Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Project Flat Earth + Annomalies in the Sky

Re: Project Flat Earth

b) Anong klaseng wave yung ipinupukol at sinasalo ng mga space satellites kung ang mga waves ay kailangan ng medium like air? Vacuum ang void e.

Ma'am, eto po electromagnetic spectrum. Wala nakalagay dito na kailangan ng AIR para makalakbay mga electromagnetic waves. Parang wifi mo lang. gagana yan sa vacuum.

https://en.wikipedia.org/wiki/Electromagnetic_spectrum

Ito lang masasabi ko. I am a strong supporter of Round Earth. If you really are a teacher, please do a quick google search or better yet, review your science books. After reading 8 pages of this thread, I only read assumptions from flat earther's side. Overall, interesting discussion but i don't think you can keep this debate long if you keep "punching" us with guesses. :)
 
Re: Project Flat Earth

mas maraming ebidensya na bilog ang mundo..ung buwan naman eh umiikot un di lang halata dahil reflection ng earth ang nakikita natin dun..hindi xa magiging bilog kung di xa umikot ng napaka habang panahon
 
Re: Project Flat Earth

1) Kung totoong may mga satellites na nasa space gaya nyang GPS na yan. May dalawang dapat patunayan:
a) Kung totoong may mga artificial satellites na nago-orbit sa bilog na mundo, at sabihin na nating bawat bansa ay at least may isang ipinadalang satellite (natatandaan ko pa nga Eagle satellite yung sa Pilipinas na kinumisyon ng GMA 7, pero di naman nila dinocument yung actual na pagpapadala ng eagle satellite sa kalawakan), sabihin na nating 130 na bansa mula 160 ang may ipinadalang satellite, isama mo na yung mga satellite na para naman sa GPS, sana ni isa man lang may nakikita tayong satellite na dumaraan ng mabilis sa pinakamataas na himpapawid.
b) Anong klaseng wave yung ipinupukol at sinasalo ng mga space satellites kung ang mga waves ay kailangan ng medium like air? Vacuum ang void e.

- - - Updated - - -

1) Alam nating pareho na, imposible para sa akin na makasakay sa isang space rocket (in fact di ka na nga naniniwalang teacher ako, then all of a sudden dahil sa mga salita mo eh, parang astronaut pala bigla ako?)
2) Alam din nating pareho na tedious work ang paggawa ng thesis/dissertion paper (again if fact di ka na nga naniniwalang teacher ako, then all of a sudden dahil sa mga salita mo eh, parang engineer at may doctors degree pala ako bigla?)
3) You try to ridicule me with these words, and yet ang argument mo lang naman ay ARTIFICIAL SATELLITE WERE REAL AND ARE ORBITING AROUND THE EARTH IN SPACE.

Then, ito ang counter argument ko dyan: Hanap ka miski isang artificial satellite sa kalawakan na umiikot sa mundo, mula dito sa lupa with your own unaided or aided eyes.

4) Kaninong hindi bihasa ako nakikipag-argumento? Hindi rin naman ako ganoon kabihasa kaya patas lang ang lahat. Basta ako iiwasan ko lang ang AD HOMINEM (attacking the person instead of his statement/argument) Yan ang buhay ng isang forum board.
5) No, hindi lang naman mula sa mga teorya ng mga sinaunang tao ang basis ko; eto nga ang mga observations ko ayon sa aking nakikita sa pang araw araw:

a) Bakit may ulap na dumaraan sa likod ng araw at buwan?
b) Bakit iisang bahagi lang ng buwan ang nakikita natin?

Ayan ganyan. Ang speculation at pagdududa kasama sa science yan. Kasi may naoobserbahan kang saliwa sa mga dati mo nang pinaniniwalaan.

Miski nga ang gravitational force, hindi nga iyan ma-define ng mga scientists dahil lumalabas sa mga experiments nila acceleration lang din naman yan. Then kung totoo ang gravity, anong measurement nyan? 9.8 m/s yan, yan daw ang gravity, e acceleration yan. So, wala pa talagang nakakapag-patunay ng gravity. Ibig sabihin pala nun segu segundo nag-accelerate tayo against the surface of the Earth?

Ganun na lang ka-convenient sinagot ng mga scientists yan, lahat ng heavenly bodies, kasama na tayo dun kasi nasa earth tayo, ay may constant acceleration na 9.8 m/s against the face of the earth? SO, nasa constant FREE FALL ang lahat ng bagay, ganun na lang nila sinagot kaya may gravity. What the hell..

Alam mo TS inuulit ulit mo lang yung mga post mo eh. Yung mga tanong mo paulit ulit lang sa bawat commenter. Pero wala kang sinasagot sa mga tinatanong sayo

Para maiba naman sasagutin ko ang mga tanong mo na kayang abutin ng utak ko.

TANONG MO:

sabihin na nating 130 na bansa mula 160 ang may ipinadalang satellite, isama mo na yung mga satellite na para naman sa GPS, sana ni isa man lang may nakikita tayong satellite na dumaraan ng mabilis sa pinakamataas na himpapawid.

SAGOT: simple lang ang sagot jan eh, gaano ba kalayo ang kayang makita ng mga mata mo?

In very clean air, horizontal visibility is about 50 miles. ~~~Galing ang sagot na yan kay Christopher S. Baird na isang physics professor.

Ngayon, ang mga satellites na nasa geosynchronous orbit ay situated 36,000 kilometers mula sa ibabaw ng mundo.

Sa madaling sabi ay hindi na yan nakikita ng mga mata natin dahil sa sobrang layo na nito.

TANONG MO:

Anong klaseng wave yung ipinupukol at sinasalo ng mga space satellites kung ang mga waves ay kailangan ng medium like air? Vacuum ang void e.

SAGOT:

Radio waves and microwaves are types of electromagnetic radiation. Both have communication uses. Radio waves are used to transmit television and radio programmes, while microwaves are used for mobile phones and Wi-Fi. ~~~ Mula naman yan kay Pawan Singh na kasalukuyan nagaaral para maging ECE.

Ang mga electromagnetic waves ayon sa pag research ko ay hindi kailangan ng medium kagaya ng sound waves na nagre-rely sa hangin. Ang soundwaves ang practical lamang sa pakikipag usap sa maiksing distansya.

TANONG MO:

a) Bakit may ulap na dumaraan sa likod ng araw at buwan?
b) Bakit iisang bahagi lang ng buwan ang nakikita natin?

SAGOT:

a) May ebidensya ka ba jan sa claim mo na yan TS? Please wag editted image. Isang image sana or video na sarili mong kuha na nagpapatunay na dumadaan ang mga ulap sa likod ng araw at buwan. Tutal na-obserbahan mo kamo ito eh.

b) For starters, the moon is not stuck in place with one side facing us. Our lunar companion rotates while it orbits Earth. It’s just that the amount of time it takes the moon to complete a revolution on its axis is the same it takes to circle our planet — about 27 days. As a result, the same lunar hemisphere always faces Earth.

View attachment 313017

nag attach ako ng isang simpleng .gif para makita mo ang visual representation ng gustong ipaliwanag dun sa sagot sa item B

Ang gusto mo yatang mangyari ay hindi nagro-rotate ang buwan para makita mo ang ibat ibang side nito. Pero katulad nga ng sabi ng nakararami hindi lahat ng gusto natin ay pwede nating makuha.

Ngayon TS, sana naman ikaw naman ang sumagot sa mga tanong ng mga iba pang nag-comment dito. Hindi yung paulit ulit mong ipo-post yung mga tanong mo.

Sya nga pala, sinadya kong hindi gumamit ng mga kasagutan galing sa NASA dahil sa nakikita ko duda ka sa mga kasagutan ng NASA kaya sa halip ay naghanap ako ng sagot sa mga taong may konkretong kaalaman o dikaya ay kasulukuyang nagpapaka dalubhasa sa mga topics na tinatanong mo.
 
Attachments

  • Tidal_locking_of_the_Moon_with_the_Earth.gif
    Tidal_locking_of_the_Moon_with_the_Earth.gif
    642.4 KB · Views: 5
Last edited:
Re: Project Flat Earth Annomalies in the Sky

Sir, pwede ka namang makakita ng manmade satellite sa gabi, clear sky at walang buwan, pero sa sobrang taas nun parang bituin na lang, bituin na gumagalaw papunta sa isang direksyon, ilang beses na akong nakakita ng ganun, di yun alitaptap, eroplano, bulalakaw, sky lantern, lalong di alien..

