Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

sa mga BBM, bakit siya ang gusto niyo?

Status
Not open for further replies.

xnekuen

Professional
Advanced Member
Messages
153
Reaction score
73
Points
58
nasabi ko sa kabilang thread, si BBM lang ang wala akong rason para iboto.
alam ko marami na kayong BBM at di niyo naman kailangan yung isang boto ko.
pero usap2x lang tayo dito, paano mo ako kukumbinsihin na BBM ang dapat maging bagong presidente?
gusto ko rin kasi magkaroon ng magandang rason para iboto siya para pantay2x sila na meron.

bakit si BBM ang napipisil mo iboto sa darating na eleksyon?
sana po walang sasagot na konektado yung sagot sa tatay niya, na magaling tatay niya.
kasi tatay niya po yun, hindi siya. si BBM lang bida dito.

wag din po sana yung "kasi magaling siya", "kasi matalino siya", "kasi mabait siya".
maging mas malinaw. sana specific bakit mo nasabi yan. kasi pwede rin gamitin yang description na yan sa kahit sinong kandidato if ganyan lang ilalagay.

wag din po sana ikumpara sa nagawa ng mga Aquino vs nagawa ni Marcos Sr. anti-aquino rin po ako at irrelevant sila sa usapan dito.

at kung pwede, wag din po sana sumagot ng tungkol sa unity. magkaisa. pagkakaisa. pagkakaisahin. narinig at nabasa ko na po yan.

yung mga Leni, Isko, Ping, Pacman, next time na kayo. basahin muna natin bakit BBM.
kung may sinabi sila at gusto niyo debunk, pwede naman. with evidence sana. searchable sa google, hindi yung na-tsismis lang.

eg. may sumagot na project ni BBM yung Bangui Wind Farm sa ilocos, pwede natin sabihin na NorthWind Power Development Corporation (NPDC) ang may pakana nun hindi si BBM, at pwede nila i-search.

kung umusad man itong thread na ito, wala sanang mag-aaway. healthy discussion lang. salamat agad sa mga makikibahagi dito!

--------------------------

Moderator Note:
Thread already served its purpose. :lock:
 
Last edited by a moderator:
ayoko pa sana mag-comment ulit dito. may mga nagustuhan akong sagot. meron din namang mga paulit-ulit lang, may generic saka meron din irrelevant.

kaso nakakabasa na ako ng puro plataporma. sa mga nagsabi ng maganda ang mga plataporma, pwede po bang magbigay kayo kahit isang specific example lang ng plataporma ni BBM pinaka tumatak sa inyo.
mas ok sana yung mga di pa nabanggit dito kagaya ng pagpapatuloy ng BBB, pagsulong ng federalismo, pagpapalit ng constitution..

wag niyo na po kami panoorin ng SMNI debate. alam naman po nating lahat na yung nag-organize nun, si quiboloy, na may kaso sa amerika, eh si BBM ang ine-endorso.
di niyo siguro ako masisisi kung iisipin ko na naibigay ng advance yung mga tanong at napaghandaan. saka entrance pa lang ng mga participant, kita yung pagka-bias.

ayun po ulit, hihingi lang po sana ako ng halimbawa ng kahit isang specific na plataporma lang po na tumatak sa inyo.

PS. kalma lang po tayo wala mag-aaway ah. manatili tayong disente sa ating mga sasabihin. masaya magbasa ng mga insight ng walang nagbabardagulan di kagaya sa FB ang toxic na dun.
 
Onga po sir. Ako po gusto ko malaman kung paano ba gagawin ni bbm yung sinasabi niyang plataporma niya na "Magkaisa"? Sana may sumagot po :)
 
Sana matauhan lahat. e boto na ninyo kahit sinong tumatakbo wag lang bbm. bakit? para na ninyong sinampal pag hihirap ng mga naabuso sa panahon ng mga marcos. Tama nga na ang kasalanan ng ama hindi kasalanan ng anak pero di nya binabalik hanggang ngayon ang bilyones na nakuha nila sa kaban ng bayan. Its a proven fact from previous supreme court decisions. Malawalang saysay at tanggalin na din ninyo mga holiday sa kalendaryo na EDSA people power related holidays. Mamulat sana mga maka BBM. May pagkakataon mga marcos at BBM na ibalik mga tax na di nila binabayaran pero mawawalang saysay na yun pag sya nanalo.
 
