Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Sa Isang Sulyap

Isang metro lang ang layo ko sa kanya. Tanaw ko sa aking kinauupuan ang kanyang maamong mukha... nakatingin sa harapan ng kanyang kompyuter. Ang kanyang mga matang marikit, tila matamis na labi, at mahabang buhok. Sa araw-araw ng ginawa ng diyos, lagi akong nagkakasala sa kanya, sa pamamagitan ng nakaw na tingin. Ni minsan hindi niya akong nahuling nakatingin sa kanya. Ngunit lahat din ng simula ay may wakas.

Minsang napagod ang aking mata sa trabaho, sumulyap ako ng ilang segundo,. napangiti ako dahil nakaramdam ako ng kasiyahan sa gitna na kaguluhan sa aking utak. Nakasalung-baba ako habang kinakausap ko siya sa mata. Sa aking pagkakatitig, bigla din siyang napatingin sa akin.

"Narinig niya ba ako?" Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Pipindutin ko ba amg panic button?"
"Iiwas ba ako ng tingin?"

Huli na ang lahat, halos nagtama na ang aming mga mata. ang siyam segundo ay parang panghabambuhay. Tumigil ang mundo ko. Nakita ko kung gaaano kabagal ang kanyang pagpakurap ng kanyang mata. Nangungusap. Sarado ang kanyang mga labi pero naririnig ko ang kanyang boses. Sa huling segundo ng tagpong iyon, siya din ang ang unang bumitaw sa aming dagliang tulay ng komunikasyon.

Ni pangalan niya hindi ko nalaman. Umurong ang mga dila ko sa hiya. Ngunit ganun pa man, narinig ko ang kanyang tinig. Maaaring guni-guni lang ang lahat.

Minabuti kong bumalik na lang sa aking ginagawa kaysa naman pilitin ang aking sarili na sagutin ang bawat tanong sa buhay.

Bago umuwi, tinignan ko muna ang aking email para sa mga potensyal na kustomer . Ilang araw na din akong walang kliyente sa paggawa ng poster. Kung binigo ako ng mata ko sa pagresponde kanina, hindi ang email..
Dali kong binuksan ang bagong mensahe. Napatitig at walang kibo..

From: [email protected]
Subject: Hi
Message: Bakit di ka na makatingin sa akin? Cute mo pala kapag seryoso ka. hehehe
 
Malamang ay kilig to the bones ang lalakeng ito gaya ng ng kilig ko habang binabasa ang munting serye nila :giggle:


Abangers for more :)
:thumbsup:
 
ang harot mo! haha
nice story. thanks for sharing your true to life story. haha
:)
 
Malamang ay kilig to the bones ang lalakeng ito gaya ng ng kilig ko habang binabasa ang munting serye nila :giggle:



Abangers for more :)
:thumbsup:
haha, salamat sa pagbisita, malay mo kinikilig na sia :D
ang harot mo! haha
nice story. thanks for sharing your true to life story. haha
:)
true story talaga? di ba pede isipin na kathang isip ko lang to.. kaw talaga :D
salamat sa pagbisita
 
Back
Top Bottom