Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Sakim

Si Gilberto, isang binatilyo.
Mataas kanyang pinapangarap.
Kanyang tuluy-tuloy na pagsamo,
Ang makawala sa paghihirap.


Upang buhay matikman ay tamis,
Kanyang isip hanap ay salapi.
Makamtan lang kanyang ninanais,
Hanapbuhay siya ay nagmadali.


Galing probinsya tungo ay syudad.
Trabahong nahanap ay puyatan.
Ngunit para sa kanyang edad,
Trabahong 'to'y may kabigatan.


Kanyang ininda pagod at puyat,
Kapalit lang ay mababang sahod.
Isip n'ya'y kinikita'y 'di sapat.
Nais na n'ya sa pera malunod.


Sa trabaho s'ya ay nagbibida,
Hangad ang sahod ay bigyang taas.
Hinging pagtaas ay natupad na,
Ngunit ilang taon na ang lipas.


Si Gilberto ay nag-asawa na.
Iniisip 'di na lang sarili.
Balak magtayo na ng pamilya,
Kaya't sa pera 'di mapakali.


Kayod ng kayod dito at doon.
Hanap buhay na kasiya-siya.
Ang salapi kanyang tinutunton,
Ngunit kita lang ay kasyang-kasya.


"'berto, hanap mo ba masmalaki?"
Sabi ng kasamahang si Gaspar.
Si Gilberto nagbakasakali,
Na malaki na ang maipundar.


Sige araw-araw, gabi-gabi.
Oras mahaba, laki ng sahod.
Mayroon na s'yang naitatabi,
Trabaho naman s'ya ay nalunod.


Hindi alintana kanyang pagod.
Sa isip lang ay maraming pera.
Sige lang ng sige sa pagkayod.
Laking sahod tingin n'ya ay barya.


"Sa pagod ba'y hindi ka kuntento?"
Alala ng asawang si Maira.
"Sa buhay ba ano iyong gusto?
Buhay naman nati'y pinagpala."


"Sa pagkain naman tayo'y busog.
Sa pagod hindi ka nagsasawa?
Hirap mo'y ako ang napapagod."
Pagpatuloy ng kanyang asawa.


"Ayaw mo ba magbuhay-marangya?
Pagyaman nagsisimula dito.
Tayo rin ay magiging masaya."
Sagot naman nitong si Gilberto.


Tumahimik na lamang si Maira.
At sa kwarto s'ya ay nanalangin.
"D'yos ko ako ay nag-aalala.
Paghingi ng tulong Iyong dinggin."


Pag-aalala ay nadagdagan,
Nang si 'berto minsa'y 'di umuwi.
'di sumasagot kahit tawagan.
Sa paglabas s'ya ay dali-dali.


Isip kung saan magsisimula.
Nagmadali lumabas ng pinto.
At sa pinto s'ya ay natulala.
Pumasok ang asawang si 'berto.


Higpit ng yakap ang pagsalubong.
Katanungan naman ang pagbati.
Pangungulila n'ya ay sumumpong.
Pag-alala pa rin ay kasali.


Si Gilberto daw ay may nahanap,
Na iba pang pagkakakitaan.
Sabi'y hindi naman daw mahirap.
At muli nanamang nagpaalam.


Lumipas nanaman ilang taon.
Sila ay tipid pa rin sa gastos.
Si Maira'y hanap pa rin ay tugon.
Kanyang pag-alala'y walang paltos.


Ilang taon na na walang anak.
Palaging nagtatanong si Maira.
"Gilberto, ikaw ba'y walang balak?
'di pa rin tayo isang pamilya."


"Masmalaki ating gagastusin,
Kung tayo'y agad magkakaanak.
Ito'y maging dagdag suliranin."
Sagot ni 'bertong puso'y winasak.


"Puro ka trabaho puro pera.
Para saan pa iyong inipon?
Minsan nama'y ika'y magpahinga."
Maira'y sabi sapat na ang ipon.


"Siguro nga'y tama iyong sabi.
Ito'y akin nang paghahandaan.
Para naman ipon ko'y may silbi."
Sila ito'y napagkasunduan.


Sila'y nagsimula na mamili,
Gamit para sa magiging anak.
Ito'y sa kanila suring-suri.
Para sa anak ayaw ng palpak.


Patuloy pa rin naman si 'berto.
Ang pagod ay binabaliwala.
Dalawang trabaho at negosyo.
Yaman pa rin ang inaalala.


Mag-anak ni Maira ay tumawag.
Sa kanya tulong ang hinihingi.
"Gilberto, ikaw nama'y mahabag."
Ngunit si 'berto'y parang nabingi.


Ito'y napag-alaman ni Maira,
Pagsamo ng kanyang kamag-anak,
At grabeng lungkot kanyang nadama.
Ang kasama n'ya lang ay ang alak.


Kanyang hinarap ang asawang mahal.
"Bakit tulong iyong pinagdamot?
Biniyayaan ka ng Maykapal.
Kailangan lang nila ay gamot."


"'di ba't magkaanak ang gusto mo?
Tayo'y pera din ang kailangan.
Ayokong hirap ating matamo."
Sambit ni 'bertong nabibigatan.


"Ikaw nga muna ay magpahinga.
Bukas natin ito pag-usapan.
Sa ngayon ikaw muna'y humiga,
Upang ikaw ay mahimasmasan."


Sa pagkakahiga ng asawa,
Si Gilberto naman ang uminom.
Sa paggising ang unang ginawa,
Tanungin ang asawa kung gutom.


"Malapit sa'kin pamangkin kong 'yon.
Malubha ang kanyang karamdaman.
Sige na't gawan mo ng solusyon."
Si Maira hingi ay kaawaan.


Dukot n'ya ang kanyang telepono.
Tawag kamag-anak ng asawa.
Pasasalamat ay punung-puno.
Dating kay 'berto galing kay Maira.


Putahe nagluto si 'berto.
Iniisip lang asawa'y gutom.
"Gaano karami nainom mo?
Kumain ka ba bago uminom?"


Nang makarinig katok sa pinto,
Iniwang sandali ang asawa.
Pagbukas ay si Gaspar at Mario.
Inayang kumain ang dalawa.


"Maira, tanda mo pa ba si Gaspar?
Si Mario naman kasama namin.
Trabaho nami'y iisang lugar."
At silang apat na ay kumain.


"P're, tayo'y may aasikasuhin.
Punta tayo sa lugar ni Mario.
Negosyo natin ay dudumugin."
Pag-aya ni Gaspar kay Gilberto.


"Kailan naman tayo lalakad?"
Katanungan naman ni Gilberto.
"Sa pagod ba ika'y magbababad?"
Singit naman ni Maira kay 'berto.


"Mamaya pagtapos ng trabaho.
Diretso na tayo sa Kamalig."
Sinagot na lang nitong si Mario.
Tanong ni Maira parang 'di rinig.


Sabik si 'berto asawa'y hindi.
Paalam pagtapos kumain.
Pag-alala nanama'y matindi.
Paano ba ito papawiin?


Abot lang ni Gilberto ang pera.
Para sa pamangkin ng asawa.
Pag-alis parang sugod sa gera.
Si Maira nama'y walang magawa.


Ilang araw din nang makabalik.
Tuwang-tuwa si Maira ay hanap.
Walang tao bahay ay tahimik.
'di na nagpanggap pagod sa hirap.


Naalala niya ang pamangkin.
Tawag agad s'ya sa kamag-anak.
Ipong pera pa ba ay aanhin?
Kanyang luha na lang ay bumagsak.


Asawa'y nagkasakit sa puso.
Sobrang pag-alala ang dahilan.
Nang marinig ang balitang ito,
Pagod kanya nang nararamdaman.


Hiling ni Maira na ang pamangkin,
At si Mairang may sakit sa puso.
S'ya'y ninanais sila'y gamutin.
Hanap hahawak ng kanyang braso.


Ano ba kanyang pinaggagawa?
Wala kundi mag-ipon ng sahod.
Sa kanya binagsak walang awa,
Kanyang tinitiis na pagod.


Tumawag sa kanya ang trabaho.
Pagkasisante luha sa kanyang mata.
Bigla ring lugi kanyang negosyo.
Sa kasamaha'y walang balita.


Kanyang ipon sa pagamot ubos.
Pagtitiis n'ya'y nabaliwala.
Buhay biglaang dating ang unos.
'di alam saan magtitiwala.


Pagsisimba kailan ang huli?
Ngayon s'ya'y muling nasa simbahan.
Sa buhay paano ba magwagi?
Sermon nitong pastor ay paraan.


"There are problems in life that keeps coming.
How to be victorious is what you ask?
There is GOD who keeps giving us blessing.
Blessings are like liquid, our life a flask."


"How much it can contain it can't hold more.
To avoid breaking then share the blessing.
See that greed is what GOD will not ignore.
Block the flow then you end up with nothing."
 
Back
Top Bottom