Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

sa mga BBM, bakit siya ang gusto niyo?

Status
Not open for further replies.

xnekuen

Professional
Advanced Member
Messages
153
Reaction score
73
Points
58
nasabi ko sa kabilang thread, si BBM lang ang wala akong rason para iboto.
alam ko marami na kayong BBM at di niyo naman kailangan yung isang boto ko.
pero usap2x lang tayo dito, paano mo ako kukumbinsihin na BBM ang dapat maging bagong presidente?
gusto ko rin kasi magkaroon ng magandang rason para iboto siya para pantay2x sila na meron.

bakit si BBM ang napipisil mo iboto sa darating na eleksyon?
sana po walang sasagot na konektado yung sagot sa tatay niya, na magaling tatay niya.
kasi tatay niya po yun, hindi siya. si BBM lang bida dito.

wag din po sana yung "kasi magaling siya", "kasi matalino siya", "kasi mabait siya".
maging mas malinaw. sana specific bakit mo nasabi yan. kasi pwede rin gamitin yang description na yan sa kahit sinong kandidato if ganyan lang ilalagay.

wag din po sana ikumpara sa nagawa ng mga Aquino vs nagawa ni Marcos Sr. anti-aquino rin po ako at irrelevant sila sa usapan dito.

at kung pwede, wag din po sana sumagot ng tungkol sa unity. magkaisa. pagkakaisa. pagkakaisahin. narinig at nabasa ko na po yan.

yung mga Leni, Isko, Ping, Pacman, next time na kayo. basahin muna natin bakit BBM.
kung may sinabi sila at gusto niyo debunk, pwede naman. with evidence sana. searchable sa google, hindi yung na-tsismis lang.

eg. may sumagot na project ni BBM yung Bangui Wind Farm sa ilocos, pwede natin sabihin na NorthWind Power Development Corporation (NPDC) ang may pakana nun hindi si BBM, at pwede nila i-search.

kung umusad man itong thread na ito, wala sanang mag-aaway. healthy discussion lang. salamat agad sa mga makikibahagi dito!

--------------------------

Moderator Note:
Thread already served its purpose. :lock:
 
Last edited by a moderator:
eg. may sumagot na project ni BBM yung Bangui Wind Farm sa ilocos, pwede natin sabihin na NorthWind Power Development Corporation (NPDC) ang may pakana nun hindi si BBM, at pwede nila i-search.
Eto lang talaga ang nakakatakot, the power of misinformation from Tiktok/FB university is powerful enough to flip someone's decision.
 
Kasalanan yan ng mga vlogger na nagpakalat ng mga fake news sa youtube at shini-share sa social media, karamihan pa naman sa kababayan natin yan ang ginagawang source of information
 
g na g na ang mga kakampink

Hindi naman ibig sabihin na kung may tanong ang mga tao against kay bbm para i clear yung mga issues na kinakaharap niya mismo at proven in supreme court ay kakampink na. Ganyan po ba kayo talaga na mga supporters ni bbm? Bakit hindi niyo nalang sagutin yung tanong po?

Ikaw, ayos lang ba sayo na hindi na bayaran ni bbm yung 23b pesos estate tax na inamin mismo nila na totoo pero AYAW bayaran for 25 years? Ayos lang ba sayo na kapag nanalong president si bbm ay mawala ng parang bula ang 23b pesos utang ng pamilya nila sa government? Pakisagot.
 
nako. easyhan niyo lang mamser.

ang gusto ko lang sana sa thread na ito ay malaman ang ibang dahilan kung bakit BBM at hindi yung negativity na nakadikit sa kanya.
kaso pinilit na naman sa mukha ko yung sagot na MAGKAISA na lang tayo. napasagot tuloy ako kung bakit di ko matatanggap yang sagot na yan.

nabanggit ko naman simula pa lang wag isama yung MAGKAISA, kasi given na yan. yan lagi naririnig at nababasa ko.
di ko sure kung di nabasa o mahirap lang sagutin ang tanong kapag di nabanggit yung MAGKAISA.

humihingi ako paumanhin at nalayo tayo main topic.
humihingi ako paumanhin sa mga umasang di mababanggit dito yung mga issue ni BBM.

pero di ko maintatanggi may mga sumagot naman ng malinaw, maayos.
kayo yung may mga alam talaga sa kandidato niyo at di lang nagpapadala sa hype.
pinag-isipan talaga ang mga sagot. alam niyo sa sarili niyo kung sino kayo.

seryoso, maraming salamat po sa inyo.

-------------------------------------

BALIK na lang tayo sa pinaka-topic, bukod sa dahil:

1. magaling ang tatay niya
2. palpak ang mga aquino
3. at sa pagsulong ng UNITY...

bakit si BBM ang gusto/napili niyo maging presidente?

kung ang sagot ay "may magandang at komprehensibong plataporma", magbigay ng ISANG specific/malinaw platform na tumatak sa inyo.

salamat po.
 
Last edited:
Isko is another option.
Kung tinitignan mo ang negative, mas kakaunti ang negative na maibabato kay Isko.
Kung positive hanap mo, mas marami rin si Isko.
Ngayon, bakit si BBM?
Si BBM kasi ang mataas ang chance makatalo kay leni at malaking sampal sa mga dilawan pag siya ang naging presidente.
 
Nakakatakot yung simpleng statement na ganito. Sadly marami rin akong kilalang ganito ang dahilan. Goodluck sating mga Pilipino.
Ano ba kinakatakot niyo kung manalo si BBM? Mas mahirap naman kung bumalik sa posisyon ang mga dilawan lalo maghihirap ang mga tao, pati mga grupo ng terorista suportado nila.
 
Ano ba kinakatakot niyo kung manalo si BBM? Mas mahirap naman kung bumalik sa posisyon ang mga dilawan lalo maghihirap ang mga tao, pati mga grupo ng terorista suportado nila.
Naintindihan mo po ba yung sinabi ko? Hindi po ako takot kung manalo si BBM. Ang nakakatakot eh yung statement mo: sobrang babaw ng rason na parang laro-laro lang ang eleksyon.

We will never prosper if we keep on electing unqualified government officials.
 
Respeto nalang kung ano ang gusto ng bawat isa kung sino iboboto
 
Hindi naman ibig sabihin na kung may tanong ang mga tao against kay bbm para i clear yung mga issues na kinakaharap niya mismo at proven in supreme court ay kakampink na. Ganyan po ba kayo talaga na mga supporters ni bbm? Bakit hindi niyo nalang sagutin yung tanong po?

Ikaw, ayos lang ba sayo na hindi na bayaran ni bbm yung 23b pesos estate tax na inamin mismo nila na totoo pero AYAW bayaran for 25 years? Ayos lang ba sayo na kapag nanalong president si bbm ay mawala ng parang bula ang 23b pesos utang ng pamilya nila sa government? Pakisagot.
- mga kakampink, labas kasi kayo sa echo chamber niyo 2 buwan na lang
- ang problema sa 200b narrative, naging senador at tumakbong vp na si babym bakit ngayon lang kayo nagkaganyan, masisilip moral ascendency niyo lalo na 2 aquino pa ang dumaan
- wag double standard, saan galing ang weak leader, cocaine di ba kay prrd? so gospel na sa inyo ngayon yung mga sinasabi ni prrd? so naniniwala kayo sa paratang niya kay de lima? sa general top 3-5 ni aquino na narco ibig sabihin na niniwala din kayo? wag double standard - again masisilip moral ascendency niyo
- ano sabi ni de lima noon? di niya kilala so ronnie dayan, then nung gipitan na ang sabi 'frailty of a woman', so nagsinungaling, ngayon ano sa mga sinasabi ni de lima ang totoo at di totoo?
- again, labas labas din ng echo chamber mga kakampink
 
Mismo
 
- mga kakampink, labas kasi kayo sa echo chamber niyo 2 buwan na lang
Hindi ako leni supporters lol. In fact, hindi po ako supporters nila

- ang problema sa 200b narrative, naging senador at tumakbong vp na si babym bakit ngayon lang kayo nagkaganyan, masisilip moral ascendency niyo lalo na 2 aquino pa ang dumaan
Hindi kasi nahalungkat yan noon. Ngayon nahalungkat. Totoong hindi pa final yung 203b, pero yung 23b inamin mismo nila Marcos na totoo po iyon. Meron ding decision ang SC na final and executory ang 23b na dapat nilang bayaran. In the first place bakit ayaw nila bayaran?

- wag double standard, saan galing ang weak leader, cocaine di ba kay prrd? so gospel na sa inyo ngayon yung mga sinasabi ni prrd? so naniniwala kayo sa paratang niya kay de lima? sa general top 3-5 ni aquino na narco ibig sabihin na niniwala din kayo? wag double standard - again masisilip moral ascendency niyo
Ang tanong po kasi sa inyo sir ay kung ayos lang ba sa inyo mga bbm supporters na hindi magbayad ng 23b si bbm at kung okay lang din ba sa inyo na mawala nalang na parang bula yung 23b ng hindi nila binabayaran kapag nanalo siya? Tapos iibahin mo po ang topic?

- ano sabi ni de lima noon? di niya kilala so ronnie dayan, then nung gipitan na ang sabi 'frailty of a woman', so nagsinungaling, ngayon ano sa mga sinasabi ni de lima ang totoo at di totoo?
- again, labas labas din ng echo chamber mga kakampink
Wala naman po ako pakialam kay de lima e. Ang tinatanong po ay yung mga bbm supporters about jan sa 23b pesos, hindi si de lima hehe. Madami din palang tanong si TS sa post niya na ito. Care to answer them? :)
 
Last edited:
- im talking about the kakampink in general
- napaka convenient sabihin di kasi nahalungkat noon kaya ngayon lang lumabas, gnun kadali nuh, sabi nga ni kiko 'sana all'
- ginawa kong sample si de lima kasi natakbo siya ngayon pero legit na may kaso at nakakulong criminal case, double standard eh
- naturingan na liberal at democratic pero parang di naniniwala sa branches of govt, kung ma convict ka sa sc pwede kang umapela sa ca, the same thing na ginagawa ng rappler ngayon, lumapit sa sc para umapela sa desisyon ng sc na legit foreign owned nga sila
 
Wala nga po akong pakialam sa kakampink at kay leni. Ang tanong ko po sana kasi sa inyo ay yung stand MO as bbm supporters. :)

Ayos lang ba sa inyo mga bbm supporters na hindi magbayad ng 23b sila bbm? At kung okay lang din ba sa inyo na mawala nalang na parang bula yung 23b ng hindi nila binabayaran kapag nanalo siya?
 
Eh bakit naman kasi pinagpipilitan nyong Aquino si Leni eh Robredo sya? Sabi nyo hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng ama, tapos para sainyo kasalanan ni VP Leni ang kasalanan ng mga Aquinos, LOL, eh hindi nga sila magkaanu-ano, porke lang ba dahil sa miyembro sya ng partido? ang babaw lang kasi talaga ng mga reasonings nyo.

Ang daming dahilan para iboto si VP Leni, maraming dahilan para hindi iboto si BBM.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom