LOL... Akala mo naman eh may marami alam, abir, kung alam mo ang geopolitics paki sawalat nga dito kung ano ang geopolitics? At ano ngayon ang 'geopolitics' dito sa SEA? Tingnan nga natin kung may marami kang alam, baka, kwentong kutsero lang yong alam mo o di kaya'y galing sa fake news ni Mocha. Hahahaha.... Nagmamagaling e wala namang maipakita... Sinasabing may 'golden infrastructure' pero wala namang mailista dito at take note ang ginamit na adjective ay 'golden'. LOL... Nakakatawa naman yan... Hahaha...
- - - Updated - - -
Ang sagot ko ay pagnagka war ang Pilipinas at China ay hindi ako sasali sa gyera na yan dahil wala naman akong mapapala. Ang akin lang ay dumaan lang tayo sa legal na proseso para sa lahat ng claims natin at mapangalagaan ang karapatan ng mga ordinaryo nating mangingisda. Ang ginagawa ng China sa ngayon na pinahihintulotan ang mga mangingisda na makapangisda ay temporaryo lamang at wala itong garantiya na ito ay magtuloy tuloy sa hinaharap. Importante ang mga mangingisda, dahil ito ang ikinabubuhay nila at malaking populasyon din natin ay umaasa sa mga lamang dagat at kung ano ano pa. Ang punto kasi dito na habang may 'counter-claim' tayo, di basta-basta tayo hahamakin ng China at ang international community na ang mag desisyon para dito. Wala namang gustong makipag gyera, bakit ba gusto mong igiit ang gyera? Kung gusto talaga makipag gyera ng China, e, wala naman talaga tayong magagawa. Kaya nga dinadaan lang natin lahat sa diplomasya para magkaroon ng unawaan at katahimikan ang bawat partidong bansa.
Ang tanong, bakit ayaw kong makipag digmaan para sa mga isla? Dahil unang-una, di naman ako kikita dyan at kahit makuha pa yan ng mga Pilipino, ang mga Pilipino at Tsinoy na mayayaman at maimpluwensya lang ang makikinabang dyan. Pede nilang pagtayoan ng resort at posibleng 'oil exploration'. Ang totoo, wala naman talagang mapapala ang mga ordinaryong Pilipino, gaya ng nangyari sa Malampaya. Sinasabi na pag nag operate daw ang Malampaya ay magkakamura ang halaga ng kuryente, pero, ang totoo mas nagmamahal pa nga at yong tax ng Malampaya ay kinukulimbat pa. Kaya 'tanga' lang ang sasali sa gyera dyan, na ang mga 'oligarchs' o mayayaman lang ang makikinabang.
Sa totoo lang, pag nagka gyera, yong pamilya ng mayayaman na iyan o 'oligarchs' ay di yan sasali sa digmaan, pupunta lang yan sa ibang bansa at ang inuuto ay ang mga pobreng sambayanang Pilipino. Kaya di ako sasali.
Mas maganda kung tatanungin mo ako kung anong magandang laro para dyan.