Tanong lang po sir.. Ang plataporma po ba sir ni bbm na sinasabi mong gusto mo ay yung "Magkaisa"?
ibig ko pong sabihin sir ay yong isa sa mga sinabi nyang kung maari buhayin yong nuclear power plant sa bansa natin. alam ko maraming tutol dito pero halos lahat naman ng nag emplowensyang tutulan ang pag tayo nito ang mga dilawan, at may bahagi sa kasalukuyang power distributor ng bansa,

yong salitang "Magkaisa" ay quote and quote nalang yan, halos kadalasan kasing lumalabas ng balita saa main stream media ngayon puro kinukuha lang ang mga maling parte ng balita, hindi kinukuha lahat kung bakit nasabi nya yan "Magkaisa" .

at ang isa pang sinabi nya na kailangan maibalik sa gobeyerno ang pamamahala ng pag supply ng tubig sa buong bansa, which is tama naman dahil dati gobeyerno naman ang may hawak nyan, bininta lang ng mga aquino at sa mga private business man para kumita sa buwis, at ang mag hihirap ang mga mamayanag pilippino na araw araw gumagamit ng tubig
 
I seeeee... Pano niya po kaya gagawin yan?

Anyway, ano po masasabi niyo na inamin pala ng mga Marcos na totoo yung P23 Billion na estate tax na rulling ng SC? Link
Tapos pinapasingil din ni PRRD sa BIR yung P23 Billion na yan na hindi parin nila binabayaran hanggang ngayon? 20+ years ng hindi binabayaran. Ano po masasabi ng mga bbm supporters jan?

Nagtatanong lang pow :)
 
Akin naman ito lang pinagpipilian ko

1. Ping Lacson - Pros: experience; accomplishment; data-driven decision; platform (digitalization and anti-corruption)
2. BBM - Pros: experience, knowledgeable in foreign policy, friends to all, enemy to no one; Cons: Integrity issue; not attending debates and interview; mahilig mag alibi;

Bakit hindi ko gusto si:

Isko - medyo mahangin; mahilig magbenta ng properties (kahit balikan nyo ung mga interview nya)
Leni - main agenda is para hnd makabalik ang Marcos
Pacquiao - kulang sa knowledge and experience

Dati akong BBM, nadisappoint lng ako sa mga hnd nya pag attend ng debates and interviews, sabi nya 30 years na nyang sinasagot ung mga issue, eh d dapat advantage nya un kc memorize na nya isasagot

Disclaimer: ito'y aking sariling opinyon at obserbasyon lamang at walang kinalaman ang social media (TikTok, YouTube, Facebook etc).
 
Nice thread. Being a BBM before (dahil lang sa tatay niya), pero natauhan lang din ako, nag character development kumbaga haha.
Handa muna ako ng popcorn at wait sa mga replies nila, at interesado din ako malaman.šŸæ
Same here, because of FEM I prefer to vote BBM, but I came to realization when my wife ask me.. why BBM?,
 
I see.. salamat po. Natanong ko lang po kasi ang sabi po ng iba ay siya lang ang may "malinaw" na plataporma. Tapos tanong ko lang po ay kung "ano yung malinaw na plataporma" na sinasabi niya, yun po ba ay yung "Magkaisa"? Pero gaya nga po ng sagot po sir ay wala nga po siya sinasabing plataporma pala kundi "Magkaisa".

Hindi siguro masasabing "pagbubuhat ng bangko" yung kandidatong sinasabi niya yung mga "nagawa niya sa nasasakupan niya". Pinapakita lang non na "may proof siyang kaya niya gawin" yung sinasabi niya. Tama po ba?

Tanong ko lang po uli.. paano daw po gagawin ni bbm yung sinasabi niya para pagkaisahin daw yung mga tao? Nasabi na po ba niya yun?
sa pagkakatanda ko nandun sa mga papel plaporma nya ayon jay madam carlos diko tanda masyado correct me nalang haha
 
Same here, because of FEM I prefer to vote BBM, but I came to realization when my wife ask me.. why BBM?,
True, kumbaga ay character development nalang bilang BBM before ng dahil lang nadala sa mga achievements ng ama na si FEM. Kaya kung sa totoo lang, ung iba nadadala dahil kay FEM. Kasi if you research ng maayos at magbabasa ka ng facts sa internet and others, ang daming butas ni BBM. Dun pa lang sa Vice Presidential debate last election, pinagtitira na siya ni Cayatano, kaya ata na trauma sa mga debates e.

