa mga anak mo at apo mo sa hinaharap. Mag dilang anghel ka sana.

Ang mali kasi sayo, nag sasalita ka na ng patapos, why not wait what will happen, hindi yung mas may alam ka kaysa ating Presidente? Tama ba?

First, you mentioned "UTANG". Para bang hindi na baon ang pinas sa utang, sa hindi pa lang nagsisimula si Duterte.

Second, US is bullshit! Yang sinabe mong dapat hindi antin sinisira ang relasyon natin sa US, that's bullshit. Ilang dekada na tayong kaalyado ng US, may paguunlad ba ang nangyari sa PINAS? WALA! Are you blind with that? Anong ginawa ng US sa pinas, wala! Mas lalong nghirap ang pinas. Yang bang sinabe mong mas pabor tayo magkakaalyado sa US kesa sa CHINA. That's bullshit. Mga oligarch lang ang nakinabang jan, at ang naghirap ang PINAS ang ang mamayang pilipino.

Third, DUTERTE was not only be-friendly with CHINA, kita mo naman siguru kung saang bansa sya ng state visit for stronger ties between our country - to them, in terms of military and economy, or sadayng bulag ka lang talaga dahil ang focus mo ay nasa CHINA.

Fourth, sir, sa sinabi mong naghihirap ang duterte ngayon sa budget nationwide - wag mo kalimutan, baon na tayo ng ilang TRILLION dollars before duterte's time. TRILLION DOLYAR YAN HA. So, problema talaga yan, dahil sa mga corrupt na mga opisyal ng gobyerno at daming nawawalang pera na parang bula na walang nagagawang mga magagandang proyekto.

Fifth: ..maya ko na cotinue..nood muna ako game GSW vs CAVS
 
Wala tayong mapapala dyan bro asahan mo sa mga ganyan nakaabang sa mga kilos ng gobyerno at gagawan agad to ng batikos kahit alam o di alam na makakabuti ba to o hindi sa mga kababayan natin at satin mismo. Masasayang lang ang pagtatype natin dyan bro dahil ginawa yang account nya na yan para ipambatikos talaga sa kasalukuyang administrasyon. Hehe. :)
 
Ang mali kasi sayo, nag sasalita ka na ng patapos, why not wait what will happen, hindi yung mas may alam ka kaysa ating Presidente? Tama ba?

First, you mentioned "UTANG". Para bang hindi na baon ang pinas sa utang, sa hindi pa lang nagsisimula si Duterte.

Second, US is bullshit! Yang sinabe mong dapat hindi antin sinisira ang relasyon natin sa US, that's bullshit. Ilang dekada na tayong kaalyado ng US, may paguunlad ba ang nangyari sa PINAS? WALA! Are you blind with that? Anong ginawa ng US sa pinas, wala! Mas lalong nghirap ang pinas. Yang bang sinabe mong mas pabor tayo magkakaalyado sa US kesa sa CHINA. That's bullshit. Mga oligarch lang ang nakinabang jan, at ang naghirap ang PINAS ang ang mamayang pilipino.

Third, DUTERTE was not only be-friendly with CHINA, kita mo naman siguru kung saang bansa sya ng state visit for stronger ties between our country - to them, in terms of military and economy, or sadayng bulag ka lang talaga dahil ang focus mo ay nasa CHINA.

Fourth, sir, sa sinabi mong naghihirap ang duterte ngayon sa budget nationwide - wag mo kalimutan, baon na tayo ng ilang TRILLION dollars before duterte's time. TRILLION DOLYAR YAN HA. So, problema talaga yan, dahil sa mga corrupt na mga opisyal ng gobyerno at daming nawawalang pera na parang bula na walang nagagawang mga magagandang proyekto.

Fifth: ..maya ko na cotinue..nood muna ako game GSW vs CAVS

Hindi ho ako nagsasalita ng patapos, ibinabahagi ko lang naman po ang posibleng mangyayari sa Pilipinas kung pababayaan natin ang EEZ at yong matatawag nating territoryo. Sana ho ay huwag tayong magbulag-bulagan at baka sa huli tayo din ay magsisisi.

