Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem [Poem] Hindi ko na alam.

Hindi ko alam kung saan nag-umpisa ang lahat, basta ang tanging natatandaan ko natagpuan kita nang mga panahong kailangan ko ng masasandalan sa tuwing ramdam ko na ang pagod buhat sa paglalakbay sa mundong nababalot ng kalungkutan..

Hindi ko alam kung bakit agad akong nagtiwala sayo o bakit napakagaan ng pakiramdam ko sa tuwing nandiyan ka.. Ang alam ko lang masaya ako kapag kapiling ka at sana, sana di na matapos pa ang mga sandaling iyon..

Hindi ko alam kung pano o bakit natutunan kitang mahalin ang tanging alam ko lang ikaw ang siyang sinigaw ng puso kong matagal ng nakakulong sa karimlan ng kalungkutan..

Maraming tanong ang unti-unting sumisigaw ngunit ang alam ko lang isagot ay

"mahal kita"

Hindi ko alam kung bakit yun lang ang kayang bigkasin ng mga labi ko, basta ang alam ko lang hindi ko kayang mawala ka..

Hindi ko alam kung bakit sa kalagitnaan ng ating kasiyahan may mga pagsubok na dumarating, ang alam ko lang handa akong isugal ang lahat manatili ka lang sa tabi ko..

Hindi ko alam kung paano ko nakakayanang lumaban sa gitna ng iyong pagsuko ay nanatili akong nakakapit sa lahat ng iyong mga pangako.

Hindi ko na alam kung saan magtatapos ang lahat ng ito..

Pero isa lang ang alam ko ikaw babaeng minahal ko ng higit sa buhay ko..

Hindi ko alam kung hanggang kelan ako maghihintay ang alam ko lang balang araw magkikita uli tayo sa daan kung saan tayo unang nagkakilala..

wakas
 
Last edited:
Re: Hindi ko na alam.

nakakarelate ako :sigh:

mukhang pag emo ang usapan, nagkakaintindihan tayo :lmao:

good job :salute:
 
another on the spot job yan walang pumapasok sa utak ko kanina kung anung isusulat ko eh until eto yung naisip ko,:thanks: sa pagbasa
 
Re: Hindi ko na alam.

Kaya pala hindi ko na alam yung title. Nice.. :thumbsup:
 
Re: Hindi ko na alam.

up ko lang po itong isa sa mga likha ko :hat: . .
 
Re: Hindi ko na alam.

isang makabagbag damdaming obra nanaman sir spade :weep:
 
Re: Hindi ko na alam.

wala akong masabi kundi maganda, maganda talaga ang iyong pagkakagawa kapatid :salute:

ps:TSE!
 
Re: Hindi ko na alam.

kala ko kasali ito sa entry ng love letter writing contest...
heheheh

nice
 
sayang nga di ako nakasali dun,nagkaroon kasi ng problema eh.
by the way salamat sa pagdaan sir.sam
OT :
sir.kelan update ng "dilim"? :D
 
Re: Hindi ko na alam.

awtsu relate much ako d2 ts.:slap:hehe.. keep sharing master demon spade:thumbsup:
 
Last edited:
Re: Hindi ko na alam.

awtsu relate much ako d2 ts.:slap:hehe.. keep sharing master demon spade:thumbsup:

salamat sa paghuhukay mo nito, :thanks: nakakarelate din ako sa ilang mga gawa mo..
Salamat uli :salute:
 
Re: Hindi ko na alam.

Thank you so much sa mga poem mo. Sobrang nakakarelate ako.
 
dati hindi ko alam,
pero ngayon alam ko nah. haha

Lupet ng gawa mo boss. :clap::clap:
 
Hindi ko alam kung saan nag-umpisa ang lahat, basta ang tanging natatandaan ko natagpuan kita nang mga panahong kailangan ko ng masasandalan sa tuwing ramdam ko na ang pagod buhat sa paglalakbay sa mundong nababalot ng kalungkutan..

Hindi ko alam kung bakit agad akong nagtiwala sayo o bakit napakagaan ng pakiramdam ko sa tuwing nandiyan ka.. Ang alam ko lang masaya ako kapag kapiling ka at sana, sana di na matapos pa ang mga sandaling iyon..

Hindi ko alam kung pano o bakit natutunan kitang mahalin ang tanging alam ko lang ikaw ang siyang sinigaw ng puso kong matagal ng nakakulong sa karimlan ng kalungkutan..

Maraming tanong ang unti-unting sumisigaw ngunit ang alam ko lang isagot ay

"mahal kita"

Hindi ko alam kung bakit yun lang ang kayang bigkasin ng mga labi ko, basta ang alam ko lang hindi ko kayang mawala ka..

Hindi ko alam kung bakit sa kalagitnaan ng ating kasiyahan may mga pagsubok na dumarating, ang alam ko lang handa akong isugal ang lahat manatili ka lang sa tabi ko..

Hindi ko alam kung paano ko nakakayanang lumaban sa gitna ng iyong pagsuko ay nanatili akong nakakapit sa lahat ng iyong mga pangako.

Hindi ko na alam kung saan magtatapos ang lahat ng ito..

Pero isa lang ang alam ko ikaw babaeng minahal ko ng higit sa buhay ko..

Hindi ko alam kung hanggang kelan ako maghihintay ang alam ko lang balang araw magkikita uli tayo sa daan kung saan tayo unang nagkakilala..

wakas

Ang galing.
 
Back
Top Bottom