Pero ito ay sariling opinion lamang, wag sana kuyugin ng mga BBM supporters natin. Let's keep the discussion healthy. ;)
 
Akin naman ito lang pinagpipilian ko

1. Ping Lacson - Pros: experience; accomplishment; data-driven decision; platform (digitalization and anti-corruption)
2. BBM - Pros: experience, knowledgeable in foreign policy, friends to all, enemy to no one; Cons: Integrity issue; not attending debates and interview; mahilig mag alibi;

Bakit hindi ko gusto si:

Isko - medyo mahangin; mahilig magbenta ng properties (kahit balikan nyo ung mga interview nya)
Leni - main agenda is para hnd makabalik ang Marcos
Pacquiao - kulang sa knowledge and experience

Dati akong BBM, nadisappoint lng ako sa mga hnd nya pag attend ng debates and interviews, sabi nya 30 years na nyang sinasagot ung mga issue, eh d dapat advantage nya un kc memorize na nya isasagot

Disclaimer: ito'y aking sariling opinyon at obserbasyon lamang at walang kinalaman ang social media (TikTok, YouTube, Facebook etc).

Isko - medyo mahangin; mahilig magbenta ng properties (kahit balikan nyo ung mga interview nya)
Leni - main agenda is para hnd makabalik ang Marcos
Pacquiao - kulang sa knowledge and experience

tama ka sir ,

sa kay lini lugaw naman , maliwanag na ang agenda nya ay kung ano ang agenda ng mga aquino at alam kung sinusuporatahan sya ng mga aquino ang quangco pati mga lopez ?

why ?

isa sa gusto nilang ibalik sa ari ay ang ABS CBN . na walang ibang ginawa kundi lasunin ang utak ng sambayanang pilipino na ang mga marcoses ay dictador "kuno" bagkus kung na intindihan lang ang Sistema walang ibang diktador dito kung hindi ay ang mga lopez ,aquino,quanco,

at nag taka nga ako bakit si aquino at ang nanay nila nailagay ang mukha sa PERA na ginagamit natin ngayon ? na samantalang wala manlang nagawang maganda sa bansa kundi ang pag habol sa mga yaman ng marcos? ginawa nilang hanap buhay ang gobeyerno, .

si benegno aguino isang oposition sa kapanahunan nila, ganoon rin ang nanay nila ?
 
sa pagkakatanda ko nandun sa mga papel plaporma nya ayon jay madam carlos diko tanda masyado correct me nalang haha

Ayun lang haha. Sana sinasabi niya po kung paano niya gagawin yung mga pinapangako niya. O kaya nagawa na niya yung mga sinasabi niyang pangako. Madali po kasi mangako pag election. Ang tanong ay kung paano nila gagawin yung mga sinasabi nilang mabulaklak na salita. Tama po ba? :)

Halimbawa nalang yung sa Bataan Nuclear PP na sinasabi niya, paano po niya kaya ba-budgetan yung rehabilitation non? Or paano niya gagawing mapagana yun?

O di naman po kaya yung sinabi niya na yamang dumaan po tayo sa pandemic, para makabangon, dapat tourism ang sagot. Pero ang tanong po ay kung nagawa ba ng angkan o pamilya niya bilang namuno sa Ilocos na paunlarin yung tourism sa lugar nila? Bakit hanggang ngayon probinsyang probinsya parin po yung datingan? Ibig ko po sabihin, pag may foreigner po o uuwi na pinoy galing ibang bansa, ang puntahan ay either Bora o Palawan, Baguio, Tagaytay, etc. Hindi kasama ang Ilocos sa mga primary attraction. O walang mga naglalakihang mga businesses or commercial doon. Gets po?

Ayun lang :D

By the way, ano po masasabi ng mga bbm supporters na inamin pala ng mga Marcos na totoo yung P23 Billion na estate tax na rulling ng SC? Link
Tapos pinapasingil din ni PRRD sa BIR yung P23 Billion na yan na hindi parin nila binabayaran hanggang ngayon? 20+ years ng hindi binabayaran. Ano po masasabi ng mga bbm supporters jan?

Post automatically merged:

Bakit hindi ko gusto si:

Isko - medyo mahangin; mahilig magbenta ng properties (kahit balikan nyo ung mga interview nya)
Leni - main agenda is para hnd makabalik ang Marcos
Pacquiao - kulang sa knowledge and experience

Dati akong BBM, nadisappoint lng ako sa mga hnd nya pag attend ng debates and interviews, sabi nya 30 years na nyang sinasagot ung mga issue, eh d dapat advantage nya un kc memorize na nya isasagot

Disclaimer: ito'y aking sariling opinyon at obserbasyon lamang at walang kinalaman ang social media (TikTok, YouTube, Facebook etc).

Tanong ko lang po sir. Masasabi po bang "mahangin" yung kandidatong sinasabi niya yung mga "nagawa niya sa nasasakupan niya"? Hindi po ba pinapakita lang non na "may proof siyang kaya niya gawin" yung sinasabi o ipinapangako niya. Tama po ba? Ibig mo po ba sir sabihin ay mas gusto mo po yung kandidato na puro pangako ang ginagawa ngayon without proof na kaya niyang gawin iyon? Tama po ba ang intindi ko?

Nagtatanong lang po haha :p
 
Last edited:
1 stated program ni BBM kahit nung dati 2016 elections, yung irrigation system for the farmers. it's a much long term solution kesa yung pa-utang na nagiging band-aid solution lang naman at may possibility na magka-issue pagkatagalan due to too many parties involved.

Ang UNITY naman is a vision - wherein nagkakaisa yung hangarin ng lahat. Yung kapakanan ng Pilipinas ang gawing center ng mga "Why" ng mga Pinoy. Wag naman natin gawing literal palagi mga nababasa natin.

I would want all us to make deep research sa mga unbiased sources, take what we read with a grain of salt. Make your own judgments - di yung kung ano ang nababasa natin sa Facebook at napapanood sa Tiktok, paniniwalaan agad at i-share.
 
Maganda po yung paliwanag mo na yan. Thank you.

Tanong ko lang po. Ano po masasabi niyo bilang bbm supporter na inamin pala ng mga Marcos na totoo yung P23 Billion na estate tax na rulling ng SC? Link
Tapos pinapasingil din ni PRRD sa BIR yung P23 Billion na yan na hindi parin nila binabayaran hanggang ngayon? 20+ years ng hindi binabayaran. Ano po masasabi ng mga bbm supporters jan?

Nagtatanong lang po :)
 
Hi po, yes no need to add na nagtatanong ka lang kasi we're having a healthy discussion here. No one's getting triggered not unless someone wants anyone to be.

Ganito outlook ko dyan: If there are taxes not being paid and was proven, then someone should go and file it to the court. I'm actually waiting for an update with that, pero ang nangyayari naman is puro lang news reports/articles, FB/Tiktok posts, etc. Why is no one filing it to the court, and if someone have already done it ba't walang follow-up or yun ang gawing boost to make it known na there is an actual case or an investigation para maging mas malinaw?

I am viewing this as someone looking from the top view of things.
 
I see.. Salamat sa opinion mo. Hindi ko din alam kung paano ang tamang process para jan, pero yung BIR nagpadala uli ng letter last December 2021 para singilin muli yung estate tax na hindi nila binabayaran.

Inamin ng mga Marcos na totoo ang rulling ng SC regarding estate tax na 23b pesos. Final and executory. Lagi sila sinisingil. Sabi nila walang corruption. Pero bakit hindi nila bayaran yung tax na yon? Tumagal na for 20+ years. Hindi ba somehow form of corruption din matatawag ito? Isa pa, hindi ba pwede yung palabra de honor? Sila na ang magbayad ng kusa tutal totoo naman yung paniningil na ginagawa at rulling ng SC?

Anyway.. meron palang batas daw na kapag 5 years ng hindi nasingil ng BIR yung tax, after niyan ay mababalewala na yung utang na yon, as in mawawalang parang bula na. Malinis na, kasi hindi na daw interested ang government doon. Correct me kung mali pagkaintindi ko pero parang ganyan yung nasa news. Inamin din naman ng mga Marcos na totoo yung sa 23b pesos estate tax

Ang tanong ko: Ano sa palagay niyo mga bbm supporters ang mangyayari sa 23b pesos estate tax na hindi nila binabayaran kapag siya ang nanalong President?

Sinabi niya rin na isa sa mga gagawin niya kung siya ang manalo na mag a appoint siya ng mga tao sa bawat agency na kailangan. Hindi malayo na tao niya ang ipupwesto niya as head sa BIR.

Okay lang ba sa inyo hindi na nila bayaran yung 23b pesos at mawala nalang ito na parang bula?
 
2. BBM - Pros: experience, knowledgeable in foreign policy, friends to all, enemy to no one; Cons: Integrity issue; not attending debates and interview; mahilig mag alibi;

di po ata enemy to no one. may nabasa ako di siya makapunta ng US dahil baka arestuhin siya since may kaso sila doon dahil they failed to comply sa decisions of a Hawaii courtā€™s rulings on how the familyā€™s seized assets should have been disbursed to the victims of human rights violations. tingin ko nasa malaking disadvantage agad ang Pilipinas kung yung presidente natin mismo, di makatapak at in bad terms sa US. napakalaking chance na di na nila tayo backupan kapag nagkaipitan at lalo tayong ma-bully ng Tsina.

Dati akong BBM, nadisappoint lng ako sa mga hnd nya pag attend ng debates and interviews, sabi nya 30 years na nyang sinasagot ung mga issue, eh d dapat advantage nya un kc memorize na nya isasagot

angas nito. oo nga naman. he can use this para lampasuhin sa debate ang mag-aattempt ipukol sa kanya yung paulit-ulit na issue or magsagot ng maayos yung mga interview na eto na naman yung topic. 30 years of experience/training para ipagtanggol ang angkan nila para sa mga interview na ibabato na naman sa kanila yung issue, ngayong eleksyon, and yet...
 
di po ata enemy to no one. may nabasa ako di siya makapunta ng US dahil baka arestuhin siya since may kaso sila doon dahil they failed to comply sa decisions of a Hawaii courtā€™s rulings on how the familyā€™s seized assets should have been disbursed to the victims of human rights violations. tingin ko nasa malaking disadvantage agad ang Pilipinas kung yung presidente natin mismo, di makatapak at in bad terms sa US. napakalaking chance na di na nila tayo backupan kapag nagkaipitan at lalo tayong ma-bully ng Tsina.

angas nito. oo nga naman. he can use this para lampasuhin sa debate ang mag-aattempt ipukol sa kanya yung paulit-ulit na issue or magsagot ng maayos yung mga interview na eto na naman yung topic. 30 years of experience/training para ipagtanggol ang angkan nila para sa mga interview na ibabato na naman sa kanila yung issue, ngayong eleksyon, and yet...

Malayong malayo sya sa tatay nya na si FEM who defended himself alone in court from the past, si BBM naman sa debate palang di nya na kaya i-defend mga issue at accusation sa kanila
 
Tanong ko lang po sir. Masasabi po bang "mahangin" yung kandidatong sinasabi niya yung mga "nagawa niya sa nasasakupan niya"? Hindi po ba pinapakita lang non na "may proof siyang kaya niya gawin" yung sinasabi o ipinapangako niya. Tama po ba? Ibig mo po ba sir sabihin ay mas gusto mo po yung kandidato na puro pangako ang ginagawa ngayon without proof na kaya niyang gawin iyon? Tama po ba ang intindi ko?

Nagtatanong lang po haha :p
Ok lng yan, mas healthy discussion dito kesa sa Social Media ang daming trolls šŸ˜‚

Hindi naman infact Isko is my 3rd choice, nayayabangan lang talaga ako sa knya the way he speak, nung una bilib na bilib ako sa knya pero habang nagiging matunog pangalan nya parang yumayabang sya. Hindi kaya masyadong maaga para sa highest position, 1 term as mayor palang sya sa Manila bakit nya agad iiwan?

Tyaka ayaw ko din sa kandidato na maraming pangako at ginagamit ang mahihirap sa kampanya. Tagal ng ginagamit ang mahihirap hanggang ngayon wala parin nabago.
 
wag sana maoffend yung mga kakampink, pero bakit ba tinawag si leni na lugaw?

Not offended because it's not true. :)

Gaya nga ng may nagbanggit kanina na "Leni Lugaw", usually kasi nanggagaling sa spliced videos or yung mga videos na na-edit tungkol sa kanya yung nakikita.

Ito yung karamihang pinanggalingan ng "lugaw" or lutang moments daw:
1. "40 x 40 = 1,600". Kung pinanood yung buong video, ang talagang sinabi nya doon is 10 x 4 x 40 Leni Robredo on rice computation
2. Nakalimutan niya daw yung laws na pinasa nya - Sa video naman na ito, pinutol ulit at pinalabas na hindi na talaga nasagot ni VP Leni ang tanong, pero sa totoo lang ay nasagot naman nya ng buo Batas na ipinasa

Most recently the question na kung anong libro ang paborito nya, may mga hindi nakarinig ng maayos o marahil hindi pamilyar sa libro pero malinaw na sinagot niyang "To Kill A Mockingbird" by Harper Lee ang kanyang isinagot.

So usually ganyan ang mga dahilan kung bakit daw "lugaw".

But in her debates, interviews, she shows she can clearly express herself.

At kung sakali naman na may lutang moments siya or times na nagbu-buckle sa pananalita, what's wrong with that?

BBM also has videos na hindi siya nakasagot ng maayos at derecho sa mga tanong, pero hindi iyan ang dahilan kung bakit di ko siya iboboto. Same with Sen. Manny na alam nating hindi rin sobrang ayos sumagot sa mga tanong. Si Yorme naman 2-joints kanto speaking sometimes - but as I said, not the reason why I'm not voting for them.

I'll also cite an example in the Global setting - President Joe Biden of the USA stutters. Mula pa noong bata siya ay nagsu-suffer na siya diyan, doesn't make him a bad president though. :)

Peace!
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom