Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Selos :upset:

saiii123

Novice
Advanced Member
Messages
34
Reaction score
0
Points
26
Normal lang ba mag selos? Nag seselos kasi ako sa Ka schoolmate ng Girlfriend ko. Nag seselos ako sa mga pictures nila pag may event. Pinapalayo ko siya dun sa lalaki tapos nagagalit siya na kesyo hindi daw niya naman nilalapitan eh bakit pa siya lalayo. Ilang linggo na din siguro namen tong pinag aawayan. Tapos ngayon eh nakipag break siya dahil sawa na daw siyang makipag talo sakin. Paano ba gagawin ko? Paano ba mawala tong selos na to. Kahit na may mag pm lang sakanya sa fb eh nag seselos na kagad ako. Nakakasakal na din bako?
 
Ayos lang naman magselos. Normal yun kase takot kang mawala ung mahal mo.
Pero kung ung picture eh magka akbay sila or masyadong dikit talgang magseselos ako nun.
Pero kung kasama sila ng friend nya tapos timing lang na kasama lage sila sa pic, dun ka huwag ma praning.

Anu ba pini PM TS? hehehe
nakakasakal nga yan TS. Usap kayo ng matino.
 
pagpinagpatuloy mo yan break up talaga aabutin mo :lol:
 
Nako pre delikado yan, kadalasan ending nyan hiwalayan. Itali mo nang maigi ung GF mo, tutal naman pagmamay-ari mo na siya. Wala na dapat siyang choice sa buhay niya kundi sumunod sa sinasabi mo. Tandaan mo mas mahalaga ang nararamdaman mo kaysa sa nararamdaman niya, paramdam mo sa kanya un.
/s


btw. GO LAKERS!
 
Normal lang ba mag selos? Nag seselos kasi ako sa Ka schoolmate ng Girlfriend ko. Nag seselos ako sa mga pictures nila pag may event. Pinapalayo ko siya dun sa lalaki tapos nagagalit siya na kesyo hindi daw niya naman nilalapitan eh bakit pa siya lalayo. Ilang linggo na din siguro namen tong pinag aawayan. Tapos ngayon eh nakipag break siya dahil sawa na daw siyang makipag talo sakin. Paano ba gagawin ko? Paano ba mawala tong selos na to. Kahit na may mag pm lang sakanya sa fb eh nag seselos na kagad ako. Nakakasakal na din bako?

oo. normal lang naman ang magselos... normal yan kung may konkretong basehan o kung may dapat talagang pagselosan.

mawawala lang yang selos mo kung tataasan mo ang tiwala mo sa GF mo pati na rin ang self-esteem mo.

sa tanong mo naman kung nakakasakal ka na, i assume hindi mo pa natatanong yan sa GF mo since obviously eh wala kang idea. mas maganda kung sa kanya mo itanong yan para marinig mo mismo ang side niya.
 
Normal lang ba mag selos? Nag seselos kasi ako sa Ka schoolmate ng Girlfriend ko. Nag seselos ako sa mga pictures nila pag may event. Pinapalayo ko siya dun sa lalaki tapos nagagalit siya na kesyo hindi daw niya naman nilalapitan eh bakit pa siya lalayo. Ilang linggo na din siguro namen tong pinag aawayan. Tapos ngayon eh nakipag break siya dahil sawa na daw siyang makipag talo sakin. Paano ba gagawin ko? Paano ba mawala tong selos na to. Kahit na may mag pm lang sakanya sa fb eh nag seselos na kagad ako. Nakakasakal na din bako?

Normal yan pinoprotekahan mo lang naman ang relasyon niyo. Pero kung walang kapapararakang pagseselos dahil insecure ka hinde normal yan kita mo iniwan ka tuloy.

Sagot sa tanong mo? Oo nakakasakal ka.

Ang dapat mong gawin? Pagkatiwalaan mo gf mo unless malandi yan I'm thinkin naman na hinde so sana kung maseselos ka nasa lugar kumbaga may basehan, di mo pwede pigilan na magkaroon yan ng lalaking kaibigan yan, pagpatuloy mo yang ganyang ugali di ka na nyan babalikan.
 
Normal lang ba mag selos? Nag seselos kasi ako sa Ka schoolmate ng Girlfriend ko. Nag seselos ako sa mga pictures nila pag may event. Pinapalayo ko siya dun sa lalaki tapos nagagalit siya na kesyo hindi daw niya naman nilalapitan eh bakit pa siya lalayo. Ilang linggo na din siguro namen tong pinag aawayan. Tapos ngayon eh nakipag break siya dahil sawa na daw siyang makipag talo sakin. Paano ba gagawin ko? Paano ba mawala tong selos na to. Kahit na may mag pm lang sakanya sa fb eh nag seselos na kagad ako. Nakakasakal na din bako?

hindi masama mag silos
( ~_~) ilalagay mu lang sa lugar.
 
Normal magselos
Nakakamatay ang sobrang selos
 
Parang ngayon ang lamig niya na sakin. Kumbaga hindi na siya yong dati. Unting kulet ko lang eh nagagalit na siya saka laging naiirita sakin. Tapos pag nag aaway na kame lagi siyang nakikipag break. Paano ba gagawin ko. Sinabi niya na din sakin na sasakal na din siya. Pero dati naman okay lang naman samin dati. Dati siya pa nga yong ganon ngayon ewan ko kung bakit na siya nag kakaganon.
 
Normal ang magselos mapa-sa-tao, pet, hobby o kahit ano'ng bagay. Some would say that a little jealousy is even healthy in a relationship.
Ang hindi normal ay kapag sobra at walang basis.
At minsan, hindi kung may "basehan" ang tanong, kundi kung may "pinanggagalingan" - ang basis eh nagiging "trigger" lang

- Gan'on ba talaga ang gf mo, when it comes to both male and female friends?
- Ganyan ka na ba dati pa, bago pa naging kayo ng gf mo? O lately lang?

- May history ba siya ng infidelity or pakikipagmabutihan sa iba kahit/habang nasa isang relasyon pa? How about sa family niya?
- May history ka rin ba na iniwan ka, ipinagpalit ka sa iba, o napendeho ka in the past? How about sa family mo?

- Maliban sa pagbabantay/paniniktik mo sa gf mo, ano pa ang ginagawa mo sa buhay mo? Nag-aaral ka (pa) ba? Working? Doing voluntary work? In a hobby or something?

Like what I said, minsan hindi kung may "basehan" ang selos ang issue. Minsan ay kung may "pinanggagalingan" ang matinding selos ang problema. Kahit aumang bagay, kapag sobra ay nakakasama.

Kung hindi mo (na) mapagkakatiwalaan ang gf mo, whether may kasalanan siya o ikaw ang may problema, huwag mo nang pilitin. Dadami lang ang sakit ng ulo at sama ng loob mo nang hindi mo rin naman ikaliligaya o ikabubuti. And contrary to common belief, hindi mo pag-aari ang gf mo. Ang ipilit mo sa kanya ang gusto mo'ng mangyari ay kawalang-respeto sa kanya. Kung ipipilit naman ng gf mo sa iyo ang mga bagay na gusto niya at wala ka namang ginagawa para maging deserving nito, (hindi gaya ng break up na understandable lang naman sa sitwasyon dahil sa nakakasakal mo'ng pagseselos), eh kawalang-respeto naman sa iyo.

 
Wawa naman TS, may nahanap na iba si GF, sorry ka na lang.
 
juice colored!

ok lang naman magselos e
pero dapat nasa lugar at nasa oras
wag kang magpakain sa selos kasi ikakasira talaga yan.

kausapin mo ng masinsin kuya kung hindi kaya sapakin mo one time lang heheh
kidding aside.. mas maganda kung sasabihin mo yung nararamdaman mo sa kanya
ung naffeel mo pag nakikita mong my ksama sa pic or may kausap sa chat
OA din naman kasi ng pagiging seloso mo kuya
hindi normal.. dapat tamang timpla lang
i know naman alam niya ung limitations niya.

ayan nakipagbreak ikaw kasi eh
shado kang naging selosa e
tapos pintagal nio pa ng isang linggo?
nu ber?!!! ahaha

ayun.. sana nakatulong..antok na ko
 
nakakarelate ako sayo TS.. pero iba ung sakin.. nagseselos agad ako. kahit crush ko palang siya.. Yung tipong may ni like lang sya na picture ng ibang lalaki sa fb eh nagseselos agad ako . o kaya pag may kasama sya sa pic sa fb ay nakakapagselos. hirap nyan TS
 
Back
Top Bottom