Yon sinabi nyong 'utang', aba eh tama naman kayo na nabaon tayo sa utang sa panahon ni Ferdie. Pero sa pagdaan ng panahon, unti unti pong umaangat naman ang katayuan natin, at hindi na nga tayo baon sa utang, bagkus, tayo pa nga ngayon ay nagpapautang na sa ibang bansa. Hindi mo alam yon? Di ka kasi nagbabasa. Sa panahon po ni Pnoy, iyong mababasa na nag allocate tayo ng $1 Billion sa World Bank para tayo naman ay makatulong sa mga nangungutang na bansa rin. Ang hindi mo rin alam meron na tayong $80-$85 bilyon na dollar reserves. Kaya malaki ang improvement na po natin. Kasi kung baon nga talaga tayo sa utang eh hindi ka na siguro ngayon makakagamit pa ng teknolohiya at makakabili ng murang pagkain. Pag baon po tayo sa utang sigurado tataas ang 'Inflation rate' gaya ng nangyayari sa Somalia, Venezuela, atbp.

Halatang di kayo nagbabasa at mis-informed po kayo kasi yong utang natin (external debt) ay hindi naman umabot ng 'trillion of dollars' nasa billion pa lang po. Nasa $77 bilyon lang po noong 2014, bumaba pa nga ng $1B kesa sa taong 2012-2013. Mas malaki po ang utang ng US, Japan, atbp. kesa sa atin. Ito yong link para makita mo https://en.wikipedia.org/wiki/External_debt_of_the_Philippines. Click mo yan para makita mo ang ebidensiya, di ho yong nag-iimbento tayo. Ito yong link ng mga utang ng bawat bansa https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_countries_by_external_debt. Makikita mo na pang 52 na lang tayo sa ranking ng may malaking utang at bumaba pa nga ang utang natin na naging $74B na lang sa katapusan ng 2016. Nangunguna po na may malaking utang ang US, tapos, sinundan ng UK at France, pang-pito ang Japan.

Sinabi mo pang US is bullshit at ano naman ang iyong kadahilanan? Sinabi mo pang ilang dekada na tayong kaalyado ng US at di pa rin tayo umaaasenso. Ang sagot po dyan ay bakit nyo po sinisisi ang US sa pag-asenso natin? Tayo po ang may gawa ng kapalaran natin, huwag po natin isisi sa iba. Kaya maling-mali ka. Tingnan mo na lang yong ibang kaalyado ng US, gaya ng Japan, Taiwan, South Korea, atbp. Bakit naman sila umaasenso? Baka gusto mo maging ka alyado tayo ng China. Tingnan mo nga yong kaalyado ng China, gaya ng North Korea, Tibet at Cambodia, umasenso ba sila? Buti na yong Vietnam, umalis na sa pagka alyado sa kanila at nakikisipsip na sa US, eh, baka wala ng improvement sa kanila at maging tuta pa. Kaya di ko ma 'gets' yong lohika mo, kung saan-saang impormasyon ka kumukuha na mali-mali naman. Siguro nga napapaniwala ka agad sa mga panatiko na wala namang basehan. Di mo ba rin alam, na halos lahat ng Aid ay ibinibigay ng US? Nung magka Yolanda, sino ba ang dali-daling nagbigay ng tulong? Di ba sa pangunguna ng Amerika? Parang hindi tayo marunong magpasalamat at tumanaw ng utang na loob nyan. Yong mga call centers, sino ba ang may pakana nyan? Di ba US? Wala naman akong alam na mga Chinese ang proponents nyan. Bagkus, yong mga Chinese na yan pag naging employer mo pa ang barat pa kung magpa sahod. Kitang kita mo yong mga kababayan natin dyan sa Binondo at Chinese Town na halos limos lang ang binibigay na sweldo. At yang China na yan, yan din ang pasimuno ng komunista dito sa atin sa panahon ni Marcos na gumulo ang bansa natin at tuloy nag deklara na siya ng Martial Law. Basahin mo Philippine History 101 mo. Kaya, bakit mo kakampihan ang mga ulupong? Ewan ko ba sayo, ang gulo mo.

Anong friendly si Dutete sa China? Dati ng maka Chinese siya, sinabi na nga nya na galing siya sa makakaliwa. Professor niya si Joma Sison, syempre kung ano ang tinuturo ng titser nya, malamang naiimpluwensyahan siya. Umiyak pa nga siya ng mamatay si Kumander Parago na hard-core communist, na kaibigan naman nyang matalik.

