Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Simula at katapusan

Mula sa pag sulpot ng araw
Hanggang sa pag silip ng buwan
Ikaw ang aking nasa isipan
Mula sa pag busina ng mga sasakyan sa umaga
Hanggang sa pag tahimik ng kalsada
Ikaw ang hinahanap sinta
Mula sa pag bebenta ng taho
Hanggang sa pag bebenta ng balot sa kanto
Ikaw ang laman ng puso
Mula sa pag kain ng agahan
Hanggang sa hapunan
Tumatakbo ka padin sa aking isipan
Mula sa pag tilaok ng ng manok
Hanggang sa mga maingay na kuliglig na parang nag aamok
Ikaw padin sa puso ko ang tinitibok
Mula sa pag gising sa akin ni inay
Hanggang sa pag pilit na pag patulog sa akin ni itay
Ikaw pa din ang akin inaantay
Mula sa aking pag bangon
Hanggang sa pag higa
Ikaw pa din at ang matamis mong muka ang aking nasa ala-ala
Mula sa aking pag punta sa skwela
Hanggang sa aking pag lalakad dahil pa-uwi na
Ikaw padin ang iniisip tuwina
Mula sa aking pag dilat ng mata
Hanggang sa pag sasara
Ikaw pa din ang aking inaalala
Mula sa ating unang pag kikita
Hanggang sa huli
Ikaw at ikaw pa din ang dahilan ng ngiti
Mula sa aking paghinga ngayon
Hanggan sa huling pag kakataon
Ala-ala mo pa din ang aking baon.
Kung ako man ay sumakabilang-buhay dahil sa iyong pag alis at pag ka wala
Ayos lang 'yon dahil sa aking huling pag kakataon kasama kita
Na kasama kita sa aking isipan
Na ikaw ang nag bigay sa akin ng dahilan para bumangon sa higaan
At ikaw din ang dahilan para saking habang buhay na pag kakahiga at pag lisan
 
Wow ang galing......nice...pare...ang ganda ng mga banat..:praise:
 
Back
Top Bottom