Pero syempre para mas mapatunayang satellite nga yun, kelangang imbestigahan ang naobserbahan, kelangang gumamit ng instrumento, kung naked eye lang ang basehan mo TS, walang patutunguhan yan, talagang hanggang flat na lang kayo,hanggang sa natatanaw nyo lang ang kayang abotin ng inyong mga isipan.. :beat:
 
KUNG FLAT ANG EARTH. DAPAT FLAT DIN ANG SUN AT ANG MOON. BAKIT BILOG SILANG LAHAT. ? AHAHAHA:lol::lol::lol::lol::lol:
KAHIT SA DRAGONBALL NGA EH BILOG LAHAT ANG MUNDO. AT SA KANTA DIN BILOG ANG MUNDO EH. :lol::lol::lol::lol::lol::lol:

TANONG KU LANG TS. KUNG FLAT ANG MUNDO . DAPAT TRENDING NA SA ABS.CBN AT GMA AT ECT. NA NAKITA NA NILA ANG HANGGANAN NG MUNDO.:slap::slap::slap:
 
andaming bumabatikos sa mga reasoning ni TS.

Ganito lang yang mga round earthers, use your common sense. Kung meron man talagang outer space, ISS, moon landing, Mars exploration etc. bakit ni isa, wlang authentic Picture ng Earth? hindi yung edited, CGI na pinapalabas ng lahat ng space station agency s buong mundo. WALA NI ISA. Pero pinaniniwalaan ng karamihan.

FYI ang GoPro Cameras na pinapadala nila sa mga rockets or nakikita nyong pics ng horizon na curve ay fish-eye lenses, meaning intentional na magiging curve ang lalabas na pic.

karamihan ng tao naniniwala sa Photoshop. Tapos tamad pa magresearch, tapos mambabatikos pa dito. hahahaha. mga tao nga naman. Magbasa na lang kayo. Kung ayaw nyo maniwala edi ok, me kanya kanya ngang utak ang mga tao. Pero lalabas at lalabas din ang katotohanan.
 
The earth is not a globe, it's flat. And the world will be caught unaware of the truth. This is a deception in the largest scale. Galit na galit ang mga Globe earthers, kasi hindi nila matanggap na kasinungalingan pala ang nilakihan nilang paniniwala. Para silang mga bata na inagawan ng kendi pag ang usapan eh tungkol na sa flat earth. Hindi matanggap na ang mga pagkaka-kapal-kapal na mga libro na ginamit sa kolehiyo bilang bahagi ng kanilang mga tinapusan na titulo ay pawang naglalaman ng mga kasinungalingang mga bagay. Sa kabilang thread na aking inumpisahan noon pang nakalipas na taon, may isang nanghahamon na maglabas daw ako ng larawan na kuha mula sa kalawakan na nagpapakita ng flat ng talaga ang mundo. And sabi ko hindi pwede kasi nga walang 'kalawakan'. Tayo ay natatakluban ng 'dome', otherwise known as the firmament. Ibinalik ko ngayon sa kanya ang hamon. Ang sabi ko ay maglabas naman sya ng mga larawan ng daigdig na hindi ginawa sa pamamagitan ng computer o kahit anupaman na artipisyal. Ngunit sadyang marami silang dahilan at kapilosopohan dahil nga hindi nila tanggap ang Flat Earth principle. Sa mga magagalit sa post na ito, hindi ko kayo papatulan. Laging tandaan: Ang nagagalit, lalong pumapangit... PEACE and God bless..
 
Ikaw pala yan, madami nga nakipag-argue din sa akin duon sa thread mo. Madami din ako inilahad na mga investigations ng mga kilalang flat earth truthers kaso, napakarami lang talagang tao na sarado na ang pagiisip.
 
He-he-he... Ngayon lang ako nabakante bro at ngayon ko lang nasilip ang thread ko. Buhay pa pala at nakapag generate pa ng mga mahahaba at mainit na usapin. It's nice to discuss once in a while. Ang kaso, pag pilosopo na ang usapan, nakakawalang gana na,
 
Pati ako, ngyon lang nabakante, nagulat nga ako, andami na palang post dun sayo, tapos eto me bagong thread. Nung time na active ako sa thread mo, madami din ako nireport na mga post na pilosopo lang. :lol:

Isa lang naman purpose namin dito mga madlang pipz, na ang public ay mainform. Pero di kami namimilit. Naglalahad lang ng mga nalalaman namin.
 
@savage466 @kurungkoy23 @debpola @pandot or kung sinu man,

Nakagamit na po ba kayo ng TELESCOPE? or Camera with 83x Optical Zoom

PAKISAGOT PO YUNG TANUNG NI SIR RYANVEL:

Alam mo, naaawa ako sayo. Napakaraming oras ang ginugol mo para pag aralan yang mga walang kwentang impomasyon na yan. May isang tanong lang ako sayo. Bakit sa dami ng planeta at mga bituin sa universe na kinalalagyan natin eh yung earth lang ang flat? Sige, sumilip ka sa mga pinaka malalakas na telescope na available sa atin makikita mo lahat ng tinatanaw mo sa outer space ay bilog, yung iba mas bilugan kaysa sa iba pero nonetheless sila ay bilog in general. Bakit magiging exception ang Earth? May sarili bang laws of physics na sinusunod ang Earth kaya sya ay naiiba sa lahat? Nakikita ko sa pananaw mo na sobrang espesyal natin. Na napaka unique natin. May sarili pa tayong araw at buwan na dedicated lang para sa mundo natin. Ang galing diba?!?! Para bang sinasabi mo na pinagtutulungan ka ng buong mundo na itago sayo ang katotohanan. Na lahat ay conspiracy lamang. Bakit? Sino ka ba? Importante ka ba? Bakit naman nila aaksayahin ang oras nila para gawin sayo yun? Hehehe.. Kaibigan, mukhang hindi maganda yang tinitira mo. Payo ko sayo, lubayan mo na yan. Hehehe...
 
Isaiah 40:22 (KJV)

It is he that sitteth upon the CIRCLE OF THE EARTH, and the inhabitants thereof are as grasshoppers; that stretcheth out the heavens as a curtain, and spreadeth them out as a tent to dwell in
 
Last edited:
Bakit pinapatay kung alam nilang flat yung earth? in what sense? may yayaman ba kung flat yung earth? may international space station na po. planning na nga na pumunta sa mars using SpaceX eh tapos flat pa rin ng flat earth kayo ? nakabasa lang ng kung ano ano yun na yung pinaniwalaan. Elementary days tinuturo na yan. Come on guys wake up!
 
parang itlog lang ang tingin ng mga ito sa mundo, nagsawa sa nilaga kaya ngayon gusto prito, flat earth as in sunny sides up ngayon ang gusto, :slap:
 
@savage466 @kurungkoy23 @debpola @pandot or kung sinu man,

Nakagamit na po ba kayo ng TELESCOPE? or Camera with 83x Optical Zoom

PAKISAGOT PO YUNG TANUNG NI SIR RYANVEL:

1) hindi pa ko nakakagamit ng telescope of camera na may 83x zoom.
2) Paano kayo nakakasiguro na global din ang mga astral bodies sa outer space? kung global man ang mga nakikita nating heavenly bodies like moon, sun at tatlong grupo ng mga planeta, terrestrial, aqueous at gaseous, ibig sabihin ba noon ay global na din ang Earth? Assumption lang din yan kung ganun. Parang yung induction ni Socrates na ang lahat ng Swan ay kulay puti, dahil karamihan ng nakikita nyang Swan ay puti. O kaya yung kaya yung kawikaan na "Sa pagputi ng uwak, at pag-itim ng tagak".. hindi na ginagamit ang expressions na yan. This might sound lame comparison pero, make sense, hindi ka pwedeng mag-draw ng conclusion sa isang bagay na di ka naman talaga tiyak.

- - - Updated - - -

Alam mo TS inuulit ulit mo lang yung mga post mo eh. Yung mga tanong mo paulit ulit lang sa bawat commenter. Pero wala kang sinasagot sa mga tinatanong sayo

Para maiba naman sasagutin ko ang mga tanong mo na kayang abutin ng utak ko.

TANONG MO:

sabihin na nating 130 na bansa mula 160 ang may ipinadalang satellite, isama mo na yung mga satellite na para naman sa GPS, sana ni isa man lang may nakikita tayong satellite na dumaraan ng mabilis sa pinakamataas na himpapawid.

SAGOT: simple lang ang sagot jan eh, gaano ba kalayo ang kayang makita ng mga mata mo?

In very clean air, horizontal visibility is about 50 miles. ~~~Galing ang sagot na yan kay Christopher S. Baird na isang physics professor.

Ngayon, ang mga satellites na nasa geosynchronous orbit ay situated 36,000 kilometers mula sa ibabaw ng mundo.

Sa madaling sabi ay hindi na yan nakikita ng mga mata natin dahil sa sobrang layo na nito.

TANONG MO:

Anong klaseng wave yung ipinupukol at sinasalo ng mga space satellites kung ang mga waves ay kailangan ng medium like air? Vacuum ang void e.

SAGOT:

Radio waves and microwaves are types of electromagnetic radiation. Both have communication uses. Radio waves are used to transmit television and radio programmes, while microwaves are used for mobile phones and Wi-Fi. ~~~ Mula naman yan kay Pawan Singh na kasalukuyan nagaaral para maging ECE.

Ang mga electromagnetic waves ayon sa pag research ko ay hindi kailangan ng medium kagaya ng sound waves na nagre-rely sa hangin. Ang soundwaves ang practical lamang sa pakikipag usap sa maiksing distansya.

TANONG MO:

a) Bakit may ulap na dumaraan sa likod ng araw at buwan?
b) Bakit iisang bahagi lang ng buwan ang nakikita natin?

SAGOT:

a) May ebidensya ka ba jan sa claim mo na yan TS? Please wag editted image. Isang image sana or video na sarili mong kuha na nagpapatunay na dumadaan ang mga ulap sa likod ng araw at buwan. Tutal na-obserbahan mo kamo ito eh.

b) For starters, the moon is not stuck in place with one side facing us. Our lunar companion rotates while it orbits Earth. It’s just that the amount of time it takes the moon to complete a revolution on its axis is the same it takes to circle our planet — about 27 days. As a result, the same lunar hemisphere always faces Earth.

View attachment 1199006

nag attach ako ng isang simpleng .gif para makita mo ang visual representation ng gustong ipaliwanag dun sa sagot sa item B

Ang gusto mo yatang mangyari ay hindi nagro-rotate ang buwan para makita mo ang ibat ibang side nito. Pero katulad nga ng sabi ng nakararami hindi lahat ng gusto natin ay pwede nating makuha.

Ngayon TS, sana naman ikaw naman ang sumagot sa mga tanong ng mga iba pang nag-comment dito. Hindi yung paulit ulit mong ipo-post yung mga tanong mo.

Sya nga pala, sinadya kong hindi gumamit ng mga kasagutan galing sa NASA dahil sa nakikita ko duda ka sa mga kasagutan ng NASA kaya sa halip ay naghanap ako ng sagot sa mga taong may konkretong kaalaman o dikaya ay kasulukuyang nagpapaka dalubhasa sa mga topics na tinatanong mo.

1) Then use a powerful telescope that will capture these wandering artificial satellite out there! picture nga ng Jupiter may mga images tayong nakikita, e di sana at least isa man lang na proof nyang mga satellite na yan. Meron na ba?
2) Okay, di kailangan ng medium ng electromagnetic waves. Sabi pa nga faster than speed of light ang travel nito, and yet may delay sa pagtransmit ng communication. Tandaan mo ang speed of light ay constant mapa normal atmosphere o kaya vacuum space, at itong electromagnetic wave ay faster than light, and yet katakot takot ang delay? Mas maiintindihan ko kung bakit, kung ang electromagnetic wave na to ay nirerelay lang ng dalawang tore locally at hindi na kailangan pa ng satellite sa outerspace.

Ang gara ng dahilan ng space agency na NASA kung bakit kailangan ng satellite para irelay itong electromagnetic waves na to: Earth's curvature.

Wireless communication uses electromagnetic waves to carry signals. These waves require line-of-sight, and are thus obstructed by the curvature of the Earth. The purpose of communications satellites is to relay the signal around the curve of the Earth allowing communication between widely separated points.

Eto pa isa, paano makakalusot ang electro magnetic wave sa IONOSPHERE? Tatalbog lang pabalik ang signal kasi isa ring obstructure ang IONOSPHERE. (see attachment) Ang mga satellite lampas sa IONOSPHERE, paano ito magbabato at magrerecieve ng signal?

Ang totoo nya, yang GPS, yang satellite broadcasting, yang wifi at kung anu ano pa ay pinatatalbog lang sa IONOSPHERE ng mga satellite disk. Mas katanggap tanggap ang ganun kaya maroong delay, kasi nasa normal atmosphere nagta-travel ang electromagnetic waves. Kahit sabihin pa natin na faster than speed of light yan, dahil sa mga obstructures nadedelay ang pag-recieve at ng ganitong signal

3) Hindi sa akin tong video na ito, pero garantisado ko na raw video ito ng SUN SET sa manila bay

- - - Updated - - -

Sir, pwede ka namang makakita ng manmade satellite sa gabi, clear sky at walang buwan, pero sa sobrang taas nun parang bituin na lang, bituin na gumagalaw papunta sa isang direksyon, ilang beses na akong nakakita ng ganun, di yun alitaptap, eroplano, bulalakaw, sky lantern, lalong di alien..

Pero syempre para mas mapatunayang satellite nga yun, kelangang imbestigahan ang naobserbahan, kelangang gumamit ng instrumento, kung naked eye lang ang basehan mo TS, walang patutunguhan yan, talagang hanggang flat na lang kayo,hanggang sa natatanaw nyo lang ang kayang abotin ng inyong mga isipan.. :beat:

1) please mag-post ka naman ng image dito para makita ko din. (kung meron man, kahit isang tunay)
 
Attachments

  • image012.jpg
    image012.jpg
    18.8 KB · Views: 13
Last edited:
no need Sir, di ka naman naniniwala sa telescope, sabihin mo pa CGI.. :beat:

edit:
1. gusto mo magbigay kami ng lehitimong pics/vids na galing mismo samin, pero ikaw na may gustong mapatunayan eh walang maiprovide.

2. Sagot mo dun sa isa na gumamit sya ng Powerful telescope, pero ikaw di pa nakakagamit, isa kang teacher(kung totoo nga o isa lang troll/attention seeker), dapat may resources ka para makapagresearch hindi lang sa youtube, umpisahan mo sa paggamit ng telescope, o baka natatakot kang gumamit nun kasi alam mo sa sarili mo na sasampalin ka ng katotohanan.. :beat:
 
Last edited:
Re: Project Flat Earth

1) So, ibig sabihin kaya mong ipaliwanag kung bakit iisang parte lang ng buwan ang nakikita sa buong lupalop ng mundo?
2) Sige subukan nga kita;

given the following conditions:

> Bilog ang mundo na naka-tilt ng 23.4 degrees at nagrorotate
> Synchronous ang ikot ng buwan sa pag-revolve nito around the earth.

therefore: ang pagrotate ng mundo, synchronous sa pag-revolve ng buwan.

Iyo na yang facts na yan. Hindi ko kailangan yan.

Now, gawin nating simple ang katanungan para di ka nalilito:

Bakit naka-harap ang iisang panig lang ng buwan sa daigdig?
Anong dahilan, gravitational pull ba? Curvature ng space-time? Yung earth ba naiimpluwensyahan nya yung rotation ng buwan?
Tell me what physics that could explain this phenomena. Yan ang inuusisa ko, kaya ako mukhang paulit ulit.

Ako intindido ko yang synchronous rotation pero hindi pa din nyan sinasagot ang dahilan kung bakit fixed ang facade ng buwan na nakikita natin.

Yaman rin lang malakas kang mang-daot, tignan natin ang karunungan mo. Baka mema ka lang.

- - - Updated - - -

no need Sir, di ka naman naniniwala sa telescope, sabihin mo pa CGI.. :beat:

edit:
1. gusto mo magbigay kami ng lehitimong pics/vids na galing mismo samin, pero ikaw na may gustong mapatunayan eh walang maiprovide.

2. Sagot mo dun sa isa na gumamit sya ng Powerful telescope, pero ikaw di pa nakakagamit, isa kang teacher(kung totoo nga o isa lang troll/attention seeker), dapat may resources ka para makapagresearch hindi lang sa youtube, umpisahan mo sa paggamit ng telescope, o baka natatakot kang gumamit nun kasi alam mo sa sarili mo na sasampalin ka ng katotohanan.. :beat:

1) Madali lang naman i-examine ang isang captured image against CGI e. Kaya nga may forum, pag nag-present ka lahat sinuman pupwede magbigay ng tingin nila. Wala kang makikita na post ko na sinasabi ko na magbigay ang sinuman ng picture o video na siya mismo ang kumuha. Wala akong ganyang hamon.
2) Salary grade 11 lang ako, napakamahal ng telescope 1.5 million pesos ang 14 inches, okay ka lang? Di mo ata alam ang pinagsasabi mo e. Tsaka bago mo ko tawaging troll at attention seeker, binasa mo ba yung introduction ko sa unang page? Tsaka iwasan mo mag-label ng tao dahil di mo lang tanggap ang pagsusuri nila. Im trying my best to be nice, ni wala akong tinawag na troll o kung anuman dito kaya i-observe mo din ang ganung paguugali.
 
Last edited by a moderator:
Back
Top Bottom