Yong sinasabi mong mali-mali na, 'fourth' na may utang tayo na 'trillion dollars' ay hindi nga trillion, billion pa lang. Pero dahil sa utang ng utang si Panginoon mo sa ibang bansa lalo na sa China na $24B ay mababaon na naman tayo sa utang pati yong susunod pang mga henerasyon. Sa prinsipyo mo ba, dahil ba naputikan ka ay lulublob ka na lang sa putikan? O eto, para simple, dahil ba may existing tayong utang, ibig mo bang sabihin magpapakabaon na lang tayo sa utang? Nakss... anong klaseng pag-iisip yan? Buti pa yong mga bata, pag sinabihan mong mangutang sa tindahan, pagsasabihan ka pa na di mabuti ang utang ng utang. Ewan ko ba sayo, masyado namang baluktot ang lohika mo.
 
With each Filipino now having an estimated debt of P62,235.26, the group Freedom from Debt Coalition (FDC) has accused President Aquino of worsening the country’s poverty and debt burden during his administration.

“In addition, the public sector debt was P7.434 trillion or 58.8 percent of the GDP. Public sector debt in 2014 was 13.17 percent higher than the 2010 figure, when Aquino took over as president. The Aquino III regime has actually become the biggest borrower among post-EDSA presidents with total borrowings of P4.24 trillion from 2010-2014,” he said.

http://www.philstar.com/headlines/2016/02/20/1554977/noy-worsened-poverty-debt-burden-group
 
Yan o klarong klaro, trillion of pesos, hindi trillion of dollars. Tama, naman na malaki talaga ang inutang ng Aquino administrasyon pero nag resulta naman ito sa pagtaas ng GDP natin. Kaya kung makikita mo sa 2014 ang Debt to GDP ratio ay lumiit na sa 27.3% (wikipedia). Mas maliit pa kesa sa panahon ni Gloria. Kaya lang may mali sa figures na pinakita ng FDC, kasi sa kanila ay nasa 58.8% ang external debt which is mali. Kaya nahaluan na naman ng pulitika ang Philippine Star o kaya ang FDC, kaya bopols lang naniniwala sa kanila. Nag check ako sa site ng https://tradingeconomics.com/philippines/gdp at klarong-klaro nag 'coincide' sila sa Wikipedia. Paano ko ginawa, ito ang pag compute:
% external debt = (Debt / GDP) x 100; sa 2014 ang debt natin ay nasa $77 Billion at ang GDP ay nasa $285 Billion, so:

% external debt = ($77 Billion/ $285 Billion) x 100 = 0.2711 x 100 = 27.11 % ; so, close siya sa wikipedia na 27.3% (Kaya mali yong FDC!)

Kahit yong debt-service ratio ay nasa 6.2% sa 2014 na masyadong maliit. Ibig sabihing maliit na porsyento lang ang ina allocate natin sa pagbabayad ng utang, di katulad sa panahon ni GMA na malaki ang natapyas sa national budget dahil malaking porsyento nito ay pambayad sa utang.

In fairness naman kay Dutete, maganda yong ginawa niya na mag loan siya sa China dahil maliit naman talaga ang interest na binibigay nila thru ADB (Asian Development Bank) kesa naman sa World Bank or IMF na 'hard loan' o real currency ang pinambabayad at medyo malaki ang interest. Ang problema lang kasi hindi natin alam kung ano ang kasunduan ni Dutete sa China regarding sa 'softloan'. Yon bang mga isla natin ang pambayad? O di kaya'y allowed lang sila mag explore? Yan ang di natin alam.

Tapos, kung gusto talaga ni Dutete ng 'change' dapat iwasan nya ang utang ng utang sabi nga ng FDC.
 
Last edited:
di po takot si du30 sa china talaga lang ginagamit lang nya utak nya, alam naman natin na magkalaban ang china at us. kung tutuusin dapat tayo makigpag ally sa china kasi mag may world war may kakampi tayo china at russia.
 
Kampi na po ulit ang administrasyon ng mahal nating pangulo sa US, kaya hindi na relevant tong topic TS(pasintabi lang) badtrip na si PDU30 sa China😊😊😊
 
Kampi na po ulit ang administrasyon ng mahal nating pangulo sa US, kaya hindi na relevant tong topic TS(pasintabi lang) badtrip na si PDU30 sa China������

LOL :clap::clap::clap:
 
If you don't have the muscle use the brain ika nga ng lola ko.
 
Mas matakot tayo kung kakalabanin ni PDU30 ang China, c'mon guys, lets be tru here. Hindi kaya ng militar natin makipag sabayan sa China, If war between the Philippines and China begun hindi tayo susuportahan ng America dahil mas malaking lost sa kanila ang China.

China is a very powerful country, sobrang laki ng population nila pero mataas ang economy rate nila hennce they can spend billions of money sa kanilang military equipment and machineries.

Huwag tayong maging feeling brave that PDU30 is not declaring anything sa pinag aagawan nila, hindi lang Philippines VS China yun. Let them do their Job mas alam nila ang ginagawa nila kesa sa atin.

What we can do is support this Government, now that we have a President with balls who can destroy Crimes, syndicates and illegal drugs in our country. We know it's a long way and Du30 might not end it but atleast its already a good start for a new beginning.
 
Base sa prinsipyo mo, napakasimple lang naman talaga ang solusyon ang maging 'praktikal'. Ibigay na lang natin ang mga isla na yan para wala ng gulo at wala ng problema. Total di naman natin mapapahinto ang reklamasyon ng Tsina sa mga isla natin na hanggang ngayon ay patuloy pa rin, kaya mabuti ibigay na lang. Ang sabi mo rin na hindi tayo tutulungan ng US, kaya mabuti ng ibigay sa squatter. May kasabihan nga, 'pag takot ang may-ari ng bahay, eh, dapat mo ng sunggaban ang pagmamay-ari niya'. LOL......
 
ask ko lng po pgnag kawar against china are we willing to submit our self to be come a soldier of our country until death?
if not we should play with geopolitics with china....

how about you?
 
yung mga trolls mauunang magtago pag nangyari yun. hehe.
 
observe2 muna tyo mga ksama... ndi rin nmn ntin alam kung anung nsa isip ni PDu30, wait ntin mtapos termino nya bago tyo manghusga.... lht ng bagay may timing. giving a conclusion when the game is still playing is wrong.:)
 
yup lets wait what will happen in his own word "Golden Age of infrastructure" if yung mga major project is matapos laking 2long s economy naten....
 
Anong golden of infrastructure ba ang sinasabi mo? Paki lista nga para malaman natin.

- - - Updated - - -

ask ko lng po pgnag kawar against china are we willing to submit our self to be come a soldier of our country until death?
if not we should play with geopolitics with china....

how about you?

Anong geopolitics ba ang sinasabi mo? Ayan na nga klarong klaro na 'stalemate' na tayo o implied capitulation sa China. Ang ginawa lang naman ni Pduts ay nakikinabang ng lang siya sa issue ng mga isla sa WPS, kesa angkinin ng mga Tsino na 'free' mabuti pang pagka perahan na lang. LOL.....

Yong sinasabi mong gyera kontra China, pambata lang yon na pag-iisip. Hindi mo ba alam na kahit may sigalot tayo sa China dati, patuloy pa rin yong trading nila sa atin. Yong panahon nga ni Pnoy, nagbigay pa nga ang embahada ng China ng $2M para sa proyektong patubig, di mo alam yon? Kaya malabo ang gyera at di naman tayo nakikipag gyera kasi ang reyalidad wala tayong kakayahan, tayo lamang ay nagpo protesta para ipahiwatig na hindi tayo pabor sa pagmamay-ari nila sa mga isla at sa kanilang 9-dash rule.
 
Last edited:
Possible iyan look at Third Taiwan Strait Crisis, pero sa ngayun di pa cguro kasi pro-socialist pa President natin. Yung pag ally natin sa China, yan yung totoong proof na my colonial mentality parin tayong mga pinoy. A commie pinoy shouting "mga tuta nang KANO" pero yung ideology nila galing din sa mga dayuhan.
 
Anong golden of infrastructure ba ang sinasabi mo? Paki lista nga para malaman natin.

- - - Updated - - -

Anong geopolitics ba ang sinasabi mo? Ayan na nga klarong klaro na 'stalemate' na tayo o implied capitulation sa China. Ang ginawa lang naman ni Pduts ay nakikinabang ng lang siya sa issue ng mga isla sa WPS, kesa angkinin ng mga Tsino na 'free' mabuti pang pagka perahan na lang. LOL.....

Yong sinasabi mong gyera kontra China, pambata lang yon na pag-iisip. Hindi mo ba alam na kahit may sigalot tayo sa China dati, patuloy pa rin yong trading nila sa atin. Yong panahon nga ni Pnoy, nagbigay pa nga ang embahada ng China ng $2M para sa proyektong patubig, di mo alam yon? Kaya malabo ang gyera at di naman tayo nakikipag gyera kasi ang reyalidad wala tayong kakayahan, tayo lamang ay nagpo protesta para ipahiwatig na hindi tayo pabor sa pagmamay-ari nila sa mga isla at sa kanilang 9-dash rule.

whahahah latang di mu alam cnasabi mu do you know geopolotics? and meron b infastracture na tapus agad after ianounce, line 9 and line 7 if matapus n and nagagamit mu then ask mu sarili mu if nasan nga yung mga infastracture na kinikuwestyon mu. LOL
 
LOL... Akala mo naman eh may marami alam, abir, kung alam mo ang geopolitics paki sawalat nga dito kung ano ang geopolitics? At ano ngayon ang 'geopolitics' dito sa SEA? Tingnan nga natin kung may marami kang alam, baka, kwentong kutsero lang yong alam mo o di kaya'y galing sa fake news ni Mocha. Hahahaha.... Nagmamagaling e wala namang maipakita... Sinasabing may 'golden infrastructure' pero wala namang mailista dito at take note ang ginamit na adjective ay 'golden'. LOL... Nakakatawa naman yan... Hahaha...

- - - Updated - - -

ask ko lng po pgnag kawar against china are we willing to submit our self to be come a soldier of our country until death?
if not we should play with geopolitics with china....

how about you?

Ang sagot ko ay pagnagka war ang Pilipinas at China ay hindi ako sasali sa gyera na yan dahil wala naman akong mapapala. Ang akin lang ay dumaan lang tayo sa legal na proseso para sa lahat ng claims natin at mapangalagaan ang karapatan ng mga ordinaryo nating mangingisda. Ang ginagawa ng China sa ngayon na pinahihintulotan ang mga mangingisda na makapangisda ay temporaryo lamang at wala itong garantiya na ito ay magtuloy tuloy sa hinaharap. Importante ang mga mangingisda, dahil ito ang ikinabubuhay nila at malaking populasyon din natin ay umaasa sa mga lamang dagat at kung ano ano pa. Ang punto kasi dito na habang may 'counter-claim' tayo, di basta-basta tayo hahamakin ng China at ang international community na ang mag desisyon para dito. Wala namang gustong makipag gyera, bakit ba gusto mong igiit ang gyera? Kung gusto talaga makipag gyera ng China, e, wala naman talaga tayong magagawa. Kaya nga dinadaan lang natin lahat sa diplomasya para magkaroon ng unawaan at katahimikan ang bawat partidong bansa.

Ang tanong, bakit ayaw kong makipag digmaan para sa mga isla? Dahil unang-una, di naman ako kikita dyan at kahit makuha pa yan ng mga Pilipino, ang mga Pilipino at Tsinoy na mayayaman at maimpluwensya lang ang makikinabang dyan. Pede nilang pagtayoan ng resort at posibleng 'oil exploration'. Ang totoo, wala naman talagang mapapala ang mga ordinaryong Pilipino, gaya ng nangyari sa Malampaya. Sinasabi na pag nag operate daw ang Malampaya ay magkakamura ang halaga ng kuryente, pero, ang totoo mas nagmamahal pa nga at yong tax ng Malampaya ay kinukulimbat pa. Kaya 'tanga' lang ang sasali sa gyera dyan, na ang mga 'oligarchs' o mayayaman lang ang makikinabang.

Sa totoo lang, pag nagka gyera, yong pamilya ng mayayaman na iyan o 'oligarchs' ay di yan sasali sa digmaan, pupunta lang yan sa ibang bansa at ang inuuto ay ang mga pobreng sambayanang Pilipino. Kaya di ako sasali.

Mas maganda kung tatanungin mo ako kung anong magandang laro para dyan.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom